“Same to you, sit down government…”

Narinig ko lang ang kuwentong ito kay lola Caring nang minsang nagbakasyon siya sa Pilipinas pagkatapos ng mahabang panahong paninirahan nila sa Europe kung saan ang anak niyang si tita Inday ay nakapag-asawa ng isang matandang Aleman.

Noong kabataan pa ni lola Caring ay pumasok siya bilang isa sa mga kasambahay ng mayaman ngunit matanda nang pulitiko. Matagal nang byudo ang pulitiko ngunit muli siyang nag-asawa nang maakit siya sa napakaganda, sexy, makinis, maputi, at malambing niyang kasambahay. Niligawan niya ito, niregalohan ang mga magulang ng ilang ektaryang lupaing at isang maliit na traktora upang magamit sa pagsasaka. Dahil dito ay hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang dalaga at sinagot agad ang matandang pulitiko.

Dahil sa kahirapan ay ni hindi man lang nakapagtapos ng elementary ang babae. Ngunit hindi ito dahilan upang hindi siya mahalin at paligayahin ng kanyang mister na isang kilalang pulitiko. Iyong nga laman kung may mga matataas na taong bisita ang pulitiko ay nasa background lang si misis na taga-utos sa mga katulong. Ngunit ng madalas nang tanonging at hanapin sa kanya si misis ng kanyang mga bisita ay nagpasya itong iharap sa kanila. Pero bago iyon ay binigyan muna siya ng mga tips at training kung papaano humarap at makihalabilo sa mga bisitang pulitiko, opisyales ng gobyerno, propesyonal, at may sinasabi sa buhay.

Sa umpisa ay madalas pumalpak at pagtawanan si misis. Ngunit sa kalaunan ay natoto na rin siya humarap at makihalabilo sa ano mang uri ng mga bisita. Bagamat isang istupida ang tingin ng marami sa kanya ay labis naman siyang hinahangaan, o kaya’y pinagnanasaan, ng mga kaibigang pulitiko ni Mr. Politician. Naging popular tuloy ito sa kanilang bayan at probinsiya dahil sa pagiging friendly ng kanyang misis.

Dumating ang lokal na halalan at si Mr. Politician ay kinuhang running mate (for vice-governor) ng nakaupong gubernador sa kanilang probinsiya na isang ring reeleksyonista. Malakas ang hatak ni Mr. Politician sa tao dahil kay Misis na laging hinahanap ng mga tao tuwing may campaign rally sila. Natuwa naman dito ang gubernador dahil pati siya ay lalo pang napapalapit sa puso ng mga botante.

Ngunit isang linggo na lang bago ang halalan ay biglang inatake si Mr. Politician sa puso na siyang ikinamatay nito. Nagluksa ang buong probinsiya sa kanyang pagkamatay kung saan pati na rin ang mga kalaban sa pulitika ay nakipaglamay at nakiramay pa sa kanya. Kaya naman napagpasyahan ng partido na si Misis na lang ang papalit sa kanya bilang kandidato sa pagka-bise gubernador. Dahil dito ay pinuntahan siya mismo ng gubernador upang kumbinsihin na pumalit sa kanyang mister.

“Condolence Mrs. Politician,” ang bungad na salita sa kanya ni governor.
Malungkot ngunit nagawa pa ring ngumiti ni Misis sabay sabi: “Same to you, sit down government.”

To cut the story short pumayag si Misis na maging kapalit ng kanyang mister na kumandidato sa pagka-bise gubernador at nang matapos ang halalan ay siyang nanalong Vice-governor. Kaya nang iproklama sila ng COMELEC na nanalo sa pagkagubernador at pagka-bise gubernador ay hindi maiwasang tanungin sila ng mga taga Media kung ano na ang kanilang mga plano bilang mga halal na opisyales ng probinsiya.

Si governor ang unang nagsalita. Pinasalamatan ang mga bomoto at sumuporta sa kanila. Kabuhayan, kaunlaran, kapayapaan ang tanging sagot ni governor na kanyang tututukan sa kanyang pagkakahalal muli bilang pinuno ng probinsiya.

Pagkatapos ni governor ay si Misis Politics naman ang kanilang tinanong.

“Mrs. Politics, now that you are elected as the vice-governor of this province can you tell us what are your plans?”

Ngumiti lang si Misis Politics. Mamaya ay nagsalita na. Inaabangan naman ng marami ang kanyang sasabihin. Halos hindi na humihinga ang lahat sa sobrang excitement kung ano ang sasabihin ng bagong halal na bise-gubernador.

“P-plans, hehe. A, you mean plants? I have plenty like malunggay, eggplants, ampalaya, kalabasa and ornamental plants!”

Siya nga naman, plants pala at hindi plans, hehehehe.

Tags: , , , , , , , , , ,

5 Responses to ““Same to you, sit down government…””

  1. KapitanKidlat Says:

    Sa mga kurakot at abusadong elected officials baka mas bagay ang ganitong statement “shame on you, shit down government.” Hahaha!

  2. Doc.bobonyo Says:

    Tignan mo nga naman ang buhay, kung sino pa iyong mga nakapag-aral at may kakayahang mamuno ay sila pa iyong mga nasa tabi-tabi lamang at hindi nagagamit ang kanilang dunong. Siguro nga masasabi na rin natin na hindi sila nabigyang ng pagkakataon o hindi talaga sila nagpursigi upang maging pinunong lingkud bayan.

    Mahalaga pa rin ang may pinag-aralan. Alam nating lahat ang kahalagahan ng edukasyon dangan nga lamang ang mga iba ay napagkaitan dahil sa sobrang kahirapan at kakulangan sa buhay. Sa pangaraw-araw na nga lang na pagkain nila ay hirap pang matugonan ito.

    Kaya nga mayroon tayong libreng edukasyon para sa elementary at secondary education… ngunit kahit libre pa ang mga iba ay wala pa ring kakayahang mag-aral. Una may kapurolan ang mga utak dahil sa malnutrition, pangalawa wala talaga silang maibabaon papuntang eskuwela.

    As educators kayo Kap, Mer, and Segundina may iba pa bang paraan para malunasan ang ating problema sa illiteracy maliban lang sa pagpunta sa mga paaralan? Wala bang alternative educational system kung saan ang eskuwela na mismo ang pupunta sa mga kabahayan kung saan nandoon ang mga batang hindi makapag-aral?

    And the last but not the least, di ba karamihan sa mga batang hindi nakapag-aral ay dinadala ng mga magulang sa kanilang sakahan upang tumulong? Walang masama kung tuturoang magsaka o maging mahusay na mangingisda ang ating mga anak pero kailangan pa rin nila ang magkaroon ng basic education.

    Ang kamangmangan kasi ay isa ring uri ng pagkabilanggo. Hanggang di nakakalaya ang isang tao sa kamangmangan ay hindi niya maisagawa ng mahusay ang kanyang mga functions bilang isang mamamayan. Madali siyang utoin at pagsamantalahan. Bukod pa diyan ay wala siyang maiaambag na substantial contribution for the good of his society and community. May kasabihan, the truth shall set you free. The truth is also available to everyone equipped with adequate knowledge and learning.

    Maaring mali ako pero karamihan sa mga bigo at di umuunlad sa kanilang kabuhayan ay iyong mga mangmang at di man lang nakatuntong sa pinaka-basic na porma ng edukasyon.

  3. Colegialagirl Says:

    Doc.B may alternatibong paraan para sa edukasyong pammasa kung saan ay aktibo dito ang mga NGOs. This is a combined literacy and livelihood training program. Component din ng programang ito ang tinatawag nilang livelihood and social education kung saan ay tinuturuan ang isang tao ng mga bagay-bagay tungkol sa kanyang karapatan at responsibilidad bilang isang mamamayan. Essental din sa ganitong klase ng edukasyon ang communication skills, simple mathematics, environmental awareness at health education. May kasanayan din dito ang isang estudyante sa arts and culture. In short we can call this education for life and service.

  4. Colegialagirl Says:

    Ito ang isa sa mga expertise ni Segundina. May ganitong project na siyang hinawakan noon.
    Seg, paki-explain mo nga kung papaano ninyo naimplement ang ganitong project noon sa mga liblib na pook at barangay.

  5. Doc.bobonyo Says:

    Girl,
    Ang sinasabi mong education for life na naging project ninyo ni Segundina ay mga pilot projects lang. At kung naging successful man ang mga ito ay dapat matularan sa mga ibang lokasyon.
    Maganda itong layunin na ito kaso limitado ang mga institutions na gumagawa nito. Ewan ko kung ang DepEd ay may kakayahang gawing regular program na nila ito.
    Sa totoo lang mga kaibigan napakalawak ang problema natin ng illiteracy. Marami pang mga Pilipino ang dapat matutong bumasa at sumulat. Papaano na iyan mayroon din tayong problema sa tinatawag nilang functional illiteracy.
    Hindi ako educator, isang mapagmasid lang na mamayan, pero alam ko na may mga dapat bagohin sa ating educational system. Una, ang ating edukasyon ba ay nabalangkas para pagsilbihan ang bayan at tugunan ang mga karunongang kailangan ng ating bansa? Hindi kaya ang ating edukasyon ay nabalangkas para pagsilbihan ang interest ng ibang bansa na nangangailangan ng cheap labor mula sa atin?
    Aminin natin na karamihan sa mga bumubuhay na sa ating mga kababayan at ekonomya ng bansa ay ang mga OFW. Ito ang masaklap, ang labor exportation pa natin ang tila naging basehan sa pagbalangkas ng ating curricular program magmula elementary, secondary, at hanggang sa tertiary level.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: