Grabe, Grabe na ang Bahang Ito!

Grabe hindi ko inaasahan na ang buong Metro-Manila kasama na ang CALABARZON at mga karatig na probinsiya sa Luzon ay ganito ang mangyayari. Baha, hindi lang hanggang bawyang ang tubig lampas pa hanggang ulo. Iyong ibang mga lugar nga abot pa hanggang third story na bahay ang taas ng tubig. Ano ba ito karma, kaparusahan sa kapinsalaang ginawa mismo ng tao, o isang manipestasyon lamang nang pagbabago ng panahon?

Dati kapag bumabagyo hangin lang ang kinatatakotan. Bumaha man ay saglit, kung hindi kaya sa mga lugar lang na mabababa at expected na babahain kagaya ng mga kabahayan na malalapit lamang sa ilog o sa ano mang dinadaluyan ng tubig. Ngayon napakalawak na ang sinakop ng pagbaha. Napakaraming taong napinsala, napakaraming nasaktan at namatay sa sakunang ito.

Maraming stranded magmula ng madaling araw ng Sabado hanggang Linggo. Lunes, may mga kamag-anak pang naghahanap ng kanilang mga kaanak. Sa mga lugar na inabot ng sakuna, maraming kabahayan ang nawasak. May mga taong inanaod ng rumaragasang tubig at bangkay na lang nang matagpuan. Kalunos-lunos na tagpo. Ni sa masamang panaginip ay di mo ito inaasahan. Sa mga bakanteng lote ay may mga inaagnas nang bangkay na natatagpuan. Maiiyak ka sa mga nasirang kagamitan, sasakyan, mga bahay na pinasok ng tubig at putik, at mga mamahaling electronic appliances na hindi mo na mapapakinabang.

Ang mahirap nito ay nangyari ang ganitong sakuna sa panahon na naghihirap ang bansa. Kaya naman ang butihing presidente natin (huwag ninyo akong pagtaasan ng kilay, hehe) ay nanawagan sa mga ibang bansa upang tumulong. Maraming natuwa sa ginawa niya, marami ding nagalit. Kahit pagbaha ay may bahid pa ring pulitika. At gaya nang dati presidente pa rin ang sinisisi.

At bakit nga daw hindi mabagal daw ang pagrespondi ng pamahalaan sa pagrescue at pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta. Ang sabi naman ng mga pinunong bayan ng mga lugar na nasalanta ay ginagawa nila ang kanilang trabaho ngunit sobrang napakarami daw ang biktima. Hindi na nila alam kung papaano nila mapaglingkuran ang lahat nang mga nangangailang ng tulong.

Hindi raw ito ng panahon ng sisihan. Ito’y panahon ng pagtutulungan. Dito daw gamitin ang salitang people power, para saan? Hindi sa pulitika kung hindi sa pagtulong sa kapwa. Mainam hindi ba? Kasi 50-80% sa mga mamayan ng mga nasalantang lugar ay directly and indirectly affected daw sa nangyaring sakuna. Mabuti pa nga ang mga iba masaya sila at may bahay na matutuluyan pa, nakatuntong ang mga paa sa tuyong lupa (o semento), at may iniinom at kinakain. Iyong mga iba ay walang matuloyan, walang mainom, walang makain at nagkakaroon na ng ibat-ibang sintomas ng mga sakit. Panahon ng pagpapakasakit at pagpapakabayani kagaya ng ginawang pag-rescue ni Richard Guttierrez sa isang artisantang napadpad sa bubungang lata para makaligtas lamang sa sakuna. Panahon ng pagpapakatotoo kagaya ang ginawa ni Gerrard Anderson nang lumusong siya sa tubig at lumangoy upang iligtas lamang ang kanyang mga kapit-bahay (sana si Kim). Sa panahon ng sakuna ay dito mo makikilala ang tunay mong kaibigan, kapamilya, kapuso, kapitbahay, at kapwa Pilipino. Ang lahat ay Nagtutulongan!

Naghatid ako ng relief goods na pagkain kanina (akala nila nagho-hoard na ako nang dalhin ko sa cashier ang dalawang kariton na punong-puno ng sari-saring pagkain) sa iskul para ipamigay nina Joy sa mga biktima na hindi pa inabot ng ano mang tulong sa mga liblib na pook ng Rizal. Marami silang nag-volunteer. Gustohin ko mang sumama ay hindi ko kaya, kay dinadaan ko na lang sa pagbibigay ng tulong na pagkain. Anyway dinaanan ko (for curiousity) ang SM Mall sa Marikina, hindi ako makapaniwala sa dami ng mga basurang plastic na sumabit sa mga poste at nagkalat sa ng parkingan ng mall. At kahit saan ako mapadpad kitang-kita ang palatandaan ng devastation na dala ng pagbaha sa Metro Manila at mga karatig na bayan at probinsiya.

May leksiyon bang napulot tayo sa sakunang ito? Lumolobo ang papolasyon, dumadami ang mga kabahayan, lumalawak ang pagkasira ng kagubatan, at tayo naman ay binabalikan ng kalikasan. Sino ang dapat sisihin? Ang pamahalaan? Ang mga taong walang disiplina na nagkakalat ng mga basura sa lansangan? Ang mga illegal loggers at mga protektor nilang ganid na pulitiko? Ang mga subdivision developers kagaya nina Manny Villar? Sa totoo wala akong alam. Ang alam ko ay lahat tayo’y may pananagutan sa mga sakunang nagaganap sa atin.

At nais ko ring sabihin na kahit papaano maasahan mo ang pinoy sa pagsagip ng kapwa ikamatay man nito kagaya ng dalawang sundalo at apat na CAFGU. Mabuhay ang mga Pilipino!

(Binabati ko si Mer na nagboluntaryo kasama ang ibang health workers na kaibigan niya upang maglibot sa mga ibat-ibang evacuation centers para sa mga kababayan nating may karamdaman na biktima ng matinding pagbaha dulot ng bagyong si Ondoy. I love you Mer, ingat ka lang babes…)

Tags: , , , , , ,

21 Responses to “Grabe, Grabe na ang Bahang Ito!”

  1. Segundina Says:

    Ganito kataas ang inabot ng tubig at sobrang mapanganib

  2. Segundina Says:

    Never na naka-experience ako ng ganitong pagbaha sa Metro-Manila sapol pa nang may isip na ako,

  3. Segundina Says:

    Nakakakilabot na agos ng tubig baha…

  4. Segundina Says:

    Kalunos-lunos na tagpo na dulot ng bagyong si Ondoy

  5. Segundina Says:

    At sino nga ba ang magtutulongan kung hindi tayo. Sino nga ba ang magsasakrispisyo para sa mga Pilipino kung hindi ang kapwa Pilipino. Tayo’y magmahalan!

  6. Segundina Says:

    Let this be a lesson to all!

  7. chi Says:

    Seg and Mer,

    Ipagpatuloy ninyo ang magandang ugaling pinoy. Sige, tapikin ang inyong mga balikat for good deeds at this time when Panduck’s fake administration is still “overwhelved” by Ondoy.

    Ang trabaho na lang nila ay magbilang ng patay!

  8. Colegiala girl Says:

    Tita

    The spirit is willing pero sinisipon na po ang byuti ko. Tatlong araw nang naglilibot kami ng mga kasama kong volunteer health workers para tumulong sa mga may sakit na kababayan nating nasalanta ng pagbaha at landslide dito sa Rizal. Nakakaawa po ang mga batang nilalagnat, sinisipon, inuubo, at mga senior citizens na naubosan na ng kanilang mga pangaraw-araw ng gamot. Bumabaha man ang tulong ay hindi po sapat para tugonan ang napakalaking pangangailang as the aftermath of bagyong Ondoy. Magpapahinga po sandali sa araw na ito at sasama ako sa isang medical mission patungong Laguna naman.

  9. Colegiala girl Says:

    Kap kumosta na po ang barangay ninyo? Balita ko lubog pa rin hanggang ngayon. Totoo bang lumusong kayo sa rumaragasang tubig para iligtas ang kapit-bahay ninyong byuda? Na-save daw iyong beauting byuda kaso iyong brief mo ay di mo na nailigtas nang tangayin ito ng umaagos na tubig. Nagalit tuloy si ma’am nang umahon ka at makita iyong nakalawit na giniginaw.

    Biro lang po, hehehehe.

  10. KapitanKidlat Says:

    Ayan na naman kayo. Katatapos lang ng pagbaha kung ano-ano na naman iyang mga kuwento ninyo. Tigil muna kayo ha kahit isang buwan lang sa mga kalokohan ninyo.

  11. chi Says:

    Seg, sana naman ay walang mangyari pa sa mga biktima ni Ondoy at Gloria. Sa tindi ng dinanas nila ay hindi kailangan ang sakit. I’m feeling so down, ang nagawa ko lang ay mag-donate via IRC ng aking makakayanan. It’s nothing compared to the heroism of Muelmar, my newest hero.

  12. Segundina Says:

    Ate Chi kanina lang ay naluha naman ako nang magkuwento sa akin si Joy tungkol sa mga biktima ng landslide sa Rizal. Iyong mga nabiktima ni Ondoy sa Tanay ni walang nailigtas na kagamitan. Hindi lang pagkain, tubig, mga damit at kumot ang kailangan nila kundi pati na rin kitchen utensils. Naisip ko tuloy na ipamigay na lang iyong mga iba kung gamit pangkusina.

    Nakakatabang puso na madinig ate Chi iyong kabayanihan na ipinamalas ng ating mga kababayan para iligtas ang mga iba kahit nangangahulogan pa ng tiyak na kamatayan para sa kanila. Talagang maipagmamalaki mo pa rin ang iyong pagka Pilipino mo sa mga ganitong sitwasyon.

    Sabi nga ng isang foreigner ay kahanga-hanga daw ang ginagawang pagtulong ng mga Pilipino sa kanilang kapwa kahit sila din ay biktima ng delubyo.

    At ako’y humahanga din sa pagiging matulungin ni Mer. Magpahinga ka muna miss beautiful bago sumabak muli sa inyong medical mission. I’m praying for you girl.

  13. Segundina Says:

    Kap I hope hindi ninyo sineseryoso iyong joke ni Mer. Alam naman ninyo kung magbiro iyan. Pinapapasaya lang tayo ni best friend.

    Siyanga nga pala Kap naisauli mo na ba iyong mga underwear ng byuda na nakuha mo by accident ng i-rescue mo siya? Ay, Hehehehehehe!

  14. Doc.Bobonyo Says:

    Nakakalungkot lang Segundina at masyadong malawak ang sinakop nitong delubyo. Dalawang milyong tao ang nasalanta. Ipagpalagay natin na isang milyon na ang mga nangangailangan paano kaya nating matutulongan ang lahat? At saka paano natin masustain ang pagtulong sa mga natulungan na? Hindi ako makatulog sa kaiisip nito. Ipinapanalangin ko na lang na sana ay dumami pa ang mga good Samaritans sa atin.

  15. Cocoy Says:

    Kaming mga FIL-AM dito sa America ay nagbigay na ng tulong sa mga organization na nangangalap ng tulong para sa biktima ni Ondoy.Sana makarating sa mga nangangailangan at hindi nila ibenta sa ukay-ukay ang mga damit na ibingay namin.

    Nakakawa nga silang pagmasdan.Sa nging situastion nila nakakalungkot .

    Keep up the good works mga friends sa pag-volunter.Kung nandyan siguro ako ganun din ang gagawin ko.

  16. secondlady Says:

    Thanks for the encouragement kuya. Mabuhay kayong lahat diyan.

  17. chi Says:

    Delubyo sa Metro Manila, ano kaya ang tunay at lihim na kahulugan niyan? Hmmmm…esep, esep, esep…..

  18. Doc.bobonyo Says:

    Para sa akin lang nanay Chi, ito’y mensahe mula sa langit na dapat ay magpahinga muna ang lahat sa pulitika at isipin ang kapakanan ng mga mahihirap nating kababayan na siyang nakakarami sa Lipunan. Idagdag ko pa po, tama na ang nakawan at pangungurakot. Walang sinasanto ang mga sakunang dumarating. Naningil na raw ang kalikasan sa pangaabuso ng mga tao, lalo na iyong mga illegal loggers, illegal miners, mga may malalaking factories na siyang sumisira sa ating kapaligiran, at higit sa lahat sa illegal na pagpapatayo kung saan saan ng mga gusali at kabahayan. The flooding of metro-Manila is a painful lessons to all of us na dapat ay maging responsable tayo.
    Sa isang banda siguro pahiwatig na rin ito ng langit na sana ay huwag nang magambisyon pang manatili sa puwesto ang presidente at huwag nang pakikialaman ang daratin na election. Opinyon lamang po ito kung mamarapatin.

  19. Mrivera Says:

    Seg, Mer,

    Binabati ko kayong dalawa sa inyong mapagkawanggawa’t mapagkalingang pagdamay sa ating mga kababayang nasalanta.

    Medyo huli ang pasyal ko dito dahil abala sa trabaho kasabay sa pag-aalala sa kalagayan ng mga kapatid ko sa Pandi, Bulacan at Sta. Rosa, Laguna gayundin sa aming mga kamag-anakan sa Sta. Cruz at Binan.

  20. Doc.bobonyo Says:

    Marami-rami na rin sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Ondoy ang unti-unti nang nakakapag-adjust as Laguna ka Magno. Iyong church na kinaaniban namin ay nagtungo sa ibat-ibang pook doon na nasalanta para magbigay ng kaunting tulong na aming nakayanan. Ipagpray na lang po natin ang mga kaanak nating nasalanta rin na sana ay huwag silang mawawalan ng pagasa at makabangon muli.

  21. Mrivera Says:

    Dok,

    Para pa rin daw malawak na akwaryum ang mga binahang lugar sa baybayin ng Laguna.

    Inaalala ko nga, baka sa muli naming pagkikita ng aking mga kapatid at mga kamag-anak ay para na silang mga sirena at siyokoy dahil tinubuan na ng palikpik at buntot!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: