My Prayers (Padre Nais Kong Mangumpisal)

Last night I received a text message from a co-teacher asking me if ever I had a love affair with a priest? The tone of her query was so disgusting. As if whe was accusing me of being so immoral for not sparing religious people in having carnal relationship with the opposite sex.

And comegedc0617 to think of it, she even had the courage to tell me that I have to go to the confession. My blood was boiling and my claws started to grow; Iwanted to become a monster and destroy that silly woman. I hope she was only joking. I remember Carmina posting a comment in another blog–pang pari ka lang (you are only good for the priests?). Am I only good for the priests Carmina?

I am not, take note Colegiala and Carmina, having an affair with a priest. If ever not just for an ordinary priest, I want the Cardinal and the Pope, hehehe. But that is impossible guys. As they say, ” you are barking on the wrong tree.” Of course I will personally confront that woman to settle this issue. It’s my prayer that there will be no pulling of hair, hehehe.

Padre Nais Kung Mangumpisal

I know mang Joeseg, Magno, and Cocoy (the Parecoys) must have heard and can still remember the song “Padre Nais Kung Mangumpisal.” It was very popular during the sixtees. Anyway it runs this way: Padre nais kung mangumpisal/Ako ay nagkasala sa mundong nilalang/Kami ay nagmahalan….

I heard this song many times noong bata pa ako, laging pinapatugtog ni auntie Mildred ang pinsan ng aking nanay na siyang nagalaga sa amin noon sa Baguio City. Sawi din kasi sa pag-ibig si auntie Mildred dahil ang lalaking kanyang pinagkatiwalaan ay mayroon na pa lang pananagutan sa buhay.

Kasalanan kasi ni Mer ito e, kung ano-ano pa ang ikinuwento tungkol sa aking nakaraan. If ever I have something to confess wala akong iban pang alam kundi iyong ako’y nagmahal ng isang seminarian, and that was long ago. Ni hindi ko nga alam kong nasaan na siya at ayaw kung alamin for my own good. Dahil kung ako ang tatanungin sasabihin ko na over the years na nagdaan, hanggang ngayon padre mahal ko pa rin siya.

Tama siguro si kuya Magno na muli kung buksan ang aking puso para sa panibagong pag-ibig. Kagabi lang ay nanood ako ng Binibining Pilipinas Beauty Pageant at nakita kung higit na magaganda at masisigla ang mga contestants at nanalo compared to my beauty. Hindi ako bumabata, malapit nang mangulubot ang aking mukha. Bago pa dumating iyon kailangan ay nanay na ako para makita pa ng aking anak kung ano ang aking itsura nang ako’y bata-bata pa.

Pero nais kung linawin, ang pag-ibig ay hindi basta-bastang tinatanggap. Ito’y dinadama at pinagaaralan. Mahirap nang matisod pa uli. Lahat naman ay malaya at may karapatang makapanligaw sa akin kahit pa si Banong.

Tags: , , , , , , , , , , , , ,

10 Responses to “My Prayers (Padre Nais Kong Mangumpisal)”

  1. Banong Says:

    Kung sino man iyang nagkakalat ng ganyang tsismis ituro mo sa akin love at paliligayahani ko siya hahahayyyy.

    Inggit lang iyan.

  2. MRivera Says:

    seg,

    happy for you! ‘yan na ang pinakamagandang desisyong iyong ginawa. walang idudulot na buti sa iyong sarili kung pilit mong itatali ang iyong puso sa nakaraan kundi ang patuloy na maramdaman ang pait ng kabiguang hindi dapat kamtin ng isang katulad mong maganda, may pinag-aralan, matalino at may mabuting puso.

    mas merong karapatdapat na nakalaan para sa iyo. hindi man siya dumating kaagad ngayon, maaaring bukas o sa pinakamadaling panahon subalit hindi mo rin dapat madaliin sapagkat baka ‘yun pa ang maging sanhi ng panibago mong kabiguan.

    bawasan mo lamang ng konti ang expectations at pamantayan para sa lalaking makakasama mo sa hirap at ginhawa habang buhay. bigyang halaga mo ‘yung pagkakasundo ninyo sa maraming bagay at huwag gawing kabawasan kung meron mang kayong hindi pagkaisahan sapagkat ‘yun ay ang tamis-anghang na lalong magpapatibay ng inyong pagmamahalan. give and take ang pinakamagandang formula tungo sa inyong kaligayahan.

    sa mapalad na lalaking makakasungkit ng iyong matamis na “OO”, lumantad ka na! torpe!

    ito ay para din kay mer.

    sa mapapalad na lalaking makakasungkit ng inyong matamis na “OO”, ano pa hinihintay?

    lumantad na kayo!

    mga torpe!

  3. MRivera Says:

    nagkadoble doble na ‘yung mga torpe!

    baka lalong hindi maglabasan ‘yung mga ‘yun, ah?

  4. Cindyrella Says:

    tama ka, di dapat pabigla bigla ang love, at siguro oras na din para buksan mo muli ang pinto para maging masaya ka di ba? At para hindi matisod muli kailangan tingnan ang dinadaanan. ^^ gud luck sayo sis!

  5. Carmina Says:

    Seg,

    Alam mo naman na puro joke lang ako, pero tutoong may anak ako sa ibat-ibang lalaki. Nagbabakasakali nga lang na may magmagandang loob diyan ma mauunawaan niya ako.

    Hindi ko naman sinabing pang-pari lang ang byuti mo. Sino ba naman ako para sabihin iyon, nasabi ko lang as a joke.

    Alam po ninyo kasi dinadaan ko lang sa biro ang lahat otherwise maiiwanan ko ang aking mga anak na walang magtataguyod sa kanila.

    Ang hirap kasi ang buhay ng isang single parent. Pero hindi naman ako kaagad na sumusuko.

    Sorry Seg, no harm intended, joking lang. Siguro iyong co-teacher mo ang dapat na sugurin mo at hablotin ang kanyang buhok sa harap ng barbero.

    love ya.

  6. Colegiala girl Says:

    Ikaw Seg ha pakumpikumpisal ka pa diyan. Pinitik mo na naman ang aking tenga, nalaglag tuloy ang mga gintong tutule ko.
    Bakit inatake ka na naman ba ng nostalgia?
    Sagutin mo na nga si Banong nang hindi ka umaastang parang nagmiminipos. Hehehehehe.
    Babooo magsusulat pa ako ng part 2 ni Japa Yuko.

  7. Segundina Says:

    Carmina,
    Nauunawaan na kita.
    Ang bait naman ni mang Mags. Ang ganda ng mga payo niya. Ang palad naman ng mga kapamilya mo sa iyo kuya, sana may mapupulot na aral itong mga mambabasa natin sa mga payo mo. Mabuhay po kayo.

  8. Segundina Says:

    Kanina ay may nagbigay sa akin ng isa, I repeat isang rose lang naman. Pero may note na nakalagay doon, “to love again.” Hindi ko alam kung babae iyon o lalaki. Pero tatanungin ko pa rin dito si Mer baka may kinalaman ang loka, hehehe.

  9. Banong Says:

    Natanggap mo ba dear? Hindi ako iyon, siguro isa sa mga estudyante mong nanganganib na hindi gumaradaweyt hahahahy

  10. Banong Says:

    Tutal ako na ngayon ang presidente ng Eggplant Rapper Fans Club, at nakapagpaalam na rin ako kay Eggplant, ladies and gentlemen it is an honor to present to you Eggplant for the Cocoy’s Delight Version of his Rap MABUHAY KA FRANCIS M.

    Are you ready guys, here we go!

    Dito sa CD may Carminang Delight, Segundinang maganda
    at Kimuching hot, there is one Colegiala and there is Perla
    If I may give them a kiss, let us clap our hands…

    Cocoy is the bida, but don’t say he’s cock
    There is Kutsara and kumander pipi fighting for delight
    Cocoy’s sapatos may hit their ngala-ngala
    artsee is mayaman, Joeseg is bright, Magno is a nice guy
    and Greggy’s finger digs alright, yeah digs alright…

    And now let me say something to my hero,
    hero of the masa siya ay isang true Filipino…

    “Nakilala ka bilang isang rap-artist, yeah rap artist,
    Nagsunuran na sila, at nagrarap na rin, mayaman at mahirap,
    Mga buntis at nanganganak, nawiwili na rin, nawili na rin
    Sa pakikinig sa rap mo Francis M. Yeah, Francis M.”

    “Pati si pareng Cocoy, pati si paren Tong, sa himig ng tunog pinoy
    Ay nagrarap na rin, nagrarap na rin, sila ay Pilipino…
    Pati kaming nagtatanim sa bukid, pati mga NPA na nakikinig,
    Basta Pinoy rap ayus lang ang pandinig, tayo ay Filipino.
    Kaya ala-ala mo Francis M ay hindi maglalaho
    From Tawi-tawi to Batanes, at buong Pilipinas, tayo ay Pilipino.”

    “Ewan ko lang sa mga iba diya, kung ayaw nilang tanggapin
    Na tayo’y mga Pinoy, tayo’y hindi Kano,
    Huwag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango.
    Francis M, Francis M, mabuhay ka Francis M
    Sa ala-ala ng lahat idol ka namin
    Kahit pa iyong mga nasa Japan ay ina-idol ka rin
    Mapa-japayuki man o maid in Hongkong
    Idol ka, idol ka, idok ka naming lahattttttt.”

    Salamat pareng Eggplant na tortang talong. Salamat din sa lahat.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: