An Orphan’s Dirge (Mahal kita Inay)

At 14 Nica (not her real name) became a drug dependent. She was a child prostitute at the age of 15. She had her first abortion at 16. A raid by the police operatives in a prostitution den saved her life.

 She was tested positive with drugs and was confined at a substance abuse rehabilitation center.

0007

Upon her release, an NGO took custody of her for further social rehabilitation. During one of the groups sessions with former street children and drug dependents, she wrote this essay Mahal Kita Inay (I love you Mom) where she poured all her pent up emotions and remorse on what she had done to her life and the great injustice she did to her mother.

“Nasaan ka inay, bakit po ninyo ako iniwan. Sana ay isinama na lang ninyo ako saan man kayo naroon. Ngayon ko lang nauunawaan ang iyong kahalagahan ngayon at wala nang inang nagmamahal pa sa akin. Ngayon at wala nang magulang pang gumagabay at nagbibigay sa akin kalinga, daig ko pa ang isang munting dahon na inilipad ng hangin at walang direksiyong mapupuntahan.”

“Hindi katulad noon ng kayo’y nabubuhay pa, nandiyan lang kayo sa aking tabi na nagpapasaya sa aking tuwing ako’y nalulumbay. Kung ako’y nagkakasakit, nandiyan lang kayong humahaplos sa akin hanggang ako’y makatulog ng mahimbing at muli ninyong gigisingin ng umaga upang pakainin.”

“Kayo rin ang aking nakagisnang ama, dahil wala na si ama. Nawala siya dahil sabi mo ay lumipat siya sa ibang kandongan. Kahang-hanga ka inay dahil nagawa mong maging ama at ina sa inyong pagaaruga sa akin. Ngunit tiniis ninyo ang lahat alang-ala sa akin. Binuhay ninyo ako at iginapang sa kahirapan. Hindi ninyo inalintana ang lamig at init ng panahon sa paglalako ninyo ng mga kakanin at paninilbihan sa mga mayayaman bilang isang labandera. Mapakain lang at mabihisan, at higit sa lahat maipasok sa paaralan.”

“Nagkasakit kayo na ako pa rin ang inyong inaalala, ang aking baon papuntang eskuwela, at ang maisusuot kung uniporme sa susunod na araw. Kahit nang kayo’y naghihingalo na laman ay ako pa rin ang inyong iniintindi. Nanay ko, ang laking hirap naman ang iyong pinagdaanan maitaguyod lang ninyo ako. Kaya nang aking haplosin ang dati mong malalambot na daliri, sila’y nagmistula na lang na kasing tigas ng kahoy at kasing gaspang na leha. Lahat ng hirap ay tiniis ninyo dahil lang sa akin.”

“Ngunit anong iginanti ko sa inyo, bisyo at pagwawalang-bahala sa buhay. Droga,na siyang sumira sa aking pagkatao  at kumitil ng aking kinabukasan. Iniyakan ninyo ako inay ngunit nagmistulang bingi ako sa iyong mga panaghoy upang magbago. Binale wala ko po kayo dahil mas mahalaga sa akin ang bisyo. Ngunit ngayon ay pinagsisisihan ko na ang lahat. Pinagsisisihan ko ang unang araw na aking pagtikim at paggamit ng droga. Inay patawarin ninyo ako, ako ang naging sanhi ng maaga ninyong pagpanaw. Patawad po inay.”

“Kung maibabalik ko lang ang panahon, kung maibabalik ko lang kayo sa aking piling. Mahal kita inay.” 

Nica went back to school and completed a degree in education. She has now a family of her own and teaching in a private secondary school. She is also acting as the guidance counselor.

Tags: , , , , , , , , , , , , , , , ,

6 Responses to “An Orphan’s Dirge (Mahal kita Inay)”

  1. MRivera Says:

    kasabihan nga: malalaman lamang natin ang kahalagahan ng isang bagay na sa tingin ay walang kabuluhan o isa lamang sagabal sa ating buhay kapag ito ay WALA na!

    ano pa ang silbi ng pagsasabi ng mahal natin ang isang tao kung hindi na niya ito maririinig at madarama? alalahaning lagi, sa buhay na ito kung mayroon mang pangalawang pagkakataon upang magawa ang dapat na ginawa noong una, kadalasan ay HULI NA.

  2. cindyrella Says:

    tama, kaya sana habang nanyan pa ang isang bagay o tao, lets not take them for granted lalo na ang family natin. at least nica responded positively sa mga nangyari sa kanya at di na siya naging mas malala pa.

  3. Colegiala girl Says:

    At dapat ay pangalagaan ng husto ng ating pamahalaan ang kapakanan ng mga kabataan dahil maraming naliligaw sa kanila dahil sa droga, barkada, bisyo, at kapabayaan na rin ng ibang magulang.
    Isa pang nakakaalarma na ay ang gang rape na ginagawa ng mga menor de edad ngayon. Lately isang kinse anyos na dalagita ang hinalay ng mga kabataang menor de edad din. Ke babaeng tao nakikipaginoman, ke babata ay naglalasing na.
    At bakit bumabarkada itong mga kabataan, may pagkukulang ba sa tahanan?

  4. MRivera Says:

    mer,

    unang una ay masasabi nating kapabayaan ‘yan ng mga magulang ngunit hindi natin maisisisi sa kanila dahil sa hirap ng buhay. Ang gabi ay kulang na lamang gawing araw upang maitaguyod at matugunan ang pang-araw araw na pangangailangan.

    nakakalimutan lamang ng magulang na dapat balansehin ang oras nila sa pagitan ng trabaho at pakikipag-ugnayan sa anak.

    subalit, may bahagi rin ang may katawan sapagkat hindi pinahahalagahan ang pagpapakahirap ng magulang bagkus, ibinabaling ang atensiyon sa pakikipagbarkada sa pag-aakalang mas makakaunawa ang ibang tao sa kanilang nararamdamang pangangailangan ng atensiyon. ang masaklap saq pakikipagbarkada ay ‘yung pag-abot sa puntong maging lapastangan sa magulang at isumbat ang inaakalang pagpapabaya gayung para din sa kanilang kinabukasan ang pagpupunyagi at pagpapakahirap.

    mas tamang ganito kaya merong naliligaw ng landas at napapahamak gayundin, may nagtatagumpay at nakakamit ang pangarap: ” kung ano ka ngayon ay iyon ang pinangarap mo at ginusto kahapon.”

  5. Segundina Says:

    May kasabihan tayo, kung ano ang itinamin ay siyang aanihin. Kapag naging suwail ka at hindi sumusunod sa payo ng mga magulang ano man ang iyong sapitin wala kang ibang sisisihin kung hindi ang iyong sarili.

    Mahirap maunawaan ito ng mga kabataan dahil puros kagustuhan lang ng katawan ang kanilang sinusunod at hindi pinagiisipan kung ano man ang masama na maaaring ibubunga ng kanilang maling desisyon.

  6. Segundina Says:

    Sa isang banda, laging palusot naman ng mga magulang sa kanilang pagkukulang sa mga anak, ang lahat na kanilang ginagawa ay para din sa kanilang kinabukasan. Ang kapabayaan sa mga anak na sanhi ng pagpupunyaging maitaguyod ang pangangailang ng mga ito ang laging ginagamit na rason ng mga magulang upang bigyan katuwiran ang kanilang mga pagkukulang. May mali yata dito. Sabi nga ni Mang Mags kailangan ay balansehin ang panahon sa paghahanap-buhay at sa pagpapalaki ng mga anak.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: