Archive for October, 2009

“Same to you, sit down government…”

October 26, 2009

Narinig ko lang ang kuwentong ito kay lola Caring nang minsang nagbakasyon siya sa Pilipinas pagkatapos ng mahabang panahong paninirahan nila sa Europe kung saan ang anak niyang si tita Inday ay nakapag-asawa ng isang matandang Aleman.

Noong kabataan pa ni lola Caring ay pumasok siya bilang isa sa mga kasambahay ng mayaman ngunit matanda nang pulitiko. Matagal nang byudo ang pulitiko ngunit muli siyang nag-asawa nang maakit siya sa napakaganda, sexy, makinis, maputi, at malambing niyang kasambahay. Niligawan niya ito, niregalohan ang mga magulang ng ilang ektaryang lupaing at isang maliit na traktora upang magamit sa pagsasaka. Dahil dito ay hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang dalaga at sinagot agad ang matandang pulitiko.

Dahil sa kahirapan ay ni hindi man lang nakapagtapos ng elementary ang babae. Ngunit hindi ito dahilan upang hindi siya mahalin at paligayahin ng kanyang mister na isang kilalang pulitiko. Iyong nga laman kung may mga matataas na taong bisita ang pulitiko ay nasa background lang si misis na taga-utos sa mga katulong. Ngunit ng madalas nang tanonging at hanapin sa kanya si misis ng kanyang mga bisita ay nagpasya itong iharap sa kanila. Pero bago iyon ay binigyan muna siya ng mga tips at training kung papaano humarap at makihalabilo sa mga bisitang pulitiko, opisyales ng gobyerno, propesyonal, at may sinasabi sa buhay.

Sa umpisa ay madalas pumalpak at pagtawanan si misis. Ngunit sa kalaunan ay natoto na rin siya humarap at makihalabilo sa ano mang uri ng mga bisita. Bagamat isang istupida ang tingin ng marami sa kanya ay labis naman siyang hinahangaan, o kaya’y pinagnanasaan, ng mga kaibigang pulitiko ni Mr. Politician. Naging popular tuloy ito sa kanilang bayan at probinsiya dahil sa pagiging friendly ng kanyang misis.

Dumating ang lokal na halalan at si Mr. Politician ay kinuhang running mate (for vice-governor) ng nakaupong gubernador sa kanilang probinsiya na isang ring reeleksyonista. Malakas ang hatak ni Mr. Politician sa tao dahil kay Misis na laging hinahanap ng mga tao tuwing may campaign rally sila. Natuwa naman dito ang gubernador dahil pati siya ay lalo pang napapalapit sa puso ng mga botante.

Ngunit isang linggo na lang bago ang halalan ay biglang inatake si Mr. Politician sa puso na siyang ikinamatay nito. Nagluksa ang buong probinsiya sa kanyang pagkamatay kung saan pati na rin ang mga kalaban sa pulitika ay nakipaglamay at nakiramay pa sa kanya. Kaya naman napagpasyahan ng partido na si Misis na lang ang papalit sa kanya bilang kandidato sa pagka-bise gubernador. Dahil dito ay pinuntahan siya mismo ng gubernador upang kumbinsihin na pumalit sa kanyang mister.

“Condolence Mrs. Politician,” ang bungad na salita sa kanya ni governor.
Malungkot ngunit nagawa pa ring ngumiti ni Misis sabay sabi: “Same to you, sit down government.”

To cut the story short pumayag si Misis na maging kapalit ng kanyang mister na kumandidato sa pagka-bise gubernador at nang matapos ang halalan ay siyang nanalong Vice-governor. Kaya nang iproklama sila ng COMELEC na nanalo sa pagkagubernador at pagka-bise gubernador ay hindi maiwasang tanungin sila ng mga taga Media kung ano na ang kanilang mga plano bilang mga halal na opisyales ng probinsiya.

Si governor ang unang nagsalita. Pinasalamatan ang mga bomoto at sumuporta sa kanila. Kabuhayan, kaunlaran, kapayapaan ang tanging sagot ni governor na kanyang tututukan sa kanyang pagkakahalal muli bilang pinuno ng probinsiya.

Pagkatapos ni governor ay si Misis Politics naman ang kanilang tinanong.

“Mrs. Politics, now that you are elected as the vice-governor of this province can you tell us what are your plans?”

Ngumiti lang si Misis Politics. Mamaya ay nagsalita na. Inaabangan naman ng marami ang kanyang sasabihin. Halos hindi na humihinga ang lahat sa sobrang excitement kung ano ang sasabihin ng bagong halal na bise-gubernador.

“P-plans, hehe. A, you mean plants? I have plenty like malunggay, eggplants, ampalaya, kalabasa and ornamental plants!”

Siya nga naman, plants pala at hindi plans, hehehehe.

Don Paquito Matulungin

October 21, 2009

Noong kabataan niya siya’y hinahabol ng mga magagandang babae. Pinagaawayan siya ng kanyang mga kasintahan. Dahil dito ay kinaiinggitan siya ng mga kalalakihan. Bakit nga po hindi guwapo siya at isang sikat na artista nang kanyang kapanahonan.

Yumaman siya sa kanyang sariling pagsisikap at pagpupunyagi sa buhay. Kahit wala siyang mataas na pinag-aralan ay nagawa niyang maglingkod sa mga mahihirap sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga proyektong pangkabuhayan. Ayaw niya ang dole-out dahil natototo ang mga tao na maging tamad at pabigat lamang sa iba. Kahit sinasabi nilang mangmang si Don Paquito ay mapagmasid ito sa kapaligiran at marami siyang mga bagay na naiisip para umunlad ang kanyang bayan. Alam ni Don Paquito na kapag nagamit ang lakas, dunong, at kakayahan ng mga tao sa tama ay nagbubunga ito ng pagasenso ng ating bansa. Kung papaano, ito ang kanyang kuwento.

Kilalang-kilala si Don Paquito sa bayan ng Bagong Umaga, dito ay naging mayor siya kung saan ay walang tulong na ibinigay ng provincial at national governments sa kanya dahil nahahanay siya sa mga oposisyon. Resulta, ni kusing ay walang ibinigay na tulong sa kanya.

Pero hindi ito naging sagabal sa kanya para paunlarin ang kanyang bayan. Gusto kasi ng mga kalaban niya sa pulitika na magalit ang mga tao sa kanya at nang matalo siya sa susunod na election. Nagkamali sila dahil resourceful pala si Don Paquito. Nakipag-ugnayan siya sa mga NGOs, community organizers, mga Unibersidad at institusyon na may kapasidad na maghatid ng community extension program para sa kanila. Resulta nagkaroon ng community mobilization at naitatag ang mga ibat-ibang livelihood and social development projects sa lahat ng mga barangay sa Bagong Umaga. Bawat Barangay ay may isang NGO o Extension Service Program na umaalalay sa kanila.

Mahirap sa umpisa ngunit kailangang imulat ni Don Paquito na kailangang magkaisa at magkaroon ng tiwala ang mga tao sa kanilang sarili upang makamtan ang pag-asenso. Unti-unti ay naitatag ang mga samahan, kooperatiba, skills development training, values formation and social empowerment program for family, youth and children. At dito napatunayan ni Don Paquito na tama pala ang mga naiisip niya noon; upang umunlad ang mga tao kailangan ang paggamit ng internal at saka external resources. Internal ay kung ano ang maiaambag ng mga tao kagaya ng labor, materials, land, etc. At sa external naman ay iyong tulong pinansiyal at teknikal.

Sa kabuoan ng panunungkolan ni Don Paquito ay nagkaroon ng farm to market roads, mga inpraestraktora para sa “livelihood training at social mobilization centers”, mga pasilidad at kagamitang pang-eskuwela, cottage industries, cooperative fishery projects, cooperative farming, health services and facilities, at mga recreation centers para sa mga kabataan at gayon din sa mga matatanda.

Nadiin din sa kaisipan ng bawat mamayan ng konsepto ng sustainable development. Para manatili ang kanilang kaunlaran kailangang bantayan ang kanilang kapaligiran; panatiliin ang malinis, mapayapa, maayus, at magandang komonidad. Mga tao na mismo ang nagroronda para walang makapasok na magnanakaw at masasamang loob sa kanilang lugar, huwag masira ang kanilang kaunting kagubatan, ang madumihan ang kanilang mga ilog, at ang magkaroon ng tamang paraan sa pagsasa-ayos ng kanilang mga basura. Ang mga waste plastic products po ay iniimbak at ginigiling upang gawing construction materials, ang mga bote at bakal naman ay ibinibenta, at ang mga nabubulok na basura ay ginagawang fertilizer.

Dahil dito ang bawat barangay ay may cooperative farm and gardens at in-land fish culture. Marami din sa mga tao ang nagaalaga ng native na manok at baboy, may kambingan, at bakahan. Lahat ng mga alaga ay nakatale o nasa kulungan para di makapaminsala. Mahigpit din ipinapatupad ang paglilinis ng tirahan ng kani-kanilang mga alagang manok, baboy, kambing, baka, at mga iba pa.

Sa ngayon ay marami pang gustong gawin ang mga tao para lalo pang umunlad ang kanilang pamumuhay. Ang mahalaga bawat kabahayan ay hindi na basta umaasa na lamang sa gobyerno at mga pribadong ahensiya at organisasyon. Sila na na mismo ang kumikilos para sa kanilang kabuhayan at samahan. Ang mahalaga kahit salat sa yaman ang karamihan ay wala namang nagugutom. At take note, mura ang presyo ng bilihin sa pagkain dahil marami sa mga tao mismo ay nagpo-prodyus ng kanilamg makakain. Ang mga sobra nilang produkto na pagkain kagaya ng mais, bigas, gulay, karne at mga iba pa ay ibinebenta naman sa mga negosyante na nagdadala ng mga ito sa Kamaynilaan.

Si Don Paquito naman ay isang role model sa kanyang mga kababayan. Hindi siya nagsusugal, naglalasing, at nambababae. Ang kanyang asawa ay inilaan naman ang kanyang panahon para sa mga samahan ng mga kababaihan at kanilang pinagtutuonan pansin ang pagmamahalan at relasyon ng bawat miyembro ng isang tahanan. Ang mga anak naman ni Don Paquito ay nasa medical propesyon lahat at bawat taon ay umuuwi sila sa Bagong Umaga para mag-medical mission.

Sa ngayon ay gusto nang magritero ni Don Paquito sa paglilingkud sa kanilang bayan bilang isang elected official. Bawat opisyal ng kanilang bayan na kanyang nasasakupan ay hinuhubog niya sa disiplina at katapatan sa paglilingkod publiko. Umaasa siya na sa pagbaba niya sa puwesto isa sa kanila ang susunod sa kanyang mga apak.

Maha-highblood ka sa pagkain ng gulay…

October 13, 2009

Mag-ingat marami nang naha-highblood sa pagkain ng gulay. Pambihira mahilig pa naman akong kumain ng gulay lalo na iyong mga nanggagaling sa Benguet at Mountain Province. Pero dahil sa pananalanta ng mga bagyong sina Ondoy at Pepeng ay maraming nasira ang mga pananim at taniman ng gulay. Resulta tumaas ng triple ang presyo ng mga gulay. Sabi nga ng isang mamimili ay mas mabuting bumili na lang siya ng karne kay sa gulay. Kaya ito ngayon ang biroan, huwag ka nang magbalak pang kumain o bumili ng gulay dahil maha-highblood ka sa taas ng presyo nito.

Kaya ano na ang ating gagawin ngayon. Buwan pa ang abutin bago makapagtanim at makapag-ani ng gulay itong mga vegetable farmers natin? Back to green revolution na naman siguro tayong lahat. Iyong kapit-bahay naming retired public school principal at nangangapit-bahay na para manghingi ng mga lata ng gatas at biscuit upang pagtaniman niya ng mga sari-saring gulay. Nawika ko tuloy sa aking sarili, takot din pala itong maatake sa puso sa sobrang kamahalan ng presyo ng mga gulay.

“Practical lang tayo Seg, kung sa palengke at supermart ka lang aasa ng iyong kakainin ay walang mangyayari sa iyo. Lubog pa sa baha ang malaking bahagi ng mga taniman natin ng gulay at palay. Kailangang tulungan natin ang ating mga sarili. May pera ka nga, wala ka namang mabibili.”

“Tama po kayo ma’am, tayong mga nasa urban centers ay puwedi ring makibahagi sa food production sa pamamagitan ng container gardening,” ang sagot ko sa kanya habang inaabot ko ang dalawang basyong lata ng biscuits na binili ko para sa amin noong kasagsagan ng bagyong si Ondoy.

“Di ba taga Baguio kayo, at doon nanggagaling ang maraming gulay na kinakain natin dito sa Metro Manila? Magtanim din kayo…”

“O-opo,” ang agad kung sagot para makaalis na siya.

Pero totoo ang sinabi niya, huwag lang umasa sa mga nagtatanim. Dapat ay magtanim ka rin ng iyong kakainin.

Naingganyo tuloy akong magtanim. Kinausap ko ang aking tatay at nanay kung gusto nilang magtanim kami ng mga sar-saring gulay sa paso at positive naman ang kanilang response sa aking proposal.

Kaya ngayon may taniman na kami ng gulay sa likuran ng aming bahay. Bumili pa ang aking tatay ng ilang hollow blocks para gawing patungan ng mga paso kung saan kami ay nagtamin ng kamatis, ampalaya, talong, petsay, at saka kalabasa. Kalabasa ang aking itinamin dahil mahilig akog kumain ng murang dahon at bulaklak nito.

Siguro mga ilang buwan din ang aabutin bago namin mapakinabangan ang aming mga pananim. Bumalik man sa normal ang daloy ng mga produktong gulay sa mga pamilihay ay itutuloy pa rin namin ang pagtatanim ng mga sari-saring gulay sa aming bakuran. Nagkaisip tuloy ako ng subukan din ang pagaalaga ng tilapia sa mga bariles at tangke ng tubig.

Pero kontra kaagad ang aking nanay at tatay dito. Masyado na raw na marami silang pagkakaabalahan. Ang totoo kasi kahit iyong mga tinanim kong kalabasa sa malaking paso ay sa kanila ko lang inaasa sa pangangalaga, hehehe.

Bakit nga ba Gustong-gusto ni KapitanKidlat na Pangalang Babae ang mga Bagyo?

October 6, 2009

Hindi ko alam kung ano ang nakain ng magaling na Kapitan at gusto niyang pangalanan ng Segundina ang susunod na bagyong darating sa Pilipinas. Mabuti na lang ulyanin na ang aking lola Gunding kung saan nila hinango ang aking pangalan. Kung hindi baka maghahalo ang balat sa tinalupan. But anyway sabihin na lang natin na nagbibiro lang si Kapitan dahil may training naman iyan sa gender equality at hindi ako naniniwala na may pagka-machismo siya. Kung hindi ko alam na naglalaba pa siya noon ng underwear at damit ng kanyang misis. Aminin?

Ito kasi ang mahirap sa ating kultura. Lagi na lang na ang mga lalaki ang nangingibabaw sa mga kababaihan (oo nga naman dahil lagi sila ang nakapatong kay misis) na hindi naman dapat!

Bakit nga ba na tuwing may problema sa tahanan na nauuwi sa hiwalayan ng mag-asawa ang babae lagi ang siyang sinisisi? I documented several cases kung saan ang babae ang sinisisi (instead of the man of the house) sa mga problemang may kinalaman sa home management at family affairs. At bakit naman parati na lang na ang babae ang nagpapasensiya, pinagpapasensiyahan ang kabulastogan ng kanilang mga asawa.

Recently ay napabalitang inurong na ng former live-in partner ni former governor Luis “Chavit” Singson demanda laban sa di umano’y pananakit sa kanya. Ang dahilan? Alang-ala sa kapakanan ng mga anak.

Yes, alang-ala sa mga anak. Iyan lagi ang sinasabi at basehan para manatili pa ang pagsasama ng mag-asawa kahit sukdolan na ang pagka-martyr ng kawawang babae; ang dakilang ina ng tahanan. Yes, ang babae na lang ang siyang unang nagpaparaya bagamat siya ang tanging naghihirap pagkatapos magpasarap ang mister. Yes, ang babae ay kailangan umunawa, magparaya at intindihin si “lalaki” alang-ala sa kapakanan ng mga anak at pamilya. Kawawang babae na ang tingin ng iba diyang asal Hudas ay “inaanakan” lang. Pati mga biyenan ay dapat unawain kahit maghapon ka pang pinaparinggan diyan. Kasi kung lumaban ka Neneng, ang tingin sa iyo ay maldita ka!

Ito ba ang gustong mangyari ni Kapitan Kidlat? Ang ipangalan ang mga bagyo sa pangalan ng mga babae dahil pabago-bago ang kanilang isip o ihip? E, bakit nga hindi pabago-bago, nililito sila ng lipunan. Kadalasan kapag sila’y sinaktan ay inaamo at sinusuyo upang huwag na silang magreklamo pa. sa maling trato sa kanila ng mga kalalakihan. Pati nga relihiyon ay nakikisama dito sa pagsasabing ang lalaki ang siyang puno ng tahanan kaya siya ang masusunod. Pastor, este pastora pa nga nagsabi nito Doc. Bobonyo.

So, Kapitan Kidlat gusto mong gawing feminine ang mga bagyo para kung sila’y makapaminsala man ng mga tahanan ay ang mga babae ang dapat sisihin? Ang gusto mo sa babae na lang ipangalan ang mga bagyo dahil mahina lang ang epekto nito kapag nanalanta. Hindi kagaya ng isang lalaki malawak ang pinsala. Bilib naman ako sa wisdom ng iyong ninong. Iyan ang klase ng kaisipan na nagdudulot ng diskriminasyon sa mga kababaihan sa lipunan.

Your machismo values regard every woman a weakling. Pero hindi mo ba alam na mahirap igupo ang isang babae kahit pandak pa siya? Ito kasi ang masama sa ating Christian values, nata-type cast kasi ang isang babae na masama, pinagmulan ng sumpa at kasalanan sa daigdig, at madaling matukso. Kaya kapag may nakita kayong magandang babae diyan ang unang papasok sa inyong isipan ay sex.

Women are no weakling and evil; neither a pushover. Are you with me ate Chi?

Bagyo Segundina? O, come on Kapitan. “Bagyo” sa katawan puwedi pa!

All About Typhoon Pepeng (Pepeng malaki, Pepeng madulas, Pepeng nakakatakot)

October 4, 2009

I thought typhoon Pepeng (internationad name Parma) has already left the country but it is not. It made a landfall on the northeastern tip of Cagayan destroying houses, uprooting trees, causing floods to low lying areas, and leaving 4 deads all over Northern Luzon. This is the strongest typhoon so far that hit the country since 2006. As of this writing there are still areas in Northern Luzon is without electricity. Pepeng was last located 210 north Northwest of Laoag City. Signal number remain hoisted in the Ilocos provinces of and flooding is still experienced in many places in the area. About 72,192 people are affected in the region.

Let’s pray for the safety of thousands of the typhoon victims who continue to suffer from the storm. I hope the storm will eventually exit the country.

Pepeng Malaki

Sa kasagsagan ng bagyong si Pepeng ay hindi maiwasan ng mga Pilipino ang di magbiro. Seguro paraan na rin ito upang mabawasan ang kanilang mga pangamba. Text message mula sa isang kaibigan: Pepeng malaki, malaki ang pinsalang iniwan sa kamag-anak naming naninirahan sa Aparri Cagayan.

Hehehe, akala ko kung anong Pepeng na ang malaki. Hindi kataka-kata kasi naka-anim na yatang anak iyong nag-text.

Pepeng Madulas

Nagtext naman si kumareng Lorena sa Baguio. Nakakainis ang Pepeng ito, masyadong madulas ang aking dinadaanan. Nadulas tuloy ako habang lumilipat kamit sa bahay ng aking biyenan.

“Mabuti iyong dinadaanan mo lang madulas hindi kasama iyong isa. Sige magingat na lang kayo diyan,” ang sagot ko. Kung nagkataon na iyong Pepeng na isa ang madulas baka may mabubuntis ka na naman, hehehe.

Pepeng Nakakatakot

“Wala nang natira pa sa mga puno mangga ninyo nabuwal lahat. Nakakatakot ang hagupit ng Pepeng ito.” Ito naman ang text message ni Tita Caring kay tita Alma na pinsan ng aking nanay na taga La Union.

Totoo naman kasi apat na ang nabalitang namatay, maraming kabahayan ang nasira, maraming pananim na palay ang di na mapapakinabangan, nagkalat ang mga sanga ng kahoy at puno ng kahoy sa gitna ng kalsada, nangabuwal ang mga poste ng kuryente, at may mga binahang lugar pa. Di ba nakakatakot iyon?

Pero minsan ay aksidenteng pumasok sa bukas na banyo ang maliit na apo ni Tita Caring na si Nancy kung saan ay wala siyang ano mang saplot sa katawan na naliligo. Nakita tuloy ng bata ang Pepeng nakakatakot sa dami ng talahib na nakapalibot. Napasigaw tuloy ang bata “Bumbay, bumbay, bumbay!” Hehehehe

Paano, sa Lunes ay pasukan na. Sana wala nang ulan pa at kawawa naman itong mga kababayan nating nasalanta na hirap-na-hirap nang magtanggal ng makakapal na putik at maglinis ng mga dumi na sanhi ng pagbaha dulot ng bagyong si Ondoy. Huwag pong mawalan nang pag-asa at may magandang bukas pang naghihintay para sa lahat.