Bunga ng Pagmamahalan (The Fruit of Love)

guavaleaf-100-100_news1A priest and a nun worked together as a team to  organize a depressed community to address basic needs and to solve various problems/issues that affect most of the people in the community. People were very responsive to various self-help and development projects initiated by these two religious workers. During the initial engagement, this two religious workers encountered a lot of trials, people were seeking only dole-out assistance. But true to their vow, they push through with their objectives until the people were trained and already capable to manage self-help community projects, health and cleanliness, maintenance of peace and order, and management of their cooperative store. Soon they left the community to start another community project in a nearby locality. And though they’re gone for a long time, people could not forget them because they left with them to take care “the fruit of their love.”

Sa hindi inaasaang pagkakataon, muling nagkita sina father Marcelo Rivera at sister Marina Afable sa Barangay Maibigin. Fiesta noon at si padre Marcelo pa mismo ang nag-officiate ng misa. Kung noon ay nasa kabataan pa niya si Padre Marcelo Rivera, ngayon ay nasa edad treynta na siya. Guwapo pa rin at mabikas ang pangangatawan. Kung hindi lang siya naka-abito ay mapagkakamalan mo siyang isang artista. Gaya nang dati crush pa rin siya ng bayan.

Si sister Marina naman ay nas edad na trentay-otso na siya. Bagamat mahinhin pa rin siya, hindi maitatago ang angkin niyang ganda at alindog. Hanggang sa ngayon ay pinagpapantasyahan pa rin siya ng bayan. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral at nakapagtapos siya ng Master’s degree in Community Development. Isa din siyang registered na social worker. Dahil sa angkin niyang ganda naimungkahi tuloy ng kanyang mga kasamahan sa propesyon na magbitiw na siya sa pagmamadre at maging social worker na lang. Ngunit hindi madali para kay sister Marina na iwanan ang kanyang bokasyon. Isa pa hindi pa rin nagaalis ng suot na abito si Father Marcelo Rivera.

Kung noong araw ay may suspetsa na ang mga taga Barangay Maibigin na may relasyon ang pari at ang madre, lalo lamang itong nagatungan pa nang magbiro si Padre Marcelo na kaya sila ipinadpad ng tadhana sa lugar na iyon ay upang madama nila ang pag-ibig sa isat-isa. Wika nga ng pari, “hindi ko malilimutan ang mga gabi at araw na ginugol namin dito sa inyong Barangay ni sister Marina. Habang naglalakad ako sa paligid, ay muli kong nasilayan ang bunga ng aming pagmamahalan ni sister Marina.”

Nagpalakpakan at nagsigawan ang mga tao, ngunit nilinaw naman kaagad ng madre ang sinabi ni Padre Rivera. “Ang ibig sabihin po ni padre Marcelo ay iyong mga fruit trees na itinamin namin dito katulong kayo. Namumunga na pala.” Lalo lamang napasigaw ang mga tao sa tuwa.

Muling iniwan ng dalawang alagad ng simbahan ang Barangay Maibigin na damang-dama nila ang walang kupas na paghanga at pagmamahal ng mga taong kanilang tinulungan upang umunlad ang kanilang buhay at kumonidad. Damang-dama din nila ang ligaya sa puso sa muling pagkikita. Ngunit sa kabila ng lahat ay nandoon pa rin ang lihim na pagmamahal at paghanga sa isat-isa.

“Kumusta ka na sister Marina,” ang nawika ng pari habang binabagtas nila ang highway papuntang Maynila sakay ang van nito.

“Hindi pa rin nagbabago ang aking pasya, kahit active na ako ngayon sa academe, dama ko pa rin ang pagiging isang alagad ng Diyos at Simbahan.”

Napangiti lang ang pari. “Nang nakatapos na abogasya at pumasa sa bar at ngayon ay isang ganap ng abogado, maraming nagbago sa aking buhay. Gustohin ko mang iwan ang simbahan pero hindi ko magawa sa isang kadahilanan.”

“A-ano iyon father,” parang nagulat si sister Marina sa sinabi ng pari.

“Ikaw, talaga bang iyan na ang pasya mo. Hindi ka maghuhubad ng iyong belo? Balak ko nang lumabas at maging isang ordinaryong tao Marina. Ngunit habang nasa Kombento ka pa rin hindi ako maghuhubad ng aking abito”

“Hindi kita maunawaan, anong ibig mong sabihin padre?”

“Huwag kang mabibigla, patawarin ako ng Diyos pero noon pang araw ay may lihim na akong pagtingin na ako sa iyo. Nagkahiwalay man ang ating landas sa ibat-ibang kadahilanan ay nanatiling buhay ang pag-ibig ko sa iyo, Marina.”

Hindi sumagot ang madre. Nagimbal siya sa mga salita at pangungusap na binitawan ng pari. Ngayon ay batid niyang may pagmamahal pala ito sa kanya. At hindi niya rin kayang dayain ang kanyang sarili, mahal din niya si father Rivera.

“So-sorry, hindi ko dapat sinabi iyon,” ang paghingi ng paumanhin ng pari.

Nasa harap na ng kombento ng mga madre. Hindi pa rin umiimik si sister Marina. Bumaba siya sa van, at pagkatapos magpasalamat sa pari ay mabilis na itong pumasok sa loob ng kombento. Ni hindi man lang niyang nagawang yayain si father Rivera para magkape man lang.

February 14, nasa kanyang opisina si Attorney River at malungkot na sinasariwa ang nakaraan. Ilang taon na rin nabubuhay na siya bilang isang ordinaryong tao at professional. Lalo lamang gumapang sa kanya ang lungkot at pangungulila kay sister Marina kaya nagpasya itong lumabas at magkape sa isang mall. Nasa pintuan na siya nang biglang kumiriring ang kanyang land-line. Isang long distance call mula sa America.

“Marcelo, uuwi na ako. Please meet me at the airport,” ang wika ng kanyang kausap. Si sister Marina.

“Yes, of course. Pero saan ka na ngayon ihahatid, sa kombento pa rin ba?”

“Of course not, to your home.”

“What, nagbibiro ka ba?”

“Of course not, malaya na ako ngayon at hindi na ako madre. Ikaw may girlfriend ka na ba?”

“Wala, dahil ikaw lang ang aking hinihintay.”

Hindi na tumuloy pa sa mall si Padre Rivera, este attorney Marcelo. Tinawaganniya kaagad ang kanyang mga magulang at kapatid na babae at sinabing humanda sila dahil magpapakasal na siya.

28 Responses to “Bunga ng Pagmamahalan (The Fruit of Love)”

  1. secondlady Says:

    Colegiala girl,
    This is no sex story as I promised you. I hope you like this story.

  2. Mer Pints Says:

    Hehe, hindi ako makapaniwala ngayon ka lang nakapagsulat ng kuwentong walang kamundohan. Bilang nakakatandang kapatid, siguro ay iwasan ko nang magsulat ng mga bagay-bagay na may kinalaman sa sex.

    Pero di ba dito rin ang tungo ng kuwento mo. After wedding ano ang susunod di ba honeymoon. At kapag may honeymoon may umaatikabong, nevermind hehehehe.

  3. Mer Pints Says:

    Masaya ka, I mean nakakabatang kapatid. Mas matanda ka naman ng tatlong taon sa akin di ba ate Seg ?

  4. MRivera Says:

    teka muna, duda ako, eh.

    parang meron pa ring binabalak itong si seg. baka pasakalye lamang ‘yan at umaatikabong….

    teka ule, saan ba ang handaan at makapunta’t mamantikaan naman ireng aking nguso.

    ganu’n pa rin naman, eh.

    pari at madre nga. hindi naman nagsituloy sa bokasyon kundi sinunod din ang simpleng tawag ng mga puson.

  5. Mer Pints Says:

    Hehehe, tito nagdududa pa rin kayo kay Seg? Siguro po sa akin ay hindi dahil ang kuwento ko ay tungkol sa pagmamahal ng anak sa magulang. Kasalan din po ito ngunit sa June pa dahil iyong pinay ay hihintayin pa niya ang kanyang mga kamag-anak mula Tate to witness her wedding. Mabuti na lang kaya pang magtimpi ni Kano na mapapangasawa niya.

    Tawag po ng puson, hehe mahirap po yatang supilin iyan.

  6. MRivera Says:

    mer,

    hindi naman ako nagdududang totoo. naninibago lamang.

    para tuloy akong tinubuan ng sanrekwang bungang araw, eh!

  7. Segundina Says:

    Kuya Magno and Colegiala,
    Lately I could not sleep at night thinking on the erotic stories I have written which to me has titillated the minds of my readers. I am sorry for having done a great disservice to people by beclouding their minds with lust and sex. I don’t know if some children have ever read my stories.
    That’s the reason colegiala and I have done a 360 degrees turn on what we have been writing.
    At saka pinaiyak ako ni Colegiala sa kanyang mga sinabi na tila nagsisisi rin siya.
    Last time kasi we made a promise to write something about the religious people. Mabuti na ang ganitong topik kasi mahirap siyang pasakan ng kamundohan or kaberdehan.
    As of now ito po ang aking nararamdaman. Inaamin ko, ako’y isang babae lamang na marupok at nakakalimot din ng kagandahang asal. But as they say, do what is honorable and right. Live for today not for tomorrow or any other day for there is a time for everything que sera, sera. TRO muna tayo sa mga malalaswa at immoral na kaisipan.

  8. cindyrella Says:

    nabasa ko yung full story at ang ganda! nakakakilig ang story ^^ pang valentines ah! nga pala, na add na kita sa blogroll ko! pa add din ha!!

  9. MRivera Says:

    seg could not sleep at night thinking of a more explosive return of the comeback?

    he he he eh!

    naku naman.

    bigla uleng dadagsain itong bahay mo ng mamboboso’t malilikot na mga mangangapitbahay. kita n’yo nga’t sina banong eh biglang nawala?

    pero ang balita ko ay ipinateterapi ‘yung dila niyang nasipit ng alakdan.

  10. Banong Says:

    Mga born again Neneng tunay ba ito? Naku ha, tignan natin baka matrangkaso pa si Segundina niyan kapag hindi nakapagkuwento tungkol sa sex. Ang galing naman ninyong mag-casting ng character, iyong isa padre at madre ang mga bida. Kay Colegiala, pastor at pastora. Ano ang susunod, mga babaylan at mumbaki naman na nagmamahalan. Hahhahahayyyyy maloloka si ako sa inyo.

  11. doc.bobonyo Says:

    Kung bakit nga ayaw payagan ang mga madre at pari na mag-asawa. Sa totoo lang ay marami na sa mga pari at madre ang nagpakasal. Isa sa kanila ay kumpare ko pa nga sa aking bunso. So far wala naman akong nakitang pagkukulang sa kanyang pagiging padre de pamilya na ngayon.

  12. doc.bobonyo Says:

    Banong, dapat nga ay matuwa ka at medyo nabago ang topiko nitong magkaibigan. Hindi naman sa ako ay nagmamalinis, pero malaking kasalanan ang manginganyo ka ng mga tao na mahumaling sa tawag ng laman.
    Segundina sana ipagpatuloy mo ang iyong pagsusulat ng ganitong kuwento. Prinsipyo at panindigan ang tumitigas hindi kung ano-ano diya, hehehe.

  13. Mer Pints Says:

    Seg,
    Ngayon at malapit na naman ang mga araw ng puso, may sinusulat akong part 2 ng Beautiful Love, saksi ako sa pag-iibigan ng dalawang pusong pinaghiwalay ng tadhana. It is my version of the story Seg. Puwedi ba amiga?

  14. secondlady Says:

    Mer, make sure lang na wala kang masasaktang iba.

  15. MRivera Says:

    seg,

    sigurado ako, sa beautiful love story na ‘yun ni mer ang masasaktan ay ‘yung virgin na bride sa unang gabi ng kanilang kasal.

    pati na rin si banong dahil siguradong ang papel niya doon ay ‘yung kelot na iniwan ng tsikas dahil ipinagpalit siya sa oridyinal lab ng babae, si kapitan.

    kaya bantayan natin ang mangyayari sa barangay hall kung saan nag-oopisina ang dalawa. malamang na rambulan!

  16. Colegiala girl Says:

    Ay nako mag-isipisip sina Kap at Banong tungkol diyan baka sila ay suspendihin ni Sekretari Puno at pagtanimin pa sila ng mga puno ng acacia sa Luneta.

    Seg, ano ka ba naman sa dinamidami ng mga prutas na mailalagay mo sa iyong blog iyong pang punong bayabas. Bakit marami bang hindi pa binyagan sa Barangay Maibigin? Text na lang ninyo si doc.bobonyo at mabilis pa sa ala kuwatro nandiyan na siya dala ang kanyang labaha, hehehe.

  17. MRivera Says:

    nakupo!

    hindi na ubra ‘yung labaha.

    makukunat na ‘yung bibinyagan!

    doc.bobonila, metal sheet cutter ang dalhin mo o kaya ay palakol!

    banong, takboooooo!

    baka abutan tayooooo!

  18. MRivera Says:

    banong, baka akala nina colegiala girl at segundina ay tayong dalawa ‘yung bibinyagan.

    pero, ha’mo na! bilisan mo at hinahabol tayo nu’ng mga merong helmet dahil binisto ko sila!

    takbo na habang may lupaaaa!

  19. Segundina Says:

    Hahahahaha, ano kaya kung si Banong ang isasalang sa binyagan, sponsor pa niya si Kap at mga tanod.

    Colegialang mahinhin paminsan-minsan, huwag mo nang pag-initan pa ang bayabas madam. Mas mabuti na ito kay sa Mansanas ni Eva. Sa bayabas uod lang ang gumagapang doon. Sa mansanas ay anaconda na nakahelmet, hehehe.

    Ay, nadulas na naman ang aking dila. Forgive na lang. At saka girl sa amin lang sa Sagada may mansanas. Dito sa Makati, mga naglalakihang papaya at saging ni Pacing na paboritong haplosin ng mga kalalakihang may pusong mamon.

  20. KapitanKidlat Says:

    Nang madining ni Banong ang salitang “screwed up” ay bigla siyang napailing. Sabi niya, mahaba ba talaga ang skewer ni Obama? Sabi ko naman sa kanya, kung ikukumpara sa iyo, tootpick lang iyang skewer mo, hehehe.

    Pasyal lang kayo sa Barangay Hall at nandoon ngayon si Banong sinusukatan bawat tanod kung may makakatulad sa haba ng skewer ni Obama. Pang barbeque lang kasi ang sa kanila haha.

  21. KapitanKidlat Says:

    Ikaw segundina naniniwala ka bang mahaba-haba din ang skewer ni Obama?

  22. Colegiala girl Says:

    Seg, sabi ni kap ay bininyagan daw si Banong sa Barangay Hall. Tanong naman ni tito Magno kung may pagkaispiral din iyong skewer niya. Type mo ba ang ganitong pantuhog Seg hehehe.

  23. Colegiala girl Says:

    Ano na lang ang mangyayari sa ating kung ang skewer ng mga kalalakihan as puro de-ispiral?

  24. Segundina Says:

    Hoy Colegiala huwag kang bastos, ayaw ko nang pag-usapan pa dito ang tungkol sa sex. Huwag mo akong demonyohin hehheehe.

  25. Colegiala girl Says:

    Pasyal ka sa aking lungga lady segundina. May kuwento akong magugustohan mo. Huwag kang magagalit ha?

  26. KapitanKidlat Says:

    Magagalit ba iyan e laging I wish na I wish siya kapag nasa kubeta,hehehe.

  27. MRivera Says:

    sanggang dikit pala itong dalawang ito.

    best of friends sila. the closest of all the close.

  28. secondlady Says:

    Ewan ko nga ba kuya M. Inililigaw ko na nga iyan para mawala ay bumabalik pa rin. Okay lang huwag lang siyang tumabi sa kin sa pagtulog at daig pa niya ang barkong palyado ang makina sa lakas niyang humilik, hehehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: