BITAYIN ANG COMELEC

BITAYIN ANG COMELEC! Iyan ang isinisigaw ni aling Viring pagkatapos siyang pumila ng matagal ngunit hindi pinalad na makapagrehistro kahapon. Siya pa ang sinisi ng mga taga COMELEC kung bakit late na daw siyang nagparehistro.

Ngunit bakit siya sinisisi e noong una pa ay napakabagal na at walang ibang sistema o paraan man lang ang COMELEC para mapabilis ang registration ng mga botante. Bakit hindi gawing user friendly ito at kahit sa mga Malls ay may registration booth na doon. Kulang sa creativity itong COMELEC. Mahina dumiskarte hinde kagaya ng LTO at NBI. Maano man lang na magbayad ka ng isang daan kapalit ng mabilis at maginhawang serbisyo.

Sabi nga ni aling Viring sanay o nakasanayan na raw ng COMELEC ang mabagal na proseso o pagkilos. Sa bilangan nga ng mga boto ay sobrang mabaga o sadyang binabagalan nila noong araw. Ngayon at computerized election na marami naman hindi makakaboto dahil sa sadyang kupad kumilos nitong mga tauhan ng COMELEC. Bakit nga ba di mag-online na lang sila para sa pagfill-up ng application forms at sa verifications na lang ng mga documents at sa biometrics na lang pipila ang mga tao? At sa online na ring makukuha ang iyong number at saka oras at petsa nang iyong pag-personal appearance doon. Sa online ka na ring pipili kung saang lugar o distrito ka bobota na naaayon naman sa residency requirements kung saan ka nanirahan sa loob ng anim na buwan.

Gawing regular na activity ng COMELEC ang pagpaparehistro mayroon man o walang magaganap na halalan. Bakit ang voter’s ID kasi ay isang mahalagang dokomentong pagkakakilanlang ng isang tao na magagamit sa mga ibat-ibang business transactions.

Sayang ang mga botanteng di makakaboto ngayon sabihin man ng COMELEC na kasalanan din ito ng mga tao. Pero ano man ang sabihin ni aling Viring, isumpa man niya ang COMELEC ay hindi na niya magagamit pa ang kanyang karapatang bomoto. Para sa COMELEC naman-e ano kung milyon-milyon pa diyan ang di makakaboto anong masakit na puwet ang mayroon sila ngayon na nakuha na nila ang kanilang target?

Kumosta na kaya si aling Viring ngayon? Hindi kaya siya naospital sa hypertension? Maraming aling Viring diyan na nagngingitngit sa galit. COMELEC voter’s registration, maa-awa ka! Tsk!Tsk!

Tags: , , , ,

14 Responses to “BITAYIN ANG COMELEC”

  1. Cocoy Says:

    Turtle face talaga ang Comelec at kailangan ng baguhin ang sistema.Marami ang botante na hindi makapagparedister kapag ganyan at masasayang ang mga taong hindi makakaboto.Mga talong kilo na rin ng NFA iyan na galing sa isang kandidato kada boto.

  2. Colegialagirl Says:

    Tama po kayo diyan Tito Cocoy, usad pagong talaga itong mga taga COMELEC. Sayang lang ang mga kabataang botante na first time voter sana. Turuan pa kayo diyan sa COMELEC kung sino ang dapat sisihin diyan sa mabagal at walaang sistemang pagpaparehistro nila ng mga botante. F ang grado ninyong lahat from me, heheheheh.

  3. chi Says:

    Hindi botante ang problema kundi ang COMELEC. Rehistro lang ay walang sistemang ayos, bilangan pa ba?

    Dapat pasabugin ang tanggapan na yan. Inapruban si ang partylist ni Palparan, tinanggihan ang Magdalo. Hanggang sa huling hininga ng mga nangungumisyon (commisioners) ay hawak pa rin ni unana ang mga yagbols.

  4. Colegialagirl Says:

    Sabi naman ni Joy na hindi rin nakapagparehistro ay kung gusto mo raw maranasan ang impierno sa lupa ay magparehistro kqng botante sa COMELEC. Naarawan ka na naulanan pa, tapos uuwi ka lang bigo.

  5. Colegialagirl Says:

    Konsomisyoner nga ang dapat na tawag sa kanila, hehehe!

  6. KapitanKidlat Says:

    Ano ba naman kayo girl and seg puro na lang kayo sisi sa COMELEC. Sabi ng kanilang pinunong komisyoner ay matagumpay daw ang registration ng mga botante at dapat nga raw silang palakpakan ng buong bayan.

    Sige mareng chi palakpakan natin ang mga ulirang lingkud bayan.

    Parang nauutot ako sa sinabi ko. Hahahaha!

  7. KapitanKidlat Says:

    May babala naman si

  8. KapitanKidlat Says:

    sorry naputol, ituloy natin

    Sen Escudero na baka hindi raw matutuloy ang automated election dahil walang kahandaan pa hanggang ngayon ang COMELEC. Pero mas nakakatakot ang sinabi naman ni Sen. Gordon, at may mga kongresista raw na sadyang sinasabotahe ang computerized election upang puwedi pa ring makapandaya ang gustong mandaya sa bilangan.

  9. Cocoy Says:

    There is much that can be learned from our past history. Here we are and our country is still operating under the the manual typewriter in mostly government agencies. there’s no computers? I forgot the mayor of the town throw a cotillion party for her debutante daughter, maybe next time municipal clerks and jerks can have computer to play Solitaire and that’s a promise from a mayor if he/she’s reelected.

    The COMELEC turned down a hundred to a thousand angry people,they could not registered for the reason that the office is only operating on two computer, these people can not vote.

    These are our politicians faults,they allowed the past COMELEC chairman with dalawang daan to have a hamburger shop.The politicians have proven again and again that they cannot be trusted to serve the public interest, and time and again study after study has narrowed down the cause of this failure to the fact that the politicians are on the take.

    Yeah!! My Friends the politicians are the dirty underbelly of the beast. In GOD we trust in Politicians we crash.

  10. HaydeenKoi Says:

    Marami sa mga kapit-bahay ko ang tinamad nang magparehistro because these people of the Comelec are very slow down. Besides they have no complete computers. Sometimes they only have one kind and how many people are there to wait.

    Sorry if my kumpare is cannot vote. Sayang din daw iyong boto niya, ilang kilong bigas from the highest bidder you see?

    I am back again, sorry for the long absentee because I went to Mindanao to see my relatives in Bukidnon.

  11. HaydeenKoi Says:

    I understand the reaction of Cocoy which is to see to it that this country is still 100 years behind in civilization particularly the election under the Comelec. It is time to modern ourselves but how can we modern if our congress people are the one to sabotahe this computerization election.

    Wen ngarud ading Cocoy these politicians if they do not know good manners and right conduct will be our problem of the society.

    In God we trust but how about the politicians they trust their money right? If they go to the Hell then that will be a very bad the end for them.

  12. secondlady Says:

    hay mang haydeen. welcome back. nice to hear from you again.

  13. Colegialagirl Says:

    Seg, buhay na naman ang ating bakuran. Nandiyan na naman ang paruparung bukid na lilipad-lipad with his high caliber brand of English.

    Mis na mis ko na si lolo, at mabuti na lang hindi pa nirarayuma ang mga kamay. Sa tuhod siguro, at doon sa… hindi na tatayo pa!

    Hehehehe!

  14. Colegialagirl Says:

    Ang hirap nito hanggang sa ngayon ay marami pa ring dapat malinawan ang pagiisip na si Erap ay biktima lamang ng political power grab. Na ginamit lamang nila ang issue ng Jueteng para siya kasuhan ng plunder.

    On the other hand may mga nalulungkot naman kagaya ni Benigno na hindi niya matanggap ang katotohanan na kung may nagawa mang kalokohan si Erap during his term ay isang minor abuse of power lang. Ano ang kanyang magagawa kung ito ang paniniwala ng marami.

    Sa isang banda sino nga ba sa mga pulitiko ngayon ang talagang malinis? Sabi nga ni Chiz Escudero, walang santo at anghel sa pulitika kahit pagtaasan pa siya ng kilay ng mga obispo. But this is the truth, the reality in Philippine politics and governance.

    May mga alternatibong candidato naman diyan pero aminin na rin natin na sa pulitika pera at makinarya sa pangalap ng boto ang kailangan. Tama nga si Chiz, sino ba diyan ang santo? Sino ba diyan ang may bitbit lagi kay Bro?

    Ngunit sa lagay ng ating bansa ngayon na talamak sa korapsiyon sa gobyerno kung saan karamihan sa mga mamayan ang mahirap pa sa daga, sino nga ba ang karapat-dapat na maging pangulo?

    Magsalita na kayo mga kandidato, kung maari ay maghubad kayo sa harapan ng publiko at ilantad ang tunay ninyong pagkatao. Kung may kasalanan aminin, humingi ng tawad, at mangako na kapag nahalal ay kailangang gantihan ito ng malinis, mapayapa, at matagumpay na pamumuno!

    Kaya lang sa lahat ng mga gustong maghubad ng sariling pagkatao sa publiko, laging tandaan: BAWAL DITO ANG SUPOT, AT BAWAL DITO ANG NAKA-AHIT!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: