Ang Mag-asawang Balikbayan

Let us forget all about Hayden Kho and Katrina Halili sex video scandal. After all they are not the only one posted with a sex video in the internet. Let the court decide who shall be punished in posting this sex video. After all Hayden Kho has suffered so much already. The bottom line of this is lust and greed. Immorality is something we all should be watchful. There is nothing wrong with sex provided it is within the bound of marital relationship. Beyond that, it’s anybody’s look out already.

Ang Balikbayan

Kamakailan ay umuwi sa Pilipinas ang mag-asawang Melo at Celia. Mga matagal nang naninirahan sa America at kumita ng limpak-limpak na persa sa marami nilang negosyo. May mga bahay din sila sa ibat-ibang States ng America kabilang na ang isang magarang mansion sa Las Vegas. Hindi na mahalaga kung ano ang negosyo nila, sekreto na lang natin. Ang masasabi ko lang ay legal ang mga ito at nakakatulong pa sa ating mga kababayan.

Kapwa matataba at halos magiba ang Van na sumundo sa kanila sa airport. Pagkaraang mamahinga ng ilang araw sa bahay ng aking pinsan ay tumuloy na sila sa kanilang Bayan. Huwag na lang nating sabihin kung saan for security reasons at nandito pa sila.

Medyo luma na ang bahay na binalikan nila at tumutulo pa kapag umuulan. Dapat at ginigiba na iyon at patayuan ng bago ang suggestion ng kanilang mga kamag-anak. Ngunit walang balak yatang i-renovate nina Melo at Celia ang bahay kaya repair lang ang ginawa. Natsismis tuloy silang mga kuripot. Sila na lang ang nagmamay-ari ng lumang-luma nang bahay sa lugar nila na nasa abroad. Mga ala-palasyong bahay na ang nakatayo sa paligid nila na pagmamay-ari din ng mga OFWs at mga naninirahan na sa ibat-ibang panig ng daigdig.

Ang hindi maintindihan ng mga kapit-bahay nila ay nagsawa na sila sa mga malalaking bahay. Gusto nilang balikan ang buhay mahirap at ang magpapayat sa Pilipinas na kakaunti lang ang kinakain. Naglalakad nga lang sila papuntang palengke para mamili ng kanilang pagkain. Pinauwi na rin nila si kuya Sakyo na nagmamay-ari ng Van na inupahan nila. Kung dadalaw sila sa mga kaibigan nila at kamag-anak para makapamista ay tricycle na lang ang sinasakyan. Malas mo lang kung ikaw ang nagmamay-ari dahil madalas silang maputokan ng gulong ng tricycle habang kapwa nakasakay. Kaya sa mga sumunod na araw tig-isa na sila ng tricycle at parang mga muse a ipinaparada tuwing may lakad sila.

Sinamantala naman ng mga kamag-anak ni Melo ang kanilang pagdating. Madaling araw pa lang ay may kumakatok na sa kanilang bahay. Iyong nga lamang ay hindi aalis ang mga ito hangga’t walang naibibigay sa kanila na pera. Pati ang mga kapitan ng mga karatig na Barangay ay pinupuntahan sila para humingi ng donasyon. Ayaw man nila sa kaloob-looban ay kailangan pa ring magbigay for their security. Sa kalaunan mga lumang T-shirt at pantalon na lang ang ipinamimigay dahil wala na silang perang maibigay pa. Wala silang maraming cash na dala at nasa kapitolyo pa ang mga ATM machines.

Bahay kubo, iyan naman ang obsesyon ni Celia. Bumili siya ng malaking bahay kubo na yari sa pawid at kawayan. Maganda ang pagkagawa nito kaya malaki ang bayad. Kulang-kulang na limampong libong piso. Madalas dito natutulog ang mag-asawa na nakakulambo upang hindi kagatin ng mga lamok. At dahil sa nagbabahay-bahayan sila naging tamponan tuloy ng biro ng mga kaanak at kapit-bahay nila.

Ang tanong: Sa laki ng kanilang mga katawan (ala Big Show na wrestler sa WWE) nagagawa pa ba nila ang mag-sex? Oo naman siempre dahil kamakailan ay nagiba ang malaking papag na kawayan na pinasadya nila para tulugan. At pilyo din itong mga kulang sa pansin na kapit-bahay nila. Nanunubok pa ang mga hudas tuwing pinapatay nila ang ilaw sa gabi kapag nasa bahay kubo na sila.

Parang dinaanan ng bagyong yumuyugyog ang kubo gabi-gabi; iyan ang  laging paksa ng mga tsismosa nilang kapit-bahay na hindi naabotan ng ano mang pasalubong.

Update: Kakauwi lang daw ng mag-asawang balikbayan at tuwang-tuwa sila sa kanilang bakasyon. Babalik na naman daw sila upang magpasko  daw sa Lingayen at mag-New Year sa La Union. Sumakay daw sila sa isang Bus at dalawang bises na naputokan ang gulong. Sila tuloy ang sinisisi ng mga nagmamadaling pasaherong pauwi ayun kay Caring na aming kasambahay hehehehe.

Tags: , , , , ,

2 Responses to “Ang Mag-asawang Balikbayan”

  1. Cocoy Says:

    Ganun talaga kapag balikbayan ka ay maraming mag-solicsit sa iyo ng donasyon,pambili ng kabaong,pambili ng yero,pagawa ng kubeta sa paaralan,kung hindi ka magbibigay ay baka aakyatin ka sa gabing malalim at gigilitan ka ng leeg.Ang matataba kapag mag-sex ang mga iyan ay dogie style.Hehehehe

  2. KapitanKidlat Says:

    Kaya ikaw Segundina habang bata at maliit pa ang iyong pangangatawan ay mag-asawa na kayo nang di kayo abutan ng pagtaba baka, kuwan, magaya pa kayo sa sinabi ni pareng Cocoy. Hehehe mahirap yata ang mapaglipasan ng panahon.

    Iyong kanin kapag malamig na ay baka titigas lang iyon at hindi na masarap kainin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: