True Confession-3 (Ate May AIDS Ako- huling yugto)

Working with people with AIDS led me to understand that there are two problems that the society has to address with this phenomenon; how to stop the spread of the disease and its cure, and how people should deal with victims of AIDS with an open mind, trust, and compassion. I cried when Angel died, something that I shouldn’t with the principles I have to observe in my profession. But having placed myself on the shoes of Angel, I similarly felt the pains and sorrows of the ordeals she went through in life. We are lucky we are no Angel, it is but fitting for us to understand them, bring them in some compassion, and share with them our blessings?  

Nakarating nga sa mall na iyon si Angel.Palingon-lingon siya baka nasundan siya ng mga sindikato na kasamahan ni Mr. George. Mabuti na lang at nagbukas na ito nang makarating siya. Nakihalo siya sa mga tao para makahingi kaagad ng saklolo kung saka-sakaling may magtangka sa kanya. Nasa palibot lang ang kanyang mga mata, nagmamatyag, at handa sa ano mang panganib na darating.

Nagpalibot-libot siya sa loob ng mall at naghahanap ng kapwa Pilipino na mahihingan ng tulong. Maya-maya ay may nakita siyang Pilipina. Hindi iyong nauna niyang nakilala. Nilapitan ito at nagpakilala sa kanya. Sa una ay alanganin pa sa kanya ang kapwa Pilipino. Ngunit nang ipakita nito ang kanyang passport ay nagbago ito. Kilala din niya iyong babaeng nakilala niya noong una. Isa na siyang permanenteng residente ng bansa kagaya nito. Mga dating katulong sila na nakapag-asawa at nagsilang ng mga anak sa bansang iyon. Kilala nila iyong presidente ng Filipino Association sa naturang bansa. Pero sa kalagayan ni Angel na nanganganib ang buhay at kalayaan ay hindi na nila itong hinintay pa. Tinawagan na lang nila ang Pangulo ng samahang Pilipino at hindi naman ito nagkait ng tulong. Dinala siya sa Philippine embassy para matulungan siyang pauwi ng Pilipinas.

Sa embassy ay ikinuwento ni Angel ang lahat na nangyari sa kanya. Hindi naman nagpabaya ang agency kaya dinala naman siya sa Women Welfare Federation para sa de-briefing at physical examination. Ginawan siya ng casestudy ng mga social workers at saka dinala sa isang doktor. Napailing pa ang doktor sa kanyang sinapit. Ngunit ang higit pang gumimbal sa kanya ay nang malaman niyang mayroon pala siyang sakit na AIDS. Nakuha marahil sa pakikipagtalik niya sa ibat-ibang mga kalalakihan. Ipinaalam din nila ang kanyang kaso sa Philippine Embassy na kung saan naman ay inabisohan nito ang Department of Health. Dahil na rin sa kagustuhan nitong makauwi na nang bansa ay  tinulungan siyang maka-uwi ng Pilipinas.

Dala ang kaunting halaga ay umuwi na siya sa kanilang tahanan pagkatapos niyang mangako sa Department of Health na magrereport lagi at magpapagamot. At ganon na lang ang pag-iyak ni Angel nang kapatid na lang ang dinatnan sa kanilang tahanan. Sa una ayaw pa siyang patuluyin ngunit nagmakaawa siya at sa tulong na rin ng mga kamag-anak na nakialam na sa problema niya ay nagkasundo silang magkapatid. Wala na rin siyang sagabal na magbagong buhay muli dahil nasa kulungan na rin ang kanyang dating kinakasaman na nagtaboy sa kanya upang sirain ang kanyang kinabukasan. Ang kaunting halaga na naipon at nakuha niya mula kay Mr. George ay idiniposito na lang niya sa bangko para sa kanyang pangangailangan. Ngunit ni isa man lang sa kanyang mga kamag-anak ay walang nakakaalam sa kanyang sakit. Natatakot din siya baka pandirihan siya.

Ngunit hindi nagtagal ay nadiskubre din nila na may sakit siyang AIDS dahil sa pagbabago na ng kanyang pisikal na pangangatawan. Halos ipagtabuyan na siya dahil nandidiri sila sa kanya. Wala na siyang ibang matakbuhan pa kundi ang Agency. At dito namin siya tinulungan na magkaroon ng isang matitirhang tahanan, isang tahanan na ang kanyang mga nakakasama ay mga katulad din niyang may sakit nito. Malungkot man ang sinapit nila, ngunit pilit pa rin na hinaharap nila ang buhay. Sila-sila mismo ang nagbibigay lakas sa bawat isa. Malaking tulong din para sa kanila ang may mga taong mabubuti ang kalooban na nakakaunawa sa kanilang sitwasyon at tumutulong. At dito ko nakita ang isang suliranin ng lipunan, hindi lang sa takot dito sa nakakahawang sakit kundi sa kawalan ng kabatiran at pang-unawa ang mga tao kung papaano nila tanggapin at makisalamuha sa mga taong may sakit na AIDS. I have long worked with People with AIDS at dito ako natuto kung papano maging isang tunay na tao.

Isa si Angel sa aking iniyakan  na hindi dapat sa isang social worker na katulad ko. Umiyak ako dahil inilagay ko ang aking sarili sa pait at trahediyang dinanas niya sa buhay at aking naramdaman ang kalbaryong tinahak ng isang Magdalenang sawim-palad na katulad niya. Nang nabubuhay pa siya palagi siyang may note para sa aking kung saan niya inilalahad ang kanyang pasasalamat sa mga magagandang bagay na nangyayari sa kanya araw-araw habang papalubog na ang nalalabi pang araw sa kanyang buhay. Nalungkot ako dahil nang natulungan ko na siyang magbago akala ko ay hindi na siya muling masadlak pa sa putikan. Ngunit hindi lang pala putikan ang kanyang kinsadlakan kundi impierno na dulot ng kasakiman ng mga tao sa pera at laman.

May bigat ang aking dibdib at mga paa nang aking lisanin ang Agency para lumipat sa ibang field of specialization ng aking propesyon. Binalikan ko ang counseling room kung nasaan nakasabit sa dingding ang magandang larawan ni Angel. Para siyang anghel sa aking tingin. Dalawang butil ng luha ang gumulong sa aking mga pisngi. Naramdaman ko na yumakap sa aking puso ang kanyang diwa at ala-ala.

Tags: , , , , , , , , , , , , , ,

14 Responses to “True Confession-3 (Ate May AIDS Ako- huling yugto)”

  1. cocoy826 Says:

    Kapag nadali ka na talaga ng AIDS ay sentinsyado na ang buhay mo.Ingat lang sa mga pok pok diyan.Life is too precious to lost.Pwedi naman kayong makipag sex,kaya lang siguraduhin ninyo na malinis ang makakatalik ninyo.Pwedi na rin si kumare,kumpare dahil alam na ninyo na wala silang sakit.Hehehe!

  2. cocoy826 Says:

    O kaya’y magbasa na lang kayo ng komiks ni Kimuchi at gamitin na lang ang mga palad at daliri ninyo.Hehehe!

  3. XXXkimuchixxx Says:

    Nakakalungkot naman itong sinulat mo.Namatay na ang subject.Condolence na lang kay Angel.

    Kung ayaw ninyong madali ng AIDS sundin na lang ninyo ang payo ni Cocoy dahil marami na siyang experience kung sex lang ang pag-uusapan.

    Nagbibigay din ako ng Sex therapy sa blog ko.Magbasa lang akyo at tinitiyak ko sa inyo na pwedi na ang mga daliri para iwas AIDS.Hugas na lang kayo ng kamay kapag nilabasan na kayo.HIHIHIHIHIHIH.

  4. XXXkimuchixxx Says:

    Huwag ninyong isipin na kabastusan ang mga sinusulat ko doon.Nagbibigay lang ako ng libreng SEX education.

  5. Banong Says:

    Segundina,
    Naiinis na ako dahil tuwing may naki-kipagsex na lang na character na lalaki dito sa mga kuwento sa blog ay laging ako ang napagtitripan nila. Dito sa World of Colegiala girl, Banong pa rin ang Bida. Ngayon naman nasa America na si Banong at nakikipag-sex pa kay Kimuchi. Nakakahalata na ako nito a.

  6. Segundina Says:

    Makati ka kasi, galing ka kasi ng Makati Banong kayan ganon. Madami kang naging karanasan sa buhay kaya kahit saan dalhin ang pangalan mo na kuwento ay bagay lagi. Huwag ka nang magalit, ito tsup, tsup tsup. LOL.

  7. JoeSeg Says:

    Napakalungkot naman at makabagbag damdamin ang kwento ni Angel.

    Sangayon ako kay Kimuchi na ang ganyang kwento ay parte ng sex education at dapat mabasa ng marami. Kailangang mamulat ang mga mata ng ilan nating kababayan na bagaman at alam nila ay nagwalang bahala kung ano ang kinasasapitan ng may ganitong karamdaman. Kapalit ng saglit na ligaya.

    According to a report, compared to our neighboring countries, the rate of increase of HIV/Aids cases in our country is considered low and slow. It could be attributed to the high awareness of the Filipinos about the danger of AiIDS due mainly to the concerted efforts launched by various sectors giving emphasis to the necessary preventive measures.

    The apprehension of increased incidence of AIDS however cannot be ignored because of million of Filipinos who are now overseas and are in high risk in contracting the virus. The fear is based on the statistics that roughly 25% of HIV-positive Filipinos are former migrant workers including the undeniable fact that locally, prostitution continues to rise due to lack of job opportunities.

  8. Mer Pints Says:

    Ay salamat po tito, mabuti at nasabi po ninyo iyan. At risk po talaga ang milyon-milyon nating kababayan na nasa abroad na mahawaan ng ganitong sakit. Sa isang forum ko po nadinig ito at gaya nang nasabi ninyo karamihan sa mga nahawa ng AIDS ay mga Filipino. Ang nakakalungkot po ay iyong stigma na nakakabit na sa mga pamilya ng mga OFWs na biktima ng AIDS virus.

  9. doc.bobonyo Says:

    Nakakalungkot talaga ang sinapit ng AIDS victim na iyan. Sana nakilala niya ang Panginoon bago siya namahinga.
    From the Gospel of John 11:25 “Jesus said to her, I am the resurrection and the life. He who believes in me will live, even though he dies.”
    This message is for all of us my dear friends. There is nothing to fear if we have faith in the Lord. Jesus is the only way of Salvation. His love, mercy, and grace are the only means we could be saved and merit an eternal life.

  10. Colegiala girl Says:

    Mahilig mamulot ng mga pokpok sa kalye si Baste. Pinagsabihan siya ng kaibigan na itigil na niya baka magka-AIDS pa siya. Ang sagot ng mahilig, “Age does not matter,” Hindi na daw siya menor de edad. Nang magkatulo siya, sinamahan na naman ng kaibigan para magpagamot sa DOH sa pag-aakalang AIDS na ang sakit. Mabuti at simpling STD infection lang. Muling pinagsabihan ng kaibigan na itigil na niya at baka hindi lang STD ang aabuting kundi AIDS na. Palusot pa rin ang gago, “next time tatanongin ko ang pokpok kung ilang taon na siya nang hindi ako ma-AGE,” hehehe. Pilosopo talaga dahil ayaw ewan ang hilig.

  11. Doc.bobonyo Says:

    Girl,
    Age does not matter but AIDS matter. Mag-ingat lang po kayo diyan.

  12. Kimuchi Says:

    Sinunod ko na ang payo mo doc.

    Katatapos ko lang isulat ang crime drama sa blog ko.

    Luningning sweet revenge.

  13. Colegialagirl Says:

    May kasabihan libog mo ay mitsa rin ng buhay mo. May kasabihan sa Ilokano, ” awan ti matay ti bisin ngem adda matay ti moting.” In Tagalog, “walang namatay sa gutom pero may natitipok sa pekpek.” In English, “no one dies of starvation but by a fucking vagina.”
    Joke lang doc. bobonyo, hindi na po mauulit, hehehe.

  14. Harriett Says:

    You post interesting articles here. Your page deserves much bigger
    audience. It can go viral if you give it initial boost, i know very useful tool that can help you, simply type in google:
    svetsern traffic tips

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: