True Confessions (May AIDS Ako)

Having work with prostituted women before as a social worker/researcher, I have been professionally trained no to disclose any information regarding people who are subject of our assistance and interventions in the agency. It is a private agency alright, but it’s very particular about the privacy of the clients. I don’t know if it would be okay for me to do it. But I am not disclosing anybody among my clients, I will just write a story based on the common experiences of our clients. I repeat, this is a fiction based on true stories of women who earned for a living as commercial sex worker.

May Aids Ako Ate

May aids ako ate, Ito ang ipinagtapat sa akin ni Angel (not a real person) pagkatapos niyang ma-ospital at pinagsabihang huwag nang makipagtalik pa kanino man at magpagamot. Ito ang kanyang worry kung papaano niya matutustusan ang mahabang gamotan na wala namang kasiguradohan kung gagaling pa siya o hindi. “Madugtungan man lang ang aking buhay ng ilang taon, masaya na ako.” Kusa siyang nagpunta sa agency at ipinagtapat ang kanyang kapalaran para matulungan. Natulungan na namin siya noon, hindi na gumagala pa sa lansangan kaya nakakabigla naman itong ibinalita niya sa akin. Ngunit wala kaming kakayahan para siya arugain sa agency maliban ang bigyan siya ng emotional support sa kanyang kalagayan ngayon. Ang tanging magagawa ng agency ay bigyan siya ng referral para sa isang institusyon na may kapabilidad na magbigay ng ganitong serbisiyo medikal.

Tinanong ko siya. “Ano ba ang nangyari sa iyo Angel? Di ba nabigyan ka na namin ng livelihood assistance noong araw? Bakit mo pa muling binalikan ang trabahong isinusumpa mo na noong araw?”

Hindi siya kaagad makapagsalita. Being her caseworker, talagang malulungkot ka kung ang  taong sa palagay mo na ay socially and economically rehabilitated ay muling bumabalik sa dati niyang gawain. Pero naging maunawain ako sa kanya. Ipinarating ko sa kanya sa pamamagitan ng aking pananalita at body language na handa akong makining at unuawain siya sa kanyang problemang hinaharap sa ngayon.

“Marami po ang nangyari ate, nawala ako sa kontrol ng aking sarili. Isang istambay po ang nanligaw sa akin, at dahil nagtiwala ako kaagad sa kanya dala na siguro ng pagmamahal ay nagsama kami bilang mag-asaw kahit hindi ikinasal. Mali ang aking akala, hindi po siya nagbago at inubos po niya ang aking munting puhunang pangkabuhayan para sa kanyang bisyo.” Nakailang hingang malalim din siya pagkatapos magsalita.

Muli ko siyang tinignan sa mga mata para suriin kung nagsasabi siya ng totoo. Wala akong nabanaagan na kahit kaunting bahid ng pagaalinlangan. Nagsasabi siya ng totoo. Kaya ang susunod kung aalamin kung may kinalaman ang lalaki sa muling pagtahak niya sa gawaing “pagpopokpok.” Positive ang kanyang kasagutan.

“Masyado na po siyang nagumon sa droga, at nang wala na siyang makuhang pera mula sa akin, ay ibinugaw niya naman ako sa mga dayuhan. Hindi po ako makapalag dahil pinagbantaan niya akong papatayin. Marami siyang mga koneksiyon, nagbebenta nga din po siya ng droga maliban sa pagbubugaw niya sa akin. Kaya naman sa kinalaunan, nakasanayan ko na rin ang makipagtalik sa ibat-ibang lalaki sa loob ng isang linggo. Kalahati ng  aking kinikita ay napupunta lang sa kanya.”

Bahagya siyang huminto sa pagsasalita. Pinaglaruan niya ang kanyang dalang panyo, nilalapirot ito na tila pinagbalingan ng kanyang poot at pagsisisi sa kanyang pagkakamali at pati na rin sa pang-aapi ng iba. Bahagya ko lang sasabihin ang isang masaklap na pangyayari upang masadlak siya sa pagpuputa na nagsimula noong menor de edad pa siya. Hinalay siya ng kinakasama ng kanyang ina noong 13 years old pa lamang. Kung ilang ulit na pinagpasasahan nito ang mura niyang katawan. Mabuti na lang at hindi siya nabuntis. Naglayas siya sa edad na katorese at nagtrabaho bilang isang hostess sa isang siyudad. Lampas na siya sa edad na beinte nang una namin siyang nakilala. Ngayon ay dalawang taon na lang para umabot siya sa edad na trenta, 30. Nakakalungkot at sa ganitong uri ng buhay siya nasadlak at mamamatay kung saka-sakali.

“May nakilala siyang mga dayuhan at ibinugaw na naman  niya ako. Ngunit sa halip na gamitin, dinala naman ako ng mga ito sa isang bansa upang magtrabaho sa isa sa mga clubs na pag-aari nila. Kahit papaano ay may itsura naman ako, maputi, ay may makinis na balat. Katangiang hinahanap nila para sa kanilang mga dayuhan ding kustomers. Kaya unang araw ko pa lang ay dinala na ako sa isang kustomer nilang dayuhan para makipagtalik.”

Dahil huminto siya ng bahagya sa pagkukuwento ay kinuha ko naman ang pagkakataon upang magtanong. “Ilang buwan o taon kang namalagi doon,” ang tanong ko sa kanya.

“Mga anim na buwan na  halos araw-araw ay may nakikipagtalik sa akin na dayuhan. Minsan ay isang Asyano, minsan naman ay Arabo, at maging mga itim na taga Africa ay nakaranas sila sa akin.”

Sa pagliliwanag ng kayang ikinukuwento ay muli ko siyang tinanong kung saan napupunta ang kanyang mga kinikita at kung ano ang mga nararamdaman niya sa araw-araw niyang pakikipagtalik sa ibat-ibang mga kalalakihan. Dito na siya naiyak sa galit. Ito din ang gusto kong mangyari para mailabas niya ang lahat ng kanyang sama ng loob.

“Sa buwisit na lalaking iyan, sa kanyang mga bisyo. Kasunduan namin ay ibibigay niya ang kalahati ng perang aking ipinapadala sa aking ina na noon ay nabubuhay na lamang bilang isang labandera at para matulungan ko din ang isa kong kapatid na nag-aaral. Iyon pala ni kusing ay wala silang natanggap. At namatay naman ang aking ina sa sakit na TB dahil na rin sa wala na siyang makain pa at pambili ng gamot. Namasukan naman bilang isang gasoline boy ang aking kapatid pero kulang pa para sa pagkain nila ang kanyang kinikita. Pagkakataon na sanang makatulong ay napunta pa sa wala.”

Pagkasabi nito ay bigla na lang siyang naiyak ng todo. Napatayo tuloy ako sa aking upuan para kalamayin siya. Hinagplos-haplos ko siya sa likuran at parang bata siyang umiyak sa aking dibdib. Inabutan ko siya ng tubig para painumin nang makahinga siya ng maluwag.

(Itutuloy) Abangan kung papaano nahawa ng HIV virus si Angel.)

Tags: , , , , , , , , , , , , , , ,

8 Responses to “True Confessions (May AIDS Ako)”

  1. Cocoy's Delight Says:

    Talagang magkalat ng AIDS iyang mga pok pok na pinipik-up sa lansangan.Una wala silang maipakitang health certificate.Pangalawa mga cheap ang mga dumadale sa kanila.Hindi sila nga papacheck-up saka lang pagpakunsulta kapag malala na.Kaya ako kinikilatis ko muna ang babae at hindi basta sulong ng sulong sa pagbaon ng bareta.

  2. Kimuchi Says:

    Mahirap ang magkasakit ng AIDS.Magtiyaga na lang ako sa daliri kesa madali pa ako ng addict na nagkakalat ng sakit na iyan kahit kasing guapo pa ni cocoy.Di bale ng pangit basta healthy at walang sakit.HIHIHIHIHIHIH.

  3. JoeSeg Says:

    Patindi nang patindi ang mga kwentong ating natutunghayan sa ngayon. Kung nauna nang naglalahad ng mga love stories and sexcapades si Pareng Cocoy at Kapitan K, nakakawindang naman ng puso’t damdamin ang hatid nitong mga huling kwento ng Anak ng Hostess at itong May AIDS Ako. Natabunan na ang kwento ni Urbanito Capalaran bagaman at tanggap na nyang nasa kanyang palad ang magpapaligaya sa kanya, kahit sumandali.

    Seriously, we read somewhere that there’s the so called the ABC of AIDS prevention and that is: Abstinence, Being faithful and Condom use

  4. JoeSeg Says:

    In letter C on the ABC on AIDS prevention, aside from condom, we can also consider CHARACTER EDUCATION.

    There must be considerable emphasis on character education to develop personal self-respect, respect for the dignity of others, ethical standards for individual behaviors, moral code for social conduct based upon the common (family, tribal, clan, neighbor or community) good.

  5. Mer Pints Says:

    Tito Joe,
    Natumbok po ninyo. Character education pa rin ang pinakamahalagang bagay para malayo sa tukso at ng hindi mahawaan ng sakit na aids.

  6. Mer Pints Says:

    Ang guwapo talaga ng tito Cocoy ko. Puwedi siyang maging artista, katambal niya si Paris Hilton sa isang pelikula.

  7. Colegiala girl Says:

    Muling umibig si Banong, sa pangalawang pagkakataon ay langit ang kanyang inabot ngunit nasa putikan pa rin ang kanyang mga paa. Dito na ba mapuputol ang kanyang pagkalalaki?

  8. KapitanKidlat Says:

    Kayong dalawa tumigil na sa kurutan na naman ninyo. Huwag na huwag kayong maghuhubad sa dahil bawal iyan, act bastos iyan according to the law. Binabalaan ko kayo, pahuhuli ko kayo sa mga tanod at pakukulong ko kayo kapag ginawa ninyo iyan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: