Beating the Energy Crisis (Karetela Queen)

While oil producing countries in world, specially in the Middle-east, are getting richer every year the Philippines is getting poorer each day because of ever increasing prices of oil and gasoline. Our government has been exploring alternative sources of energy but all its efforts are not sufficient enough to meet our energy needs.

Oil production is need based, the greater the demand the higher is the price. Since everything is tied with energy, the price of basic goods and commodities will also increase. As a consequence, it is the poorest of the poor families in the world that suffer most.

But how do we beat the energy crisis? There is no problem in so far as liberating the world from oil dependency, we have the technology to get rid of oil products. But why are all efforts stagnant? It is greed!

KARETELA QUEEN

Magmula nang inatake sa puso ang kanyang lolo Pablo ay napilitang ay napilitan si Bekang na maghanap-buhay upang buhayin ang pamilya at pag-aralin ang bonso niyang kapatid na si Ponso. Siya na ngayon ang pumalit sa kanyang lolo sa pamamasada ng kanilang kalesa bilang kutsero.

Masigasig sa paghahanap-buhay itong si Bekang kaya tinawag siya sa kanilang bayan na Karetela Queen. Umulan man o umaraw, kahit pa bumabagyo, laging nasa lansangan si Bekang para mamasada. Mahal ang mga gamot ni lolo Pablo kaya doble kayod si Bekang para lamang may ipambili ito at nang mabuhay pa ng matagal ang kanyang lolo. Hiyang-hiya na nga sa kanya sins lola Petra at lolo Pablo dahil siya na ang nagtataguyod ng pamilya sa halip na ang kanyang lolo.

Ulila na ng lubos sina Bekang at Ponso. Kapwa namatay sa sakit ang kanilang mga magulang kaya kinupkop sila ni lolo Pablo at lola Petra. Pangarap ng mag-asawa na pagtapusin sana ang mga sa kolehiyo. First year college lang ang inabot ni Bekang sa inumpisahang kursong BSEEd. Magtatapos na sana siya sa taon na ito kung hindi nagkasakit ang kanyang lolo. Pero walang reklamo itong si Bekang, sanay sa hirap. Pangarap na lang niyang pagtapusin sa High School ang kapatid at pagtapusin ng kursong Vocational sa TESDA. Pangarap kasi ni Ponso na maging mahusay siyang driver at mekaniko at nang makapagtrabaho siya sa ibang bansa.

Hindi lang sa pagiging kutsero mahusay si Bekang. Mahusay din siyang magsaka. May maliit silang sakahan at siya na ang nagsasaka nito katulong ang kapatid na si Ponso at ang kanyang lola Petra. Si lolo Pablo naman ay sa bahay na lang, nag-aalaga siya ng baboy at manok para naman kumita. Kaya naman kahit hirap sila sa buhay ay ni minsan hindi pa naranasan ng magutom ang pamilya.

May angking ganda at talino naman itong si Bekang kaya hindi siya nawawalan ng mga manliligaw. Ngunit dahil sa kalagayan nilang magaanak ay nanatiling nakasara ang kanyang puso sa pag-ibig. May lalaki din siyang napupusoan, si Kulas, isang tindero sa palengke. Katulad niya ay huminto din ito ng pag-aaral upang tulungan ang kanyang ina sa paghahanap-buhay. Pangarap din ni Kulas ang makatapos ng pag-aaral upang maging inhenyero. Iyon nga lamang ay maramot sa kanilang dalawa ang pagkakataon.

Nadagdagan naman ang suliranin ni Bekang sa pamamasada ng karetela nang dumami ang tricycle sa kanilang bayan. Mabuti na lang tapat sa kanya ang mga suki niyang tindera sa palengke at hindi siya nila iniwanan. Kahit papaano ay may kinikita parin siya sa araw-araw.

Ngunit saglit lang ang naging problema ni Bekang sa pamamasada, nang nagtaas ang presyo ng gasolina ay nagtaas na rin ng pasahe ang mga tricycle. Magmula 20 pesos ay ginawa nila itong kuwarenta. Dahil hindi apektado sa energy crisis itong si Bekang ay nanatiling kinse (15) pesos pa rin ang kanyang singil. Bumalik iyong mga suki niyang estudyante at iba pang mananakay. Hindi lang iyon, dahil sa madalas na pag-ulan ngayon ay laging binabaha ang mga kalye at mga daanang papunta sa mga liblib na Barangay. Hindi kaya ng mga tricycle ang mga mapuputik na daan, tanging kanyang kalesa lang ang nakakaabot dito. Kaya lagi siyang panalo.

Nang mabalitaan naman ni Kulas na gumaganda na ang buhay ni Bekang dahil sa pagiging kutsero (kalesa driver) ay naisipan na rin niyang ipagawa ang kalesa ng kanyang lolo Tasyo (best friend ni lolo Pablo) upang mamasada. Bagamat bagohan pa si Kulas sa pagiging kutsero, mas mataas naman ang kanyang kinikita sa ngayon kay sa noong tindero siya ng isda sa palengke. Pero mamami pa siyang dapat patunayan upang tawaging Karetela King.

Patuloy pa rin ang panliligaw ni Kulas kay Bekang dahil hindi pa siya sinasagot (at ni ayaw nagpahiwatig ng kahit kaunting pag-asa man lang) ang dalaga. Magtatapos na sa susunod na school year sa High School ang kapatid ni Bekang na si Ponso at ipagpapatuloy ang pag-aaral sa TESDA ng kursong Mekaniko. Si lolo Pablo naman ay tuwang-tuwa nang maipasa ang lower medicine act dahil kalahati na lang ang presyo ng kanyang mga binibiling medisina. Si lola Petra naman ay nakapag-isip ng isang pagkakakitaan, mushroom growing.

Tama nga ang kasabihan: “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang Gawa.”

Tags: , , , , , , , , , , , , , ,

14 Responses to “Beating the Energy Crisis (Karetela Queen)”

  1. secondlady Says:

    Hi Kuya Mags and William K, kumosta na kayo? Naligaw ang beauty ko sa bahay ni Kuya, I mean kuya Cocoy. Parang nasa hotel ka hehehe.

    At mahal pala ang pagkain doon, isang kainan lang ay aabutin ka na ng 15,000 dollars. T-teka baka sabihin ni lols’ dapangdd ay inaagawan natin sila ng eksena. Hahaha.

    Regards na lang sa inyo at pagpalain nawa kayo ni Bathala.

  2. secondlady Says:

    Butangera Girl,
    Enjoy ka na pala sa pagiging porn writer mo. Ipagpatuloy mo kapatid baka madiskobre ng Channel XXX iyang talent mo, hehehe.

  3. KapitanKidlat Says:

    Tama ka Segundina, nasa Diyos ang awa at nasa tao naman ang gawa. Ang mahirap kung ano ang ginagawa ng mga tao. Kung puros tao ang ginagawa ay wala rin. Lalo lamang dadami ang populasyon at lalo lamang maghihirap ang ating ekonomya.

    Sang-ayon ako sa Kalesa. Magandang transportasyon iyan. Dito nga sa amin sa Tondo noong araw iyan ang madalas naming sinasakyan papuntang Divisoria. Pero mahirap na ngayon itong mga horse-drawn vehicles sa Metro-Manila dahil sa dami ng mga tao at sasakyang nasa lansangan.

    Pero sa probinsiya patok pa rin ito lalo na kung laging binabaha at sira-sira ang kalsada. Dito bumabawi ang kalesa laban sa tricycle. At saka sasakyang pangturista din itong Kalesa. Kung nagagawi kayo sa Norte, lalo na sa Vigan City ang kalesa ay ginagamit na sasakyang pangturista na ngayon. May nag-eenjoy pa ang mga batang sumasakay dito kay sa tricycle na pangkaraniwan na lang sa buong bansa.

  4. KapitanKidlat Says:

    Pagsabihan mo iyang kaibigan mo, ginawa na naman niya akong bida sa kanyang kuwentong XXX. Mamaya maniwala sa kanya ang mga readers. Mabuti kung ganon ako kabilis hindi naman dahil good boy tayo. Hehehe.

  5. KapitanKidlat Says:

    Seg,
    Itong kuwento mo sa karetela queen ay may aral akong napulot. Marami palang kaparaanan para umunlad. Kasi iyong mga iba kapag nakakaranas na ng kaunting trahedya sa buhay ay biglang nawawalan na sila ng pag-asa.
    Bilib ako kay Bekang dahil sa marangal na trabaho, kahit mahirap, ang naisipan niyang paraan para buhayin ang pamilya. Hindi siya nahiya na magbanat ng buto.
    Nakakalungkot lang kasi mga ibang babae diyan ay sarili na nila ang ikinakalakal para mabuhay. Kaya tuloy ang ating bansa ay bansa ng mga pokpok sa tingin ng mga dayuhan ma mahilig maghanap ng panandaliang kaligayahan.

  6. williamklose Says:

    kumusta rin seg? medyo busy ngayon ako sa work… wala ako sa hotel where GMA had her lunch and her dinner. nagtitipid ako kasi marami akong utang sa pilipinas. saka wala akong 37 million pesos na panggastos. he he he…

    ok itong kalesa story mo, applicable ngayon. pero alam mo ba hindi pa ako nakakasakay dyan sa kalesa? dati nung maliit ako meron akong natatandaan na nagkakalesa dun sa lugar namin. although puro tricycle at kotse ang mga gamit namin dun, meron dalawang mama na nag-iikot pa rin sa lugar namin at nagsasakay papuntang palengke at papuntang simbahan. pero noong nag-high school na ako hindi ko na sila nakikita. nasaan na kaya yung dalawang mama? itatanong ko nga sila sa nanay ko. palagay ko kilala nya yung dalawang iyon.🙂

    ano kaya ang feeling nang nakasakay sa kalesa? magreresearch nga ako tungkol dyan sa kalesa nang malaman ko naman kung paano na imbento o na diskubre yang ganyang sasakyan. teka seg, true story ba ito? =)

  7. cindyrella Says:

    korek! kaya kasalanan na din ang maging mahirap sa panahon ngayon..!

  8. MRivera Says:

    Seg, medyo naaasar lang ako ngayon dahil panahon na naman ng aking pagiging vice.

    Tambak ang trabaho pero nasisingit pa rin ang pagbabasa ng mga poste mo/ninyo.

    Okey ang topic mo ngayon. Napapanahon. Marami nang nakakalimot sa mga kinaugalian noon. Isa na dito ang pagsakay sa kalesa/karetela.

    Teka sino ba ‘yung kabayo dito. Si Mikey ba?

  9. MRivera Says:

    cindy,

    Kasalanan namin o kasalanan ng lola mo?

  10. Colegiala girl Says:

    Seg kumosta sa Baguio? Balita ko sa Camp John Hay daw kayo nag-stay. Nakakainggit naman ang bakasyon ninyo. Ako nag-volunteer para sa isang medical-dental mission sa probinsiya.

    Tito M, kumosta na po ang pagiging vice ninyo? Tambak trabaho po ba? Iba po talaga ang pinagkakatiwalaan.

    Hindi kagaya ni lola Dapangdede na isinusuka na ng bayan.

  11. Colegiala girl Says:

    Cindy kumosta na, hindi kita nabati sa aking bahay kaya dito na lang. Papasyalan kita binibining marikit later. Magpaparlor lang ako ngayon dahil malaki na ang agwat namin ni prinsesa Segundina. Nagmumukhang alalay na lang niya ako kapag magkasama kami. Iyan siguro ang dahilan kung bakit hindi niya ako isinama sa Baguio.

  12. MRivera Says:

    Mer,

    Sa totoo lang, hindi ako talagang pinagkakatiwalaan dito sa opis kundi wala lang ibang magtatrabaho sapagkat dadalawa kami nitong Lebanese kong manedyer. Walang ginagawa maghapon kundi maglaro ng soliteyr. Kuwadrado na nga ang mukha dahil sa maghapong pangangalumbaba.

  13. williamklose Says:

    tito M,

    saan po ba kayo sa middle east?

    seg,

    sana may uwi kang ube sa amin dito. yung gawa ng mga madre ha. pumipila kasi kami dyan pag nagbabakasyon kami sa baguio para bumili ng ube.😉

  14. MRivera Says:

    will,

    Dito ako ngayon sa Riyadh, sa Power Plant No. 10 Project located at Riyadh-Al Kharj Highway.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: