Si Mar at Koring, Babaliw, Ping, etc.

True to her words, nagpakain talaga itong si Wonder Girl. Medyo nakantiyawan yata ni mang Mags at talagang dinala niya ang kanyang Lancer na kinukulambohan. Kasama niya si Joy na panay-panay ang silip sa kanyang salamin para magpaganda. Sinundo nila ako sa harap ng isang fast food sa may Katipunan malapit-lapit sa Ateneo. Kumikislap na parang palara ang kanyang tsikot at umaalingasaw naman sa loob ang pabango ni Joy.

Halos mahati na ang kanyang mukha sa pagngiti sa akin. “Sakay na Seg nang makarating tayo kaagad.” Lumipat ng upuan si Joy kaya ako na ngayon ang tumabi kay Wonder Girl. Pagkaupo ko ay may inabot siyang bote ng alkohol.

“Para ano naman ito?”

“For A(N1H1) virus. Magpahid ka sa buong katawan mo,” sabay tawa.

“Ibuhos ko kaya sa mukha mo.”

Kinabahan din ako dahil may mamang nagbabahing na dumaan sa harapan ko. Sige, nagpahid  na rin ako.

Saglit lang kaming nakarating sa may bulalohan. Maganda naman ang place at marami ding mga customers na mukha namang disenteng kumakain. Umorder kaagad si Wonder Girl ng tig-iisa kaming bulalo, kanin, softdrinks, at saka fruit salad.  By the way kaya ko siya tinawag na Wonder Girl kasi nahihiwagaan ako kung ano ang nakain niya at galante ngayon itong “matipid” kong kaibigan. Hindi naman nagtagal at dumating ang inorder  niyang pagkain. “Kain lang kaya walang hiya,” ang bulong niya sa amin. “What?” Tumawa siya sabay bawi, ” ang ibig kong sabihin ay kain lang kayo, huwag mahiya.” Biglang napasigaw naman si Joy, “ayon, ganon pala ang ibig niyang sabihin.” Tawanan muli kami.

Panay-panay ang higop ni Wonder Girl ng sabaw. Sarap na sarap siya habang unti-unti niyan nilalantakan ang karneng nakakapit pa sa buto. Sumabay na rin kami ni Joy, after all kami-kami lang naman. Panay-panay naman ang tingin ni Joy sa mga lalaking dumadaan sa aming table na tila naghahanap ng matitipohang pogi. Pero palagi namang tumatama sa kanyang tagiliran ang siko ni Wonder Girl. Natawa tuloy ako sa itsura ng dalawa. “Mabuti na iyang pinaalahanan ko siya, isang taon na lang matatapos na siya. E kung madisgrasya pa iyan,” ang angil naman ni Wonder Girl.

Kapag kasama mo si Mer sa mga lakaran hindi naalis ang mga usapang pulitika. Pero si Senador Mar Roxas at Korina Sanchez naman ngayon ang paksa ng aming usapan iyong kanyang ginawang pamamanhikan sa pamilya nina Koring. “Pabor ito sa planong pagtakbo ni Mar sa 2010 presidential election,” ang sabi ni Wonder Girl. “It’s so baduy and old fashion, they can make tanan anytime and get Justice Puno to marry them,” ang sabat naman nitong si Joy na tila nangiinis. “Hoy Joy tumahimik ka diyan. Usapang seryoso ito,” sabay kindat ko sa kanya. Natawa lang si Joy. “Ikaw ang magbabayad na kinain mo,” ang banta naman ni Wonder Girl.

Sa totoo lang maganda ang analysis ni Mer sa ginawang pamamanhikan ni Mar kay Koring. May “kilig factor” sa mga tagapakinig at tagahanga ni Korina. Gayon din ang mga taong sumusuporta at nagmamasid sa performance nitong Senador. “If they can translate that kilig factor into political reforms, you expect your crush Mer and Koring to be the next occupants of Malacanag.” Nailing lang si Wonder Girl, “not my crush it’s yours lady.”

Hinihintay na lang namin iyong bill na ibigay ng waiter nang biglang may dumating na bagong customers. Agad nilang nakilala si Mer at nilapitan. Mahaba ang baba ng lalaki at tila presko at may kayabangan kung makaasta at makapagsalita. Lumapit siya kaagad kay Mer at tumayo sa tabi nito. Kumaway sa amin ni Joy at kumaway din kami in return. Siya si Lito na gustong pumorma kay Mer pero lagi naman siyang binabara nito. Ang tawag sa kanya ni Mer ay Babaliw, short for “babalung baliw.”

“Naku, mali lang ang oras ng dating ko. I should have come earlier to have more time to chat with Miss Beautiful Lady,” sabay patong ang dalawa niyang  kamay sa balikat ni Mer.

Dagling yumuko si Mer para maalis lang ang mga kamay ni Babaliw na nakapatong sa kanyang balikat sabay sabi, “hindi ako ang lady, si Seg girl pa lang ako.” Sinabayan pa niya ng malakas na tawa. Talagang Wonder Girl nga itong si Mer, nasabi ko sa aking sarili. Mukhang napahiya si Babaliw at bilang bawi kunwa’y nakipagkilala siya sa amin ni Joy.

“Hi Seg nice meeting, and you…” sabay  tingin kay Joy. “Joy po,” ang mabilis naman na sagot nito.

Dumating ang kanyang kasama na nag-CR lang pagkarating nila at tinawag siya kaagad upang samahan siya sa isang mesa. Hindi na niya nagawang ipakilala pa ito sa pagkakapahiya. Anyway hindi naman daw siya cute and no use of knowing him ang sabi naman ni Joy.

Na-badtrip naman itong si Mer sa pagdating ng kanyang dating manliligaw. Para hindi masira ang araw niya nagyaya siyang uling magkape at kumain ng chocolate cake. Sa Gateway sa may Aranela Center ng Cubao kami dinala . Alam kong bad mood na si Wonder Girl kaya hindi ko na binanggit pa ang tungkol kay Babaliw baka lalo lamang itong mainis. Pasalamat na lang ako at hindi siya inasar pa nitong si Babaliw sa bulalohan. Kilala ko si Mer, baka masasabawan pa ang baba ni Babaliw. Nakita kong dinampot na ni Mer ang tira kong sabaw nang inakbayan siya ni Babaliw.

Si Ping Lacson naman ang aming napag-usapan. Ang isyu ng Kuratong Baleleng, ang pagbabalik ng pamilya ni Mancao, at ang tax revolt na iminumungkahe ni Ping hangga’t hindi binabawi ng Kongreso ang pagpasa ng Con-Ass. Maganda ang layunin para sa akin, pero gaya ng nasabi ng mga taga Makati Business Club, ako’y naniniwala na ang ultimate victims sa tax revolt na ito ay hindi ang presidente at mga kakampi niyang pulitiko sa Kongreso kundi ang mga mahihirap. Pero totoo naman ang sinasabi ni Ping na maaring gamitin na campaign funds ng adminitrasyong Arroyo ang buwis na malilikom mula sa mga tao, negosyong maliliit, at malaking establisimyento pinansiyal  at korporasyon.

 Gabi na ng ihatid ni Wonder Girl ako sa amin. Ako na ang sumagot pa sa kinaing cake at ininum naming kape sa isang sikat na kapehan sa Gateway.

“Thanks for your time and company lady,” ang bulong sa akin ni Mer.

“You are well known (instead of you are welcome) naman ang sagot ko sa kanya.

Kumaway naman si Joy sa akin habang mabilis na pinaharurot ni Wonder Girl ang kanyang sasakyan.

Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , ,

17 Responses to “Si Mar at Koring, Babaliw, Ping, etc.”

  1. Colegialagirl Says:

    Seg,
    Para kang nagsusulat ng diary hehehe. Ayos lang madam so that everybody will know I can afford to spend naman for my friends. Pero you ha ginawa mo akong Wonder Girl. Sana Wonder Woman na lang para mas sosyal.
    Pero bakit mo pa sinulat ang tungkol kay Babaling alam mo namang allergic ako sa mga bagay na matutulis at mahahaba kagaya ng kanyang baba. Yabang kasi ng buwiset na Babaling na iyan. Mabuti sana kung nagpapakita siya ng ka-BABA-an loob baka mag-change pa ang mind ko. Sa totoo lang gusto kong paligoan ang kanyang baba ng mainit na sabaw. Tsansingero, manyakis, yayyks.
    Kayong dalawa na lang kaya, ala Kim Chui at Jake Cuenca. I am sure compatible kayo. Ikaw mahilig sa telepono, baba naman niya ay korteng telepono, bagay kayo di ba? Hehehehe.

  2. williamklose Says:

    @seg

    nawala ang inis ko sa subcontractor namin ng na basa ko yung story na ito ha… ayuz ka talaga magkwento seg. na tuloy pala ang paglibre ni mer sa inyo ni joy. sayang hindi ako kasama, sana isa rin ako sa character dyan sa story para mabasa ko naman ang pangalan ko. commentator lang ako palagi eh. he he he…🙂 syanga po pala, di ba sabi mo taga mt. province ka? yung bang sagada ay part ng mt. province? gaano kalayo yun sa baguio?

    @mer

    basta pala close mong kaibigan ay kaya mong ilibre. ngayon alam ko na rin kung bakit hindi ka sumasagot ng “oo” pagsinasabi ko sayo dito na “ilibre mo naman ako pagbakasyon ko dyan” kasi hindi naman tayo close. with this note, ok lang ba sayo na close na tayo magmula ngayon? he he he…😀 pero mer ok yang pagiging matipid mo. dyan pareho tayo. wag natin tawagin ang sarili natin na “barat” kasi marunong lang tayo magcontrol sa sarili natin pagdating sa paggastos. pero dapat ang pagtitipid ay hindi ginagamit sa panggugulang sa kapwa. tama po ba ate joy? he he he…😉

  3. KapitanKidlat Says:

    Ay talagang matipid iyang si Mer. Siya kasi ang nagpaaral ng kanyang sarili. May kuwento na iyan tungkol sa kanyang buhay.

    Pero, sa agency naman ay naglilibre din ng meryenda iyang si Mer kahit siya ang may pinakamaliit na suweldo noon. Si Seg naman ay galing sa marangyang pamilya iyan kaya sky is the limit kung gumasta sa pagkain.

    Teka nga may itatanong lang ako sa inyo. Iyan bang si Joy ay practicum student din ninyo ngayon ha Seg? Maganda ba siya? I know you guys laging may wt. ang beauty kapag namimili kayo ng kasama hahaha.

    Don’t get me wrong, curious lang ako dahil hanggang ngayon subsob pa rin sa trabaho si JR. at nakakalimutan na niyang mag-ahit. Baka ka ko puwedi siyang mapangiti ni Joy. Sorry ha baka may boyfriend ka na iha, nagbibiro lang ako.

    O sige, magiisip muna ako ng susulatin ko para may maiposte naman ako sa blog. Siya nga pala gusto daw ni Banong na makipag-blog muli kung okay lang daw kay Segundina. Nangako siyang hindi na niya muling bibiroin si Seg. Okay lang ba sa iyo Seg?

    May sarili na siyang “kubo” pero sa ibang blogging site. Miss na daw niya tayo at saka matumal daw ang bumibisita sa kanya doon. Siguro ang ibig niyan sabihin iyong mga nagko-comment. Puro mga langaw daw ang napapadpad doon kagaya no’ng nainkuwentro ni Obama, hahaha.

  4. KapitanKidlat Says:

    Banong, kung mapadpad ka man dito. Welcome na welcome ka Barangay Kidlatan. Sana ma-welcome back ka uli dito kung kaya pa nilang iyabsorb ang kakulitan mo hahaha.

  5. KapitanKidlat Says:

    Pahabol na comment.

    Iba itong style mo ngayon ha Seg. Nagkukuwento ka ng tungkol sa kainan ninyo pero may mga political analysis ka pa rin na naisisingit. Puwedi bang mahiram itong style mo? Hahaha.

    Thanks and my best wishes din to all of your readers, visitors and friends.

  6. joy Says:

    Ma’am Seg bitin ako sa order ni ma’am Mer para sa akin. Enjoy po ba tlga kayo sa kinain nyo? Kc parand di nyo naubos. Baka on diet lang po kayo.

  7. joy Says:

    Pero sana binigay na lang ninyo sa akin lam nyo po naman magkacinglakas kaming kmain ni ma’am mer. heheh

    tama po kau kc nang akbayan ng Babalutan iyang si ma’am parang gusto na niyang sabawan ang knang baba. Bho talga niya, parang bombay.

  8. joy Says:

    hi sir kapkidlat

    you’re asking ’bout me if me have BF? secret… hahaha

    I am not beautiful, but I am charming and sexy at 24-25-36, hehe. please see the latest pic of Bibi gandanghari, medyo hawig kmi excpt she looks like lola olready… hahaha

  9. joy Says:

    william, ma’am seg and ma’am mer are pretty mamals except that ma’am seg is very sophisticated while ma’am mer love to be simple. ma’am mer looks much prettier than that picture above.

    hayan ma’am mer cnabi ko nang maganda ka dapat may bonus ako diyan sa’king grade ha? biro po lang sanay tutuhanin hahaha.

  10. williamklose Says:

    @joy

    malamang malibre ka ulet ni ma’m mer mo kasi mas nagagandahan ka pala sa kanya kaysa kay ma’m seg mo. pero of course be ready of the “chain reaction” of what you have said. baka si ma’m seg mo naman ang hindi ka na ilibre. he he he… hindi ko rin alam kung positive treat ni ma’m seg mo yung adjective na ginamit mo, “sophisticated.” although i can interpret it as a creature that beauty has been highly developed and refined but remember sophisticated is also synonymous to artificial and complicated. ipaliwanag mo yan… he he he…😀

  11. Colegialagirl Says:

    joy,
    Ikaw ha baka hindi mo alam marunong din akong magpakasosyal kagaya ni Seg pero huwag na lang kasi dalagang bukid lang ako at prinsesa naman ang lola mo hahaha.

    Ikaw ha nililito mo si Kap, vital statistics mo mali, ano ang korte mo triangulo? Bakit ayaw mo pa kasing aminin na hindi kayo nagkakalayo ni Pokwang hahaha.

  12. Colegialagirl Says:

    Puwera biro, pero hindi naman nagpapahuli ang beauty ni Joy, at lapitin pa ng mga boys. Biro mo Grade 2 pa lang may boyfriend na siya hehehe.

    Pero matalino iyan, mabait at saka masipag. Kahit anong iyutos sa pa sa kanya ni Seg walang reklamo. At higit sa lahat alam niya ang limitasyon ng kanyang pakikipagkabigan sa mga instructors. Kaya napamahal at napalapit siya sa amin. Kaya lang hanggang ngayon si Seg pa rin ang idol ng bruhitang ito.

    O ayan Joy may endorsement na kami para sa iyo. Apply ka na kay kap, hehehe.

  13. williamklose Says:

    @ mer

    ok lang yan mer. ikaw naman ang diwata ng kabukiran eh. dalagang pilipina ang dating na pang simbahan o pangdambana at higit sa lahat pang ever lasting partner… swerte ang mapapangasawa mo kasi masinop ka na, maganda ka pa. ano pa ang hahanapin namin mga lalake? palagay ko wala na. libre mo ako mer ha. he he he…

    @ seg

    si seg naman kasi ay parang sya yung ideal at dream girl namin mga lalake. pang 1st lady ang dating. malakas ang dating sa masa. delilah namin mga lalake. ang ibig sabihin ko ay taga pagpalambot ng pride ng isang lalake. yung bang tingin palang lalambot na ang puso mo. ayuz ba yun seg? marami ka nang utang sa akin ha. he he he…

    @ joy

    si joy naman………. bata ka pa. hayaan mo munang mag-asawa sina ma’m seg mo at ma’m mer mo tapos saka ka mag-boyfriend. mag-ipon ka muna. =)

  14. williamklose Says:

    @ seg

    HAPPY FATHERS DAY pala kay daddy. paki sabi mo na lang. he he he…

  15. Colegialagirl Says:

    Seg,
    Magpapakain ba kayo? Heheheheh, saan ko kayo matatagpoan ngayon? Baka kailangan ng lolo mo ng nurse, I am available just for today.

  16. Colegialagirl Says:

    Diwata? Salamat William pero takot kasi kami sa mga enkanto, hahahaha. Alam mo ba na iyang si Seg ay maraming kakumpitensiyang matrona? Kung ano ang gamit at suot niya ay laging pinapantayan ng mga matrona sa college. Kaso kahit magparetoke pa sila kay Vicky Belo at Hayden Kho ay wala pa rin sila sa kalingkingan ng beauty ni prinsesa

  17. williamklose Says:

    @ mer

    nababasa ko nga na talagang gusto mong magpalibre kay seg. he he he… ang ibig sabihin mo ba na “matrona” na si seg? he he he… pero tiwala naman ako na maganda si seg at palagay ko e maraming manliligaw sya.

    @ seg

    ilibre mo na yang si mer pero isama mo ang lolo mo para mapakinabangan mo si mer. gawin mo syang yaya ng lolo. he he he… joke lang mer.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: