The Bridge of Trouble; Sa iyo na lang siya…

 

cying1

In the beginning lovers were just like an island. They need a bridge to bring them close to each other. While love bridges may have been instrumental in building many of successful romantic relationships, at times they can also be wreckers of dreams. Instead of becoming “a bridge over troubled water,” they become a bridge of trouble. They are not there to fix your relationship, they are there to tear your love apart.

Siya si Elmo, isa sa mga kaibigan namin at kaopisina noon na pogi at pormang mayamanh. Maraming nagkakagusto sa kanya kabilang na si Chickie ngunit hindi siya tipo ni lalaki; ang puntirya kasi nito ay si Vanny isang mabait at may itsura ding daycare teacher na siya namang kaibigan ni Chickie.

Ngunit mailap si Vanny sa mga guwapong at mapopormang lalaki. Nadala na siya kasi  sa mga lalaking guwapo at machong tignan. 

Para makalapit naman si Elmo kay Vanny gumamit siya ng tulay, si Chickie na sa kabila ng lahat ay  alam niyang may pagtingin din ito sa kanya. Si  Chickie ang tagabigay ng mga love notes at regalo ni lalaki kahit nasasaktan pa siya, handang magsakripisyo baka balang araw ay mababaling ang pagtingin sa kanya ni lalaki.

Ngunit magaling yatang bridge si Chickie dahil sa maiksing panahon na panliligaw ni Elmo ay bumigay kaagad ito sa kanya. Ang biro nga ay baka nadala siya sa mga chocolate at roses na ipinapadala sa kanya ni Elmo. Ngunit matiyaga lang manalangin siguro si Elmo. At idagdag pa natin ang pambobola naman sa kanya ni Chickie.

In short nagkaibigan sila. Sa umpisa puro bed of roses ang kanilang dinadaanan. Sila na yata ang mga pinakamaligayang nilalang sa mundo tuwing magkasama sila. Sa isang banda ay iniyakan naman ni Chickie ang kanyang kapalaran. Nawala siya sa eksena ng dalawa. Hindi na nila kailangan pa ang tulay. 

Ngunit sa pag-ibig ay may mga pagsubok ding dumarating. Nagkalaboan ang dalawa. Ang dahilan pagseselos. Nagseselos si lalaki dahil may isang binatang balikbayan na dumating at nagkagusto kay Vanny. Nagseselos din si Vanny dahil ang supervisor ni Elmo na dalaga ay madalas siyang isama sa mga official trips niya sa probinsiya.

Nabalik uli sa eksena si Chickie. Napakiusapan siya ng dalawa na mamagitan sa kanilang hindi pagkauunawaan. Ngunit sa halip ang pag-ayusin ang dalawa, lalong lumalala ang kanilang hindi pagkakaunawaan. Mahilig kasing mag-imbento si Chickie ng mga kuwento na siyang ikinagagalit ni Vanny sa kasintahan. Kay Elmo panay panay naman ang sulsol ng bridge of trouble, laging ipinaaabot ni Chickie ang mga hinanakit ni Vanny sa kasintahan pati na ang pagkukumpara nito sa mga nauna na niyang karelasyon. Lalong nagatongan ang apoy, nasira na ng husto sa kanya ang character ng kasintahan. Resulta, matinding pagaaway at pagkamuhing nararamdaman sa bawat isa.

Nagkahiwalay. Ngunit hindi ganito kadali ang lahat. May nararamdaman pa silang pag-ibig sa bawat isa. Iyon nga lang hindi sika makapagpatawaran, laging nananaig ang pride ng bawat isa. Ang dahilan, the bridge of trouble.

Kaya sa sobrang lungkot at pagkawasak ng kanyang ego ay si Chickie ang napagbalingan ni lalaki. Sa kanya ito  naglalabas ng sama ng loob na umabot naman sa paglalapit ng kanilang damdamin.

Huli na ang lahat nang malaman ni Vanny na pinagtaksilan siya ng kanyang kaibigan. Naiyak man siya at namuhi dito ay wala na siyang magagawa pa. Upang lalo pa siyang pasakitan ng lalaki ay hinimok ni Elmo na maglive-in na lang sila ni Chickie. Wala namang magawa ang “bridge of trouble” kundi sumangayon dahil may nabuong buhay na sa kanyang sinapupunan.

Nagwala ng husto sa opisina si Vanny nang malaman niyang ikakasal na pala ang kanyang kasintahan at buntis na kaibigan. Mabuti na lang at nasunggaban siya ni Mer bago pa ito makatalon sa bintana na tiyak naman ikamamatay niya.

Dahil sa pagtataksil ng dalawa kay Vanny at takot na nararamdaman sa kanya ay nag-resign silang pareho sa opisina. Nangibang bansa rin si Vanny upang makalimot. At nakalimot nga siya dahil pinakasalan naman siya ng kanyang among Arabo. Binisita niya kami ni Mer nang minsan siyang umuwi ng Pilipinas at ipinakilala ang kanyang mister.

“Tall, dark, and handsome pala ang napangasawa mo. Tignan mo nga naman ang suwerte,” ang wika kong papuri sa kanya.

Tumawa lang siya at mabilis na niyakap si Mer bilang pasasalamat sa ginawang pagpigil sa kanya nang magtangka siyang magpatiwakal.

“Mabuti na lang at may pagkabutangera at pagkawrestler itong si Mer,” ang sagot naman niyang tumatawa.

Si Mer naman ay patawa tawa lang pero alam kong hindi niya nagustohan ang biro ng babae. Tawagin mo nga namang butangera at wrestler si Mer, hehehe.

Pero may hirit din ang kaibigan ko.

“Abot ba hanggang leeg ang haba ng kaligayahan mong nadarama sa kanya araw-araw,” ang tanong naman niyang pabiro.

Namula si Vanny.

Tags: , , , , , , , , , , , ,

26 Responses to “The Bridge of Trouble; Sa iyo na lang siya…”

  1. Colegiala girl Says:

    Seg,
    Ako kaya ang maging bridge ninyo ni Banong?

  2. Cindyrella Says:

    hirap talaga amaging bridge eh no? kaya ako ayokong umasa sa mga bridge bridge na yan. kasi katangahan yun eh. kung may gustong sabihin dapat eh sila na mismo ang nag usap! pero buti na lang at masaya na itong si vani ^^

  3. KapitanKidlat Says:

    Cindy,

    Ako’y pinalad dahil sa bridge na iyan. Si Petrang K (hindi mukhang kabayo) ang una kung pinagkainteresan. Estudyante siya ng Business Management. Si Tisay ko naman ay kasama nila sa dorm. Kapag dumadalaw ako sa dorm nila, wala si Petra K siguro may hila-hila siyang kalesa. Itong si Tisay na napakakinis at napakaganda hindi ko napapansin, nakatuon kasi ang bulag kong pag-ibig sa Petrang iyan na ang tanging assets lang niya ay ang dalawa niyang naglalakihang bumper sa harap.

    Kalaunan, ayaw nang tumanggap ng ano mang sulat o regalo na pinamimigay ko kay Petra. At tuwing bumibisita ako, siya na ang humaharap sa aking upang makipagkuwentohan. Iyon pala ay bored din siya sa dorm at walang nanliligaw sa kanya. Binasted na niya ang kanyang mga manliligaw na taga UST at FEU. Dahil hindi ko naman siya pinopormahan kaya panay naman ang biro ko na noon pala ay umeepekto na.

    Ayaw niya sa mga seryosong kausap, type niya iyong mga lalaking ala baduy at mapagpatawa. Biroin mo nang yayain ko kunwari na magsine kami ay sumama siya para panoorin namin ang Blue Lagoon kung saan ay starring si Brookshields.

    To cut the story short, nagustohan niya ako at hindi ko na siya pinakawalan pa. Ngayon may anak na kaming dalawang Lasalistas at isang IT practitioner na inililigaw ko kay Segundina, hehehe.

    Ano ang nangyari kay Petra K, nakapagtapos din siya ng Banking and Finance at nagtrabaho sa Hongkong bilang yaya ng biyudong intsik. Nalungkot yata si Bossing at isang gabi ay ginapang siya. Hndi na siya pumalag dahil na-inlab din yata siya sa haba ng kuwan kwan niya, ibig kong sabihin ay pasensiya at pagmamahal sa kanya ni Bruce Lie, hehehe.

    At ang sipag nila, taon-taon noong nanganganak si Petra.

  4. MRivera Says:

    karuwagan sa parte ng lalaki ang paghahanap ng tulay upang marating lamang ang hardin ng kanyang minamahal.

    dila sa dila lamang naman ang magkakaintindihan bakit kailangan pang merong ibang dilang mamagitan? mabuti kung medyo mapagkakatiwalaan ang gagawing tulay, eh kung para ‘yung salaan?

    buking lahat ang hindi dapat malaman ng bayan!

  5. joycee Says:

    nakakalungkot na may mga taong nakakagawa ng mga hinde magagandang bagay dahil sa pag-ibig. Sabi nga ni Bella, “Love is irrational. The more you loved someone, the less sense anything made.” In short, nagiging tanga ka.

  6. Banong Says:

    Ang kuwento dito ay iyong bridge at kasintahan ang nagkatuluyan, bwahahahaha. Kayo kasi hindi nagmana sa akin. Kung ayaw sa nililigawan, mabuti pa ay ligawan mo na iyong bridge baka kayo pa ang magkatuluyan.

    Kahit bigo si Banong, marami nang chapters ng Philippine History ang nasusulat sa aking mga palad Mang Mags.

    Diyan nagkamali si Kap, bakit kasi inuna pa niya ang kabayo. Mabuti na lang sa kalesa siya nakasakay, hahahaayyyyyyyyy.

  7. Banong Says:

    Ayun, may pagkakabayo nga ang tipo ni Petra. Mahaba-habang parang hose ng horse. Grabe namang magbiro itong si college girl.

  8. charlie Says:

    hang ganda ng istorya…

    pwede to sa pocketbooks na nabibili sa bangketa…

    hahaha…. malaki kikitain mo!!

  9. MRivera Says:

    banong, baka ibig mong sabihin ay chapter ng history na isinulat ng iyong magkabilang kamay.

    pero kung ‘yan nga ang tunay na ginawa mo, puwede ba, magnhugas kang maige ng kamay?

    ang lansa ng kasaysayan sa mga palad mo!

    magmumog ka na rin ng dettol, hane?

  10. Carmina Says:

    Teacher ka pala. Ako din pero tumigil lang dahil nagkaproblema ako sa aking gagong mister at hindi makapag-concentrate sa pagtuturo.

    Ako’y ahente na ngayon ng ibat-ibang health products, iyan ang pinangbubuhay ko at pinangpapaaral sa mga anak ko.

    Mabuti may mga lalaking nagri-react dito. At least balanse.

    Ano ba ang sasabihin ko na, a tulay or bridge sa puso. Maganda rin naman ang may tulay sapagkat hindi naman lahat ng mga nagliligawan ay may lakas ng loob na ipahayag ang kanilang feelings. Pero totoo ang mga ganitong kuwento, usong-uso ang hudasan.

    Iniwan kasi ako ng aking mister na isa ring teacher. Ewan ko kung tutoo pero isa sa mga kumpare daw namin ang naging daan upang pumatol ang aking mister ng isang batang teacher. Maganda siguro ang gaga kaya iniwan naman ako nitong gago.

    Here only my friends because I feel like crying again. Ang dami kasing mga manlolokong mga lalaki.

  11. Segundina Says:

    Welcome to my site Carmina. Sana regular ka na dito nang may nakakapalitan namin ng mga komentaryo. Huwag ka lang mapipikon kay Banong dahil siya ang aming star dito.

  12. Segundina Says:

    Kuya Magno puwedi bang kloroks na lang ang gamitin ni Banong. Magkasing amoy lang iyon at ang kanyang historical fluid, hehehe.

  13. Segundina Says:

    Girl huwag kang bastos, hindi pa ako naloloka para laspagin ni Banong, haha.

  14. walongbote Says:

    awts! it happens actually in real life.. sad to say..😦

  15. kengkay Says:

    may alam akong istorya ng bridge na naging sila pero ngayon ay asa cloud nine pa rin sila pareho kahit na more than 15 years na silang mag asawa😀

  16. doc.bobonyo Says:

    Ang mga salitang ayaw nating madinig sa iba, hudas, ahas, manloloko, at walang hiya. Sino nga ba naman ang may gusto sa isang may pagka-hudas.

    Selfishness iyang ang bottom line ang kuwentong ito. Isang bagay na nararamdaman at pilit na pinaglalabanan ng bawat isa sa atin alang-ala sa kagandahang loob.

    Walang perpektong relasyon, laging may nakaambang panganib sa ano mang pagmamahalan. Kasal na nga nagkakahiwalay pa.

    Magparaya iyan lang ang ating paraan nang mawala ng pag-iimbot at kasakiman.

    Manalangin nang mapagtagumpayan ang mga tukso at pagaalinlangan.

    Di ba Banong?

  17. doc.bobonyo Says:

    Banong binabati kita kapatid, ang ganda nang ipinayo mo sa ninang ni Mer. Ikaw kaya kailan ka lalagay sa tahimik?

  18. MRivera Says:

    doc,

    palabo nang palabo ang tsansa ni banong.

    singko na ayaw pang ilaban sa bangka. humihirit pa.

    kaya ‘ayan, laging BOKYA!

    di ba, seg?

  19. Banong Says:

    May kasabihan mang Magno na habang nabubuhay ang tao ay may pag-asa. Habang wala pang sabit si Segundina may kahit katiting pa akong nakikitang pagaasa.

    Seg halimbawa ako na lang ang natitirang lalaki sa mundo, hindi mo pa ba ako magugustohan?

    Ano pa ba ang hahanapin mo sa akin, marangal naman akong tao. Marunong umibig ng labis-labis.

    Hahahayyyyyy Segundina mag-isip isip ka darling. Sayang ang mga oras at panahon.

    Mang Magno puwedi ko ba kayong kunin na ninong namin ni Seg?

  20. Banong Says:

    To all the ladies here,

    Let is be known to all na bawat lalaki ay may katangian. Bawat lalaki ay may kakayanan to make you happy.

    Am I not good enough for you?

    Pakipot lang kayo, hahaayyyyyyyyyyyyy

  21. MRivera Says:

    bah,

    lakas ng fighting spirit ni banong, ah?

    ‘yan ang lalaki, matindi ang hangad na kamtin at masungkit ang matamis na “oo” ng mailap na nililiyag.

    sige, banong. payag akong maging ninong sa kasal ninyo ni seg.

  22. Segundina Says:

    Banong,

    Binigla mo ako. Talaga bang seryoso ka?

    At saka Banong hindi ka ba nagbibiro sa lagay na iyan?

    Baka paiiyakin mo lang ako kapag nasipsip mo na ang aking bango?

    Hayaan mo Banong pagiisipan ko ang lahat ng mga bagay na sinabi mo.

    But there is only one little problem that you should understand; mabagal akong mag-isip. Mahinang umandar kasi ang aking mental processor kapag nililigawan ako.

    Kuya Magno, it’s an honor to be our ninong kung ikakasal ako. But as far as Banong is concerned I am not sure with it yet. Sana maunawaan ako ni prince Banong. He could wait for me for a short time, he could wait for long enought to see him in the House for the Aged, or if ever he becomes immortal he well wait for me forever.

    Nagiisip pa lang kasi ako e. At saka Banong kung makapaghihintay ka hindi ka malulugi sa akin, mamahalin kita ng buong tamis habang ako’y nabubuhay. You can always explore my body everyday, at suwerte ka sa akin dahil hindi kami nagkakalayo ng kasexsihan ni Christine Reyes, hehehe.

  23. Carmina Says:

    Seg,

    hindi ka ba kinakabahan niyan? Alalahanin mo na hindi sumusuko ang matandang kabayo kahit tadyakan mo pa basta nakakita siya ng sariwang damo.

    May natural insectiside akong ibinibenta sa aking health products. Pero ibibigay ko na lang ito ng libre just in case makalusot si Banong.

  24. Colegiala girl Says:

    Seg, Carmina, laro tayo ng aking Barbie doll na tibu. Isama na rin ninyo si Banong hehehe

  25. Banong Says:

    Seg,

    Huwag mo sanang pagdudahan ang pagmamahal ko sa iyo. Nakahanda akong magpakasakit alang-ala sa pagmamahal ko. Hindi kita binibiro, sinisinta kita saksi ko ang langit. Bilisan mo Seg dahil hot na hot na ako.

    Ikaw din kapag tinagalan mo pa ang iyong pagiisip na iyan baka hindi mo na ako mapakinabangan pa. Baka bigla na lang mawala ang aking magic, kawawa ka na man. Ayaw kong sa mga daliri na lang ng aking palad ka aasa ng kaligayahan.

    Please do understand if you really care for me….

  26. Cocoy's Delight Says:

    Hahaha!
    Nakatagpo sa wakas si Banong…Yeheyyyyy.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: