Bakit Nga Ba?

Bakit nga ba tuwing nagkikita na lang ang mga dating magkakaibigan ay ang estado sa buhay ng bawat isa ang tinatanong. “Kumosta ka na, may boyfriend ka na ba?” “Kumosta na iyong dati mong manliligaw, nagsawa na ba?” Hindi pa doon nagtatapos ang tanongan, “e kumosta naman iyong boyfriend mo na nagpakasal sa iba, may contact pa ba kayo?” What? Grabe namang tanong iyan oo, may pamilya na nga iyong tao e contact pa ang pinaguusapan. T-teka anong masama sa contact? Kumostahan lang naman di ba. Ang dudumi kasi ng isip ninyo. Eto pa, “balita ko nangibang bahay na daw ang asawa mo, kumosta ka na ngayon mare, may bagong karelasyon ka na rin.” Wow! Grabe, para bang wala nang silbi pa sa atin ang marriage bilang isang institution. Malakas talaga ang tama ng western influence sa atin. Nagbago na ang panuntonan sa buhay ng mga Pinoy.

Pero ang pinaka-ayaw ko sa lahat ng kumostahan e iyong pinakikialaman ang personal mong buhay. Gaya nito, “mare paano ito ikaw na lang ang natitirang dalaga sa ating magkakaibigan?” “Huwag mong sabihing tatanda kang dalaga niyan.” Ha? Ikamamatay ko ba kung ako’y tatandang dalaga. Mayroon pa diyan bubulong sa iyo, “ayaw mo bang may humahaplos-haplos sa iyo sa gabi pagkatapos ay may labing-labing pang kasunod.” Pwe, kaya pala taon-taong nanganganak ang gaga. Iyong isa din ay sasabihin sa iyo, “di ka ba nalulungkot niyan at laging malamig ang gabi sa iyo?” E, ano? Naka-aircon nga akong magdamag dahil laging maalinsangan ang panahon sa Pilipinas. Anong lamig ang pinagsasabi mo.

Sa mga pinsan ko naman na matagal ko nang di nakita. Panay naman ang papuri. “Mabuti pa sa iyo Seg at looking beautiful ka pa rin. Tignan mo kami lusiang na lusiang na.” E, di magpaganda ka. Nag-asawa ka nang maaga ngayon ikukumpara mo ang sarili mo sa isang dalaga lugi ka, hehehe. Ito namang pinsan ko na lagi na lang nakikipagkompitensiya sa akin, “naku Seg mag-asawa ka na sayang iyang beauty mo. Sayang ang panahon. Kapag tumanda ka na wala nang magkakagusto pa sa iyo.” Wasted years pala ang isyu naman ng tinamaan ng magaling kong pinsan na ito. Kung sinasagot ko kaya siya ng “inggit ka lang?” Sa totoo lang iyang si pinsan “A” noong dalaga pa siya ay kina-career na niya ang makipagpaligsahan sa akin. Panay bili ng mga mamahaling damit at pa-cute sa mga lalaki. Ako naman ay hanggang t-shirt lang at maong na pantalon. Ngunit sino ang pinapansin? Hehehe, may birtud ba raw ako sa mga lalaki? Wala sa mga isinusuot mo iyan, nasa nagdadala ang lagi kung pinambabara namam sa kanya.

Ito namang pinsan kong de-numero unong inggitera ay panay naman ang papuri kunwari. Kakaiba daw akong pinsan niya dahil hanggang ngayon ay flawless na flawless daw ako? Ang alin, ang beauty ko o ang aking bagong SUV? Haay, ito pa lang mapapala mo kapag sumasama ka sa mga family reunions, hahaha. Kaya madalas kung itinatanong sa aking sarili, may malaking bang pagkakamali akong nagawa sa di ko pa pagaasawa? E, wala pa sa loob ko niyan, e, kahit lampas na ako ng bente sinko. Basta I still enjoy my blessed singleness. Kung gusto ni Colegiala girl ang mag-asawa mauna na siya. Now na! Hehehehe.

Pero may mga nakakatabang puso naman sinasabi nila sa akin. “Mabuti na lang at dalaga pa iyang pinsan natin, at least wala siyang ina-alala sa buhay. May mauutongan.” Ano, ang lupeeet naman ninyo at ginawa pa akong Bangko Sentral ng Pilipinas. Nagtitiyaga na nga lang ako sa mga sales kapag nagsa-shopping dahil kung hindi ka magtitipid ngayon ay mamatay ka ng dilat kinabukasan. Ang hirap yatang maghanap-buhay. Hindi naman ako namumulot ng pera ano… Haay anong klaseng mga pinsan kayo, ni kusing hindi ko kayo pauutangin! Hehehe.

Mabuti pa nga itong si pinsang Ambo at nang ipakilala niya sa aking ang kanyang teenager na anak biglang nagmano ito sa akin. Maganda ang dalagita; anak ni kuya Ambo sa dating karelasyon niya na GRO. “Puwedi kang maging artista iha ang bulong ko sa kanya.” “Salamat po pero gusto kong maging isang teacher na katulad ninyo.” “Hmmm, malaking sakripisyo iyan iha.” “Madalas kong ikuwento sa kanya ang tungkol sa iyo, kaya ina-idol ka niya Seg,” ang kuwento naman sa akin ng playboy niyang tatay. Ewan ko nga ba pero parang magaan ang loob ko sa batang ito. Sa lola siya lumaki at naging isang huwarang anak. Marahil ay lagi niyang naiisip ang kanyang kalagayan na walang kinagisnang ina dahil iniwan lang siya sa kanyang tatay nang iluwal siya sa mundong ito. Sa tuwa, ayaw man niyang tanggapin noong una, binigyan ko siya ng kaunting pera para pambili ng kagamitang pang-eskuwela. “Sana tita balang araw ay makakaganti rin ako sa inyo,” ang kanyang pasasalamat naman.

Paalis na siya nang may napansin ako sa kanya kaya pinabalik ko. “Bakit po?” “Wala, may sasabihin lang sana ako sa iyo.” “Ano po iyon,” ang kanya namang sagot. “May kamukha kang artista…” Natawa siya bigla. “Oo raw po, si Maricar Reyes…” At bigla naman niya akong tinignan. “At kayo naman po ang older version ni Maricar Reyes…” Sipsip! Bigla akong napahalakhak at tumawa na rin siya.

Bakit nga ba may mga tumatandang dalaga? A, ewan. Wala pa naman ako sa danger zone, bahala na si Bro. Hahahaha.

Tags: , , , , , , , , , , ,

16 Responses to “Bakit Nga Ba?”

  1. Colegiala girl Says:

    Seg,
    Bakit nga ba hindi ka pa nagaasawa? At bakit nga ba ako muna ang iyong itinutulak upang magpatiwakal? Hehehe.

    Iyan kasi hindi ka pa nag-aasawa. Di mayroon na sanang akong inaanak. Mamaya hindi ka na lang sa pamangkin natutuwa, sa mga apo na rin.

    Ay, lola Segundina… bagay di po ba?

  2. Colegiala girl Says:

    Hoy lola,
    Huwag mong gawing yaya ang sarili mo kay joy. May isip na iyon at makapal na ang buhok sa kanyang S… ehem, sa kanyang ulo pala.

    Hindi ko siya kinukunsinte, pinangangaralan din may limitasyon kasi may sariling bait na siya.

    Kasi dinidibdib mo ang pagiging nanay mo sa mga cute (nakakata-cute) mong estudyante. Iyan lang lola, kung ano ang drama ninyo ni joy out na ako diyan. Palagay ko nagbibiro lang iyong bata (bata pa ba o may bata na?) nang sabihing may kasama kang “pogi” sa out of town na lakad/takbo ninyo hehehe.

    Alalahanin mo, masakit pakinggan ang phrase na “wasted years.” Bakit nga ba? Hahahaha

  3. Haydeenkoi Says:

    You making me laughter ma’am Seg and ma’am Mer. You see if you are single minded people you cannot marry very soon. Why? You think only of freedom first because you will not have obligation. And you will only be happy as of now because you no have responsibility and can do anything you want without thinking your obligation in the house.

    My advise to you, you do not think always of being single most of the time. Try also to think about your future. How come who will takes care of you someday when you grow old. Better marry and have children so you have somebody to look to you someday isn’t it?

    Thank you very much for the time to comment which you allow to me.

  4. Colegialagirl Says:

    Seg,
    Mukhang nagtatampo yata ang side kick mo at ayaw sumagot sa mga text ko.

  5. Doc.Bobonyo Says:

    Bakit ka nga bang magaasaw ma’am Segundina kung ang ibig sabihin niyan ay masisira ang pigura mo dahil sa panganganak. Kung nasa decada trenta ka pa lang wala kang dapat ipangamba, makakasampo ka pa niyan hanggang umabot ka ng 46 years old. Hehehe.

    The problem is if you marry your teaching profession, lagi mong naiisip magulo pala ang magkaroon ng isang malaking pamilya. But masaya.

    Hindi sa pagtataboy sa iyo na magasawa ka, pero kapag nabuntis ka masisira na ang beauty mo. Kapag nanganak ka lalaki na ang balakang mo at tataba ka pa. Hindi ka nang prinsesa tignan. Mapupuyat ka sa gabi sa pagpapadede ng bata. Baka pati si mister pa. Hahaha. Magpapalit ka na ngayon ng lampin o diaper ng bata. Malalagyan na ng ipot ng bata ang mga manicured mong kuko. At kapag nasundan pa iyan magmumukhang lusiang ka na. Factual itong sinasabi ko dahil naging karanasan namin ito at muntik na kaming nagkahiwalay ng aking misis dahil dito.

    But if you know how to carry on yourself despite your burden (?) I mean your family responsibilities (kasi magbabago na ang lahat niyan) you will realize that life has never that beautiful as this before. Magkakaroon ka ng mga supling na balang araw ay maipagmamalaki mo rin; na siya ring gagabay sa iyong pagtanda.

    I know you are making timbang of everything. Galing ka sa family counseling at alam mo ang hirap magpalaki ng anak, asawa, at ang buong pamilya. But don’t be afraid. Fear is the greatest obstacle in going to marital life. Pero dapat maniguro ka lang na ang pakakasalan mo ay isang lalaking responsible, courageous, understanding, humble, intelligent, and above all God-fearing. Hindi bale maliit lang ang kinikita tutal mapera ka din lang naman. Hahaha. What matters may prinsipyo siya sa buhay at may pagpapahalaga sa kapakanan ng iba. Hindi ko sinasabing maging charitable siya pero kung gusto niya maraming taong mapapasaya niya.

    Pero kung talagang determinado kang mag-asawa proceed na. Huwag ka nang mag-isip pa. Kung baga sa pilotong Hapon noong World War 2 ay KAMIKAZI. Now na raw sabi ni Mer nang makasunod na rin siya. Hahahaha. Love you guys.

  6. Cocoy Says:

    Pwedi ko kayong bigyan ng free lesson kung papano humanap ng mabait,mayaman,matangkad at poging magiging asawa.Hehehe!

  7. MRivera Says:

    Tagal namang magdesisyon, eh!

    Nakakainip na kayong dalawa, alam n’yo ba ‘yun?

    Masarap pa namang humigop ng mainit na sabaw at mamantikaan ang nguso ng handa sa kasalan.

    Tandaan ninyo, ang ganda ninyo ay mawawala, lilipas. Subalit kung mag-aasawa kayo, malosyang man dahil sa sobrang pag-aasikaso sa mga anak at asawa ay parang tropeo na maipagmamalaki sapagkat ibayong kaligayahan ang makakamtan ninyo.

    Kaya, kilos na! Baka mainip sina John Lloyd at Piolo!

  8. Segundina Says:

    Ha? Paano na po si Sam Milby? Siya pa naman ang only you ni Mer, hahahaha. Kung kay John Lloyd baka magalit si mama Annabelle ni Ruffa. At kung kay Piolo baka naman magalit sa min si KC.
    Pero huwag po kayong magalala Ninong at hindi kayo mawawala sa kasal namin ni Mer “very soon.” T-teka lanihahaanp ko lang nang precise operational definition ang “very soon.”
    Joy, this is your assignment to be submitted before the president’s SONA. Failure to do so means ikaw ang maunang mag-aasawa hehehehee.

  9. joy Says:

    Hehe, ang hrap talaga maksma dalwang tchr na ito… sala sa nit sala sa lmig.

  10. williamklose Says:

    Nako po! Pati pala dito kasalan din ang topic. Ganyan din kasi ang tanong sa akin ng mga tita at tito ko. yung mga pinsan ko tinatanong nga nila kung kami pa nung gf ko nung bago ako umalis ng bansa.

    meron kasing pumipigil kasi sa akin isipan pagpumapasok yang pag-aasawa. medyo may takot kasi ako na baka matulad ako dun sa mga kilala ko na nag-asawa then after 5 years and 2 kids hindi na sila mag-asawa. teka po ha, ika-cut ko muna yung kwento ko at check ko lang yung niluluto ng tita ko sa kitchen. ang bango ng amoy eh. he he he… babalik na lang ako ulet.šŸ˜€

  11. Colegiala girl Says:

    Joy ganyan talaga ang mga teacher, kung away mong mapaginitan ka makisama ka na lang. Hayaan mo magiging teacher ka rin balang araw hehehe.

    At saka Joy di ba graduating ka na? May subject ka pa sa akin ngayon ano? Magpakabait ka ha? Hahahaha.

  12. Colegiala girl Says:

    William,
    Ang pagaasawa ay pinagiisipan ng mabuti. Hindi daw lugaw iyan sabi ng Intsik na basta mo na lang iluluwa kung napaso ka. Hehehehe

  13. KapitanKidlat Says:

    Mer, baka makasuhan ka ng harasment iyang ginagawa mo sa lakwatsera mong estudyante. Hayaan mo na siya kasi may ibang diskarte naman iyang bata e, pinagsasabay niya ang pagaaral at pakikipagligawan. Business and pleasure, dapat gumaya kayo sa kanya. Pustahan tayo, hindi magtatagal kukunin kayong mga ninang, Hahaha

  14. MRivera Says:

    Seg,

    Sino bang John Lloyd ang sinasabi mo? Sinong Piolo?

    Hindi mga artista ‘yung dalawang binanggit ko.

    Si John Lloyd ay ‘yung kapitbahay kong may kras sa iyo. Patay na patay sa iyo, mahiyain nga lamang at gusto ng magkaasawa. Magandang lalaki. Mayaman. 4’1″ nga lamang ang height.

    Si Piolo naman ay matagal na ring naglalaway kay Mer. Isa siyang mechanical engineer. Guwapo din. Galing sa hindi man nakaririwasa ay hindi naman naghihirap na pamilya. Relihiyoso. Medyo may pagkapilyo. Putol nga lamang ang isang paa.

  15. KapitanKidlat Says:

    Girls,
    Pagkakataon na ninyo. Matagal na akong naglalaway sa mga potaheng luto ng mga kusinero ng Manila Hotel. Kayang-kaya ni mama at papa mo iyan di ba Seg? Mer ayus na sa akin ang kilawen na kambing. Sige na, habol na sa tren baka maiwan pa kayo sa biahe.

  16. habib Says:

    Wow! Suwerte ko. May kainan pa yata dito.

    Magandang araw po, sa byuting maybahay na dalagang Pilipinang huwaran sa kahinhinan bagama’t napuna kong may kapilyahang taglay.

    Habib po, ang inyong abang lingkod na wikang Arabic na ang ibig sabihin sa ating salita ay “mapagmahal na kaibigan”.

    Napadaan lamang po nang aking masamyo ang halimuyak ng sariwang mga bulaklak na bago pa lamang namumukadkad sa inyong hardin at naganyak akong pumasok sa inyong bakuran kahit walang pahintulot. Kung mamarapatin po ninyo ay hinihingi ko ang inyong pagsang-ayon upang maging panauhin sa inyong kaharian kahit paminsan minsan kapag hindi ako abala sa aking abang hanapbuhay.

    Sana sa aking muling pakikisalamuha sa inyo ay nakahanda na ang dulang.

    Mabuhay ang malapit nang mga ikasal!

    Maraming salamat po.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: