Obama is now the 44th US President, there is nothing else you can do Colegiala

I know he is going to win. He has all the indications to win. People love him. It is not the race but a promise of better economy that made him win. He is bi-racial, it is wrong to say he is the first African American to win as the president of the United States. He is not a hero like McCain, but he knows what it takes to be a hero. He is popular among the poor being a community organizer and having been exposed to the poverty of South East Asia. He deserves to win. Perhaps the world will be a more peaceful and productive world with him as the president of the United States. Perhaps war in Middle East would soon be over and thousands of American soldiers in Iraq will be home to be with their love ones in the the US. War is bitter, we are all losers. We need peace for that’s the only way the world would be peaceful and prosperous. 

Kaya Colegialagirl huwag ka nang malungkot. Huwag ka nang umiyak. Sayang lang ang iyong mga luha. Tanggapin mo na ang katotohanan na sawang-sawa na ang buong mundo sa giyera. Kailangang ang isang taong may malasakit sa kapayapaan, isang taong ayaw sa digmaan, at isang taong gumagamit ng mga mapayapang pamamaraan para lutasin ang mga gusot  sa sandaigdigan.

Mabuhay ka Obama. Ikaw talaga ang nahirang para maging pangulo ng America. Nasa iyong mga kamay ngayon ang kapayapaan, panindigan mo sana ang iyong mga pangako at gawan ng paraan itong global economic crisis. Nasa iyong mga palad ang Kapalaran ng buong daigdig. Huwag mo sanang palalampasin ang pagkakataong ibinigay sa iyo. Napili ka bilang pangulo ng America dahil naniniwala sila na masa karapat-dapat kang pagkatiwalaan kay sa iyong katunggaling si McCain. Kaya lang sir, huwag mo sanang bibigoin ang lahat na sumuporta sa iyo.

At sa iyo naman Colegiala girl, dahil si McCain ang pinili mo, karapat-dapat ka lang na magpakain sa akin. Kasi kung si McCain naman ang nanalo, pakakainin din kita ng libre kagaya nang gagawin mo sa akin ngayon. Huwag ka nang malungkot na natalo si Sarah Palin dahil nandiyan pa rin si Vilma Santos. Anong malay mo siya ang mananalong Vice-president sa 2010. E di parang nanalo na rin si Sara Palin. Di ba magkamukha sila?

Hindi sa ako ay nangangantiyaw sa iyo, pero saan mang labanan ay may nananalo at may natatalo. Nagkataon lang ako ang nanalo sa ating pustahan kaya dapat lang na paninidigan mo ang ating kasunduan. Huwag kang mag-alala. Hindi naman ako matakaw gaya nang sinabi mo. Pero titiyakin ko sa iyon kulang ang isang pizza para sa akin. At iyong japanese food, maaring pag-usapan natin na kapag nakuha mo na lang ang iyong bonus. Huwag ka sanang malulungkot dahil sa bawat pagkabigo ay may naghihintay ng tagumpay.

Tags: , , , , ,

5 Responses to “Obama is now the 44th US President, there is nothing else you can do Colegiala”

  1. yhen Says:

    Did you know?

    • The Great Wall of China, known to be one of the eight wonders of the world, is made of rice. Its foundation is composed of plain sticky rice and compressed dirt.

    However, this has been reconstructed and repaired for a number of times, but parts of it with the rice and compressed dirt can still be seen today.

    NOVEMEBER IS NATIONAL RICE AWARENESS MONTH!

    more of this trivia at http://www.yhen1027.wordpress.com

  2. JoeSeg Says:

    Segundina

    Dapat pala ikaw ang magpakain, dahil ang manok mo ang nanalo at hindi si McCain. Kung ako ang tatanungin kung ano ang dapat mong ipakain, ito ang masarap:

  3. Mer Pints Says:

    Segundina,
    Okay lang ba sa iyo ang pinakbet sa halip na pizza tutal mahilig ka din naman sa talong. At saka sa halip na Japanese food puwedi na rin ba ang pinapaitan dahil mahilig ka din namang uminom ng basi, hehehe

  4. kengkay Says:

    haha, ganun pala yun? si colegialagirl e kay mccain at ikaw e kay obama? pero alam mo ako e hindi para kay mccain pero ayaw ko rin kay obama, pero mahilig naman ako sa pizza😀 pwede na rin di ba? salamat sa pagbisita sa blog ko.

  5. secondlady Says:

    Salamant ka Kenkay sa pagbisita din. Hayaan ninyo at palagi ko kayong dadalawin doon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: