The Untouchable Girl (Manigas ka diyan, hehe)

vacation-219

(Isa sa mga napakagandang tanawin ng Sagada Mountain Province)

Magkasama kami ni College girl nitong  New Year. Sa Sagada Mountain Province na kami nag-new year. Napakaganda ang paligid, at talaga namang napakalamig ang panahon. Nag-bus lang kami papunta roon kaya puro lakad lang kami habang namamasyal sa tahimik ngunit kaakit-akit na bayang  nasa ibabaw ng mataas na bundok. Matagal ko nang balak magbakasyon sa Sagada, nanirahan kasi kami dito ng ilang taon din nang maliit pa lang kami.

Basta pasyalan at libre sa mga gastosin, dito mo maaasahan ang ubod nang kuripot na si Colegiala girl. Pero sulit naman dahil hindi lang may makakasama ka, may bodyguard ka pa. Sa mga di nakakaalam, bihasa sa Martial Arts itong si Colegiala. High School pa lang ay sumasali na sa mga Karate tournaments.  Marunong din siya sa arnis at nakakaintindi sa paggamit ng ibat-ibang klase ng matatalas na armas. May basic knowledge din ako sa Martial Arts dahil Judo-Karate ang isa sa mga PE subjects ko noong estudyante pa ako sa College. Mas matiyaga nga lang si Colegiala dahil galing siya sa pamilya ng mga mahihilig sa Martial arts. Siya ang isa sa mga pambato namin noon sa aming school. Ilang beses na rin siyang pumasok na may band aid sa labi dahil sa tama ng suntok at sipa. At saksi din ako sa dalawang insidente kung saan ay pinabagsak ni Colegiala ang isang snatcher at lasing sa pagsipa sa kanilang bayag.

Kampante ako kapag kasama ko siya sa pasyalan. Kaya feeling safe ako nang nasa Sagada kami kahit dalawa lang kaming naglalakad sa gabi. Ngunit ang hindi ko naisip ay takaw away din itong si Colegiala lalo na kapag binabastos siya ng mga lasing. At nangyari nga ito sa aming bakasyon sa Sagada.

Tatlong lalaking dayuhan mula sa Europe ang nakakursunada kay Colegiala girl. Sanay na siguro ang mga ito na mag-pick up ng mga babaeng kaladkarin kaya sinubukan nila si Colegiala baka sakaling makalusot. Akala siguro nila mga escort girls kami kaya nilapitan kami ng grupo habang nagpapalipas ng oras sa isang bar. Friendly naman ang dating nila kaya naman ay in-entertain namin sila nang lumapit sila sa aming table. Kinabigan kami, binula-bola hanggang nagparamdam na silang may gusto sa amin. Kinabahan na ako. Hindi sa natatakot sa kanila, kundi alam kung maninipa na naman si Colegiala.

Kunwari ay humiling silang makipagpicture sa amin para may souvenir photo naman daw sila. Pumayag kami. Iyong pala ay  hudyat na para manantsing sila. Una inakbayan ako ng dalawa sa grupo. Ang baho pa naman nila. At iyong kumuha ng picture ay si Colegiala naman. Kaso may pabeso-beso pa siya habang inaakbayan niya si Colegiala. Delikado, kitang-kita ko sa mata na galit na si Colegiala. To avoid trouble nagpaalam na kami ni Colegiala para umuwi. Pero nagpahayag din ang tatlo na ihahatid na lang daw kami. Bahala kayo, iyan ang pahayag naman ni Colegiala. 

Paglabas namin sa bar, gusto uli ng mga ito ang magpicture kasama kami. Pumayag na lang ako kahit nakaakbay na naman ang mga anghiting na turistang ito. Iyong nagpicture ang humiling na kunan din daw siya kasama si College girl. Kursunada talaga niya ang aking kaibigan. Para matapos na pumayag si Colegiala gir. Kaso hindi lang akbay ang ginawa, niyakap pa niya si Colegiala. Dito na nag-init ang butangera kaya yumakap din siya sa lalaki. Iyong nga lang ay sa leeg siya yumakap ng napakahigpit na halos nasasakal na ang lalaki. Hindi lang iyang sinakyan pa siya ni College girl sa tagiliran taas ang dalawang paa. Nagpanic na ang tsansingerong turista dahil  hindi na siya makahinga. Kinalagan niya kaagad si Colegiala. Mabilis namang tumalon ito papapalayo at pomorma na para manipa. Galit na rin ang tsansingero at gusto niyang sugurin si College girl pero pinigil siya ng kanyang mga kasama.

Hinila nila ang kanilang kasama na uubo-ubo papalayo sa amin. “Sorry guys just kidding,” ang sigaw naman ni Colegiala. F..ck  you ang sagot naman ng sinakal. “Tang ina mo supot,” ang pahabol naman ni butangera. Tawa ako nang tawa habang naglalakad kaming pauwi.

Nang nasa hotel na kami bigla kung naisip, paano na kung pinagtulungan kaming dalawa? Payong lang ang aking dala, mapoprotektahan ko kaya ang aking sarili dito? Nang tanongin ko si College girl tungkol dito ay bigla niyang inilabas ang kanyang Batangas knife. Pinaikot-ikot ito parang abaniko sa magkabilang kamay sabay sabi, “pupugotan ko sila ang ari.” Napatawa tuloy ako.

Kinabukasan ay nagpasya kaming pasyalan ang mga burial caves ng Sagada. Nagdala ng isang maliit na backpack si Colegiala. Pareho kaming naka jogging pants ay may suot na makapal na sweet shirt. Naka-rubber sandal lang ako at naka-tennis shoes naman ang butangerang maganda. “Nasaan ang rakita mo,” ang biro ko. “Pukpukin kita diyan,” ang sagot naman niyang pabiro habang inilalagay sa isang pocket ng kanyang backpack ang kanyang survival knife.

“Mahirap na baka may magbalak sa atin ng masama,”  ang sabi niya. May kinuha siya sa kanyang bag at inabot sa akin, isang teargas cannister. “Kunin mo ito para makatulong ka.” Pagkakuha ko nang teargas cannister ay inilabas naman niya ang kanyang Batangas Knife at inilagas sa bulsa ng kanyang sweatshirt. Ngumiti na lang ako, alam ko security conscious ang aking kaibigan.

Kasama ng aming guide ay nag-umpisa na kaming maglakad patungo sa mga burial caves. Madulas ang daan at maputik kaya naghanap si Colegiala ng sanga ng kahoy o kawayan para gawing tungkod. Tamang-tama may maliit na kawayan na nabali at tuyo na ang aming nadaan. Inilabas ni Colegiala ang kanyang survival knife para putulin at gawing tungkod. Mahaba-haba ng kaunti ang putol na maliit na kawayan kaya nakagawa siya ng dalawang tungkod.

Tamang-tama paahon naman ang tatlong turistang bugok habang unti-unti kaming pababa. Nakita nila kami kaya sumimple muna sa isang maluwag na lugar si Colegiala. Nakita nilang may hawak siyang survival knife. Nagka-interest naman dito ang isa sa mga tatlong bugok. Hinihiram ang survival knife ni Colegiala ngunit hindi niya ito ibinigay. Sobra lang sigurong may kakulitan, o talaga namang interesado ang bugok na ito kaya pilit pa rin niyang hinihiram ang survival knife ni Colegiala. Napikon ang dalaga at sa halip na ibigay niya, ipinukol nito sa isang puno. Malakas ang pagkakapukol kaya malalim ang pagkakabaon ng survival knife sa puno. Nagulat ang mga bugok sa nakita. Isa sa kanila ang nagtangkang puntahan ang puno ngunit mabilis na inilabas ni Colegiala ang kanyang Batangas Knife, mabilis na binuksan at pina-ikot ito sa kanyang kamay pagkatapos ay ni-lock at inumang sa lalaki. “That’s mine, don’t take it,” ang warning niya sa lalaki. Hindi ito nakaimik at mabilis na bumalik sa mga kasama. Nagkatinginan sila at itinuloy ang kanilang pag-ahon sa bundok.

“Ang galing-galing ninyo maam,” ang sabi naman ng aming guide.

“Acting lang iyon, ang sagot ko naman.”

“Bakit action star ba si maam,” ang tanong uli ng guide ngunit hinidi ko na siya sinagot.

Mabilis namang kinuha ni Colegiala ang kanyang survival knife, pinunasan at muling isinuksok sa kanyang lalagyan.

Nakasakay na kami sa Lizardo Bus pabalik ng Baguio nang muling makita namin ang tatlo. Sasakay din sana sila ngunit nang makita kamin nakaupo sa unang hanay ng mga upuan ay nagbago ang kanilang isip. Bumaba sila at sa ibang bus na lang sumakay.

“Are you going back to Baguio,” ang pahabol kong tanong ngunit hindi na sila sumagot. Halatadong nainis sila sa ginawa ni Colegiala. At kitang-kita ko ang buka ng bibig ng isang bugok, “f..ck you.”

Si Colegiala na ang sumagot, “okkinnayo supot.” Naintindihan ng mga locals ang sinabi ni Colegiala at ngumiti na lang sila.

Tags: , , , , , , , , ,

13 Responses to “The Untouchable Girl (Manigas ka diyan, hehe)”

  1. MRivera Says:

    parang kilala ko na itong si collgirl, ah?

    pero saka na lang muna, kapag kumpleto na ang background check ko sa kanya (kahit in distance).

    iha, okey at magagamit sa kagipitan o panganib ang martial arts, subalit tandaan mo, mas mainam na pananggalang ang pag-iwas.

  2. Colegiala girl Says:

    Hehehe, hindi me ganon naman kagaling. You Segundina making making me story ha. Good fiction writing, sana ganon ako kagaling. Ginawa mo pa akong bida baka wala nang magkagusto pa sa akin. They are afraid I may putol putol their kuwan. And I hate to do that because I love kuwan so much, hehehe. Anyway salamat you again for the trip na trip natin.

  3. Colegiala girl Says:

    Huwag po kayo magpapaniwala kay Segundina, nadamihan lang po niya ng kain kaya binangungot. Kaya kung ano-ano tuloy ang napapanaginipan niya, hehehe.

  4. Banong Says:

    Noong araw, hindi pa kayo siguro ipinapanganak, may programa ang gobierno tungkol sa turismo. May linya sa TV ad noon na nagsasabi, “makisama sa turista, kayo rin ang makikinabang.”

    Baka naman malambing lang ang mga turistang iyan at walang ibig sabihin ang kanilang pagakbay-akbay sa inyo.

  5. Banong Says:

    Ang alam ko mapagbiro kayo talaga ni College girl. Baka naman ninyo inakit sila, o kaya nagpakita ng motibo kaya ganon na lang ang kanilang pagka-atat sa inyo, hahaha.

  6. Banong Says:

    Next time na may umakbay sa inyo, huwag na lang kayong pumalag. Gaya ng sabi nila, kung hindi mo na maiiwasan pa ang tukso, just enjoy it. Ibigay mo na, hahahayyyyyy buhay.

    As they say, make love not war. Don’t fight on the street, fight on the bed, ha Segundina?

  7. Segundina Says:

    Sorry Banong pero hindi kami ganon. Makuwento at mapagbiro lang kami pero never naman na nanunukso kami sa mga kelots.Hindi naman kami gano kadisperate no.

  8. Colegiala girl Says:

    Banong, opinion mo iyan, bahala ka sa buhay mo.

  9. MRivera Says:

    nongba,

    okey sana ‘yun at siguradong hindi papalag ang dalawa nating dalaga noong inakbayan sila kung hindi amo’y amag na panis ‘yung mga foreingers na ‘yun!

    di ba, girls?

    aminin!

  10. MRivera Says:

    at saka nga pala hindi nananantsing.

    dapat, garapal na pinong maginoong bastos.

  11. KapitanKidlat Says:

    kung mabango-bango pa siguro iyong mga manyakis na popo-riners baka bumigay na itong dalawa, hahaha.
    Ayaw ba ninyo ang mataba at mahabang longanisa ng Eyoropa?

  12. Colegiala girl Says:

    Kondesa,
    May bago akong kuwento baka lang type mong dumungaw sa aking massage clinic, hehehe. Matatawa kang maiinis.

  13. Cocoy's Delight Says:

    Kabataan Pag-asa ng Bayan.—I’ve read this long time ago on Jose Rizal’s novel.

    When I was growing-up I have a dream, I have a dream that one day this nation will rise up and live out the true meaning of its creed: “We hold these truths to be self-evident: that all men are created equal.”
    I have a dream that one day on the red hills of Georgia the sons of former slaves and the sons of former slave owners will be able to sit down together at the table of brotherhood.
    I have a dream that one day even the state of Mississippi, a state sweltering with the heat of injustice, sweltering with the heat of oppression, will be transformed into an oasis of freedom and justice.

    ay mali….Kay Martin pala ang speech na iyan.Hehehe!

    Anyway, during my school days my Sir and Madam would require us to memorize 1million words on the chapter of the book we currently have to remember. We need to cram a bunch more words into our heads to get 75% on the report card,soon we forget after the test with codigo penal. All my classmates were impressed on my answer on the test question,I always get 110 right out of 100 and that’s of course 10 was a sidenote to my teacher that if he won’t mark x on my test paper I will buy him Siopao bola-bola and coke with a bonus of 1 cartoon of Salem.Don’t ask me where I got those.US naval base was in Gapo that time and the guard on the gate saluted my eldest brother’s car.Most of my teachers died with lung cancer.

    Of course! I was always stressed out with grammar and reading, even if there were time for communicative practice, I could not wait to have soup number 5 after enduring those torture avoiding the ass whacking of a majorette baton my teacher always have in his right hand.

    Now, the teaching maybe,is different. Just say “Present” if the teacher call their name on the roll call without learning, the most important maybe,is to send their students to march on the stage on culmination exercise so that they can get their 13th month bonus..

    Those people in the education ministry have no idea anyway, what it’s like in the public sector or how to solve problems in public schools because they all went to the best private schools sleeping in class. This fundamental problem means that the Lapuz ministry of education lacks understanding of what the public wants students to be taught, as well as how to teach students effectively.

    Why don’t the parents complain or write more often about their disgust and the postmaster will deliver it to Lapuz desk.? (Oh! Damn me,!those parents could only write carabao English I suppose)

    Now, Obama got elected, explaining how this fulfilled the American idea that anyone can become President of the United States. Soon after explaining this, Mr.Castro looked at his students in History class and said, “Isn’t that great? Too bad that is impossible for the students in public school. And unfortunately, all of the students understood what the teacher who’s suffering from COPD meant. There is no point in dreaming of becoming a topnotch politicians because those jobs are reserved for the kids whose parents can afford to send them to schools that specialize in producing future bureaucrats.You must have a Gonzales,Magsaysay,Garcia,Marcos,Zobel or Ayala last name and you must have a Meztizo or Meztiza blood to enter in Politics.–Only Jojo and Ruben got Lucky because of Cory,they waxed Cory’s table before serving coffee.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: