“How much is you?” (Mukhang pera nga ba?)

 

rgfedr

Madalas sabihin ni lola Inggay kay Neneng na hindi ka basta-bastang mabubuhay lang sa pag-ibig. Tanging kuwarta lang at yaman ang nakakapagbigay sa iyo ng kagihawahan at ligaya sa buhay. Utak at hindi puso ang dapat mong gamitin sa hirap ng buhay ngayon. Bakit ka pa magaasawa pa kung maghihirap ka lang? Hindi mo makakain ang pag-ibig.

Kaya sa edad niyang dise-nueve (19) ay wala pa siyang kasintahan. Mailap siya sa mga manliligaw. Hindi mahilig makipagkaibigan, lalo na sa mga lalaki nang malayo siya sa tukso. Napagkakamalan siya tuloy na suplada at ubod ng yabang, e hindi naman siya mayaman. Bagamat ganon ang turing sa kanya, sa loob-looban niya masaya pa rin si Neneng dahil hindi siya napipirwesyo ng pagibig at pakikipagrelasyon. Hindi kagaya ng mga kapit-bahay niyang mga dalaga diyan na basta na lang nabuntis nang walang kinikilalang ama ng kanilang anak.

Kailangan niyang gawin ito, kailangan niyang sundin ang kanyang lola Inggay. Ipinanganak kasi siya ng kanyang nasirang ina na walang kinikilalalang ama. Tinakbohan ng nakabuntis sa kanyang nanay na isang member ng sikat na banda sa Maynila. Estudyante siya noon at naging tagahanga ng drummer nang naturang grupo ng mga musikero si Mina (ang nasirang nanay ni Neneng). Para buhayin at bigyan ng magandang kinabukasan si Neneng nagtrabaho siya sa Hongkong (si Mina) bilang isang domestic helper. Masipag naman siya ngunit dahil sa may itsura pinaginteresan tuloy siya ng kanyang among intsik. Hinalay siya nang paulit-ulit hanggang nasiraan ito ng bait at nagpatiwakal.

Ngayon sa maliit lang na bukirin siya ng kanyang lola na umaasa sa pang araw-araw na ikinabubuhay nila. Bukod diyan ay nagaalaga pa sila ng mga manok at baboy. Nakapagtapos ng high school si Neneng at kasalukuyan na nagaaral ngayon sa kolehiyo at magtatapos na siya sa kursong Communication Arts.

Ngunit isang araw ay nabigla na lang siya nang may nakita siyang nakaparadang magarang sasakyan sa harap ng kanilang dampa. Nandoon sa loob ang kanyang lola at may kausap na isang lalaki na nasa edad singkuwenta o mahigit pa. May kakisigan ang mama at maganda ang pangangatawan. Siya ang pakay nito, kaya namang dagli-dagli siyang ipikilala ng kanyang lola pagkapasok na pagkapasok niya sa kanilang dampa.

Hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang mama na tawagin na lang natin sa pangalang Elmer Cabesote. Sinabi kaagad nito na gusto niya ang dalaga at pakakasalan siya kung maari sa susunod na buwan. Maganda si Neneng kahit simple lang magdamit at hindi nagmi-make up. Hindi kaagad nakapagsalita si Neneng, ngunit may ibinulong ang kanyang lola. Ipagpapatayo siya ng isang malaking bahay, at bibigyan ng apat na ektaryang lupain para sakahin. Bukod diyan ay magpapatayo pa siya ng manokan at baboyan doon sa kanyang malawak na lupain na malayo sa mga kabahayan. At bilang katibayan nagbigay pa siya ng pocket money nilang maglola na nagkakahalaga ng dalawang milyong piso. Kailangan lang ay isuot ni Neneng ang engagement ring na brilyante na bigay nito.

Isinuot kaagad ni Neneng bilang pagsangayon sa offer nito. Nangyari ang isang engrandeng kasalan. Mixed feeling naman si Neneng na hindi makapaniwala sa dumapong suwerte sa kanila. Sa isang banda nagiisip siya kung ano naman ang kabayaran ng lahat ng mga ito maliban sa pagpapakasal niya sa isang lalaking minsan lang niyang nakilala.

Ngunit hindi binigo ng magandang kapalaran si Neneng. Naging maligaya siya sa piling ng kanyang asawang si Elmer Cabisote na noon ay sixty years old na. Halos lolo na niya ito ngunit hindi ito sagabal para hindi maligaya ang kanilang pagsasama. Natutuhan na rin niyang mahalin ang asawa pagkapanganak niya sa una nilang supling. Nasundan pa ito ng dalawa.  Sa kabuoan ay nagkaroon sila ng tatlong anak; dalawang lalaki at isang babae. Hanggang sa ngayon ay nililigawan pa rin niya ang kanyang asawa na natutuwa naman sa pagmamahal at attention ibinibigay nito sa kanya.

Ano ba ang dahilan kung bakit siya ang napili ni Elmer Cabisote para maging kasama sa buhay? Apat na bises nang idinibosiyo ng kanyang mga napangasawa sa Amerika si Elmer. Ang dahilan mahina siyang kumita ng pera. Magaganda nga at ang babata ng lahat na kanyang napangasawa pero mga gold digger namanat dito siya namulubi. Hindi na siya umibig pa mula noon. Nagsikap siyang kumita para sa kanyang pagtanda at panalangin na sana ay makatagpo siya ng isang tapat na magmamahal sa kanya. At nang umuwi siya sa Pilipinas ay may nakapagsabi sa kanya na may isang dalaga diyan na papayag pakasal sa kanya bast may pera lang siya.

Siya nga pala, sa lahat nang pagsisikap kumita ni Elmer sa Amerika ay hindi umobra. Napunta lahat sa pagpapagamot ng kanyang ina. Ngunit namatay naman ito pagkaraan ng ilang taon na pagkaratay sa isang malubhang karamdaman. Hindi pa rin nawalan ng pagasa si Elmer. Tuloy ang buhay. Isang araw nakatuwaan niyang tumaya ng lotto. Nakuha niya ang jockpot na ilang milliones din (in dollars) ang premyo. Ngunit ang pinaka-jockpot niya sa lahat ay si Neneng na sa kanya lang natutong umibig.

At ano naman ang naging kabayaran ng lahat nang suwerting ito kay Neneng? Well ang dalawang lalaking anak nila ay bading, at ang kaisa-isa niyang dalaginding ay isang tomboy, hehehe.

Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , ,

8 Responses to ““How much is you?” (Mukhang pera nga ba?)”

  1. Cindyrella Says:

    ayos ang ending ah! yan ang gusto kong itatak sa isip ko dahil aanhin ko ang talong lang kung panay naman ang pagaaway dahil wala kaming makain? minsan talaga hindi lang love ang solusyon… T_T di tulad ng napapanood sa tv ano?

  2. KapitanKidlat Says:

    Kung minsan masakit pakinggan ang sinasabi ng iba na mukhang pera ka. At sino nga ba ang may gusto nito?
    Hindi ko sinasabi na ito lang ang pamantayan sa pagaasawa pero iba na ang nakasandal ka sa pader. Sa panahon natin ngayon kung hindi ka practical na tao, mapagiiwanan ka. Tama si Segundina, hindi lang pagibig ang nakapagpapaligaya sa to.
    Nais ko lang sabihin na kapag may pagibig at pera pa sa pinagbuklod na dalawang pusong nagmamahalan ay may tinatawag na security of affection. Nagmamahalan, nagkakasundo, tapat, at masaya ang inyong pagsasama na hindi naaapektohan sa ano mang krisis sa ekonomya.
    Sabi nga sa PNB noong araw, iba na ang nakasandal sa pader.
    Ang pagmamahalan kapag nakasandal lang sa pagibig at laging naghihikahos naman sa buhay, anong kinabukasan ang mayroon kayo?
    Cindyrella, bata ka pa ngunit tandaan mo ito, hindi importante ang itsura ng tao, mas mahalaga ang kanyang puso at bulsa. Kapag puno ang bawat elementong ito ng biyaya, may ligayang aasahan sa inyong pagsasama.
    Karamihan sa mga batang nagasawa na hindi pa handa sa pananagutang pinansiyal ay nauuwi lang sa paghihiwalay.
    Maganda itong kuwento ni Seg, matandang kabayo para sa sariwang damo ngunit bawat isa ay naging maligaya hindi lang dahil sa yaman sa puso ngunit sa kapal din ng pera sa loob ng bulsa.
    Mukhang pera nga ba? Siguro hindi. Ano may angal ka ba? How much is you, hehehe.
    Seg sana makatagpo ka rin ng MMMM, Matandang Mayaman at Madaling Mamatay.

  3. kikilabotz Says:

    ahahaha. ang lupet ng ending.

    uhhmm bkit ganun ibig sbhin pera lng talaga hanap ni neneng? hrrrrr.. sabagay natuto nmn mgmahalan ang dalawa eh.
    lung ako tatanungin hnd ko kelangan ng pera ang kelangan ko babae. wahaha.joke. bsta masaya kmi at nakakakain 3 beses isang araw ay pede na.

  4. MRivera Says:

    kapitan,

    grabe ka naman!

    gusto mong magkaasawa si seg, isang gabi lang? biruin mo ‘yung hindi pa umiinit ‘yung hanimun nila eh matitigok na kaagad ‘yung lolo tatay watot niya?

    saklap naman nu’n!

  5. Mer Pints Says:

    Ay Seg
    Sumama ako sa re-union ni mom at ang mga dati niyang kabarkada. Nakakatawa ang mga kuwentohan nila. Sabi ng isa, bakit hindi mo sinasagot ang e-mail ko. Sumagot naman iyong pinakamatanda, ayaw kasing tanggapin ng internet ang aking wordstar. Pagandahan ng cellphone, naglabas iyong pinakamatanda uli, isang one liner na GSM. Tawanan na naman. Tapos iyong pinakabata sa grupo nila nakantiyawan ng husto, bagong kasal kasi. At 50 nakapag-asawa din siya pero iyong mister niya ay 70 years old na. Biniro siya ng husto. Sabi nila hindi ka ba nakakahata, baka iyong pagaalaga lang sa kanya ang habol sa iyo. Sumagot naman ito, hindi bale tutal malaki din naman iyong ipamamana niya sa akin.

    Napaisip tuloy ako Seg, after 25 years ano kaya ang mga itsura na natin kapag nag-reunion tayo ng mga kabarkada natin noon sa college? By that time pagtatawanan na nila iyong i-phone at saka laptop mo, hehehe.

  6. Mer Pints Says:

    Tito Mags,
    Sa galing mag-alaga ng matanda si Seg, baka iyong MMMM na mapapangasawa niya ay buhay pa hanggang sa pagtanda ni best friend hehehe.

    Ito walang halong biro, may nanghula kasi kay Seg noong college pa kami; isang matandang byudo raw ang mapapangasawa niya. Ewan ko lang kung ubod siya ng yaman, hehehe.

    Pero Seg magisip-isip ka ngayong may panahon pa. Hindi sa nananakot ako, baka magkatotoo iyong hula sa iyo.

  7. KapitanKidlat Says:

    Pareng Mags,
    Hindi naman siguro siyang matitigok, baka iyong kanyang baston pa. Biglang tayo pagkatapos ay biglang patay, hehehe.

    Seg, biro lang ha.

  8. nicki Says:

    lupet ng ending ah..haha..cool..Ü

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: