Hello Joe, hello handsome; caught in the act

He said I love you. I said you wait. But he insisted, he just gave me a day to think about it. I said no and he went away. Now he came back. He asked the same thing again, do you love me? And I gave the same answer, can you wait? He said “no,” and I said “no” too. Like he went away before, he’ll never to come back anymore. 

Sorry handsome but you  are not really the man I’m looking for. Your ego is full of air and you’re just like a tornado to me. You may go to hell if you want but I don’t even itch a little for you in my skin.

Caught in the Act?

kawaii_by_wavemasterbunt

 Tawagin na lang natin siyang Joe. Dati siyang nanliligaw sa akin. Malaki ang pangangatawan at malaki din ang boses. Parang bouncer sa club kung makaporma. Pati ang mga matitino kong manliligaw ay hina-harrass niya. Natakot naman ang mga engot. Ako nga ay naha-harrass na rin niya noong una, ito na nga iyong sinasabi nilang “gulpe  de gulat” daw.

Mabuti na lang nandiyan si Colegiala. “Huwag kang matakot, ako ang bahala,” ang sabi niya. Lagi niya akong inaabangan kung saan-saan, hindi naman siya makalapit dahil ilang din siya kay Colegiala. Sa takotan niya nakukuha ang mga babaeng nililigawan. Ngunit sa akin siya nasira, sa akin siya natalo sa mga pustahan nilang magbabarkada.

Pero ibang-iba na siya nang magkita kami minsan nang hindi sinasadya sa Mall of Asia. Maginoo na siya at mukhang obispo. Ewan ko kung talagang nakakalbo na siya o nagpapakalbo lang para maging macho ang dating. Anyway parang si Pugo naman ang tingin ko sa kanya, he is not cute but a more of a clown.

May bata siyang kasama. Anak daw niya. In fairness mas cute naman yong bata kay sa kanya. Sa nanay kasi siya nagmana hindi sa kanya. Byudo na raw si handsome Joe at ako’y kinukomosta kung available pa. Ang sabi ko naman, as ever. Ngumiti siya at mabilis na nagsabi, puwedi bang pumanhik nang ligaw uli? Napatingin ang at nagreact ang kasama niyang bata na tila ayaw sa nadinig na sinabi ng ama.

Ako naman ay walang masamang tinapay ngayon. Ngumiti lang, ngiting doberman. Kinamayan niya ako at tumayo siya kaagad bago pa makapagsalita ang madaldal niyang anak. Natatawa lang ako. Naala-ala ko tuloy si mang Mags at sabay tanong ako sa sarili, “is it time to love again?”

Palakad-lakad lang ako sa mall at nagiisip tungkol sa kanya. May “little itch” na ba akong nadarama para kay handsome Joe? Tila yata, kasi nakalimutan ko ang mga items na balak kung bilhin. Buwiset kasi itong Joe na ito, nagpakita pa sa akin.

Nakalimutan ko na nga lang ang mga dapat kung bilhin, I decided na umuwi na lang. Sa parkingan ay may mabilis na kalbong mamang naglalakad patungo din sa kanyang sasakyan. May kasama siyang babaeng buntis at dalawang bata. Isa sa kanila iyong batang ipinakilala niyang anak kanina. Pero sino ba iyong babaeng kasama. Ay, Segundina tanga ka na lang kung hindi mo pa alam na asawa niya iyon. Napailing na lang ako.

Batam-bata pa iyong babae, nasa edad 24-27 siya. Mestisahin at may itsura. Hindi nga lang siya kasing-sexy ko dahil buntis, hehehe. At hot din pala si misis, yumakap pa siya at humalik kay mister na palingon-lingon naman  baka may makakita pa sa pagiging romantiko ng asawa niya.

At ako nga iyon. Nagkatinginan kami, kumaway ako sa kanya. Hindi siya kumibo. Namula na parang hasang ng galonggong na niluto namin noon ng paksiw ni Mer sa Batangas. Tinapon ko pa nga sa labas ng aming kubo ang mga iyon na pinagagawan naman ng mga  pusang kalye. Nabigla si mister Joe, pumasok kaagad sa loob ng kanyang kotse at mabilis na isinara. Pati si misis niya ay nabigla rin nang hinatak niya itong papaloob ng sasakyan. Mabuti na lang at hindi siya nakunan.

Humarorot palabas ng carpark si Mr. handsome na tila nagmamadali. Mabilis ang takbo niya na parang may emergency. Parang iyong manganganak ang misis niya na dapat ihatid sa isang maternity hospital. Lalo akong napatawa. Hinaplos ko ang aking braso dahil kanina pang nangangati ito.

A, kaya naman pala naman pala may something “itchy: akong naramdaman ay may kumagat lang sa akin na lamok. Isang salbaheng lamok.

Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,

16 Responses to “Hello Joe, hello handsome; caught in the act”

  1. Carmina Says:

    Katangang lalaki naman iyan. Lalapitan niya ang dating nililigawan tapos sasabihing byudo siya at aakyat ng ligaw sa harap ng anak. Gunggung. Marami kasis sa mga kalalakihan na kapag nilapitan na nila ang isang babae ay kuha kaagad at paglalaroan. Putolan dapat siya ng kanyang ari nang hindi na makapaminsala. Pwe, idiot.

  2. Colegiala girl Says:

    Sana pinigilan mo iyong tatay na umalis para magdadadaldal iyong bata. Sabog talaga ang utak ng “Joe” na iyan. Sana kinasuhan siya ng mga pinupuwersa niyang babae. Galit nga iyan sa akin pero wala naman siyang magawa, maporma lang ang buwiset na iyan. Mabuti nga at nabuking mo ang gago. Sipain ko pa iyan e.

  3. Colegiala girl Says:

    Alam mo bang bobo iyan, marami siyang bagsak. Nakatapos ba iyan o basta huminto na lang sa pag-aaral.

  4. Banong Says:

    Kaya nga Seg huwag ka nang lumayo pa. Kung mamarapatin mo lang naman ang binatang ito na siyang maghahatid sa iyo sa dambana ay hindi ka na gagambalahin pa ng mga tinamaan ng magalin na kalbong manloloko.

    You are still a special one for me Seg. Mahal pa rin kita kahit maghintay pa ako ng matagal. Sabihin mo mang wala kang pagtingin sa akin ngayon, alam ko pagdating ng araw ay makakamit ko rin ang matamis mong oo.

    Serioso ako.

    Love,
    Banong Capalaran

  5. Cocoy's Delight Says:

    Natanso ka ng bulaang pangako.Learn your lesson.Hehehe!

  6. cindyrella Says:

    naku, babaero palang itong pormang bouncer na ito. buti na lang at di ka pumayag. kala ko kung sino nang santo ah. well di na talaga titino ang lalakeng yan. may asawa na pala siya pero tumitigas pa din yan sa iba? talaga nga naman, sana burahin na sa mundong ito ang mga mukha ng mga lalakeng ganyan!

  7. Colegiala girl Says:

    Heheheh, I like your comment Cindy. Nakakainis talaga ang mga ganyang tao. Actually kilala ko iyan at mainit ang dugo ko sa kanya.

  8. kikilabotz Says:

    uhmmm. madami n talgang ganyan tao.. naawa ako s batang dala nya tinuruan agad nyang mambabae.

    pero segundina natawa ako sa ginamit m n tags ha?

    Tags: love, Romance, Manoy, Courtship, stupid lover, sexy man, sexy woman, pregnant woman, playboy, bald headed, stupid guy, fooling around husband, joe, penis man, fucking guy, hard cock lover, dried vagina, wanting pussy, XXXsexXXX, intercourse, libido, unfaithful lover, marriage, family, Mall of Asia, salbaheng lamok

    tawang tawa talaga ako.

  9. KapitanKidlat Says:

    kikilabotz
    Mapagbiro lang iyang siSeg, Frustrated porn writer kasi hehehe. Napagsabihan ni pareng Mags at nakinig naman. Pero nandiyan pa rin ang mga tags niya kasi si Kalbo ay matulis at mahilig mambabae.

    Anyway I am reminded doon sa isang driver ng FX na nakita ko, akala ko pasahero niya iyong katabi niya iyon pala ay syota niya. Sa kakukuwento niya hindi niya namalayan ng may bumaba sa FX niiya ay tamang-tama namang asawa niya ang sumakay na hindi rin niya namalayan asawa pala niya iyong FX driver.

    To cut the story short nang magbabayan na sana si misis ay nakilala niya ang kanyang mister. Tamang tama naman na nakaakap sa kanya ang kanyang babae. Hindi pa nakakababa ang mga pasahero doon sa terminal ng FX ay nagrumble na iyong dalawang babae, hehehe.

  10. KapitanKidlat Says:

    Seg
    Ako din ay natawa doon sa wanting pussy, hahahahahaha. Kanino iyon?

  11. Carmina Says:

    Magpapaalam po ako ng ilang araw dahil uuwi kami ng mga anak ko sa aking mga magulang. Bumalik na raw ang dati kung mister at nagtatanong siya tungkol sa akin at ang aming mga anak. Para bang hindi ako makapaniwal sa mga nangyayari ngayon sa akin. Problema ko lang baga pangunahan na naman ako ni nanay at sasabihin sa akin, bumalik ka na sa asawamo.

    Hindi ko rin alam kung anong mukha ang maihaharap ko sa kanya at kung papaano kami magsama muli ngayon na napakarami nang nangyari sa pagitan naming dalawa.

    Maraming salamat po.

  12. Banong Says:

    Seg,

    Ngayong wala na si Carmina seguro hindi ka na magseselos pa, at tuloy na ang ating date sa Ocean Park. Ibibili kita ng lobo at ice cream para sabihin nila ang tayong dalawa ay parang mga bata pa, hahahayyyyyyyyy

  13. Colegiala girl Says:

    Carmina kumusta na? Magparamdam ka naman. Ayus na ba ang lahat?

  14. doc.bobonyo Says:

    May topic ako ngayon tungkol sa public service. Ikaw ang social worker dito, puwedi bang maging moderator ka doon Seg at isama mo na rin si Mer, hehehe. Tama ba ako sa mga ginagawa kung pagtulong sa mga tao?

  15. KapitanKidlat Says:

    Banong is suspended for doing something unacceptable.

  16. KapitanKidlat Says:

    He can no longer write and have access to information in Barangay Kidlatan. Sorry for what he has done Segundina.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: