Her Tears in my Heart

copy-3-of-img_5948

(One of my students posing as a model for this post)

First I cried on her shoulder but little did I know she would be crying on mine too. Our friendship has never been that perfect at all. We disagree on so many things. But one thing is sure, we will always be loyal and a faithful to each other. I felt her tears in my heart when she cried in the same manner as she was with me in my agony during the darkest moments in my life…

Malapit siya sa aking puso ko bilang isang kaibigan, daig pa niya ang tunay na kapatid. Nagkakilala kami sa timpalak kagandahan, at dito nag-ugat ang aming rivalry magmula classroom hanggang sa field. Nauna akong nagtapos, at nakakuha ng trabaho. Ngunit kahit estudyante pa siya noon ay ipinakiusap ko sa aming director na kunin siya bilang isang part-time field interviewer. Magmula noon ay naging boss na niya ako hanggang makatapos siya at nabigyan ng full-time job bilang isang research assistant. Dito naging malapit kami sa isat-isa bilang magkaibigan. Naging part-time instructors pa nga kami sa isang kolehiyo. Wala kaming lakad na hindi magkasama, binibiro pa nga kaming mag-on daw.

Ngunit binigla na lamang niya kami nang siya ay mag-resign sa kadahilanang ipagpapatuloy daw niya ang kanyang pag-aaral. Gusto niyang tapusin ang inumpisahan niyang kurso ng nursing na siya namang gusto na kanyang mom na dating OFW. Laking panghihinayang namin sa kanya, magaling siya sa trabaho at napakahusay niyang researcher. 

Ang dahilan ay sawim-palad siya sa pag-ibig. Gusto niyang makalimot, at may gusto din siyang patunayan. Iniyakan niya ng matagal ang pagkawala ni Marco. Ang kanyang kababata at unang lalaking minahal. Nagpunta ng America si Marco upang dito niya ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral ng medisina. Ngunit hindi siya nakatapos dahil may nabuntisan siyang isang Filipina nurse na US citizen at kaagad niyang pinakasalan.

“Ang sakit naman nito Seg, inaasahan ko pa naman na sa kanyang pagbabalik ay magpapakasal kami gaya nang kanyang ipinangako. Mabuti pa  hindi na lang siya basta basta nangako nang wala akong inaasahan.” Damang-dama ko ang kanyang hinagpis, ang kirot ng kanyang puso habang nakayakap siya sa akin na umiiyak.

Naulit uli ang eksenang pilit kong ibinabaon sa limot. Ang pagkakaiba nga lamang, ako noon ang nakayakap kay Mer at umiiyak. “Mer, hindi kayo para sa isat-isa ni Marco. Kalimutan mo na siya. Marupok ang kanyang puso, madaling nadarang sa tukso,” ang sabi ko sa kanya ng malumanay habang hinahaplos ko ang mahaba niyang buhok. Lalo siyang humagulgul at parang batang umiiyak. Matinding awa at pagmamahal ang naramdaman ko sa kanya sa mga oras na iyon, at ako naman ay daig ko pa ang isang inang nagluwal sa kanya sa pag-aalala. Bawat luhang umaagos sa kanyang mga mata ay tumatagos sa aking puso. Namumbalik tuloy ang nakaraan, gusto ko ring umiyak ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Kailangan ay isa sa amin ang matatagag sa ganitong gipit na kalagayan.

Nakarecover din si Mer at isang taon pang namalagi sa agency hanggang naisipan nitong magresign upang ipagpatuloy niya ang naumpisahan niyang kurso ng nursing. Hindi ko siya ganap na maintindihan sa kanyang disisyon, kung ito ba ay bukal sa kanyang puso o ginagawa lang niya bilang reaksiyon sa kanyang kabigoan sa pag-ibig. Nurse ang ipinagpalit sa kanya ni Marco, bakit gusto niyang maging nurse din? A, talagang mahiwaga ang damdamin ng isang tao.

Nakatapos din si Mer, isa na siyang ganap ng nurse. Tanggap na rin niya ang kanyang kabigoan. At ngayon ay panay ang patsarming niya sa mga binatang resident physician. Ang kanyang laging biro, kung hindi ka doctor ay humanap ka na lang ng iba. Marahil hindi pa ganap na nawaglig sa kanyang puso ang ala-ala ng lumipas bagamat bumalik na ang sigla ng buhay sa kanya, ang kanyang kapilyahan at higit sa lahat ang kanyang tapang o fighting spirit.

Kapwa kami bigo, kapwa naming iniyakan ang kirot ng kabigoang iyan, at kapwa naming naramdaman ang pagtagos ng luha ng bawat isa sa aming mga puso.

Tags: , , , , , , ,

38 Responses to “Her Tears in my Heart”

  1. secondlady Says:

    Mer,
    We are both loveless and without a date comes Valentines day.

    Ano ba itong inumpisahan mo, pinaiiyak lang nating ang ating mga sarili. On the other hand mabuti na rin iyan para tuluyan na nating makalimutan ang nakaraan. Okay ka lang ba?

  2. cindyrella Says:

    ang lungkot naman nito. ganyan talaga mabuti na yung habang maaga pa malaman mo na di talaga kayo para s isat isa. mas mahirap kasi pag sobrang tagal na nung relationship at madami ka ng naipaglaban at doon ka pa niya iwan. look at the positive side ^^

  3. KapitanKidlat Says:

    Girls,

    Maraming mga lalaki diyan. Be practical. Ang pag-ibig ay napagaaralan. Isang pagkatalo pa lang iyan, marami pang darating na pagsubok.
    Maniwala kayo sa akin, kung nang ma-broken hearted si Tisay ay nakatagpo siya ng mas higit pa sa una like me hehehe, bakit naman hindi sa inyo.

    Mapili lang yata kayo e. Segundina iyong binata ko may pag-asa ba?

  4. KapitanKidlat Says:

    Pero tama kayo, iniyakan ko din iyong peace corp volunteer na naka-relasyon ko nang ako’y iwan. Sayang kung nagpakasal siya sa akin US citizen na sana ako ngayon, hehehe.

  5. joycee Says:

    ay ang lungkot naman.😦

    but don’t you find it magical?? na kahet pareho kayong loveless at nasaktan, you have each other naman. I guess that’s teh most important thing, na we have our friends who are with us all throughout.

    i’m one with you in prayers that you may find the right men for you. at ganun din saken. hehe.🙂

    God bless! Don’t give up on love..

  6. Segundina Says:

    Joycee,
    Salamat ha, you affirmed our resolve. Tama ka, may nawala sa amin pero nandiyan naman ang bawat isa sa amin at lalo pang tumibay ang aming pagkakaibigan. Thanks for your prayers sa lahat ng mga katulad naming naghahanap ng panibagong langit ng pagsinta, naks ha. Kaya namin isinulat ang aming karanasan para maging vehicle to share with others kung ano ang nararapat gawin should we fall and fail in love. lots of love for you joycee.

  7. MRivera Says:

    girls,

    pakatandaan n’yo ito: kapag merong umaalis, mas marami ang dumarating. mamimili ka lang.

    katulad ko noon. noong iwan ako ng isa kong syota, hindi naglipat linggo ay ‘andaming dumating sa tinitirhan ko.

    mga naniningil ng patubuang pautang na hindi ko nabayaran na aking pinagtataguan. me lahi kasing hapon ‘yung naging syota ko. bili mo ako noon, bili mo ako nito.

    ungaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!

  8. Colegiala girl Says:

    Hahahhahahha, baka si Seg na iyan hinahanap ng mga Bombay.

  9. KapitanKidlat Says:

    Nakantyawan na naman ito tumatandang kabayo. Kawawa naman, kahit sa last trip wala nang masasakyan pa huhuhuuuuuuuuuuu

  10. KapitanKidlat Says:

    ano kaya seg try lang ninyo ni banong kahit isang linggong pag-ibig lang.

  11. Banong Says:

    Kap naman bakit hindi nang permanente, isang linggong pag-ibig anong mapapala ko doon

  12. MRivera Says:

    kapitan,

    oo nga naman. bakit isang linggo? ang tagal naman nu’n!

    sana nga makatagpo na si banong ng matagal na niyang hinahanap na makakasama’t makakatuwang sa buhay. kahit hindi na si segundina dahil parang ipininid na ang pintuan para sa panibagong pag-ibig. subalit alam ko, dama ko na ang mga tagasubaybay ng pitak na ito ay umaasam na huwag na silang lumayo pa sa paghahanap, bagkus ay haraping magkasama ang kanilang bukas. bilang magsing-irog na laging magkayakap!

  13. KapitanKidlat Says:

    Banong,
    Ayaw ko nang makialam pa sa buhay mo. Bahala ka sa mga ambisyon mo at huwag mo na akong idadamay pa sa mga plano mo sa buhay. Kung may magkakagusto sa iyo, fine. Pero ito ang huling hirit, iyong labandera ng kapitbahay namin ay naghahanap daw ang makakasama sa buhay. Malungkot daw ang gabi para sa kanya. Bata pa ito, mga trenta anyos lang, ewan ko kung anong probinsiya siya. Pagpasensiyahan mo na lang at malakas manigarilyo. Hindi bale puwedi naman niyang sigarilyohin ang iyong skewer.
    Tip number 2, itong pinaglilingkuran niyang biyuda. Fifty three years old na ito at may mga Apo na. Panay patsarming sa akin, magkatabi lang ang aming bakod at kapag nagwawalis ako sa likud ng bahay ay lagi siyang nandoon din na nagdidilig din ng kanyang orchids. Maputi siya, sexy, at mabibilog ang kanyang mga boobs (hindi ako nambubuso ha, nagkataon lang.)
    Minsan nahulog siya (kuno) sa tinutuntungan na upuan habang nagtatanggal siya ng sapot ng mga gagamba sa kisami ng kanyang kusina. Medyo naalarma ako Banong kaya simbihis ng hagibis kong inakyat ang kanilang bakod upang alalayan siya. Biroin mo namang yumakap pa siya sa akin at naglapat ang aming mga katawan habang itinatayo ko siya ng dahan-dahan. Mabuti na lang hindi ako tinayuan ng aking skewer.
    Magmula noon Banong ay naging close na sila ng aking misis, madalas siyang magbigay ng kung ano-anong pagkain dahil magaling siyang magluto.
    Please lang Banong, umpisahan mo nang ligawan sila, bahala na kung sino ang papatos sa iyo. Ako naman ay laging kinakabahan sa biyuda, hindi sa wala akong control sa aking sarili, wala akong tiwala sa kanya.
    Kahapon Banong ay muntik-muntikan na akong matukso, biroin mo ba namang tinawag niya ako para tignan daw ang kanyang sasakyan dahil palyado ang andar nito. Habang sinusuri ko ang kanyang sasakyan ay panay panay naman ang yuko ng bruha. Wala siyang bra at napakaliit ang kanyan pany na halos kitang-kita na ang kanyang puwet. Sus Mariano Garapon, ang kiniskinis na parang labanos ang balat. Umakbay pa siya habang ina-adjust ko ang taas ng idling ng kanyang sasakyan.
    Please Banong kumilos ka na bago ko siya masakyan sa loob ng garahe o sa kusina, hehehe.

  14. MRivera Says:

    o, banong. kilos na!

    isa isa lang, hane?

    pero kung ako ikaw, ‘yung amo ang pipiliin ko.

    sandali na lang ‘yun. baka nga sa unang gabi ninyo ay bumigay kaagad kaya bago mo pakasalan, eh pirmahan muna ng last will para kung tumirik ang mata habang nasa hanimun kayo ay biglang yaman ka (uli).

    hayaan mo na ‘yung labandera kung parang tambutso ng tren ang buga ng usok kapag naninigarilyo.

    hindi asawa ang hanap noon kundi layter at as trey!

  15. Banong Says:

    Ito po ang mahirap kasi kay Kap, magbibigay lang ng tip e iyong pinagsawaan pa niya (gusto kung linawin ng kaboboso). Sabagay Mang Magno kung ganyang umasta ang amo parang nakadyakpat ka na rin ng isang dalaga. Siguro makiniskinis pa ang kanyang balat at kutis parang vintage car na pininturahan ng Anzal sa ibabaw ng makapal na masilya.
    Kap, mabango-bango ba siya. Kasi kung minsan maamoy ko lang iyong pabango ng babae ay tinitigasan na ang aking paninindigan. Pero sayang din naman iyong labandera, baka hindi pa gaanong nagagasgas ang kanyang sunflower?

  16. Colegiala girl Says:

    Ako hindi naniniwala kay kap na wala siyang vested interest sa biyuda. Kapa huwag naman ninyong ipinapahamak lagi si Banong. Sawi na nga ang tao ay lalo pa ninyong binubuyo sa kapahamkan. Sige Banong, arya kay biyuda heheheh.

  17. MRivera Says:

    banong,

    ‘lang’ya din naman ‘yang kana mo doon sa b’yuda. ginawa mo pang masilyado, he he he heeeh!

    para akong kinilabutan doon, ah!

    biro mo, kapag pinaliguan mo’t natanggal ‘yung kinis ng mek ap niyang makapal, ang lalabas ay parang balat ng puwet ni cheetah?

    inaaaaaannnnnnnggggghhhh!!!!

    banong, kaya mong halikan ‘yun?

  18. MRivera Says:

    salbahe talaga itong si banong, eh.

    daming bulaklak, sunflower pa pinaghalintularan doon sa labandera?

    walang kasayadsayad ‘yun ah?

    isipin mo ‘yung lapad ng buka?

  19. MRivera Says:

    ng mga daliri kapag nagkukusot sa paglalaba!

  20. segundina Says:

    Kanina pa ako natatawa sa pagbabasa. May estudyante lang kasing tumawag kaya hindi ako nakapagcomment kaagad.

    Mang Banong naman ang sunflower ay laging nakangiti sa araw. Ibig mo bang sabihin pinapaarawan din ng labandera ni Mrs. Byuda ang kanyang bulaklak, hehe.

  21. segundina Says:

    Kuya M, talagang lumalapad ang kamay at lumalaki ang dalire ng mga labandera sa araw-araw na paglalaba. Hindi sa pagaano, napapansin ko rin iyan. Kasi kapag malalaki ang daliri ay…

    Patawad po ayaw ko nang mag-isip pa ng masama, hehe.

  22. segundina Says:

    Huling hirit na lang at babasahin ko pa ang report ng aking mga estudyante tungkol sa mga social issues brought about by corruption in the government.

    Ako ay natatawa kay Kap, parang nakikita ko na kung papaano niya pinaglalabanan ang tukso habang nakatutok ang mata sa bumper at tambutso ng maselyadong kagandahan hehe. Pero kung talagang seksi, maputi, at makinis pa ang byuda ewan ko lang kung talagang hindi bumigay si Kap. Patawarin ang dalagang ito pero hindi kaya naka-score si Kay, ayyyyy ayaw ko nang magsalita pa.

    Sige Banong proceed na, tutal may kasabiha diyan na age does not matter for as long as that matter does not age, heheheh.

  23. doc.bobonyo Says:

    Ang kuwento ay tungkol sa pagtutulungan ng magkaibigan na dumanas ng kabigoan. What are friends for sabi nga ng iba. Pero may mga kaibigan diyan na sila pa ang dahilan ng paghihiwalay ng magkasintahan.

    Hindi iyon mabuti. May kanta noon ang Cinderalla, “Boyfriend ko at kaibigan/Sila ang nagkatuluyan…” Kagaya ko, iyong bridge siya pa ang pinakasalan. Noong araw hindi ako naniniwala sa kantang “Bridge Over Troubled Water” kung ang pagliligawan at pag-iibigan ang pinag-uusapan. Kadalasan iyong bridge ang cause ng trouble, hehehe.

    Sa iyo naman Banong, kung sa halip na inaaway mo si Segundina ay tinutuhanan mo na sana siya. Magtiyaga ka lang manalangin at darating din ang kasagutan ng grasya. At talo mo pa ang nanalo ng apat na bises sa lotto kung mapasagot mo si Seg. Para kang nakasandal sa pader niyan brod.

    Kay Mer naman, hehe, mag-aral ka muna ng pagka-doktor. Kahit ano huwag lang iyong doktor ng mga aso at pusa, hahaha.

  24. MRivera Says:

    doc,

    ano namang specialization ang papasukan ni mer? ‘yung talgang hindi siya mawawalan ng pasyente, ha? me naisip ka na?

    ako, meron na!

    mer, pag-aralan mo ang surgery. sigurado ako, 199.99 1/2%, kapag itong aking naiisip ang sinunod mo, laging apaw ang klinik mo.

    i-ispesiyalays mo ang sirkumsisiyon at discounted ang gawin mong singil. sa ganda mong ‘yan na doktora, daming mga tatay ang magiging bisita mo sa klinika……kasama ‘yung mga anak na ipapatuli nila (iba na naman ang takbo ng metro mo, iha). o, di ba?

    kung si banong ang magpapatule, meron kami ditong grinder para sa “kanya”.

  25. Segundina Says:

    Hehehehehe, dapat ang bala ng grinder iyong iron cutter.

  26. Segundina Says:

    Mer, ang tawag sa iyo niyan ay doktora tule. At saka sagutin mo na kasi ang aking pinsan na doktor kahit forty na siya. Bagay kayo. Ngan ang apilyedo niya kasi may lahi kaming Chinese.

    Ang maging pangalan ng iyong klinika ay Dr. Mer “Tule” Ngan Clinic. Malapit lapit na sa pangalan ng isang isdang paboritong kainin ni Banong.

  27. Segundina Says:

    Banong magnursing ka na rin. At sikapin mong maging OB nurse ka. Marami kang makikitang sunflowers dito, haha.

  28. Banong Says:

    Ba ako nasali na naman sa usapan. Ikaw talaga Seg may crush ka siguro sa akin dahil panay panay ang pagpapansin mo. Ayaw kong magpaalila sa ospital kagaya ni Mer. Biro mo sa opisina lang siya lagi akalain mo ba namang mag-aral uli ng pagkanarsing dahil lang sa kabigoan niya sa puso. At lalong ayaw kong maging OBgyn nurse.

    Sa totoo lang mahiyain ako Seg. Ayaw kong nakakakita ng butas na aking pinanggalingan. Ako’y laging nagtatakip ng aking mga mata kapag nakakakita ako ng babaeng hubad.

    At iisa lang ang aking gustong pagtuonan ng pansin sa buhay, ang iyong sunflower lamang.

    Hahahayyyyyyyyy

  29. Colegiala girl Says:

    Banong hindi ka bagay maging nurse. Sa itsura mo na lang ay matatakot na ang mga pasyente.

    Delikadong maging nurse si Banong baka panay sundot niya sa P… alam naman natin na masyandong mahilig iyan sa lahat ng mga bagay na naguumpisa sa P….

  30. Segundina Says:

    Hoy Banong pati pala ang aking hiyas ay pinagpapantasyahan mo.

    Huwag kang bastos ha, alam ko ang ibig mong sabihin sa sunflower.

    Hindi ganon kaluwag ang akin. Makipot pa, hehehehe.

    Liwanagin lang natin, ang aking pag-iisip.

  31. Segundina Says:

    Mer,
    Si Banong pa. Ay naku magsabit ka lang ng panty at bra sa poste ng Meralco babae na ang tingin niya dito.

  32. Banong Says:

    Huwak galit kay Banong. Banong lambing lang inyo. Banong naman sa pakmamahal lang. Banong wait lang kung may magkakainterest. Banong lang ay great lover. Pero poste meralco never…

  33. MRivera Says:

    ito kasing si banong, eh!

    katinotino ng tapik sa itaas kung ano anong kabulastugan ang sinisingit.

    pati kami nahahawa!

    tara na, mamitas na tayo ng sunflower sa may avenida!

  34. Colegiala girl Says:

    Hehehe, maranasan kaya ni Banong ang mahawaan ng herpes. Marami diyan sa may avenida ang naghihintay sa gabi Banong.

    Kung magkaproblema ka sir nandito lang kami sa may San Lazaro. Ako na ang bahala sa pagpapagamot mo. Sa publicity bahala na si Seg.

    Bababala: Huwag tularan, Banong Capalaran

    Hehehehehe.

  35. MRivera Says:

    mer,

    nakahanda na ‘yung gamot para sa herpes ni banong, kung sakali.

    pitrin (ipaipit sa tren) para siguradong tapos kaagad ‘yung herpes at hindi na makahawa. sundan kaagad ng crematrin (i-cremate na rin).

  36. secondlady Says:

    Pitrin, hehehehehe ipaipit sa tren? Hindi na skewer ang labas kundi tosinong sabog.

  37. secondlady Says:

    Aray kup, si Banong maglalahong parang bula pagkatapos masagasahan ng tren hehehehe.
    May bagong paksa na naman tayo. I hope matindi na naman ang mga biroan dito at sana ay game lang si Kuya Banong.

  38. Carmina Says:

    Nakakaiyak naman dito. Nakakarelat yata ko sa mga kuwento ninyo. Iisa pala ang ating kapalaran na pinagmalupitan ng mga walang kuwentang lalaki.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: