Kung Ako ang Maging Caregiver ni GMA

Malayo pa siyang maging ulyanin at isang bed ridden. Ngayon pa man ay sinasabi ko nang ayaw ko siyang nakikita na naglalakad na may alalay, o kung hindi man ay kuba na at naka-walker at higit sa lahat iyong nakasakay sa isang wheel chair na may tuwalyang nakapaligid sa kanyang tibtib dahil naglalaway. No, no sir! Ni sa panaginip ay ayaw ko siyang nakikitang naghihirap. Gusto ko lagi siyang masaya, iyong tumatawa at humahalakhak ng malakas at nambubulyaw sa mga hindi sumusunod sa kanya.

Mataray man siya ay okay lang. Bilib na bilib ako sa kanyang pagiging “astig.” Sana ganon din ako upang hindi ako basta-basta na lamang inaapi ng iba. Sana hindi ako laging nakokonsensiya at kinakabahan kapag nagsisinungaling ako at nangungupit ng barya sa tindahan ng nanay ko noong bata pa ako. Honest nga ako ngunit mahirap naman. Humble nga ako pero inaapi naman. Wala rin. Kaya gusto ko sanang mamana ang kahit isang bahagi man lang ng mga katangian ni GMA.

Sana married din ako at may tatlong anak. Isang babae at dalawang lalaki. Gusto ko ang dalawa kong boys ay maging Kongresman din kagaya nila. Sana my one and only daughter ay matalino din at simple lang ang kanyang kaligayahan sa buhay. Sana may anak akong kagaya ni Lulli mapagmahal sa nanay at ipagtatanggol ito sa ano mang oras. Kaso hindi ako kagaya ni GMA, may FG na siya and happily married. Ako naman ay single pa, takot sa mga lalaki (kumakatok pa lang sa pintoan ang manliligaw ay nagkukulong na kaagad sa kuwarto), puro wish ko lang, and no sex. Gusto ko pa naman kung married ako na lagi akong busog sa pagmamahal and “have plenty of sex.” Hehehe!

Pero may isang bagay na gusto kong gawin sa buhay. Ako’y nangangarap na bilang araw ako ang kukunin nilang taga pag-alaga kay GMA. At bilang GMA caregiver ipapakita ko sa kanyang pamilya kung gaano ko siya kamahal at aalagaan katulad ng pagalaga ko sa aking sariling ina (my nanay huwag kang magseselos, ha?) kung siya naman ay tumanda at ulyanin na.

Siempre papaligoan ko siya at papalitan ng bagong laba at plantsadong damit lagi. Hindi ko na susuriin pa kung nagparetoke man siya o hindi dahil wala akong pakialam diyan. Papainomin ko siya ng kanyang mga gamot at bitamina bago matulog. At siempre dapat laging maganda ang seniora kaya susuklayan ko siya at lalagyan ng lipstic ang kanyang mga labi. At bago siya matulog ay magdadasal kami muna at huming ng tawad sa mga naging kasalanan namin at kasalanan din niya sa sambayanang Pilipino kung mayroon man. Ayaw ko kasi na mapupunta lang sa impierno ang kaluluwa ng aking mahal at alagang seniora.

At kung halimbawa ay nababagot siya sa kauupo ng maghapon ay kakantahan ko siya ng Bayan Ko, May Bukas Pa, at saka My Way. Magtutula rin ako ng Mi Ultimo Adios ni Rizal, at Stolen Riches ni Haydenkoi, hehehe! Siempre magkukuwentohan din kami ng seniora at makikinig ako ng kanyang original version ng “Hello Garci,”ZTE Broadband Scandal,” and the last but not the least ” The Adventure of Jocjoc Bolante in the Fertilizer Land.” Ang saya saya di ba? At siempre hindi kumpleto ang araw namin kung hindi kami maglalaro ng tagu-tagoan. Ibang version nga lamang, tagoan lang ng yaman. Alam ko dito kami mag-eenjoy na dalawa.

Ngunit dapat ihanda ko na rin ang aking sarili, dahil kung ganitong napamahal na sa akin ang seniora, ikakamatay ko ang kanyang pagkawala. Kaya naman habang ako ang kanyang caregiver, gagawin ko ang lahat para mapasaya siya, marelax upang hindi ma-highblood, mag-exercise para lalo siyang lumakas, at pakainin ng balance diet upang healthy siya lagi, mentally ang physically.

Sabagay wish ko lang naman ito. Alam ko it is one in a billion chance lang na magkatotoo para sa akin ang ganitong pangarap. And if it happened sana naman pamanahan din nila ako ng kaunting kayamanan once my services are no longer needed and I am terminated. Ang sarap mangarap ano? Kayo, ganito rin ba ang pangarap ninyo para sa pagtanda ni GMA?

Pangarap lang naman po ito at huwag ninyo sana akong pagtaasan ng kilay, hehehe.

Tags: , , , , ,

5 Responses to “Kung Ako ang Maging Caregiver ni GMA”

  1. Cocoy Says:

    Kapag si Bayani Fernando raw ang maging presidente,wala ng gaanong traffic dahil puro green light na ang lahat ng stop light para hindi na hihinto ang mga pribadong sasakyan.

    Dumadami na ang tao doon sa malaking bahay sa CD.Inaayos nila sa kasalukuyan,sa dami ng taong gustong sumilip kay Segundina at Collegiala nagiba ang batalan.

    Mga ilang oras pa raw bago maayos sabi ng karpentiro.

    Pero sabi ni Ping nakikialam pa raw si Kris sa love life ni Noynoy.Kwarentay nuebe na siya at hindi daisy nwebe.Hehehe!

    Doc.Bobonyo
    ipinaayos ko na ang klinika mo doon sa bagong CD.
    $99 move-in especial ka na lang.

  2. williamklose Says:

    sige tulong tayo sa pag-alaga kay GMA at FG ha. ikaw kay GMA ako kay FG. at least kahit dito sa pangarap mo nagkasama tayo. o wag na kayong magreact ng masama dyan. pangarap lang ito. sabi nga ni seg, “one in a billion chance lang na magkatotoo” kaya pumayag na kayo. yun nga lang baka si seg ang hindi pumayag kahit sa pangarap lang. ha ha ha… joke joke joke lang. peace tayong lahat.

  3. Colegialagirl Says:

    Willam dapat mag-aral muna ng caregiving si Seg. Baka sa halip na hahaba pa ang buhay ng inaalagan niya ay sa North Cemetery pa ang bagsak, hehehe.

    Seg bago ka mangarap ay kumuha ka muna ng basic course ng caregiving sa TESDA.

    Baka nunal lang na bubuhatin mo ay mababalian ka na ng buto. Hahaha!

  4. Colegialagirl Says:

    Kay FG rin ako kung sakasakali. Gusto kong makita kung maiksi o mahaba ang kanyang…. mga kuko at puputulin ko. Akala ninyo iyong kuwan, hahahaha!

  5. KapitanKidlat Says:

    Seg and Mer,
    Mukhang hindi na ninyo mahintay pa ang pagtanda ng first couple. Parang sinabi na rin ninyo na sawang-sawa na kayo sa kanila, hehehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: