Don Paquito Matulungin

Noong kabataan niya siya’y hinahabol ng mga magagandang babae. Pinagaawayan siya ng kanyang mga kasintahan. Dahil dito ay kinaiinggitan siya ng mga kalalakihan. Bakit nga po hindi guwapo siya at isang sikat na artista nang kanyang kapanahonan.

Yumaman siya sa kanyang sariling pagsisikap at pagpupunyagi sa buhay. Kahit wala siyang mataas na pinag-aralan ay nagawa niyang maglingkod sa mga mahihirap sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga proyektong pangkabuhayan. Ayaw niya ang dole-out dahil natototo ang mga tao na maging tamad at pabigat lamang sa iba. Kahit sinasabi nilang mangmang si Don Paquito ay mapagmasid ito sa kapaligiran at marami siyang mga bagay na naiisip para umunlad ang kanyang bayan. Alam ni Don Paquito na kapag nagamit ang lakas, dunong, at kakayahan ng mga tao sa tama ay nagbubunga ito ng pagasenso ng ating bansa. Kung papaano, ito ang kanyang kuwento.

Kilalang-kilala si Don Paquito sa bayan ng Bagong Umaga, dito ay naging mayor siya kung saan ay walang tulong na ibinigay ng provincial at national governments sa kanya dahil nahahanay siya sa mga oposisyon. Resulta, ni kusing ay walang ibinigay na tulong sa kanya.

Pero hindi ito naging sagabal sa kanya para paunlarin ang kanyang bayan. Gusto kasi ng mga kalaban niya sa pulitika na magalit ang mga tao sa kanya at nang matalo siya sa susunod na election. Nagkamali sila dahil resourceful pala si Don Paquito. Nakipag-ugnayan siya sa mga NGOs, community organizers, mga Unibersidad at institusyon na may kapasidad na maghatid ng community extension program para sa kanila. Resulta nagkaroon ng community mobilization at naitatag ang mga ibat-ibang livelihood and social development projects sa lahat ng mga barangay sa Bagong Umaga. Bawat Barangay ay may isang NGO o Extension Service Program na umaalalay sa kanila.

Mahirap sa umpisa ngunit kailangang imulat ni Don Paquito na kailangang magkaisa at magkaroon ng tiwala ang mga tao sa kanilang sarili upang makamtan ang pag-asenso. Unti-unti ay naitatag ang mga samahan, kooperatiba, skills development training, values formation and social empowerment program for family, youth and children. At dito napatunayan ni Don Paquito na tama pala ang mga naiisip niya noon; upang umunlad ang mga tao kailangan ang paggamit ng internal at saka external resources. Internal ay kung ano ang maiaambag ng mga tao kagaya ng labor, materials, land, etc. At sa external naman ay iyong tulong pinansiyal at teknikal.

Sa kabuoan ng panunungkolan ni Don Paquito ay nagkaroon ng farm to market roads, mga inpraestraktora para sa “livelihood training at social mobilization centers”, mga pasilidad at kagamitang pang-eskuwela, cottage industries, cooperative fishery projects, cooperative farming, health services and facilities, at mga recreation centers para sa mga kabataan at gayon din sa mga matatanda.

Nadiin din sa kaisipan ng bawat mamayan ng konsepto ng sustainable development. Para manatili ang kanilang kaunlaran kailangang bantayan ang kanilang kapaligiran; panatiliin ang malinis, mapayapa, maayus, at magandang komonidad. Mga tao na mismo ang nagroronda para walang makapasok na magnanakaw at masasamang loob sa kanilang lugar, huwag masira ang kanilang kaunting kagubatan, ang madumihan ang kanilang mga ilog, at ang magkaroon ng tamang paraan sa pagsasa-ayos ng kanilang mga basura. Ang mga waste plastic products po ay iniimbak at ginigiling upang gawing construction materials, ang mga bote at bakal naman ay ibinibenta, at ang mga nabubulok na basura ay ginagawang fertilizer.

Dahil dito ang bawat barangay ay may cooperative farm and gardens at in-land fish culture. Marami din sa mga tao ang nagaalaga ng native na manok at baboy, may kambingan, at bakahan. Lahat ng mga alaga ay nakatale o nasa kulungan para di makapaminsala. Mahigpit din ipinapatupad ang paglilinis ng tirahan ng kani-kanilang mga alagang manok, baboy, kambing, baka, at mga iba pa.

Sa ngayon ay marami pang gustong gawin ang mga tao para lalo pang umunlad ang kanilang pamumuhay. Ang mahalaga bawat kabahayan ay hindi na basta umaasa na lamang sa gobyerno at mga pribadong ahensiya at organisasyon. Sila na na mismo ang kumikilos para sa kanilang kabuhayan at samahan. Ang mahalaga kahit salat sa yaman ang karamihan ay wala namang nagugutom. At take note, mura ang presyo ng bilihin sa pagkain dahil marami sa mga tao mismo ay nagpo-prodyus ng kanilamg makakain. Ang mga sobra nilang produkto na pagkain kagaya ng mais, bigas, gulay, karne at mga iba pa ay ibinebenta naman sa mga negosyante na nagdadala ng mga ito sa Kamaynilaan.

Si Don Paquito naman ay isang role model sa kanyang mga kababayan. Hindi siya nagsusugal, naglalasing, at nambababae. Ang kanyang asawa ay inilaan naman ang kanyang panahon para sa mga samahan ng mga kababaihan at kanilang pinagtutuonan pansin ang pagmamahalan at relasyon ng bawat miyembro ng isang tahanan. Ang mga anak naman ni Don Paquito ay nasa medical propesyon lahat at bawat taon ay umuuwi sila sa Bagong Umaga para mag-medical mission.

Sa ngayon ay gusto nang magritero ni Don Paquito sa paglilingkud sa kanilang bayan bilang isang elected official. Bawat opisyal ng kanilang bayan na kanyang nasasakupan ay hinuhubog niya sa disiplina at katapatan sa paglilingkod publiko. Umaasa siya na sa pagbaba niya sa puwesto isa sa kanila ang susunod sa kanyang mga apak.

Tags: , , , , , , , ,

22 Responses to “Don Paquito Matulungin”

  1. Cocoy Says:

    Si Don Paquito ay isang huwaran na dapat pamarisan par umunlad ang bayan.

  2. chi Says:

    Meron bang ganyan na elected official sa Pinas? Gawin nating presidente.

  3. JoeSeg Says:

    Segundina

    Sure ka bang mayroong isang katulad ni Don Paquito Matulungin na nabuhay sa larangan ng pulitika sa Pinas? Baka nga mayroon, hindi ko lang siguro nabasa kung nakatanggap sya ng Award from DILG sa kategoryang Galing Pook Award.

    Mantak mo naman, magandang lalaki, tipong ta-artits at matulungin dahil madatung. Wala talagang tatalo sa kanya kapag ganyan ang qualification ng isang Don Paquito. Kung sa darating na panahon ay kakandidato si PareCoy, pwede siyang ikumpara kay Don Paquito.

  4. chi Says:

    Hahaha! Baka si d’coycoy ang inspirasyon ng karakter na yan.

  5. Colegialagirl Says:

    Hehehehehe, iyong unang nag-comment ang aking manok! Mangangampanya pa ako para maging presidente ang d’Cocoy!

    Marami po diyang Don Paquito Matulungin na hindi pa lumalantad. Isa na diyan si Among Ed. Kahit pinagkakaisahan siya ng mga pulitikong galit sa matapat niyang paglilingkud ay hindi niya inaalintana basta umiral lang ang makatotohanan at hindi maanomalyang paglilingkud sa bayan.

    Pangarap lang ba ito Seg?

  6. KapitanKidlat Says:

    Magugunaw na ang buong Pilipinas kapag nag-surface ang ganyang pulitiko.
    Baka hanggang pangarap na laang ang ganyang character. Sana nga ay magkatotoo ang panaginip mo Seg. Dahil ako ay hindi ninyo maaasahan na maging 100 percent na tapat always.Lol

  7. chi Says:

    Kap, ano ang katapat mo para sa 0.001% na lisya? hahaha!

  8. KapitanKidlat Says:

    Mas mataas ng kaunti doon mare, hehehe.

  9. KapitanKidlat Says:

    Siguro ilagay natin na ang aking honesty rating ay below 30 percent lang pero mas mataas naman ng di hamak sa Malacanang, hehehe.

  10. KapitanKidlat Says:

    Seg nagdeklara na ng giyera itong si Erap, kagaya ni Bonifacio ay susugod din siya sa larangan ng eleksiyon sa pagkapangulo.

    Ano di ba dapat payagan na siya, tutal malakas naman iyong si Sen. Noynoy at tiyak na ilalampaso lang niya sa election. Huwag nang harangan si Erap. Dito natin malalaman kung talagang magaling pumili ng pangulo ang mga Pilipino.

    Ano ang sey mo prinsesa Segundina?

  11. chi Says:

    Payagan na ang matandang yan at nang magkarun na ng closure. 60% na raw ang approval rating ni Nwooy so walang problema. Alikabok lang ang mapupunta kay Asiong kung gayun.

  12. KapitanKidlat Says:

    Mare,
    Masaya itong halalan na darating. Huwag laang magkadayaan. Whoever wins ayus lang sa akin.

  13. Colegialagirl Says:

    Huwag po ninyong ismalin si Asyon dahil hanggang ngayon ay marami pang buhay na nakapanood ng kanyang pelikulang Asyong Salonga. Hahahaha.

  14. Colegialagirl Says:

    I mean marami pa siyang buhay na fans na nakapanood ng Asyong Salonga

  15. Mrivera Says:

    Mer,

    Para mo nang sinabi na kami nina Kap, Pareng Cocoy at Preng Joe ay mga nilumutan na ng panahon.

    Alalahanin mo, ang alak habang iniimbak ng napakahabang panahon ay lalong sumusuwabe at sumasarap.

    Di ba, Kap?

  16. Segundina Says:

    Mer payong kapatid lamang huwag kang masyadong nagdidiin dito ng mga bagay-bagay na may kinalaman sa mga paglipas ng panahon.

    Alalahanin mo na damo lang ang tumatanda hindi kabayo; na ang ibig sabihin ay age is only a number of years not exactly how a person thinks and acts. There is no such thing as matandang kabayo, ang mayroon ay iyong tinatawag ni kuya Mags na aging sweet wine. Kung minsan nga ay mas masarap pa magmahal ang middle age kay sa mga twenties at thirties.

    Kung sinasagot mo ba naman kasi si Dr. Gilagid ang retiradong PHD (Public Health Dentist) na kapit-bahay ninyo e di malalaman mo kung papaano magmahal ang isang sweet aging wine, hehehehe.

  17. KapitanKidlat Says:

    Pareng Mags tama ka diyan. Ito lang kasing mga young ladies ay walang bilib sa mga tulad nating beterano na sa buhay. Kay dali nilang humusga nang di naman sinusubukan kung hanggang saan ang ating kakayahan.

    Try us ladies…

  18. KapitanKidlat Says:

    Seg, medyo hindi ako kumportable sa paggamit mo ng salitan sweet aging wine. Progressive ang dating. Hindi ako sigurado pero ang dating ay patanda nang patanda na kami, hehehe.

  19. Mrivera Says:

    Tama si Kap.

    Huwag ng pag-usapan ‘yang pagtanda. Pagmamahal na lang.

    Masakit din basahin, eh.

    Basta ‘wag din isasama ‘yung rarayumahin, hane?

    He he he heeh!

  20. Mrivera Says:

    Seg,

    Puwede ba, huwag mo nang ingglisin ‘yung alak na inimbak?

    Plis lang.

    Para mo nang tinatarak ng punyal ang dibdib ni Kapitan.

  21. Doc.bobonyo Says:

    Mga kapatid, wala sa edad ang pagtanda ng isang tao. Nasa isip lang iyan. Iyong Pastor namin ay 70 years old na pero parang teenager pa siya kung kumilos. Bakit? Wala siyang negatibong iniisip sa buhay. Lahat ay positive. Kung may problema siya ay itinatambak niya lahat kay Lord. Ewan ko kung paano niya ginagawa pero sa nakikita ko sa kanya ay mas malakas pa siya sa akin.

    It’s all in the mind. Pero huwag din nating kakalimutan na paminsan-minsan ay kumonsulta tayo sa mga doktor para iyong kaunting karamdaman ay malunasan at nang di lumala.

    Kumonsulta kayo sa doktor na walang sinasabi, I mean iyong hindi naniningil ng malaki. Baka sa consultation fee pa lang ay aatakehin na kayo sa puso. Hanapin po ninyo ang mga Public Health Doctors natin sa mga RHU.

  22. Mrivera Says:

    Dok, Pwede ba’ng lista muna? Pati gamot na rin, hane?

    He he he he heeeh!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: