The Comedy of Politics and Governance (Tawanan Mo ang Iyong Kapalaran)

A year ago my students debated in the class whether or not the entry of showbiz personalities in politics is a disaster to Philippine legislature and governance. It was a heated debate which lasted for two sessions especially when former president Estrada was dragged into the scene. The “wealthiest” (those coming from the well-to-do families) called it a disaster for Estrada to be elected president. But the majority “middle and lower class (children of OFWs, government employees, and ordinary street vendors, etc.) defended the actor who they believe is the “champion of the common tao.” But both group agreed it was Erap’s dethronement which paved way to the Arroyo’s administration haunted with accusation of human rights violations, graft and corruption, and perpetuation into power.
In view of this I asked both leaders of the debating group again: Is the entry into politics of showbiz personalities a disaster in Philippine politics, governance, and legislation? The entire class roared with different dissenting opinions.
After the class I was left laughing but disturbed deeply inside. This is democracy in action. This is congress in session. And this is the Philippines today after the Americans returned back our freedom. More talks less action. Is this our vision of the Philippines for the future generation?

TAWANAN MO ANG IYONG KAPALARAN

“Bato-bato sa langit ang tamaan ay huwag magagalit.”
Dalawa silang magkapatid na pinalaki ng kanilang over protective na nanay. Masyadong makulit, makasarili, at grabeng makapaningil ng utang na loob ang nanay nila kaya kapwa nakaligtaan ang personal na buhay nila. Buong panahon at buhay nila ay inilaan sa pagsisilbi ng kanilang ina ngunit hindi pa raw sapat iyon para mabayaran ang kanilang pagkakautang sa kanya.
Kawani ng isang rural bank si aling Lucia at barbero naman sa bayan si mang Paquito. Trabaho-bahay lang ang lakad nila araw-araw. Ni hindi man lang sila nakakapunta sa mga kasayahan. Ang Sabado at Linggo nila ay sa bahay lang ginugugol sa paglalaba at paglilinis ng bahay. Sa edad na otsentay sinko (85 years old) ay malakas pa rin si lola Belay. Nakakapamalengke pa at nakakapagluto. Sa kanya pa rin iniintriga ang mga suweldo at kinikita ng magkapatid.
Dito naman nanghihinayang ang kanilang mga kapit-bahay sa kanilang dalawa. Ika ng nila, sobrang mapagmahal lang sigur sila sa magulang kung hindi man ay talagang mga “dakilang tanga.”
Ang hindi alam ng mga kapit-bahay nila ay naaasiwa na rin ang dalawa sa kanilang kalagayan. Hindi naman nila puweding layasan ang kanilang ina dahil nasa kanya ang kanilang mga kinita ng matagal-tagal na ring panahon. Ang tanging hinihintay na lang nila ay ang kamatayan ng kanilang mother nang makalaya na sila. Pero sobrang matibay talaga ang kanilang mother at buhay pa siya.
Pero dumating din ang kanilang hinihintay. Namatay ang nanay nila sa isang sakuna sa kalye. May nakita siyang limang pisong nakadikit sa aspaltadong kalye. Pilit niya itong tinutuklap para kunin nang hindi niya namalayan na may parating na palang rumaragasang bus at nasagasahan siya.
To cut the story short, naipalibing nila ang kanilang nanay. Bilang mabait na magkapatid ay hinati nila ang kanilang mga kinita na umabot na rin ng milyon-milyon. May natanggap pa silang benepisyo sa pagkakaaksidente ng kanilang nanay dahil pumayag na silang makipag-areglo. May ilang milyon din.
Para makalimutan nila ang napakatagal na panahong pagtitiis at kaapihan sa kanilang “butihing?” nanay ay ibenenta nila ang kanilang bahay at nagkanya-kanya na silang dalawa.
Forty five years old na si aling Lucia kaya nang ligawan siya ng byudong si mang Gavino ay hindi na siya nagpakipot pa. In fact isang buwan nga lang siyang niligawan at nang mapasagot ay kasalan na kaagad. Hindi rin nagpatalo ang barberong si mang Paquito. Inalok niya ng kasal ang bente anyos (20 years old) na anak na dalaga ni mang Gavino na kanyang manikyurista at pumayag naman ito ng makita niya ang milyong-milyong diposito sa banko ng among barbero.
Unang ikinasal si aling Lucia at pinalad namang magkaanak pa. Menopousal baby ika nga.
Si mang Paquito naman ay kinausap ng masinsinan ni mang Gavino. Hindi siya tutol na mapakasal sa kanya ng kaisa-isa niyang anak na dalaga sa isang kundisyon; “magpatuli siya!” Pumayag siya; sa klinika naman siya ni doktora Capalaran (hindi kamag-anak ni Banong) dinala. Kilalang manunuli kasi sa kanilang bayan si doktora Maalindog Capalaran.
Halos mailuwa ng doktora ang kanyang pustiso nang makita niya ang kanyang pasyente. Isang matandang makunat pa sa balat ng kalabaw ang kanyang tutuliin. Pero bilang isang pasyente ay malugod niya itong tinuli.
Pinaghubad at pagkatapos ay pinahiga siya ng doktora sa operating table. Sadyang hindi naglagay ng guwantes ang doktora nang kanyang hipuin at pisil-pisilin ang manoy ni mang Paquito. Malambot ang palad ng doktora kaya nakadama siya ng kuryente sa buong katawan. Bukod dito ay nakalimutan pa ni doktora na ikabit ang dalawang butones ng kanyang blusa kaya may dalawang malalaking mansanas na tumambad sa mga mata ni mang Paquito. Hindi na nahiya pa ang kayang manoy, parang manok itong tumilaok. Pero maagap naman ang nurse at tinapalan kaagad ng icebag at unti-unting nalupaypay si manoy.
Tinurukan siya kaagad ng anistisya. “lukong doktora ito a,” ang nasabi tuloy ni mang Paquito sa saril.
Kaya isang linggo matapos siyang tulihin ay itinakda kaagad ang kasal ni mang paquito at si Katrina na kanyang manikyurista. Sa sala naman ni Judge Max Maututin sila ikinasal. Natawa pa nga ang judge nang ikinakasal niya ang dalawa dahil nabalitaan din niyang bagong tuli ang lalaki at pasakang pa kung maglakad.
Inabot din ng dalawang buwan (grabeng paghihintay) nang mapa-aray ni mang Paquito si Katrina sa katre. Fertile noon ang babae, ayun kay Merlita na nurse (hindi iyong best friend ko), kaya nabuntis kaagad si Katrina. Ang nang mabinyagan ang panganay nilang babae na si Aliwan ay si doktora Capalaran pa ang kinuhang ninang. After that sunod-sunod na ang pagbubuntis at panganganak ni Katrina.
Sa ngayon ay nagbibinata na ang anak ni mang Gavino at aling Lucia. Si mang Paquito naman ay nakaanim na siya. Graduating sa taon na ito sa elementarya si Aliwan at ubod talino daw ang bata.
Pero alam ninyo, kahit ano pa ang pagkukulang ng kanilang ina sa kanila, aling Lucia and Paquito, nagpapasalamat pa rin sila sa kanya kahit papaano. Napaghandaan nila ang kanilang kinabukasan sa pagiipon ng kanilang ina sa kinikita nila. Hindi nila ito kinasuklaman, inunawa lang at hanggang sa kanilang ala-ala ay nanatili pa rin ang kanilang pagmamahal sa mga magulang.

Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,

27 Responses to “The Comedy of Politics and Governance (Tawanan Mo ang Iyong Kapalaran)”

  1. Mer Pints Says:

    Unang komento sa unang artikulo.

    Ramdam ng mga kabataan ngayon ang kawalang pag-asa ng bansang ito sa kamay ng mga korap no opisyal ng gobyerno. Ang tanging pag-asa na nasa isip nila ay lumabas ng bansa at maghanap buhay.

    Bilang mga guro dapat nating imulat sila sa katotohanan na hindi sagot sa ating mga problema ang pag-iwas. Harapin ito at dapat na ipaglaban.

  2. Mer Pints Says:

    Pangalawang Komento para sa pangalawang artikulo.

    May doktora palang manunuli. Paanong hindi titigasan si mang Paquito e may pagka-pilya pala itong doktora. Biro mong ipinakita pa niya ang kanyang boobs at saka hinimas pa nang walang guwantes ang manoy ni mang Paquito, e di titingala nga sa kalawakan ang manok ni San Pedro. Maninigas si manoy baka sipunin. Mabuti alam ng nurse ang ginagawa (mabuti hindi iyong pangalan ko ang isinulat mo, kakalmutin kita) at tinapalan ng yelo. Nanlupaypay tuloy na parang lasing na dalag.

    Pero kapupulutan din pala ito ng aral kahit papaano pagkatapos mong tumawa o mangiti. Hmmmmp ang cute-cute mo talagaa, pakurot nga sa iyong ilong.

  3. MRivera Says:

    Suko na ako sa kapilyahan nireng dalawang ire.

    Pero, alam ninyo? Nakakainip na talaga.

    Kailan ba kayo magsisipag-asawa?

    Alalahanin ninyo, malapit nang mawala sa malakanyang si Lola Dapangdede, mawawala na din ang nangagsiyamang kotongreasemen at kabitnete, wala na kayong masisilong madatung na malapit ng matepok.

    Kayo din!

  4. MRivera Says:

    Puro sa kuwento n’yo lang may kasalan, eh.

    Takot ba kayong dalawa o galit na kayo sa mga lahi ni Adan at ang gusto ninyong mapangasawa ay ‘yung lahing tigasin? O kaya’y Canadian?

    Tigapaglaba. Magbanlaw Canadian. Tigapamalengke. Mamili Canadian. Tigapag-alaga ng bata. Magpatulog Canadian. Tigapamalantsa. Mamalantsa Canadian. Tigakamot ng likod. Tumayo Canadian, kamutin mo likod ko. Magmadali Canadian.

  5. joy Says:

    ma’am mer tlga bang may effect ang ice sa erection? sana nag-nursing na lang ako para may knowledge me tungkol sa human physiology. E kasi d pa me… never mind. Hanggang crush me lang kc.

  6. joy Says:

    Tito M Ok lang ba sa mga guys ang gumawa ng activities ng mga babae? Hnd ba nakakareduce ng pagkamacho ung magplntsa, mglaba, at mamlinki. kung nagsusoot ba ng panty ang isang guy bading cya? kc iyong bf ng classmate ko kinha niya panty me friend para gmtin daw ng guy. yuck bading ba ung ganong guy?. sorry po kc sa inyo ako nagtatanong kc me know u namn kc na you can understand us because you also have daughter di ba po ba?

  7. Doc.bobonyo Says:

    Segundina,
    Triple ang singil ko sa mga matatanda at makukunat nang nagpapatuli. Palakol at chainsaw na kasi ang gamit ko, hahaha.
    I have no comment with doktora Capalaran. Hindi naman malpractice of medicine dahil tagumpay namang naisakatuparan iyong panunuli.
    Hindi namang unethical iyong ginawang panghihimas dahil part of the procedure iyon. Iyong blusang natanggalan ng butones ay maaring ikatuwirang naiinitan lang si doktora, hehe.
    Iyong tumilaok ang manok ni mang Paquito, normal lang iyon sa tao. Kahit si William ay tinitilaokan din pagkagising niya ng umaga sabay tungo sa CR para dyumingel.
    The moral of the story, ang taong matiisin ay pinagpapala.

  8. Doc.bobonyo Says:

    Joy,
    Ano ba ang itinuturo sa iyo ni Miss Mer Pints tungkol sa sex education? Either na marami ka nang alam diyan o nagkukunwari ka lang na hindi pa mulat sa mga bagay na ito.

    Sabagay mapapayuhan ka ng mahusay ni Mang Magno niyan. Marami iyang kabatiran sa buhay. Huwag ka lang sa boyfriend magtanong at laging may hands on iyan sa pag-eexplain ng mga bagay-bagay tungkol sa relasyon ng lalaki at babae.

  9. Doc.bobonyo Says:

    Seg, ang sagot ko diyan sa classroom debate ninyo ay ito. Depende. Kasi sa local governance may mga artista namang naging maganda ang kanilang pamumuno. Kahit pa nga si Erap ay may maganda ring nagawa nang maging Senador siya. Siya ang nagpasa ng bill tungkol sa pangangalaga ng mga kalabaw, hindi puweding katayin ang mga ito at gawing karneng pagkain. Nang maging pangulo siya napatino din nila ni Panfilo Lacson ang mga kotong cops. Ang mga iba diyan nga na hindi artista at may mataas pang pinagaralan sa abroad, mga matatalino pa, ay naging corrupt naman sa kanilang pamumuno, hindi lang dito kahit pa sa ibang panig ng mundo. Ang masama lang diyan kasi, ang mga iba naman porke artista na at sikat ayan tatakbo kaagad upang maging Senador. Natalo naman. Take the case of Richard Gomez and Caesar Montano na tumakbo bilang senatorial candidate, di ba hindi sila nagwagi? Si aling Vilma naman ay nag-aral muna siya (crush program) sa UP tungkol sa public administration and governance para mapaghandaan ang sarili sa pamumuno? Si Bistek o Herbert Bautista di ba nagtapos muna siya ng kurso sa UP para mapaghandaan niya lalo ang pagiging Vice-mayor ng Quezon City. Again, depende di ba Joy?

  10. Colegialagirl Says:

    Joy huwag kang magtatangatangahan tungkol sa sex education, expert ka na diyan. I mean, naglelecture ka na nga sa mga kababaihan tungkol sa family planning during your practicum.
    Panty lang na ginagamit na lalaki? Kung hiram iyong panty at ginagamit ng lalaking humiram, masyadong mahilig sa “pekling” iyon. Kung bumili siya ng panty at ginamit para sa sarili ay bading siya.
    Ikaw bumili ka na rin ba ng brief, o nanghiram ng brief ng bf mo?
    Hayaan mo iha isang sem na lang magtatapos ka na at kung gusto mo mag-asawa ka kaagad nang masagot mo ang sarili mong tanong. Hehehe

  11. Colegialagirl Says:

    Joy iyong mga pangkaraniwang gawain ng mga babae na ginagawa ng lalaki ay hindi kabawasan sa kanilang pagkalalaki. Iyan ang pagkakaalam ko at iyan ang itinuro sa amin ng aking nanay. Kaya humahanga kami sa aming tatay; naglalaba siya, namamalantsa, pinagreglahan ni mom ay nilalabhan niya, siya pa ang naghuhugas ng pinggan. Ang gusto kasi ni dad ay kahit papaano ay makapaghanda si mommy bago sila matulog. Maligo, magpaganda, at tapos maglalabing-labing na silang magdamag. Ay, hehehehe.

  12. Haydeenkoi Says:

    Santisima Paquito you come late to circumcision and you landed in the operating table of a doktora? Hehe, I will also feel the same if she will make kalikot with may penis. Imagine her fingers touching me penis why do I not stand and look at San Pedro. That is a wonderful experiece already for one who is old enough and makunal already but is also looking for a wife to have in his experience the heaven under the skirt.
    He is lucky to get his bird inside the flower of one 20 years old lady who is a virgin without experience.
    You make me feel young again ma’am Segundina thinking I can be like Paquito. How I wish I was also that Paguito in the story.
    You story is very entertainable. Thank you.

  13. MRivera Says:

    Kapag kasalan na ang tema, DEDMA ang kambal-pilya. Bakit nga ba?

    Joy, tama si Dok. Kung gusto mong malaman ang tungkol sa seksuwal na ugnayan ng babae at lalaki, matutulungan kita. Pero mas matutulungan ka’t mabibigyan ng payo ni Dok dahil hands on siya sa magkabilang panig.

    Nagtutuli siya. Nagpapaanak. At mabuti na lamang, labag sa kanyang propesyon ang paglalaglag ng sanggol na walang malay at kasalanan sa “pagtetesting” ng kanyang mga magulang.

    Ako, hanggang sa ligawan lamang ang masasabi sa iyo. Katulad ng nakamulatan namin sa aming munting baryo sa paanan ng bundok na napakalayo sa kabihasnan noong araw.

  14. Mer Pints Says:

    Hehehe, naghihintay po lang ng tamang pagkakataon ang aking beauty. Hindi pa ako umaabot ng edad trenta.

    Si Seg, malapit na… malapit nang lampasan ng… ay, may nangungurot.

    Hintay ka lang ninong, baka sa isang taon ay may mapikot na akong maginoo at masunorin sa beauty ko.

    Malapit na, malapit na niyang sabihin, I… love…

    Hmmmp huwag na nga ang torpe torpe niya. Ang yabang niya kung ibang mga babae ang kausap. Kapag kaharap naman niya ako ay para siyang tandang na kinakapon. Hehehe

  15. KapitanKidlat Says:

    Mer,

    Kung ang lalaki ay nasisindak sa babae wala iyon. Hindi ka niya type. Nasisindak siya baka kung ano pa ang gawin mo sa kanya. Baka bogbog sarado iyan sa nanay noong bata siya at nakikita niya sa iyo iyon, hehehe.

    Si Seg tahimik lang ngayon a. Malapit na nga ba siyang lampasan ng… makaalis na nga baka magbagsakan pa ang mga sapatos at tsinelas dito.

  16. KapitanKidlat Says:

    Haydeenkoi kung halimbawa ay supot ka at si doktora Vicky Belo ang magtutuli (hypothetical question) sa iyo payag ka?
    Oo naman hindi ba?
    E, kung si Ai, Ai delas Alas (hypothetical question also) naman ang kanyang attendant ay siya ang manghihimas sa iyong tandang, titilaok ba?
    Idagdag natin, kung halimbawa ay nursing student on clinical experience si aling Dionesia at mag-oobserve kasama si Mer bilang CI niya payag ka?
    Baka nanaisin mo na lang siguro ang magtinda ng apog(lime) habang buhay, hehehe.

  17. Segundina Says:

    Nagmamadali lang dahil may meeting pa ako. Kaunting pakiusap lang po, huwag po sana tayong maingay tungkol sa pagbanggit ng mga edad. Wala pa pong lampas trentang dalaga dito.

    Ikaw Girl, nakakarami ka na. Magbanggit ka pa ng tungkol sa edad ay kukurotin na kita doon…

    Joy manahimik ka munan tungkol sa sex at may mga madreng nagbabasa dito. Baka iba pa ang pumasok sa isip ng mga sisters at pakyawin ang mga gulay sa palengke. Hehehe.

  18. Colegialagirl Says:

    Bakit, may binanggit ba ako tungkol sa tunay mong edad ha prinsesa? Ang nasabi ko lang ay mas bata ako sa iyo. E ano kung aabot ka na ng trenta (may tawad pa) mukha ka namang bente lang. Hehehe.

  19. Colegialagirl Says:

    Prinsesa, pakilinaw lang ang sinabi mong gulay na papakyawin ng mga madre. Kasama ba dito iyong talong, pipino, labanos, ampalaya at saka kamoteng kahoy?

    HAHAHA, ang dumi ng isip ni Joy.

  20. MRivera Says:

    Girl, puwede na ring ilutong pinakbet ‘yung mga gulay na ‘yun.

    Joy, para sa akin, HINDI kabawasan sa aking pagkalalaki kung ako man ay naglalaba, namamalantsa, naglilinis ng bahay, nag-aalaga ng bata at iba pang activities na karaniwang ginagawa ng mga babae.

    Huwag lamang akong papanganakin. Hindi kaya ng byuti ko. Hindi ko keri, iha.

    Wala naman kasi akong matris, ano?

  21. MRivera Says:

    Ngyakkkk!

    Hindi pumasok noong una ‘yung nasa itaas! Ngayon, nagsabay ‘yung dalawa?

    Inaaaaahhhhhaaaaaannnnnnnnggggg!

  22. MRivera Says:

    Seg, mawalang galang na. Paki-delete na lamang ‘yung pangalawa sa magkatulad kong comment.

    Please lang, hane?

    Kyut mo talaga. Sayang. Maagang nag-asawa ‘yung kaisa isa kong anak na lalaki. Paliligawan sana kita. Problema, napikot. Malikot kasi kamay, eh!

  23. secondlady Says:

    Naku po nagbiro ako sa mga sisters. Kasama kong nag-lunch kanina ay mga sisters. Mabuti na lang hindi sila nagtanong tungkol sa talong. Would you believe ang inorder nila for lunch ay tortang talong at saka paksiw na dalagang bukid. Ako naman ay apritadang baka. Naku Mer ang sarap-sarap ng kain namin. May extra bulalo pa akong inorder para sa aming tatlo ng mga sisters. Ano Mer nagutom ka uli?

  24. secondlady Says:

    Ikaw Mer pinaratangan mo pa si Joy. E, ikaw itong masama ang iniisip. Nabasa ko ang iyong comment kaya nang nasa kapiterya kami at nakita kong tortang talong ang inorder ng mga sisters nangingiti na lang ako at hirap na hirap kong pigilin ang aking pagtawa.

    Sorry po ayaw ko nang magbiro ng tungkol sa mga gulay kasi binibigyan ni Mer ng maling kahulogan. Hahahah

  25. secondlady Says:

    Joy,
    Tama ang sinabi ni kuya Mags. Ang tunay na lalaki ay iyong nakakaunawa sa kalagayan nating mga babae. Kung kinakailangang maglaba sila ay gagawin nila ito nang buong puso dahil nais nilang tulongan ang minamahal nilang kabiyak sa buhay. At alam mo Joy iyan ang hinahanap ko sa isang lalaki, marunong magluto, maglaba, mamalantsa, maglinis ng bahay. Hindi ako tumitingin sa porma; sa puso at paguugali ng isang tao.
    Sige po mag-evaporate muna ang beauty ko dito. Harapin ko muna itong graduate student na nagpapatulong sa kanyang thesis proposal.

  26. Joy Says:

    bakit ba tuwing naiipit kau sa ksalan ay lagi na lang me napapagintan u. saka m’sama ba magtanong tunkol sa mga men from tito Magno e marami cya alam. Magasawa na kasi u para di ninyo me lagi napagiinitan dito.
    thanks 2 Doc. bobonyo 4 his advice 2 me. slamat din po kai tito Magno. now I know na.
    Cge slamat di sa inyo mga teachers 4 ur sermons. cno ba me to say no to u being ur stdent.
    I love u na lang, di me galit sa nu.

  27. MRivera Says:

    Ha ha ha ha ha ha ha hahhh!

    Bakit nga ba naman pinagtutulungan ninyong pag-initan itong si Joy? Nagtatanong nga lang naman ‘yung kikay, eh! Masama ba ‘yun?

    Kayo naman mga sitser, oo!

    Hige, Joy. Tahan na bunso.

    Heheheh!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: