Hey Mister, Bukas Ang Zipper Mo (The Open Fly)

Hey guys have you met some gals lately with unzipped pants lately? Please don’t do it again. You’re causing a lot of torments to women who keep on guessing how big and long is that “thing” dangling inside your pants. Did they ever remind you of it? And what did you feel when you’re reminded to be aware of one of the most fundamental thing do do before facing a lady? Not unless, as Colegialagirl said, you want to part with it with her surgical scissors, hehehe.

HEY MISTER, BUKAS ANG ZIPPER MO

Sa dinamidaming lalaking makikilala mo sa daigdig, ito pang si Mikey Airman ang ipinakilala sa aking ng isang HRM faculty. Pinsan daw niya at gusto niyang magkaroon ng kaibigan na (take note) “maganda” mula sa academe. Ha, (pagtaasan nga natin ng kilay) bakit taga saan ba siya? A, HR assistant manager daw siya ng isang multi-national company at part-time doctoral student daw. Pangiti-ngiti naman siya habang ibinibida siya ng kanyang cousin (baka kasintahan) sa akin. E, ano ngayon kung doctoral student siya. Baka daw matulungan ko siya bilang kanyang research consultant. Aha, naghahanap pala ng tutor.
“I am glad to meet you,” sabi niya sabay abut ang kanyang palad.
“Me too (kunwari lang),” ang sabi ko naman at nakipagkamay na ako sa kanya.
“You have such a smooth and beautiful hand,” sabi niya habang pinisil-pisil pa niya ang aking palad.
May pagkapresko ang loko, binawi ko kaagad ang kamay ko. Anong malay ko kung naghugas siya pagkagaling niyang dyumingel sa kung saan-saang tabi lang diyan.
Akala ko iyon na ang huling pagkikita namin ng baltak na iyon ngunti hindi, bumisita pa siya sa aking opisina! Be civil Segundina, ang nasabi ko na lang sa aking sarili kasi pinaandaran niya ako ng husto sa kahambogan niya. Ipinapangalandakan pa ang pagka-assistant Manager niya (kuno). Malay ko ba kung “tig” lang siya doon, tiga templa ng kape.
Whatever, wala akong pakialam sa kanya. Kung hindi ka man maririndi sa kanya; ito tutukan mo ang aming paguusap.
“Anything I can do for you?” Medyo pormal ang dating natin, nasa office ko siya.
“Not really, napadaan lang. Gusto lang kitang makita” Ang sagot naman niya.
“Ay, Salamat naman. Pero hindi kaya kita naabala dahil lang diyan?” time.”
“No, I just want to be sure you are alright.”
“Bakit, wala naman akong sakit a…”
Bigla siyang natawa; just to give me perhaps the impression na may good sense of humor siya. Paraan ba ito ng mga kalalakihan para makapangakit at nang magustohan sila?
“Baka nami-miss mo na ako, and I worry so much I’m not around to give you a company.” Ang sabi niya.
Hahaha, nagpapa-cute mukha namang bakulaw.
Siyanga pala pinaupo ko naman siya for compliment at dagli naman nagpasalamat ang ugok. But here’s the rub during our conversation. Nakita niya kasing marami akong ginagawa kaya nagparinig siya.
“You know Seg life is short. If there’s anything we need to do then do it right away. Hindi ba?” Pa-cute pa ng kanyang boses sabay titig sa aking mga mata na tila nagnanasa ang dating.
Tiniklop ko kaagad ang binabasa kong report nina joy na punong-puno ng pulang marka (Tsaring lang) at kaagad ko siyang sinagot ng, “but, of course.”
Abot naman hanggang tainga ang ngiti niya. Bigla niyang inilapit ang kanyang amoy usok na mukha (mahilig siya kasing magmotorsiklo) at sabay bulong “Then you must agree with me for a date?”
Ano, makikipagdate ako sa isang jerk sakay ng kanyang malaking motorsiklo na namana pa niya sa kanyang lolo?
Pasalamat siya at always composed itong beauty ko. Magalang ko na lang na sinabi sa kanya, “please don’t entertain that idea anymore in your mind. I have many things to do.”
Medyo namula siya. Frustrated, hindi nag-work ang kanyang strategy. Kung ito ay nagagamit niya sa iba, malas lang niya at hindi iyan uobra kay Segundina.
Nagpaalam siya kaagad. Palabas na lang siya sa aking office nang may isang sumagi sa aking isipan kaya tinawag ko kaagad siya. Kagyat naman siyang bumalik. As usual kita ang mga malapalakol niyang ngipin sa kangingiti.
“So, you changed your mind. I’s a date. Okay, when?”
Umiling lang ako.
“No-no Please, that’s not what I mean. I just want to tell you na bukas iyang zipper ng pantalon mo.”
Di nagulat siya ngayon.
“W-what, kanina pa ba?”
“S-siguro, kasi kanina pang nakatingin si Mer sa iyo at may dala siyang digital camera.”
Mabilis pa siya sa alas kuwatrong tumalilis sa aking opisina habang dahan-dahan namang papasok itong tawa-nang-tawang si Mer na tila naka-jackpot ng isang malaking dalag na kanyang nalamas sa palayan ni Mang Asiong.
Nais ko lang pong idiin dito na hindi naman sa tayo ay masyadong mapagmalaki, at mapagmataas. May mga tao lang kasing iba klase kung umasta at makaporma; iyong ikaw ba ay maiinis sa kakulitan nila. Ika nga sa ingles, “give them their own dose of medicine”; or in Mer’s expression “give them a douse of boiling water.”
Hehehehe.
Seriously speaking, kapag ikaw ay nererespeto ng iba siyempre gagatihan mo din naman ito ng pagrespeto sa kanila. Kung binabastos ka ay iba nang usapan niyan. Hindi mahalaga ang kaanyuan ng isang tao, ngunit ang kanyang pagkatao. Kung nagpapakatao ka ay pakikitungohan din kita ng mabuti. Katapatan, pagmamahal, at dakilang hangarin ang i-alay mo sa dalagang iyong nililigawan; hindi iyong pagmamayabang at bilis ng kamay.
Baka mapansin ko pa na bukas pala ang zipper ng iyong pantalon.

Tags: , , , , , , , , , , , , , , ,

21 Responses to “Hey Mister, Bukas Ang Zipper Mo (The Open Fly)”

  1. Doc.bobonyo Says:

    The moral of the story ay huwag kang haharap sa isang babae na bukas ang zipper mo.
    Kung gusto mo naman ay magsuot ka na lang ng padjama para ligtas ka sa sakuna na makunan ka ng larawan ni Colegiala gamit ng kanyang digital camera.
    Mer utang na loob huwag mo lang ipoposte dito iyong kuha mo. Haha

  2. Doc.bobonyo Says:

    Sa totoo lang kahit sino pa ang kaharap mo, kailangang magpakatao ka. Ang kagandahang asal ay laging isaisip sa ano mang uri ng iyong pakikipag-ugnayan sa tao. Lalo na kung may balak kang manligaw.

    E itong si Seg. pa ang nakursonadahan mong pahanginan ng bentilador ng iyong toktok.

    Tanong ko lang, bakit kaya bukas ang kanyang zipper na humarap sa iyo?

    Hehe, Seg wala akong ibig sabihin ha.

  3. MRivera Says:

    Tama ka Seg. Kung paanong dumadating sa iyong harapan ang isang tao ay ganoon mo siya ita-trato, sa paraang hindi naman lalabas na babastusin mo, siyempre.

    ‘Ika nga’y suwabe pero matinde ang tama.

  4. MRivera Says:

    Palagay ko, hindi manedyer ‘yung kumag na ‘yun. Tambay lang siguro na nagkukunyaring may magandang trabaho para ma-impress ang prinsesa.

    Sinungkit lang sa kapitbahay ‘yung pantalon. Hindi niya napansin, sira ‘yung siper.

    Alam n’yo naman ‘yang mga tambay, sanay sila sa pantalong hindi siper ang nasa harapn kundi button ply.

  5. Colegialagirl Says:

    Seg, gusto mo ipakita ko picture ng bukas na zipper? Nakakahiya, ang lakas ng kumag na umakyat ng ligaw ng tanghaling tapat.

    Hoy prinsesa pumuti ba ang mukha ni Mr. Mickey Mouse nang sabihin mong may ibang nakakita na bukas pala zipper niya.

    Nakita mo ba iyong kanyang batuta? Kasing liit ba ng siling labuyo?

    Akala ko di mo ito iba-blog. Galit ka ba talaga niyan a na-inlove ka lang sa kanya? Love at the first sight of the open fly. Hahahahahahah

  6. Colegialagirl Says:

    Doc.B,
    Talagang ipoposte ko hanggang barangay hall ni Kapitan. Kaso hindi ko naman nakunan. May hawak lang akong kamera pero di ko talaga nagamit. Nakakahiya namang kunan mo nang walang permiso.

  7. Colegialagirl Says:

    Siguro pagsakay niya ng kanyang motorsiklong bulok bumigay iyong zipper ng nasungkit niyang pantalon. Hahahahah

    Hindi na iyon magpapakita pa sa iyo Seg.

    Damdam ko nadinig yata iyong malakas kung pagtawa ko kahapon.

    Pero matanong kita prinsesa, talaga bang hindi ka ba nasasaktan niyan?

  8. chi Says:

    Ha!ha!ha! Baka naman djumingel at nalimutang mag-zip bago humarap kay Lady. Whatever, may brief o kansursilyo ba? hehehe!

    Last year at Walmart, I was alone in a pharmacy isle looking for an eyedrop when a white guy about 23 tears old walked towards me showing his penis. Truth yan.

    Ako naman ay hindi nasisindak sa ganyan lalo na at nasa supermarket ako.

    I laughed so loud to get the attention of people in the next isles. Ka bobo naman ng Kano na ito, he might have thought that I enjoyed seeing his shorty. Biglang may dumating na dalawang pilyang itim at nang makita ang kanyang pinagmamalaki ay nagtatawa rin ng malakas pa sa tawa ko that caught the attention of the pharmacist who called the guards. O, napala ng manyakis e di pinosasan s’ya, buti na lang at ang posas ay hindi dun sa kaliit na hawak-hawak n’ya. hahaha!!!

  9. MRivera Says:

    UPDATE) Noynoy: No state funeral for Cory

    http://www.abs-cbnnews.com/nation/08/01/09/

    Isang malagapak na sampal sa administrasyong walang kahihiyan.

    Ano ang silbi ng idineklara ni Lola Dapang dedeng sampung araw na pagluluksa sa kamatayan ni PANGULONG Cory samantalang puro kasinungalingan naman ang kanyang sinasabi?

    Para ano ito? Accomplishment niya?

    Nakakasuka!

  10. Segundina Says:

    Ate Chi,
    Sayang hindi nakita iyon ni Colegialagirl baka napatalon pa sana siya ng excitement. Di ba Mer type mo iyong mga ganong eksena? Huwag kang magsinungaling at magaya diyan sa lola mong dapangdeds, hehehe.

  11. Segundina Says:

    Kuya Mags hindi lang sampal, ang dapat sa kanya ay padapain pa at bigyan ng magkasintahang sinturon sa puwet, hahaha.

  12. KapitanKidlat Says:

    Ay Seg bakit hindi ninyo subokan iyong pamalo ng kabayo? Hahaha. Wala sampalin mo man iyan marami na yatang nainjeksiyon sa kanyang anistisya ng kakapalang mukha.

  13. KapitanKidlat Says:

    Segundina baka magalit si Girl sa kantiyaw mo ngayon sa kanya. Nagpuyat ba kamo siya sa La Salle Greenhills? May pagka-coryista ang batang ito. Tama lang iyan bilang paggalang sa isang naging pangulo ng bansa na hindi sarili ang inisip kundi kapakanan ng bayan.

    Ako’y sumasaludo at nagpupugay sa kabayanihan ni Tita Cory. Condelence na lang din sa mga naiwang mahal niya sa buhay.

  14. MRivera Says:

    State funeral for Cory? No pomp for democracy icon

    World paused

    When Mrs. Arroyo’s passing was announced at dawn on Saturday, the whole world paused. Condolences to the family of Mrs. Aquino poured from all over the world–both through official statements sent through embassies, made on TV, or posted online. A staggering number of people have been paying their tributes to Mrs. Aquino online, inundating social networking and blog sites. For a good number of those posting online, it is their first time to witness the passing of a president.
    Major English and non-English media companies all over the world gave a prominent coverage of Mrs. Arroyo and her international image as a democracy icon. They highlighted how Mrs. Arroyo was able to restore democracy in the Philippines through a bloodless street revolution that soon became the template to boot out corrupt governments in Europe and Latin America.

    http://www.abs-cbnnews.com/nation/08/01/09/state-funeral-cory-no-plomp-democracy-icon

    Nahilo ako dito, ah.

    Sana nga si Panduck na ang natodas!

    Magluluksa naman ako, bilang pakikiramay.

    Yeheeeeeeeeyyyyyy!!!!

    Palakpakan!

    Ang saya saya!

    Yugyugan na!

    Panahon na para magsaya!

    Patay na si gloria!

  15. williamklose Says:

    kumusta na po ang lahat? na miss ko kayo. kap & tito M ano po ba ang balita? seg & mer ano ba ang bagong adventure nyo ngayon?

    tita chi (ok lang po bang tawagin ko rin kayong tita?), sa inyo ba yung “kimuchi”? bumisita po kasi ako kanina dun. hindi ko po kasi kayo na mi-meet dito sa site ni seg dati. kaya medyo sumilip ako sa inyong bahay para magkaroon ako ng kaunti nyong background.

    teka, hindi ko na papansin si sir haydeen ha… napansin nyo ba sya Doc Bon? nagpatingin na po ba sa inyo?

    syempre hindi dapat makalimutan batiin yung bunso natin dito, si joy.
    joy, musta na u? no paramdam u here ha. y, bc na u ba?😀

  16. chi Says:

    WilliamK,

    OK lang. Sorry to disappoint you but I’m not the beautiful Kimuchi. She’s one of the originals at Cocoy’s Delight. Hindi ako katulad ni Colegialagirl, Segundina at Kimuchi na magaling magsulat at maraming ideas. Pa-klik-klik lang ako sa kanilang mga sites.

  17. chi Says:

    p’rengMags,

    Nagbunyi na sana ako e, kesyo mas tuliro pala kay Gloria Arroyo ang sumulat niyan, ha!ha!ha!

  18. Colelgialalgirl Says:

    Hayyy dapat hindi lang isang araw ang bakasyon para sa yumaong ina ng demokrasya. Dapat paabutin pa ito hanggang pa-siyam.

    Huwag ka munang umuwi lola dapangDD

  19. Colegialagirl Says:

    Nakakaiyak talaga ang mga sinabi ni Kris sa funeral service ng kanyang nanay.
    Sino ba ang magaakalang buhay na buhay pa ang Cory’s magic. Sa dami ng mga dumamay, mga nakipaglibing, at sa mga nagtiis ng ulan at araw na pumila para masilayan lang sa huling sandali si Tita Cory.

    Ay, wala nang ganito pang pagpupugay ng ginawa para sa isang namatay ng pangulo ng Pilipinas.

    Nakakapangilabot ang mga batang nagpa-flash ng laban sign.

    Ibig sabihin lang na tuloy pa rin ang laban ni Cory at Ninoy.

    Namayapa man sila, ang mga tao ay nandiyan pa rin na may marubdob na hangarin upang ipaglaban ang kapakanan ng bayan at demokrasya.

    Hindi lang libo, milyong-milyong mga tao ang nagsilabas sa kanilang bahay upang magpugay kay tita Cory.

    Lagot ka…. mga tao ay gising na…patatalsikin ka na!!!!

  20. Colegialagirl Says:

    Cory’s death means the resurrection again of Laban ng mga Pilipino sa mga mapangaping rehimen,gobyernong magnanakaw at sinungaling, at para sa mga sakim sa kapangyarihan.

    After Cory was laid to her final resting place, I still believe no bitch could forever cling on to power and continuously lie and fool the people of this land.

    Cory’s and Ninoy’s laban para sa Pilipinas shall live forever in the heart and spirit of the Filipinos.

  21. KapitanKidlat Says:

    Sana kasama rin sa pagyao ni tita Cory ay iyong paglibing sa mga pahina na lang ng kasaysayan ang political conflict na namagitan sa mga Marcos at Aquino. Kailangang magkaisa na ang lahat. Kailangan na ring magbagong-buhay alang-ala sa kapakanan ng bayan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: