“Mar Roxas, You Broke My Heart”

Ewan ko kung nagbibiro o talagan tutuhanan at hindi lang arte ang pag-iyak ni manang Soling nang kanyang mapanood sa Wowowee ang ginawang pag-amin nin Korina Sanches at Senator Mar Roxas na sila na nga para sa isat-isa. Kitang-kita ang lungkot sa mga mata ni Manang Soling, ang aming kasambahay na mahilig magluto.

“Now it is no longer  secret,  you two already going to pakakasal. How painful naman. Mar Roxas you broke my heart!”

Napatawa na lang kami ng ubod ng lakas. Mahilig kasing magpatawa itong si manang Soling. Ngunit ang umiyak ngayon pa lamang namin siyang nakitang umiiyak.

“Ikaw talaga manang, kung ano-ano itong nasabi mo. Sumakit tuloy ang tiyan ko sa katatawa,” ang sabi ko sabay tapik sa kanyang balikat.

“Naku maam Seg, hindi ako nagpapatawa. Mahal na mahal ko talaga iyang si Senador Mar Roxas. Seryoso ako.”

Tawanan na naman kami.

“Bakit, girlfriend ka ba ni Senator Roxas,” tanong naman ni nanay sa kanya.

“Hindi ho.”

“Kilala ka ba niya?”

“Hindi rin po, pero kilala ko siya. At love na love ko si Mr. Palengke.”

Tawanan na naman.

“Grabe talaga itong si mang Soling, pinasakit niya ang tiyan natin sa katatawa,” ang pahabol na salita ni nanay  habang papalabas siya ng bahay.

Napaisip tuloy ako, may mga ibang Soling din kaya diyan na maiiyak sa pagpapakasal nina Koring at Mar?

Sa totoo lang bagay na bagay sila. Halatadong seryoso si Senador Mar Roxas sa batikang broadcaster ng telebisyon at radyo. Iyong pagpahid na lang ni Koring sa mga butil ng luha ni Mar na tumulo sa kanyang pisngi ay marami nang kinilig na manonood. Hindi arte ito kaharap ng mga kamera, tunay na pagpapahayag ng nararamdaman nila sa isat-isa.

Kung kailan magpapakasal ang mapalad na magkasintahang ito ay hindi natin batid . Kung matutuloy man, ako’y matutuwa. They deserve each other. Kahit sa harapan pa ng isang komedyante, ang eksenang pagsasabi ni Mar at Korina ng kanilang niloloob sa isa’t i-sa ay daig pa ang mga  napapanood natin sa mga telenovela nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. At sino ba ang hindi kikiligin kapag nadinig mo ito ang ganitong pangungusap (from Korina Sanches), “gusto ko lang sabihin kay Mar na, kahapon, ngayon, at bukas, iyong iyo ako.” 

Hindi na mahalaga sa akin kung ito ay isang political gimmick lang, at wala naman akong napapapansin, ang importante nadinig natin ang pangako ng isang dalisay ng pag-ibig at pagmamahal.

Nasabi ko tuloy sa aking sarili, “ikaw Seg kailan mo pa kaya mapapakinggang ang ganitong pangungusap mula sa isang mangingibig? Baka hanggang pangarap na lang kaya?”

To Mar Roxas and Korina Sanches, congratulations. Good luck sa inyong dalaw at sana’y matuloy na ang plano ninyong pagpapakasal.

Tags: , , , , , ,

4 Responses to ““Mar Roxas, You Broke My Heart””

  1. cindyrella Says:

    ang sweet nga nila eh, hay konti lang siguro ang mapapalad na tao na nakakatagpo ng ganung klaseng pagibig at sana pag natagpuan mo na yun, never let go di ba? i think naman totoo na yun!

  2. KapitanKidlat Says:

    Gusto kong magkatuluyan sila para lumigaya pero hinde ako para kay senator Roxas for president. I am for Binay or Erap pa rin.

  3. Colegiala girl Says:

    Ay, nainggit ka na naman Seg. Panapanahon lang iyan. Anong malay mo baka bukas makalawa ay ikaw naman ang ikakasal sa isang byudo at matandang pulitiko. Seguro lalo kang maiinggit kung napanood mo sina Juday at Ryan na ikinasal, hehehe.

  4. endlessjoy Says:

    kung tunay na nagmamahalan sila, dapat nons pa ay nagpakasal na sila

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: