Absent Ako Bukas Ma’am Seg

Sinalubong ako ni Joy, may ibinulong: “Absent ako bukas ma’am Seg.”

“Bakit naman,” ang tanong ko.

“Sasama ako sa rally. Kayo sasama ba?”

“Siempre naman pero sa hapon pa ako aalis, wala akong klase by that time.”

“Ay may klase pa tayo sa umaga?”

Nangiti na lang ako. Alam ko ang gusto niyang sabihin, Iwill not check attendance anymore. Pero hindi, wala pa namang rally. Sayang ang panahon. At saka sa mga ganitong pagkakataon kailangang panindigan pa rin natin ang mga patakarang pinapairal sa school. Naiintindihan ko ang kanyang enthusiasm na makipagparticipate para sa kapakanan ng bayan ngunit kailangan pa rin nating maging tapat sa mga patakaran ng Unibersidad. Maliit na bagay lang ang hindi ko pag-check ng attendance pero di ba sa mga maliliit na bagay nagmumula ang mga malalaking anomalya?

“Sige ma’am marked me absent na lang. Maaga kami kasi magkikitakita ng aking mga kabarkada sa Diliman. Basta huwag lang kayo magpapa-quiz.”

Napatawa tuloy ako. “Ano, marunong ka pa sa akin.”

Makulit talaga itong si Joy, “para sa katotohanan at katarungan ma’am Seg, huwag kang magbibigay ng test bukas para ganahan kaming sumama sa rally.”

Grabe, sasama lang sa rally may consession pa siya. Kaya hindi umuunlad ang bayan dahil ang lahat ng bagay ay may kabayaran. Kagaya ng cha-cha 2o million pesos para sa pork barrel. Naala-ala ko tuloy iyong lecture ni Dr. Elmer tungkol sa “The bargaining Society.” Ang lahat ng bagay ayon sa kanya ay may presyo, for every action ay may compensation. At kung ito’y nakasanayan na napakadaling manaig ang korapsiyon sa ating sistema.

This one is from ABS-CBN News Online.

Hall of Shame

NCCP secretary-general Fr. Rex Reyes described the congressmen who approved House Resolution 1109, which seeks to constitute Congress into a constituent assembly, as “pimps who traded our future,” and President Arroyo “as the greatest terrorist behind this move.”

AMRSP head Sister Mary John-Mananzan said photos of members of the House of Representatives who supported House Resolution (HR 1109) will be flashed on a wide screen in tomorrow’s protest action for induction in the “Hall of Shame.”

Dizon said the Constitution was “gang-raped in the middle of the night,” and the worst part is that “the one enjoying it happens to be a woman.”

Mananzan said political groups and politicians are welcome to participate in Wednesday’s rally to be held in Ayala Avenue in Makati, although they should limit their speeches on the charter change issue.

The Ayala rally will feature a 15-minute interfaith service, comedy skits by social satirists “Juana Change” and “Pacquito Yu,” the recitation of the Bagong Panatang Makabayan written by National Artist Bienvenido Lumbera, and a photo mosaic of the all congressmen who voted or supported House Resolution 1109.

Kita-kita na lang tayo bukas sa malaking rally sa Ayala. Kaunting sakripisyo lamang para sa demokrasya at kinabukasa ng ating inang bayan. Mabuhay ang mahal nating bansang Pilipinas.

Tags: , , , , , , , , , ,

22 Responses to “Absent Ako Bukas Ma’am Seg”

  1. cocoy826 Says:

    GO OUT and JOIN the CON ASS protest Rally.

    The absence of integrity in the House of Representatives came to light on the 11th hour of June 2, 2009. The sworn protectors of the Philippine Constitution – those who swore upon that document when they assumed office – are now those who seek to subvert it and silence all opposition. It was in railroading the passage of an ill-willed resolution, dismissing dissent, and playing numbers games that the possibility of “Gloria Forever” becomes a haunting specter. More than “Gloria Forever,” the railroading and ramming through of HR 1109 is a clear indication that the public interest is secondary to personal political interests, or at the very least, ill-defined ones.

    More than “Gloria Forever,” more than the compromising of sovereign territory, and more than technical squabbling on the form of government we’ll have, the railroading of HR 1109 is an exercise of shame. It is what politics in this country has degenerated into: the tyranny of deceit, the rule of disrespect, the noise of impunity, and the triumph of ignominy. What you did was a clear violation of the dignity of this nation. What you did was to kill democracy. We refuse to be represented by those who demonstrate that kind of politics.

  2. KapitanKidlat Says:

    Seg,
    Tama ka, puweding sumama ang mga estudyante sa rally basta hindi lubusang naisasakripisyo ang kanilang oras sa pagaaral. Nangyari din sa akin ang ganitong isyu noon. My students attended an anti GMA rally. They were abasent in my class and I marked them absent. Sumama pa ang loob nila sa akin knowing na isa din ako sa mga tumutuligsa ng maling gawain ng administrasyon na ito. Kailangan may distinction kung hanggang saan ang socio-civic responsibility ng isang magaaral at ang kanyang responsibilidad sa pagaaral.

  3. KapitanKidlat Says:

    I have similar appeal with pareng Cocoy’s panawagan. Umattend po tayo ng rally ngayon sa Makati upang malaman ng administrasyon na ito na tutol tayo sa cha-cha.

  4. Colegiala girl Says:

    Seg,

    May dala akong grupo may pangmeryenda ba tayo diyan? Puwera biro, darating ako sa ating dating tagpoan. You know what I mean.

  5. Colegiala girl Says:

    Joy,

    Baka makikipagdate ka lang bata ka. Magpakita ka sa aking pagkatapos ng rally.

  6. joy Says:

    Hindi a, sa rally ako. Kayo talaga pinagsususpetsahan na naman my beauty.

  7. williamklose Says:

    kumusta ang pagsasama-sama ng mga pilipino sa makati? grupo nyo ba yung mga babaeng naka takip ang mga muka? magpost naman ka naman ng pictures nyo dito para makita naman namin kung ano ang mga nangyari dun sa makati. thanks.😉

  8. Segundina Says:

    William nandoon lang kami sa hanay ng mga kababaihan. Iniiwasan lang namin makunan ng CCTV dahil magmumukha kaming pangit doon. Ayaw naming masira ang beauty namin, haha.

    Si girl naman ay busy sa kakakain ng sitserya. Exciteed siya kapag may mga rally diyan, parang nagpipiknik lang siya sa dami ng mga dala-dala niyang pagkain. Pero marami siyang mga kaibigan at kakilala na nahikayat na sumama sa rally.

    Sa kabuoan matagumpay ang protest rally. Ang sarap ng pakiramdam na naisisgaw mo ang iyong damdamin at hinanakit sa mga kamaliang di naitutuwid ng rehimeng ito.

  9. Segundina Says:

    joy,

    Ang pogi ng kasama mo mukhang atenista ba siya o lasalista? Kuwentohan mo naman ang mga lola mo tungkol sa date ninyo hehehe.

  10. williamklose Says:

    @my 1st lady

    piknik ba ang dinayo ni “my girl” dun? palagay ko sya yung nakita ko naka upo dun sa damuhan sa may garden ng ayala building na ngumunguya. ha ha ha… pero teka panay ang paalala nyo kay joy na hindi dapat nagde-date sa ganun okasyon e mukang kayo ni “my girl” ay may mga bitbit na ka-date din ha. he he he…😀

    kami ang ginawa namin mga pilipino dito sa middle east nag-register kami sa facebook dun sa account na tumututol sa CON-ASS. napanood din namin sa gma-7 at abs-cbn 2 na talagang tatakbo si gma ulet kung makakalusot yung con-ass nya. sinabi yan ng isa sa mga adviser at loyal dog nya na si gonzales. nanakot pa na tatakbo si gma dahil puputaktiin sya ng demanda pag na tapos na ang term nya. parang ang gusto nyang sabihin na “wag nyo nang singilin sa mga kasalan si gloria. hayaan nyo yung mga nakurakot nya at yung pandaraya nya. ok lang yun.”… di ba nila wala silang ginawang masama? so ano ang kinakatakot nila? iniisip ko tuloy na mas ok pa si erap eh… kasi si erap dumaan sa proseso at nagpakulong. anyways, may araw din sila. he he he… ms. beautiful (segundina), post naman ng picture para maganda at masaya ang kwentuhan natin dito.😉
    wala ba kayong mga kuha sa rally? magpost naman kayo para maganda ang kwentuhan.

  11. williamklose Says:

    corrections:

    *di ba sabi nila wala silang ginawang kasalanan?
    *na doble din ang last part. he he he…

    pasensya na at meron po kasi akong ine-edit na report ko kaya meron mga error.😀

  12. cocoy826 Says:

    #

    Happy Independence Day to all!
    I’ll be out in internet circulation for awhile,be back after maybe,3 weeks.

    Bakasyon muna ako sa Cedar Sinai Hospital.Hindi ako magpapatuli ha!

  13. MRivera Says:

    magpapaligate daw si pareng Cocoy.

    Pareng Coy, huwag mong ipasadsad ang putol ha? Kawawa naman ‘yung naghihintay na matapunan mo ng pansin. Kahit one inch lang sabihin sa doktor mo, itira naman.

    isa bang success ang rally, Seg? huwag pakasisigurong uurong na nga sila. traydor ang mga aso ni gloria, mana sa kanya. walang hindi gagawin ang mga ‘yan mapalusot lamang ang inaayawan ng taong bayan, chacha in whatever form.

    tama na ang pagsasamantala nila. huwag itigil ang pangangalampag sa kanila.

    bilang paniningil, huwag iboboto sa 2010 ang mga hudas ninyong mga tongresmen.

    ipamukha sa kanila na TAYO ang nagpapasuweldo sa kanila at sila ay mga pinagkatiwalaan lamang natin upang lumikha ng batas hindi para sa kanilang bulsa kung sa kapakanan at kagalingan ng lahat.

    tama na! sobra na!

  14. Segundina Says:

    Please come back na buo pa ang iyong, hehehe. Pray na lang namin ang inyong kaligtasan.

    Kuya M tuloy tuloy na ito hanggang hindi nila binabawi ang cha-cha.

    William, palihim kung ngumuya ng pagkain si Girl hehehe. Sa atin-atin lang ito, nautot pa siya sa kinain niyang kamote na dala ng isa niyang amiga, hehe.

  15. williamklose Says:

    @mang cocoy

    pagaling kayo agad. wag nyong alalahanin ang mga magaganda natin mga dilag dito. ako na ang bahala sa kanila, lalung lalo na kay seg. ay oo nga pala kasama si mer, wala nga palang iwanan.😉

    @mang M

    wag kayong mag-alala, hindi naman nagwawagi ang kasamaan eh…

    @my 1st lady

    mukang ma-aapprove yung vacation ko. libre nyo akong dalawa ni mer ng mga pilipino foods ha. pati yang kamote na nagpakabag kay mer. aasahan ko yung oo nyong dalawa ha.🙂

  16. Colegialagirl Says:

    Ay, uminit na parang plantsa ang aking ulo ngayon. muntik nang sirain ng aming maid ang aking washing machine na automatic. Mahal ang bili ko doon. Pinagiponan ko pa, at nagtiis ng kakakain ng kamote para may pambili lang. Tapos sisirain na lang ng basta-basta.

    Seg kain tayo ng bulalo ngayon o bukas. Ako naman ang taya.

  17. Doc.bobonyo Says:

    Segundina,
    Natutuwa ako at marami sa mga kabataan natin ngayon ang nagpaparehistro para bumoto sa 2010. Sila ang mga grupo ng mg botante na maaring magbago ng takbo ng kapalaran ng ating bansa. Partikular diyan sa politika at paghirang ng mga karapatdapat na mamuno sa atin.

    Ito ang mga grupo ng mga botante na mahirap masilaw sa pera. Kinabukasan nila ang tanging nasa isip sa pakikilahok sa isang political exercise kagaya ng 2010 presidential election.

  18. Segundina Says:

    Dok, malaki ang nagawa ng mga Networks para sa paghikayat sa mga kabataan na magparehistro para bomoto sa 2010 elections.

  19. Segundina Says:

    Girl, kita na lang tayo bukas ng Hapon sa Makati. Dalhin mo na rin ang iyong lancer dahil wala akong sasakyan at ayaw kong maglakad. Isama mo na si Joy para masaya.

  20. MRivera Says:

    Ituloy nyo yan.

    kayong kabataan ang pag-asa ng bayan.

    Huwag kayong pasisilaw sa kinang ng konting salapi kapalit ang boto ninyo dahil diyan nakasalalay hindi lang inyong kinabukasan kundi nating lahat.

    Kaming mga nauna sa inyo ay magbabantay na lamang. Hindi na namin kayang lumaban. Subalit hindi namin kayo hihiwalayan. lagi kaming nakaaalalay at handang magbigay ng payo kung kailangan.

  21. williamklose Says:

    @girl & @seg

    bakit kayo lang ang laging nagyayayaan? di nyo man lang kami mayaya. parang unfair sa amin dito ha. masarap pa naman yung kakainin nyo… yung sa boni sa mandaluyong masarap ang bulalo dun. sa makati naman dun malapit ata sa bangkal (hindi ko alam kung tama yung pangalan ng lugar. pero malapit yan dun sa dating intel sa makati). lahat yan turo-turo lang pero ok jan sa mga yan. marami talagang kumakain jan. yung price hindi ko na alam kung magkano. kung gusto nyo meron din sa quezon city, turo-turo din ang style at pangmasa ang dating. this is own by joel torre. ayuz dun!

    huy! libre nyo akong dalawa ha. he he he…

  22. Colegialagirl Says:

    William,

    Sa atin-atin lang ito. Ang totoo niyan ay si Seg pa rin ang taya. Kaya niyang maglibre ng araw-araw. Iba na ang walang pinagkakagastahan. Basta nandiyan ang kanyang alalay, gagasta iyan ng di oras, di ba joy to the world?

    Hayaan ninyo ikakain ko na lang kayo, hahahaha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: