Maha-highblood ka sa pagkain ng gulay…

Mag-ingat marami nang naha-highblood sa pagkain ng gulay. Pambihira mahilig pa naman akong kumain ng gulay lalo na iyong mga nanggagaling sa Benguet at Mountain Province. Pero dahil sa pananalanta ng mga bagyong sina Ondoy at Pepeng ay maraming nasira ang mga pananim at taniman ng gulay. Resulta tumaas ng triple ang presyo ng mga gulay. Sabi nga ng isang mamimili ay mas mabuting bumili na lang siya ng karne kay sa gulay. Kaya ito ngayon ang biroan, huwag ka nang magbalak pang kumain o bumili ng gulay dahil maha-highblood ka sa taas ng presyo nito.

Kaya ano na ang ating gagawin ngayon. Buwan pa ang abutin bago makapagtanim at makapag-ani ng gulay itong mga vegetable farmers natin? Back to green revolution na naman siguro tayong lahat. Iyong kapit-bahay naming retired public school principal at nangangapit-bahay na para manghingi ng mga lata ng gatas at biscuit upang pagtaniman niya ng mga sari-saring gulay. Nawika ko tuloy sa aking sarili, takot din pala itong maatake sa puso sa sobrang kamahalan ng presyo ng mga gulay.

“Practical lang tayo Seg, kung sa palengke at supermart ka lang aasa ng iyong kakainin ay walang mangyayari sa iyo. Lubog pa sa baha ang malaking bahagi ng mga taniman natin ng gulay at palay. Kailangang tulungan natin ang ating mga sarili. May pera ka nga, wala ka namang mabibili.”

“Tama po kayo ma’am, tayong mga nasa urban centers ay puwedi ring makibahagi sa food production sa pamamagitan ng container gardening,” ang sagot ko sa kanya habang inaabot ko ang dalawang basyong lata ng biscuits na binili ko para sa amin noong kasagsagan ng bagyong si Ondoy.

“Di ba taga Baguio kayo, at doon nanggagaling ang maraming gulay na kinakain natin dito sa Metro Manila? Magtanim din kayo…”

“O-opo,” ang agad kung sagot para makaalis na siya.

Pero totoo ang sinabi niya, huwag lang umasa sa mga nagtatanim. Dapat ay magtanim ka rin ng iyong kakainin.

Naingganyo tuloy akong magtanim. Kinausap ko ang aking tatay at nanay kung gusto nilang magtanim kami ng mga sar-saring gulay sa paso at positive naman ang kanilang response sa aking proposal.

Kaya ngayon may taniman na kami ng gulay sa likuran ng aming bahay. Bumili pa ang aking tatay ng ilang hollow blocks para gawing patungan ng mga paso kung saan kami ay nagtamin ng kamatis, ampalaya, talong, petsay, at saka kalabasa. Kalabasa ang aking itinamin dahil mahilig akog kumain ng murang dahon at bulaklak nito.

Siguro mga ilang buwan din ang aabutin bago namin mapakinabangan ang aming mga pananim. Bumalik man sa normal ang daloy ng mga produktong gulay sa mga pamilihay ay itutuloy pa rin namin ang pagtatanim ng mga sari-saring gulay sa aming bakuran. Nagkaisip tuloy ako ng subukan din ang pagaalaga ng tilapia sa mga bariles at tangke ng tubig.

Pero kontra kaagad ang aking nanay at tatay dito. Masyado na raw na marami silang pagkakaabalahan. Ang totoo kasi kahit iyong mga tinanim kong kalabasa sa malaking paso ay sa kanila ko lang inaasa sa pangangalaga, hehehe.

Tags: , , , , , , , , , , , ,

8 Responses to “Maha-highblood ka sa pagkain ng gulay…”

  1. Mrivera Says:

    Seg, puwede ‘yan sa inyong may mga kaya sa buhay, magtanim ng gulay sa mga paso upang may anihin dahil napakataan nga ng presyo sa pamilihan.

    Ako ang problema ko at iniisip ay ‘yung pagbili ng malalaking paso upang pagtayuan ng poste ng aking binabalak na itayong bahay. Wala kasi akong sariling lupa at lalong wala pang bahay.

    Totoo ito, hindi ako nagbibiro!

  2. Mrivera Says:

    …..dahil napakataas nga ng presyo sa pamilihan.

  3. Segundina Says:

    Kuya Mags, may awa po ang nasa itaas. Alam po niya ang pangangailangan ng bawat isa sa atin. Pasasaan po ba kung hindi magkakaroon din kayo niyang minimithi ng inyong puso. Anong malay po natin, bukas makalawa may magara na kayong tahanan.

    Si Mer po pala ay may problema ngayon. Nakabili siya ng bahay na hinuhulog-hulogan niya sa Marikina. Sabi nga niya nandiyan na iyan kaya nagiipon siya ngayon upang gawing two-story na.

    Sabi ko nga sa kanya ay mag-abroad muna siya. Who knows after two years ay matatapos iyan kaagad. Pero sobrang mahal ni Mer ang Pilipinas at ayaw iwanan ito kahit tumanda pa siyang dalaga. Oopps, hehehehe.

  4. williamklose Says:

    tama si seg tito mags. wag kayong mag-alala kunting tiis na lang at magkakaroon din kayo nyan. ishe-share ko lang yung story ng mga parents ko. sabi nila sa amin magkakapatid dati, sila daw ay nakatira lang sa silong ng isang bahay. walang magandang trabaho ang daddy ko kasi hindi pa sya nakakatapos mag-aral ng magsimula silang magsama ng nanay ko. nag-usap ang daddy ko at nanay ko kung sino sa kanila ang magpapatuloy mag-aral at napagkasunduan nila na ang daddy ko na lang ang magpatuloy. nagtrabaho ang daddy ko habang nag-aaral. ang nanay ko naman ang na iiwan sa bahay at nag-aalaga sa ate ko. minsan daw wala silang maiulam kundi asin lang o kaya humihingi daw sila ng mantika na pinagpritusan ng baboy o baka. ang ate ko naman ay naggagatas ng “am” (hindi ko alam kung tama ang tawag dito). nakatapos ang daddy ko at nakakuha ng mas magandang trabaho. nang makapag-ipon ng kaunti nagtayo ng maliit na karinderya ang nanay ko para makatulong sa pang araw-araw na gastusin. na isilang ang isa ko pang kapatid na babae at ako naman ang huli. nakapagpatayo kami ng sarili namin bahay habang doble dobleng kayod ang ginagawa ng aking mga magulang. dahil sa sipag at tiyaga ng aming mga magulang napagtapos nila kaming lahat sa mga magagandang unibersidad at sa mga kursong gusto namin. ngayon nasa amerika na ang aking mga magulang kasama ng sinundan kong kapatid (babae sya). ang panganay naman naming kapatid ay nagtatrabaho sa isang bangko. sya ang nakatira doon sa bahay namin ngayon kasama ang isang kasambahay at ang aking paboritong tyahin. at ako naman ay na dito sa middle east at nagtatrabaho bilang engineer.

    tito mags may awa ang Dyos at makakakuha din kayo ng sarili nyong bahay. minsan kasi tito mags lakasan lang ng loob ang pagbili ng mga properties. ako kasi tito mags nakabili ng isang maliit na farm dyan sa may bulakan. ito ay isa sa mga pangarap ko. kaya lang dahil sa dalawang bagyong dumating sa atin, nasira yung mga pinatanim ko at nalugi ako. pareho kami ni mer na naging prensipyo ngayon. na dyan na yan, tanggapin at bumangon na lang uli. ang tingin ko pa nga sa sarili ko ay “bless” ako kasi ang affected lang sa akin ay mga materyal na bagay lamang hindi katulad ng iba na buhay ang nawala sa kanila.

    ang kailangan ng bawat isang pilipino ngayon ay yung faith and trust sa Panginoon. yan kasi ang pinanghahawakan ko palagi para lumakas ang loob ko. iniisip ko rin kasi ang future ng magiging future family ko pag-ibinigay na ni Lord yung magiging reyna ko. pero syempre ayoko ng matapobre. he he he….

    KAYA NATIN ‘TO TITO MAGS!!!

  5. Mrivera Says:

    Alam n’yo, ganyan din ang payo ko sa iba noon. Noong akala ko ay ganun lang kadali ang kahulugan ng pagsasabing “kaya mo ‘yan!”.

    Ganun pa man, maraming salamat sa inyong pampalakas loob na encouraging words.

    Sa edad kong ito, marahil hindi na mangyayari ‘yun. Sandali na lamang ang ilalagi ko sa mundo.

    Leksiyon na rin siguro ito at kasaysayan ng isang buhay na maaaring gawing halimbawang hindi dapat pamarisan ng mga katulad ninyong kabataan.

    Mapalad kayo sapagkat hawak ninyo pa ang pagkakataon upang mapaunlad ang inyong mga buhay tungo sa magandang kinabukasan.

  6. cindyrella Says:

    di ako mahilig kumain ng gulay pwera lang pag sinigang na ang ulam, pero kung mahal na ang bilihin naku magpo- pork na lang ako or chicken, sa totoo nga lang sa sobrang pagkain ko ng karne at feeling ko aatakihin na ako minsan, di nga seryoso ako! sa edad kong to.

    sa totoo lang din gusto kong magtanim na lang at para makatipid ay doon na ako kukuha ng pagkain sa tanim ko pero paano ako magtatanim sa hk? paano???

  7. secondlady Says:

    Cindy sa paso puwedi. Instead na bulaklak ang ilalagay mo sa iyong flower base, puwedi na sigurong palitan ng kangkong o di kaya ampalaya, hehehehe. Sa backyard ng inyong bahay ka na lang magpundar ng iyong vegetable garden.

  8. secondlady Says:

    Kuya Mags,
    Tama po kayo na talagang mahirap umpisahan ang isang bagay. Pero tama din po ang kaisipan na ang lahat ay nagsisimula sa mga maliliit na bagay.
    Tama ka Willam kailangan talaga na tanggapin natin ng katotohanan na hindi lahat ng pagkakataon ay maganda ang panahon. Si Mer hindi lang nagkukuwento pero alam ko nadismaya din siya sa nangyari sa kanyang bahay. Pero bilib ako sa kanya, nagagawa pa niyang tumulong sa iba kahit siya mismo ay isa ring biktima. Hindi nga lang direktang nakatira siya sa Marikina at pinapaupaan lang niya ang kanyang bahay.
    Naku Mer magkuwento ka nga.
    Siya nga po pala nadamay din sa landslide ang mga pinsan ng nanay ko sa Benguet. Nasira lahat ang kanilang mga pananim. Pero nakangiti pa rin sila, at least nakatayo pa ang kanilang bahay ay walang nasaktan sa kanila. Malayo ng sila sa Landslide, mga pananim naman nila ay binaha.
    Ganyan talaga ang buhay maraming dinaraanan na pagsubok. At tayong mga may kakayahang tumulong ay ligaya nang ituturing natin na bawat taong nangangailangan na naaabutan natin ng munting tulong ay malaking bagay na ito para sa kanila.
    Ako’y natutuwa at maraming nanonood sa isang teleserye na kapupulotan ng araw, ang May Bukas Pa. At ang sarap pakinggan mula sa bibig ng isang bata ang mga salitang “magtiwala ka kay Bro.”
    Ito’y aral na nangyari sa aking buhay, kasi nang nabigo ako sa… at damay pa ang isang alagad ng simbahan ay ayaw ko nang pag-usapan pa ang tungkol sa relihiyon. Pero napagtanto nang kalaonan na tao lang pala ang aking kausap at hindi Diyos. Natoto akong magpatawad at magparaya.
    Tama na…. naiiyak na ang byuti ni ka Segundina, hehehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: