If Pacman’s Mom Becomes and Actress (Mag-aartista na nga ba si nanay Dionisia?)

It’s coming soon, Manny Pacquiao’s mom will be joining the showbiz. With her popularity being the mom of a famous international boxing champion, aling Dionisia will be a good material for the movies and television. She could dance and pray anyway- so she can portray the role of a praying and dancing mom in TV’s telenovelas. But wait, which TV Network?

Mag-aartista na nga ba si Nanay Dionisia?   

Malakas ang alingasngas sa mga showbiz reporters at ipinalabas na rin sa TV ang balitang mag-aartista na raw si nanay Dionisia ang beloved mother na ating pambansang kamao.

Hindi masama, tutal deserving naman siya. Marunong sumayaw at madasalin pa. Sa pag-eemote na lang niya tuwing siya’y nagdarasal upang ligtas sa sakuna at magtagumpay ang kanyang anak tuwing nakikipagbakbakan ito sa ring ay kinakitaan na siya ng natural na talento at potential para maging isang magaling na drama talent. Hindi lang iyan magaling pa siyang sumayaw, puweding puwedi siyang gumanap bilang donya, isang mabait na personang pang-alta sosyodad. At siempre kitang-kita naman na physically fit at napaka-athletic niya kaya puwedi din siyang maging action star. At sa dami na lang ang sumusuporta sa kanyang anak, alangan naman na hindi nila susuportahan ang showbiz career ni Nanay Dionisia. At saka popular na siya sa You Tube at telebisyon (bida pa siya sa Cocoy’s delight) hindi na mahirap i-promote ang career sa showbiz kung saka-sakali ni aling Dionisia.

Pero ito’y walang halong biro ngayon pa lang ay tinitiyak ko na susuportahan ko ang career sa showbiz, if ever, ni nanay Dionisia. Papanoorin ko kung magkaroon siya ng episode sa “May Bukas Pa” kasama niya si Santino. Magtelebabad din ako sa GMA basta kasali sa mga telenovela nila si Aling Dionisia. Sa katulad kung frustrated actress, hindi akong magdadalawang isip na magtatag ng “Aling Dionisia Fans Club” kapag siya’y isa nang ganap na artista sa sine at telebisyon.

Ngunit ang tanong saan network siya kaya lalabas? Si aling Dionisia ba ay maging isang tunay na Kapuso, o kaya’y bilang isang butihing ina siya’y maging “Kapamilya”?

 

Tags: , , , , , , , ,

3 Responses to “If Pacman’s Mom Becomes and Actress (Mag-aartista na nga ba si nanay Dionisia?)”

  1. Cocoy Says:

    Segundina,pwedi ba proxy muna ako ni Banong kay Donya Dionisia,may allergy pa kasi ako.At saka bise pa ako.Iikutin ko ang buong Yu-is.Hehehehe!

    Saka kung si Donya Dionisia lang ay magpapari na talaga ako at papasok na ako sa semenario.

  2. secondlady Says:

    Kuya talaga bang ayaw ninyong maging ka-love team ni aling Dionisia? Hindi ko ho kayo pipilitin tutal available naman daw si KapitanKidlat at saka matibaytibay daw ang kanyang sikmura sa mga artistang panghorror movies hehehe.

  3. Colegialagirl Says:

    Seg huwag kang magalala suportado ni Manny Pacquiao si Nanay Dionesia na mag-artista. Excited pa ang ale sa kanyang birthday para ipakita ang kanyang dance number.

    Desidido talaga ang donya na makilala siya ng buong daigdig hindi lang ina ng magaling na boksingero pero isang artista.

    Ano kaya ang unang role ni nanay iyong sineng katatakotan.

    Si Kap at aling Dionesia bilang magkalab team? Hehehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: