Kiss the Rain

I know not all days will rain. There is also a time to look at the sky and see a bright sunny day. There is no use of crying anymore, kissing the rain with tears in your eyes… There’s life ahead and it would be foolish to spoil this opportunity; lest I may I regret it to the rest of my life.

Hayaan mong pumatak ang ulan sa aking mga labi; at hayaan mo ding madama ko ang mga yakap at halik ng malamig na hangin sa aking pagiisa. Hindi na ako maaring hadlangan pa ng kalungkotang aking nadarama sanhi ng aking kabigoan. Ngunit sisikapin kong muling bumangon at itayo ang aking mga pangarap ano mang unos pa iyan na aking susuongin.

Kung hindi na kita maabot ngayon, sana pakawalan mo na ako sa iyong ala-ala. Sana hayaan mong maambonan ng pag-asa ang aking puso at muli itong tumibok nang umibig pa muli. Yayakapin ko ang ulan sa kabila ng aking pagiyak at hayaan siyang hagkan ang aking mga luha. Oo hihintayin ko ang bawat patak ng ulan na siyang dadampi sa aking mga labi. Hahalikan ko ang ginaw at pagapaw ng mga luha sa aking puso makalimutan lang ang nakaraan… Hihintayin ko ang pagdating ng bagong umaga at nang lubusan nang maghilom ang sugat sa aking puso.

It’s over! Though it hurts, I must learn how to say goodbye. And now that you’re gone I will not set my feet on this path anymore. I will not cry again… Let the memories of the past be buried forever. Let the leaves fall in the ground where you used to be so that I couldn’t see you anymore. Let this feeling melt like a grain of salt placed in a cup of gold exposed to the rain.

Yes, let me kiss you once again in my mind amidst rain if only to say goodbye.

Tags: , , , , , , , , ,

12 Responses to “Kiss the Rain”

  1. Colegialagirl Says:

    Totoo na ba iyan? Wala na bang iyakan? Hehehehe

  2. Colegialagirl Says:

    Remember what the old folks say, love means never having to say you are sorry, hahaha.

  3. MRivera Says:

    Bilib ako sa inyong dalawa.

    Parang walang dull moments sa inyo, eh.

    Kunsabagay, a friend is always around when one needs one.

  4. MRivera Says:

    But remember, girls.

    Mas kailangan ninyo ang magkaroon ng sarisariling pamilya. Iba ang dulot na kaligayahan lalo na ng supling at kataling puso.

    Hanap na kayo. Nakakainip na, eh!

    Mamantikaan naman ireng aming mga nguso.

    He he heeh!

  5. Colegialagirl Says:

    Seg, magparamdam ka naman kung nasaan ka ngayon. Naramdaman mo na ba iyong mata ng bagyo ngayon? Baka nasa kapehan ka na naman hehehe.

  6. haydeenkoi Says:

    Your blog is very nice. I passby twice but did not comment. But Now that I come back I decided to write something.

    I am new in blog and new also about the computer. For the information of the public I am a retired janitor who is now working as carpenter and painter sometimes. I go around the neighborhood to fix their houses for example the electricity connection and the water systems.

    I know there are many very high education people here to write comments and I like you ideas.

    So sir if you like may I also participate to you. Thank you so much nice people over here.

  7. Segundina Says:

    HaydeenKoi?

    Whoever you are I believe you are not the doctor who is now in hot water.

    But welcome anyway. And please be aware that this is a woman’s blog not a man. Just call me miss but not sir, hehehe.

  8. haydeenkoi Says:

    you visil me in my site. Thank you very much. You have very good blog. I like it and making visit always also. Thank you very much

  9. MRivera Says:

    haydeenkoi?

    Aba’y magagalit kami niyan sa iyo, eh!

    Ginagawa mong barako ang mahinhin naming propesora? ‘Yang ganda niyang ‘yan sa larawan tawagin mong “Sir”?

    Magpalit ka na ng medyas, hane? Magsipilyo ka na rin. Sinisipon ka na, eh!

  10. MRivera Says:

    Pero nakakatuwa itong haydeenkoi.

    Malalalim ang mga inggles niya, eh.

    Pati ‘yung deskripsiyon niya sa trabaho niya, nahihilo ako.

    Parang ‘yung doktor na ang trabaho ay maggupit ng buhok at manikuristang nagtutulak ng kariton.

  11. Segundina Says:

    Nakakatuwa nga ho kuya Mags itong si HaydeenKoi (Puwedi ho bang matawag ko kayong tatang?). Hindi ko lang malaman and I am puzzled about it kung tagahanga siya ni Dr. Hayden Kho. If ever that is your fundamental right Tatang HaydenKoi.

    As a sociologist isa ho kayo sa mga ina-analyze ko ang mga sinasabi at kaisipan. Puwedi ho naman kayo siguro magsalita diyan ng Tagalog o Pilipino. Pero sa ganang akin lang po ay may malalim na dahilan siguro kayo. Don’t get me wrong Mr. HaydeenKoi, hindi ko ho kayo kinukutya sa paggamit ninyo ng salitang English. I am very much impressed kasi sincre ho naman ang dating ninyo.

    Pero kanina lang ay nabasa ko ang iyong comment sa CD. Gusto pala ninyong ibahagi din sa buong mundo ang mga bagay-bagay sa buhay na nararamdaman ng inyong puso. Aray, nabanggit na naman natin ang tungkol sa puso, hehehe. Hindi lang iyan sa tinagal-tagal na panahon ay ngayon lang kayo nagkaroon ng karanasan para sa mas malawak pang pakikipagtalakayan ng mga isyu sa buhay at pulitika hindi lang sa Pilipinas kundi ang sa buong mundo.

    Marahil po ay isa kayo sa mga Pilosopong Tasyo na sa tabi-tabi lang nakikipagpalitan ng mga kuro-kuro tungkol sa mga bagay-bagay sa kapaligiran sa mga kainoman, kasamahan sa trabaho, mga kapitbahay etc. Kung dati ay nasa micro-perspective lang ang pagpapahayag ninyo ng nilalaman ng inyong damdamin ngayon ay nasa macro, o kaya’y cyberspace. Now I understand where your excitement is coming. Am I right (but not left) Mr. HaydenKoi?

    Bilang pagrespeto sa ninanais ngayon ng inyong puso, I would like to tell you that keep blogging and speaking in English. Pero paminsan-minsan naman ay magtagalog kayo. Taga Ilocos Norter ho ba kayo? Ay, wen manong pala kayo.

  12. williamklose Says:

    hi seg,

    sensya at hindi ako nakakabisita dito sa bahay mo. im busy fixing my visa and preparing my things for my vacation kasi. pero ngayon na dito na ako sa pinas, online na ako ulet. o kelan ang kitakits natin sa megamall para ilibre nyo ako ni mer? he he he… =)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: