Bakit nga ba Gustong-gusto ni KapitanKidlat na Pangalang Babae ang mga Bagyo?

Hindi ko alam kung ano ang nakain ng magaling na Kapitan at gusto niyang pangalanan ng Segundina ang susunod na bagyong darating sa Pilipinas. Mabuti na lang ulyanin na ang aking lola Gunding kung saan nila hinango ang aking pangalan. Kung hindi baka maghahalo ang balat sa tinalupan. But anyway sabihin na lang natin na nagbibiro lang si Kapitan dahil may training naman iyan sa gender equality at hindi ako naniniwala na may pagka-machismo siya. Kung hindi ko alam na naglalaba pa siya noon ng underwear at damit ng kanyang misis. Aminin?

Ito kasi ang mahirap sa ating kultura. Lagi na lang na ang mga lalaki ang nangingibabaw sa mga kababaihan (oo nga naman dahil lagi sila ang nakapatong kay misis) na hindi naman dapat!

Bakit nga ba na tuwing may problema sa tahanan na nauuwi sa hiwalayan ng mag-asawa ang babae lagi ang siyang sinisisi? I documented several cases kung saan ang babae ang sinisisi (instead of the man of the house) sa mga problemang may kinalaman sa home management at family affairs. At bakit naman parati na lang na ang babae ang nagpapasensiya, pinagpapasensiyahan ang kabulastogan ng kanilang mga asawa.

Recently ay napabalitang inurong na ng former live-in partner ni former governor Luis “Chavit” Singson demanda laban sa di umano’y pananakit sa kanya. Ang dahilan? Alang-ala sa kapakanan ng mga anak.

Yes, alang-ala sa mga anak. Iyan lagi ang sinasabi at basehan para manatili pa ang pagsasama ng mag-asawa kahit sukdolan na ang pagka-martyr ng kawawang babae; ang dakilang ina ng tahanan. Yes, ang babae na lang ang siyang unang nagpaparaya bagamat siya ang tanging naghihirap pagkatapos magpasarap ang mister. Yes, ang babae ay kailangan umunawa, magparaya at intindihin si “lalaki” alang-ala sa kapakanan ng mga anak at pamilya. Kawawang babae na ang tingin ng iba diyang asal Hudas ay “inaanakan” lang. Pati mga biyenan ay dapat unawain kahit maghapon ka pang pinaparinggan diyan. Kasi kung lumaban ka Neneng, ang tingin sa iyo ay maldita ka!

Ito ba ang gustong mangyari ni Kapitan Kidlat? Ang ipangalan ang mga bagyo sa pangalan ng mga babae dahil pabago-bago ang kanilang isip o ihip? E, bakit nga hindi pabago-bago, nililito sila ng lipunan. Kadalasan kapag sila’y sinaktan ay inaamo at sinusuyo upang huwag na silang magreklamo pa. sa maling trato sa kanila ng mga kalalakihan. Pati nga relihiyon ay nakikisama dito sa pagsasabing ang lalaki ang siyang puno ng tahanan kaya siya ang masusunod. Pastor, este pastora pa nga nagsabi nito Doc. Bobonyo.

So, Kapitan Kidlat gusto mong gawing feminine ang mga bagyo para kung sila’y makapaminsala man ng mga tahanan ay ang mga babae ang dapat sisihin? Ang gusto mo sa babae na lang ipangalan ang mga bagyo dahil mahina lang ang epekto nito kapag nanalanta. Hindi kagaya ng isang lalaki malawak ang pinsala. Bilib naman ako sa wisdom ng iyong ninong. Iyan ang klase ng kaisipan na nagdudulot ng diskriminasyon sa mga kababaihan sa lipunan.

Your machismo values regard every woman a weakling. Pero hindi mo ba alam na mahirap igupo ang isang babae kahit pandak pa siya? Ito kasi ang masama sa ating Christian values, nata-type cast kasi ang isang babae na masama, pinagmulan ng sumpa at kasalanan sa daigdig, at madaling matukso. Kaya kapag may nakita kayong magandang babae diyan ang unang papasok sa inyong isipan ay sex.

Women are no weakling and evil; neither a pushover. Are you with me ate Chi?

Bagyo Segundina? O, come on Kapitan. “Bagyo” sa katawan puwedi pa!

Tags: , , , , , , , , , , , , ,

4 Responses to “Bakit nga ba Gustong-gusto ni KapitanKidlat na Pangalang Babae ang mga Bagyo?”

  1. KapitanKidlat Says:

    Segundina ewan ko rin kung galit ka o nagbibiro ka, o gusto mo lang pag-usapan dito ang pananakit ng mga lalaki sa mga babae.

    Ako naman ay hindi macho, masunurin lang sa aking esposa at walang balak na magdiskrimineyt ng mga kababaihan.

    Sana naman huwag mo nang ipagsasabi na naglalaba ako ng underwear ng aking misis. Totoo iyon dahil mahal na mahal ko siya at gustong-gusto ko ang amoy ng kanyang panty at bra.

    Pero naninindigan pa rin ako na dapat ay ibalik iyong tradisyonal na pagpapangalan natin ng mga darating na bagyo. Bakyang pakinggan kasi itong mga ipinapangalan nila sa mga bagyo ngayon. Ondoy for example, bakit hindi Onding.

  2. KapitanKidlat Says:

    Maganda kasing pakinggan iyong may ing. Ing-Ing, hehehe.

  3. williamklose Says:

    gusto ko lang i-share sa inyo itong na discover kong video sa youtube. napaka ganda ng pilipinas parang si seg at si mer. he he he…

    just click the link above.

    thanks

  4. secondlady Says:

    Thanks for sharing us the link William. Maganda nga ang Pilipinas ngunit sa pagdaan ng mga panahon ay pumangit na dahil na rin sa kagagawan ng mga iba na walang malasakit sa kanilang kapaligiran. Ngayon naniningil na ang inang kalikasan.
    Naaawa ako sa mga kababayan kong namatayan ng mga kaanak at nasira ang kanilang mga ari-arian dahil sa landslide. Grabe na itong nangyayari sa atin. Sana ito na ang panahon na magkaisa tayong lahat para mahalin, pangalagaan at igalang ang ating kapaligiran.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: