Maghapon na Nakatayo (They Stood their Ground)

They stood their ground, it is not in the battle but in an 8-hour funeral march for the late president Cory Aquino. The armed forces they represent are proud of them; they did not fail them. In return the three military honor guards shall be given medal of honors while their lone counterpart from the PNP is now due for promotion. Congratulations gentlemen.

MAGHAPON NA NAKATAYO

Sa edad na 28, parang kuwarentay sinko anyos na itong si Drima. Nag-asawa siya sa edad na labing walo at sa sampong taon na pagsasama nila ng kanyang mister na si Lauro, edad 29, ay nakasampo na sila ng anak. Anim ang babae, at apat na lalaki.

Sa hirap ng buhay dapat ay tumigil na ngunit buntis na naman itong si Drima. “Tumigil na kayo, hindi na ninyo kaya pang magdagdag ng isang pakakainin” ang laging ipinapayo sa kanila ni aling Taling na nanay ni Drima. Oo lang naman sila ng oo ngunit maya-may nandiyan na naman sila na walang kasawa-sawa sa paggawa ng bata.

Wala ngang bisyo si Lauro ngunit kakarampot naman ang kinikita at si Drima naman ay wala nang inatupag kundi mag-alaga ng bata. Kaya nagalit na si aling Taling sa anak.

“Hindi lang naman iyang pekpek mo ang may pangangailangan a Drima. Isipin mo sampo na ang iyong anak, papaano mo ba bubuhayin silang lahat at pag-aaralin niyan?” Parang masinggan kung makabuga ng mahahanghang na salita itong kanyang nanay.

“E kasi itong si Lauro sobra ang pagkahilig na magpatuka ng manok. Maya-may umuuwi siya at nangungulit. Pampabuenas daw para ganahan siyang magpasada,” ang lagi namang ikinakatuwiran ni Drima.

Pero para kay Lauro hindi siya dapat sisihin. Sabi niya kay Drima: “Bakit ako ang sisisihin mo, tuwing aalis ako para magpasada lagi mong pinipisil-pisil itong sandata ko sabay bulong na may sabong tayo mamayang gabi. Pareho lang naman tayo na mahilig a.”

Delikado ang ganitong palitan ng salita, away na ang kasunod.

“Hoy tumigil ka diyan ha, Lauro. Kung hindi ko pa alam na maghapong nakatayo iyang panabong mo. Laging nakatingala sa langit at parang sundalong naka-attention habang kinakantan ang Pambansang Awit. Paalis ka na nga lang ay nanghihipo ka pa ng aking dede at namiminger. Magsalita ka, libogero!”

“Aba kung makapagsalita ka, di ba parang panting nakakula’t nakababad sa tubig na may sabon iyang sunflower mo? Laging basa at nakatingala sa araw. Text ka nang text at pinapauwi kung ano-ano ang dahilan mo diyan. Iyon pala gusto mo lang ng fight. Libogera ka rin!”

Galit na si Drima, gustong sampalin ang asawa pero binalaan siya ni Lauro.

“Sige sampalin mo ako at isang buwan kitang hindi sisipingan. Tignan ko lang kung hindi ka matuyoan ng pekpek.”

Sa lakas ng kanilang boses dinig ng buong Barangay ang kanilang pinaguusapan. Napapatawa na lang ang kanilang mga kapit-bahay sa mga salitang nadidinig.

Kaya nang minsang nagawi ako sa kanilang Barangay ay dinalaw ko sila at upang kausapin tungkol sa kanilang problemang mag-asawa.

Sa paguusap namin ay kapwa namang nagsabi na gusto na nilang tumigil sa pagpaparami ng bata. Ngunit papaano? Nasa mataas na level pa rin ng fertility ang babae at aktibo naman sa seks itong si lalalaki. Kaya naman “Family Planning and Responsible Parenthood” kaagad ang pumasok sa aking isipan na makakatulong sa kanilang problema. At kapwa namang sumang-ayon nang aking iminungkahi ito.

Nagpa-tubal ligation kaagad ang babae. Kaya ganon na lang ang tuwa ni mister nang malaman niyang wala na siyang pangamba pa kahit magdamag silang magsabong pa ni misis. Kaya nang puwedi na niyang sipingan si misis ay bumili siya kaagad ng dalawang kilong karne baka na pambulalo upang mapaghandaan nila ang kanilang laban.

Ngunit hindi dito nagtatapos ang kanilang problema, maliit lang ang kanilang kinikita at huminto pa nga ang kanilang panganay sa pag-aaral. Naisipan kung ilapit sa isang foundation si Drima para pautangin siya ng maliit ng puhonan para magtayo ng maliit na tindahan. Dahil wala namang ginagawa sa bahay ang nanay ni Lauro, pinakiusapan naman siya ni Drima na siya muna ang mag-alaga ng kanilang iba pang anak habang ito ay nagluluto at nagtitinda ng mga kakanin sa isang paaralan na malapit sa kanilang bahay. At para mabawasan naman ang mga batang inaalagaan ni Drima ay isinama na ni Lauro ang isang magdadalawang taong gulang na anak sa kanyang pamamasada ng tricycle.

Sa ngayon iisa na lang ang inaalala ni Drima, iyong kanyang bunso na kanyang ipinagbubuntis noon nang dalawin ko sila sa kanilang tahanan. Lahat ng mga ibang anak nila ay nag-aaral na. Ang kanilang panganay na si Liza ay magtatapos na sa high school sa susunod na taon. Ngunit napaghandaan na nila ang kanyang pagaaral sa kolehiyo.

May malaking karinderya na si Drima at may katulong na rin siya ngayon sa kanilang tahanan. Apat na ang tricycle ni Lauro ngunit hindi na siya nagpapasada, ipinapa-boundary na lang niya ang mga ito. Tumutulong na lang siya sa karinderya ni Drima.

Tinanong ko kung aktibo pa rin sila sa kama, tumawa lang si Drima nadoble pa raw. Iyong nga lamang at hindi na maghapon na nakatayo ang manok ni Lauro, magdamag na lang daw.

Tags: , , , , , , , , , , , , , , , ,

28 Responses to “Maghapon na Nakatayo (They Stood their Ground)”

  1. Haydeenkoi Says:

    I admire those soldiers and policeman. They stood their ground. Hindi nila pinahiya ang kanilang mga units. You people deserve medals and promotion. Sino ba ang may pera diyan para bigyan naman sila ng kaunting premyo. Di ba ma’am Seg?

  2. Haydeenkoi Says:

    Ay porbida grabe naman this Lauro. Talagang matigas ang kanyang batuta. It is standing hard all day ang night.

    No wonder why we have population explosion, many people are very mahilig and very fertile.

    I agree with you ma’am Seg, we need family planning to limit our population growth. And with family planning you can make sabong with your husband or with your wife from seven PM to seven AM.

  3. Haydeenkoi Says:

    Yes let us be happy because when you become old like me, you will have no more asim. But please don’t manufacture baby. Sex as much as you can but no pregnant woman. Make love only not baby. Condom, vasectomy, tubaligasion if you can. Family planning first before sex to avoid over population.

  4. williamklose Says:

    @haydeenkio

    sir haydeen improving ngayon ang mga english natin natin ha. he he he… saka you sounds like joy. medyo sosi ang dating nyo ngayon parang si joy at si kris aquino. ha ha ha… biro lang po. =)

    ganda ng story.

    na padaan lang po. sumilip lang seg kung nakauwi kana dito sa bahay mo.

  5. KapitanKidlat Says:

    Itinuloy siguro ni pareng Haydeen iyong on-line English language learning na sinabi ko.

    Kung determinado ka talaga at nagpupursigi ay may mapapala ka. Bakit pa kasi english itong pinagaaralan ni Haydeen hindi Filipino.

    Para sa lahat na nagpupursigi sa buhay na katulad mo mang Haydeen, at sa lahat nang mga Pilipino na gustong umunlad ang buhay at paunlarin ang bansang ito, nasa inyo ang aking pagpupugay. Mabuhay kayong lahat.

  6. secondlady Says:

    Hi william. Mabuti napadaan ka. Nag-edit lang ako ng aking poste, nagdagdag-bawas lang tayo. Hehehe

    Mang Haydeen mas magaling ka nang mag-english ngayon kay sa mga kaklase ni Joy na panay taglish at text messaging kung gumawa ng report. Kakainis.

    Palagay ko may uulit na naman sa subject na ito susunod na sem.

    Attention: Joy and her barkada. Masisira ang beauty ko sa inyo. Hehehe

  7. williamklose Says:

    i want to share this link to you guys.

    http://www.abs-cbnnews.com/nation/08/08/09/palace-told-explain-arroyos-alleged-20000-dinner-ny

    http://www.nypost.com/seven/08072009/gossip/pagesix/eat_and_drink_183333.htm

    wala akong masabi talaga dito kay GMA. kapal muks na talaga. she is enjoying every single second of her days as a president (which everybody knows shes not). sabi nila kaya sila kumuha ng commercial flight para magtipid. Tapos isang dinner lang sa US trip nila, $20,000 agad!!! yung tax na kinukuha nila sa atin na pinaghihirapan natin buwan buwan ay ginagastos lang nya ng isang dinner at wala pang pakinabang sa atin!
    hindi ba nya na iisip na marami tayong kababayan ngayon na nagugutom at naghihirap?

    teka at kakain lang ako baka mainis ako lalo e hindi pa ako makapag-lunch.

  8. Colegialagirl Says:

    Seg,

    Alam ko iyang kuwento mo. Nabanggit mo ba iyong tungkol sa paghimas-himas ni Drima sa panabong ni Lauro bago siya lumabas para mamasada?

    Alam mo Seg iyong mga tricycle drivers daw ay laging tinitigasan iyan habang nagpapasada. May mga salamin na nakakabit sa tricycle nila na nakatutok doon sa mga legs ng babaeng pasahero nila.

    At saka iyang motorsiklo sa andar na lang ay parang vibrator. Kapag sumakay ka ng motorsiklo para ka na ring nagba-vibrator niyan. Subokan mo, hehehe.

  9. Colegialagirl Says:

    Ay huwag mo namang ikumpara si Joy kay mang Haydeen. Magaling namang mag-english iyan at saka dating masscom student siya di ba?

  10. Colegialagirl Says:

    At saka kahit biro-biro lang iyan Seg baka mapuno sa iyo si Joy. Alalahanin mo member iyan ng editorial staff. Anong malay mo birahin ka niyan kapag hindi ka na niya professor.

  11. KapitanKidlat Says:

    Seg,
    Dati nagmomotorsiklo ako, pagdating ko sa bahay ay parang kakaiba ang nararamdaman ko, hehehe.

    Huwag ko nang sabihin nakakahiya.

    Parang natatayo kasi si kurdapyo.

  12. KapitanKidlat Says:

    Isa sa mga dahilan ng pagbagal ng takbo ng ating ekonomya ay dahil sa mabilis na paglobo ng populasyon. Ayaw man itong aminin ng simbahan, mahirap nila ito pasinungalingan.Mahirap ipagwalang bahala ang pagdami ng ating populasyon dahil kaakibat ng pagdami ng populasyon ay iyong paglago din ng pangangailangan ng mga tao at kaakibat ng problema kung hindi ito matatapatan.

  13. Segundina Says:

    Kap,

    Ibig mong sabihin nakaka-enhance ng sexual performance ang pagmomotorsiklo? Incredible hahaha.

  14. Segundina Says:

    Mer,

    Subokan lang ni Joy… hehehe

  15. Doc.bobonyo Says:

    Kap tama ka. Kailangan natin talaga na imanage ang pagdami ng populasyon. May mga paraan naman tayon natural method kung ayaw ng mga kapatid nating Katoliko ang artificial method of birth control.

    Isang kaisipan lang, mas lalong nagkakasala tayo kung napapabayaan ang mga anak natin. Padami nang padami ang mga anak natin, hindi naman natutugunan ang kanilang mga basic ng pangangailangan. Kasalanan din iyan.

  16. Colegialagirl Says:

    Ikaw naman Seg nananakot ka. Kinakabahan tuloy ang mga bata niyan.

  17. Colegialagirl Says:

    Hoy Seg,
    Lipat na sa bahay ni Big Brother. Inayos ko na ang kuwarto mo doon. Nagaabang na ang mga macho sa iyong alindog hahaha.

  18. MRivera Says:

    Kaps,

    Paano ka ba magmotorsiklo?

    Nakadapa?

    He he he heeeh!

    O, baka naman kaya korteng dede ni gloria ang clutch at preno ng motorsiklong ginagamit mo. Kung hindi man, eh ‘yung tangke ng gasolina ang maganda ang pagkakagawa kaya tumatama sa iyong “kuwan” kaya maganda ang pakiramdam ng iyong “ano” pagdating sa pupuntahan mo.

  19. Segundina Says:

    Hahahaha, ikaw Kap ha pati motorsiklo pinapatos mo.

    Hehehehe, baka magalit si Sir. Joke only,

  20. Segundina Says:

    Girl may poste ako tungkol sa Burma. Alam mo naman idol ko si Suu Kyi. Pasyal ka doon ha.

    Kayo din pong lahat… pasyal lang kayo sa classroom ni Second Lady.

  21. Segundina Says:

    Mer puwedi bang magdala ng kaberdehan doon sa bagong bahay ni Manong Cocoy? Alam mo naman kung ano ang favorite na topics ko. Hahahahaha

  22. Segundina Says:

    Hoy butangera nakita mo ba kung ano ang itsura ng girlfriend ni Noynoy Aquino? Ganda niya ano. Parang ako. Hahahahahaha.

    Makaalis na nga baka mabato pa ako ng tsinelas dito, hehehe.

  23. Colegialagirl Says:

    Ilusyonada mas maganda naman siya sa iyo ano. Pero kapag pinakain mo ako sasabihin ko sa iyo ang tutoo na mas bagay kayong dalawa ni Noynoy, hehehe.

  24. secondlady Says:

    Bakit nainggit ka kay presidente gloria na kumain sa isang French Restaurant? Sige pakakainin kita, kaso walang wine. Magtiis ka na lang sa lambanong, ha girl?

  25. secondlady Says:

    Namamayagpag ka pala sa bahay ni kuya. Mamaya maging berde ang kulay ng bahay ni Big Brother dahil sa mga kuwento mo. Hehehe.

  26. williamklose Says:

    seg, i just want to share to you and to our friends here this link. these are the controversials and the most talk of the town issues and scandals since Ms Arroyo forced herself in the palace.

    http://www.abs-cbnnews.com/special-report/07/17/09/scandals

    Based to our kababayan dito sa middle east (yung mga pilipino na nagsilbi sa kanila dun sa hotel), nag-piyesta rin daw sila dito. Kasama nya yung matalinong secretary nya na si Angelo Reyes na walang pakundangan um-order ng mamahaling alak na ang bawat shot ay 800 dirhams (9600 pesos) daw. although ito ay wala pang proof dun sa amount, nag-stay daw silang lahat dun sa 7 star hotel ng 2 days and 2 nights. ang cost daw per stay nila ay 150,000 dirhams (1.4 million pesos). hindi kasama dyan ang mga mamahaling pagkain nila.

  27. MRivera Says:

    william,

    Kulang ang kuwenta mo. ‘Yang AED 150,000.00 x 12.50 = Php1,875,000.00 (lowest estimate of dirham to peso). Kung wala pang pagkain at hotel charges lamang ‘yan, abutin ng mahigit PhP4m ang gastos nila. Sobrang siba naman ng mga dayukdok na ‘yan!

  28. online coupon codes Says:

    The post is written in very a good manner and it entails many useful information for me. I am happy to find your distinguished way of writing the post. Now you make it easy for me to understand and implement the concept. Thank you for the post

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: