Baguio, the Summer Capital of the Philippines

GEDC1341After some seven hours of riding on my dad’s old SUV (from Makati City to Baguio) we finally arrived at our destination, Camp John Hay Baguio City. It’s a long week-end celebrating Ninoy’s heroism on Aug. 21, so Dad and Mom decided to enjoy their week-end at the Manor’s Hotel in Camp John Hay Baguio City.
Funny, dad and mom planned for a honeymoon but there were three of us in a room. Dad’s driver had to sleep at mom’s family home with a male caretaker so there’s no way I would stay on the same house. If ever, I would be inviting a disaster, hehehe.
But being with dad and mom in the hotel room might spoil their fun. Although mom said there’s nothing to worry about since dad could no longer deliver the “goods.” Dad on the other hand only smiled at it. He is apt to prove his worth as a warrior.
“Seg go around Baguio tomorrow and don’t come back till 10:00 P.M. Let me see how far your mom can go.”
“Oh yes Seg, give time for your dad to try his luck. After all there is no guarantee if his herbal viagra will really work,” mom said as she teased dad by throwing him her bra.
Early in the morning I left both of them at the hotel after breakfast. I don’t know what happened the whole day but when I arrived at 11:00 PM, both were already soundly asleep. I had a hunch something mysterious happened. Something they did before, more than a couple of decades ago which brought this “pretty woman” in this world. Hahaha!
Baguio is known as the summer Capital of the Philippines but during the rainy season when it’s not fun to go around; why don’t you (married couples only) make it a “procreation” capital of the Philippines instead?

ANG DATE NAMIN NI SISTER EMY
GEDC1378Panahon upang magparaya, pagbigyan ang mga magulang upang magpakaligaya hanggang kaya nila.
Tinawagan ko si Sister Emy, dati kong kasamahang community organizer na ngayon ay naka-base na sa Baguio. Matagal nang nagiimbita na “akyatin” ko raw siya sa Baguio. Kaya ang biro ko naman sa kanya, “hindi ako ang dapat mong kinukumbida kung gusto mong akyatin ka kundi mga akyat bahay gang.” Napapatawa na lang siya sa sinabi ko.
Hindi pangarap ni sister Emy ang maging madre. Pinagkakagulohan at pinagpapantasyahan siya ng mga boys noong nasa high school pa kami. Matangkad at mestisahin siya, magaling kumanta at marunong tumogtog ng piano. Isang tradhedya sa pag-ibig (mahaba-habang kuwento ito) ang nagtaboy sa kanya para pumasok sa kumbento at maging isang madre. May master’s degree siya sa Community Development at abala ngayon sa pagtuturo at community organizing.
Sa Good Sheperd Convent kami unang nagtungo para bumili ng mga pasalubong (Kailangan may pasalubong ako kay Mer dahil mangungulit ito kung wala.) Mga ilang bote ng Strawberry at Ube Jam ang aming nabinili; dinagdagan ko pa ng peanut brittle, fruit preserves, at ibat-ibang mga health products na produkto pa rin ng mga madre. Halos di mabuhat ng driver namin ang bayong pinaglagyan namin ng mga pinamili.
Pagkatapos ng Good Sheperd nagpunta naman kami ng Mines View Park para kumain ng mais at inihaw na pusit. Ang sarap-sarap niyang kumain ng mga street foods; talagang sanay sa buhay masa itong si sister Emy.
“Mababakya ang beauty mo dito Seg,” ang biro niya sa akin. “Anong mababakya di mo ba alam na kapwa tayo laking kalye at laking bukid?” ang sagot ko naman sa kanya referring to the good old days namin sa NGO.
Nangiti lang siya. “Hindi ka pa rin nagbabago. Mabuti hindi ka natulad sa mga dating kasamahan natin na ngayon ay…” Hindi na niya itinuloy pa. Alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin. Ang mga dating kasamahan ko sa trabaho na ngayon ay umangat na ang buhay dahil nagkaroon ng mga matataas na katungkolan ngunit parang sino kung umasta na ngayon. “Kawawang mga pobre,” ang nasabi ko tuloy kung saan ay kapwa kami napatawa.
Galing din sa may kayang pamilya itong si sister Emy. May mga malalawak na sakahan at palaisdahan ang kanyang mga magulang at kapatid sa kanilang probinsiya. Ngunit low profile lang siya.
Nang magsawa na kaming kumain ng kung ano-ano sa Mine’s View Park ay niyaya naman niya akong samahan siyang pasyalan ang kanyang pamangkin na Kadete sa PMA. Laking gulat ko nang sabihin niyang PMA dahil sa matagal na panahon ay ni ayaw man lang niyang mapag-usapan ang tungkol dito.
Isang PMA graduate ang naging kasintahan noon ni sister Emy na opisyal ng militar. Magpapakasal na nga lang sila nang masawi ito sa isang madugong engkuwentro ng mga rebelde at militar sa Mindanao.
“Tanggap ko na Seg,” ang bulong niya sa akin.
Pinasyalan namin ang sinasabi niyang pamangking kadete. Magalang at mabait naman siya. Binigyan niya ito ng isang prayer book at saka rosario na galing pa sa Roma. Laking pasalamat naman ng kadete.
Nang kaming dalawa na lang at nagkakape sa may SM Baguio ay muli naming napagusapan hindi matapos-tapos na suliranin ng rebelyon sa ating bansa. Pilipino laban sa Pilipino. Isang walang kakuwenta-kuwentang digmaan na siyang sumisira ng kapayapaan at pumipigil ng pag-unlad ng ating bansa.
“Buong buhay kung ipagdarasal ang kapayapaan Seg. Hanggang may digmaan hindi ako lalabas ng kumbento,” ang sabi ni sister Emy.
“Huwag naman at tatanda akong dalaga niyan,” ang biro ko sa kanya.
“Bakit naman?” Seryoso siya.
“Dahil nangako ka noong araw na mauuna ka sa akin na pakakasal.”
Bigla siyang natawa sabay sabi, “forget about it.”
Mabilis lumipas ang mga oras. Madaming isyu sa pulitika, ekonomya, at problema sa kapaligiran ang aming napagusapan ni sister Emy. Nababahala din siya tungkol sa problema ng basura, pagkasira ng kalikasan, kawalang trabaho, prostitusyon, bisyo, at pati na rin ang mga kagulohan na nababalitaan na lahat sa Baguio katulad ang pagpaslang sa isang teenager kamakailan. Ngunit kagaya ng dati, ang lahat ng problema sa bansa ayon sa kanya ay iisa lang ang katugonan: pagkakaisa ng mga tao at pananalig sa Diyos.
Malalim na ang gabi nang aming ihatid sa kumbento si sister Emy. Damang-dama ko ang kasiyahan sa kanyang puso habang kumakaway siya sa amin papasok ng kumbento.
At pagdating ko naman sa hotel ay bigla kong naala-ala ang honeymoon ng aking ama at ina kaya napapailing na napapangiti ako. Natanong ko tuloy sa aking sarili, may nangyari ba? At, nakailang rounds naman kaya sila? Hahahaha!

Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , ,

24 Responses to “Baguio, the Summer Capital of the Philippines”

  1. secondlady Says:

    Ang dalawang larawang nakikita ninyo ay mga personal kong kuha sa Manor Hotel ng Camp John Hay, at Good Sheperd sa Baguio City

  2. MRivera Says:

    will,

    Dito ako ngayon sa Riyadh, sa Power Plant No. 10 Project located at Riyadh-Al Kharj Highway.

  3. Colegialagirl Says:

    Hello tita Segundina, I miss you and I love you. Nasaan iyong pasalubong ko?

  4. Colegialagirl Says:

    Loka, honeymoon pala ng mama at papa mo ay sumama ka pa. Ano ang role mo scorer? Hehehehe.

  5. Colegialagirl Says:

    Seg,
    Talaga bang nagsusuot ng bikini iyang si sister Emy kapag nagsiswimming? Malapit na iyan lalabas sa kumbento, pustahan tayo hehehe.

  6. Mer Pints Says:

    Miss Baguio Beans, loves mo pala si Mr. Palengke hehehe.

    Iniyakan ni tita Koring ang mga batikos laban sa kanyang future husband. Ang sarap naman niyang magmahal. Ganon ka rin ba Miss Baguio oil?

    Saan kaya ang honeymoon nila? Sa Camp John Hay din ba? Huwag mong sabihin scorer ka uli, hehehe.

  7. Segundina Says:

    Mer may medical problem ang aking nanay at tatay. Ako lang ang kanilang inaasahan na sasama sa kanilang week-end vacation. Kahit papaano alam ko ang aking gagawin in case of emergency. Kahit papaano may training din naman ako sa first aid kahit hindi ako NURSE!

  8. Segundina Says:

    Bakit parang asar ka yata at di ikaw ang ka-date ko kundi si sister Emy. E nauna naman iyan na naging best friend ko bago pa kita nakilala? At saka napapansin ko parang nagseselos ka sa kanya kaya kung ano-ano na lang ang mga sinasabi mo diyan.

    Sorry, hindi natin dapat pinag-uusapan iyan dito. Erase, erase…

  9. Colegiala girl Says:

    Hello miss Sayote hindi ako nagseselos ano? E, ano kung ang una mong naging best friend iyang sister Emy mo. May masakit bang parte ng katawan ko niyan? At bakeeett ko naman pagseselosan siya. Parang nagbibiro lang baladt sibuyas ka kaagad niyan.

  10. Colegiala girl Says:

    Erase ka ng erase diyan, bakit may mali ba akong nasabi? Siempre panay biro ka sa poste mo, ngayong magbiro naman ako magagalit ka. Sinabi ko lang scorer ka, masama ba iyon? At saka iyang best friend mo dapat lumabas na siya sa kumbento, dahil emo siya!!!!!

  11. Colegiala girl Says:

    Segundinner I want you to know na hindi ko ikamamatay kung ibang kaibigan ang kasama mo. Bakit ikaw lang ba ang may ibang mga kaibigan? Kung ayaw mo ang mga sinasabi ko dito burahin mo ang lahat ng mga sinulat ko!!!!!!!!

  12. williamklose Says:

    seg & mer

    mga ms beautiful mukang nagkakaroon kayo ng kaunting diskusyon dito ha. medyo galaw galaw tayo baka ma-stroke. pag-usapan na lang natin yung pasalubong mo seg. teka speaking of madre. nag birthday pala yung naka developed ng masarap na ube dyan sa Good Shepherd na si sis mary. 102 yrs old na pala sya.

    o seg nasaan na yung ube namin dito nila mer? mer dala ka nang tinapay tapos pupuntahan ko sina kap, tito M, tito cocs at doc para mayaya dito sa bahay ni seg. o peace na kayong dalawa ha. dapat tularan nyo si mar at si noynoy, tunay na magkaibigan.😉

  13. williamklose Says:

    tito M, nasa mahigpit na parte pala kayo ng saudi. pero hayaan nyo pag may project dyan sa lugar nyo at nalibre ako bibisitahin ko po kayo. magdadala po ako ng kabsa o majboos [mixture of spices, rice (usually long-grain basmati), meat, chicken and vegetables].

  14. KapitanKidlat Says:

    Haayyy kulas kumaripas ng takbo… nagaaway ba kayo? Matagal-tagal na rin na hindi kayo nagkakasagotan. Selosan ba iyan? Mer, mabuti pa bumili ka na ng tinapay para sa Ube jam. At Segundin umorder ka na rin ng ISTARBAK na kape, kung wala kahit Kolakola na lang. Kailangan matikman natin ang mga dalang pasalubong ni Seg.

    Tama na iyan, huwag na ninyong pahabain pa ang usapan.

    Hindi ko kayo dinidiktahan mga neneng, nagpapaliwanag lang itong dati ninyong titser. Hehehe.

  15. MRivera Says:

    Oooops! Tekla, este teka muna. Mga girls, break. No hitting below da girdel. No upper cut. No down cut. No crosscut.

    Baka madala kami sa biruan n’yong ‘yan eh atakihin kami ni Kaps ng rayuma at kahiks.

    Hiiiiiiiiiinnnnnggggghhhh!!

    will, wala naman kami sa malapit sa restricted areas between Riyadh and Al Kharj. Nasa labas ang accommodation namin at medyo malayo lang ng konti sa city proper.

    Saka bawal kumain ng kabsa sa araw, Ramadan ngayon. Kung magdadala ka cash na lang.

    He he he heeh!

  16. williamklose Says:

    napaka tahimik dito ngayon ha. parang walang tao sa bahay. seg kainin na natin yang pasalubong mo. baka mapanis lang yan… magkwento ka na ulet dito ng mga unforgettable adventure mo. ok lang bang magrequest? meron ka pa bang kwento dyan na love story mo. yung hindi pa namin nababasa? he he he…

    nako tito M, pera po? kung ang halaga ng pera ay yung halaga ng pampili ng majboos ok lang po. mahal kasi ang bilihin dito sa bansang na puntahan ko eh. he he he… pero teka, di ba kayo itong bigtime? so kayo po pala dapat ang magpamudmod ng pera. he he he…

    kap, buti na lang napatadaan kayo at napatahimik nyo ang ating mga muse dito. kaya lang nakakalungkot kasi sobrang tahimik naman.

  17. MRivera Says:

    william,

    Dahan dahan. Baka isipin ng ibang namumumdmod nga ako ng pera dito.

    Suweldo ng mga kasamahan ko ‘yun.

    He he he he!

  18. cocoy826 Says:

    Pasensya ka na kung ngayon lang kita nabisita.Maraming nangyari nitong mga nakaraang araw,una nasagaan ng pison iyung pustiso ng lolo ng best friend ko.Nawala ang kanilang pusa at isinilid sa sako ng tiga bikol,mga limang buwan pa siguro bago makauwi iyung pusa.

    Tapos prinotesta ng tao iyung pinagkakakitaan ng mga tauhan ko.

    Naka-post na ngayon sa blog ko.Kung gusto ninyong maging riot police,pumunta kayo doon dahil may rally na nagaganap.

  19. Mer Pints Says:

    Suko na ako. Panalo ka na Segundina. Hindi ko kayang manahimik ng matagal para makipag-cold war sa iyo. Nakakahiya sa mga kaibigan natin kung patuloy ang cold war natin at hindi lumalabas sa bahay.

    Segundina, lalabas na ako. Bahala ko kung gusto mo pang magtago at ayaw magparamdam.

    Ako magba-blog na. Bruha lang ang ayaw lumabas. Hahahahahaaha!!!!!

    Inuulit ko Segundina paglabas ko labas ka na rin ha. Sige na talo na ako sa challenge mo. Hindi ko kayang manahimik. Hindi kaya ng mga dalire ko ang hindi magsulat. Bati na tayo babes, hehehehe.

    Bruha lang at manananggal (ng ewan) ang nagi-emo. Ke lalabas ka o hindi tutal panalo ka kana, lalabas na ako at magsusulat. See you bruhilda, hihihihihihihihihihi.

  20. Segundina Says:

    Sorry Butangera hindi ko matatanggap ang surrender mo. Away pa tayo, hehehehe.

  21. Segundina Says:

    Mga kaibigan, mga kuya, mga kapatid, at sa iyo Butangera… BATI NA KAMI NI MER.

    Matitiis mo ba naman itong babaing ito, text nang text. Pahalik nga sa pisngi.

    Hmmmmm amoy bagoong ka pala. Kumain ka ng manggang hila ano? Pahingi.

    Ayan masaya ka na… love na kita.

  22. Colegialagirl Says:

    Amoy bagoong?
    Aba Segunding hindi ako amoy bagoong ha. Kaliligo at kasisipilyo ko lamang. Fresh na fresh, hehehe.
    Oooppss, huwag mo akong halikan sa lips, hindi tayo talo hahahaha.

  23. Doc.bobonyo Says:

    Kumosta na po kayong lahat? Sorry for being silent. Nabagyo po ang aking PC. Sabi nila itapon ko na raw pero hindi ko po magagawa dahil mahal na mahal ko siya at mahal bumili ng bagong PC, hahaha. Mabuti na lang may naawa sa atin at muling binuhay. At sa muling pagkabuhay ng aking “junky” PC ay back to blogging and happy days are here again ika nga.

    Nakaposte sa aking klinika ngayon ang aking munting nakayanan para mabasa naman po ninyo ang nilalaman ng aking puso at isipan. Tamang-tama ang aking sinulat para sa mga kaganapan ngayon.

    Mahal tayo ng Diyos, mahal ko rin kayo. God bless po sa lahat.

  24. Doc.bobonyo Says:

    Mer and Seg may nangyari na naman ba? Ayus lang iyan. What is important you are back to each other na naman, Hehehehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: