Matatalo Daw si Manny Pacquiao kay Cotto Sabi ng Manghuhula

Nagsimba sa Quiapo noong Biyernes ang kasambahay namin na si Lagring hindi na niya mahintay pa ang Linggo para sa kanyang libreng araw. Gusto daw niyang malaman kung may panalo o wala si Manny Pacquiao sa laban nila ni Cotto kaya naman kumonsulata siya sa isang manghuhula. Sinkuwenta pesos daw ang ibinayad niya kabilang na rin ang kanyang pagpapahula kung magkakabalikan pa sila ng kanyang dating boyfriend na sikyu.

Kaninang umaga ay nag-text kaagad sa kanyang mga kaibigan at kakilala ding mga kasambahay. Nakipagpustahan, five hundreed pesos daw ang kanyang taya na kinasa naman ng kanyang mga kaibigan.

“Sigurado ka ba sa gagawin mo,” ang tanong ko sa kanya.

“Aba oo ate, sabi ng ng manghuhula ay hindi aabot ng 12 rounds si Manny. Isang matinding suntok daw sa kanyang tagiliran ang magpapabagsak sa kanya.”

Naging interesado tuloy ako sa aking nadinig. “Ano pa daw ang mangyayari?”

“Aba ate magkakabalikan daw kami ni Ramil (iyong sikyu) dahil magaaway daw sila ng kanyang girlfriend at magkakahiwalay.”

“Hindi ako interesado sa love life mo, kay Manny ako interesado kung ano pa ang mangyayari sa kanya bukas.”

Medyo nainis yata sa sinabi ko, hindi na umimik pa at bigla na lang akong iniwan. Siguro gusto niyang marining kung ano ang aking sasabihin sa hula ng manghuhula na magkakabalikan sila ng kanyang dating boyfriend.

Tinawagan ko si Mer at sinabing kay Cotto siya pupusta kung makipagpustahan siya kung sino ang mananalo sa laban nina Pacman at Kuto.

Tinawanan lang ako ng magaling kung kaibigan. “Lyamado si Pacquiao, mabilis at malakas. Titirisin lang niya si Cotto na parang kuto,” ang sabi naman nito.

Kayo sino sa palagay ninyo ang mananalo? Hindi kasi maalis-alis ang diskripsiyon na sinabi ng aming kasambahay kung papaano pababagsakin ni Cotto si Pacman. Parang naniniwala na rin kasi akong matatalo nga bukas ang pambansang kamao.

Ewan ko kung tama o mali ako nito pero nararamdaman ko na baka nga mapatulog ng Kuto ang People’s champ kahit ipagdiinan pa sa akin ni Mer na hindi pa raw ipinapanganak ang tatalo kay Pacquiao at kahit pa manalangin ng magdamag ngayon si aling Dionesia.

Well talagang ganyan ang sports may mananalo at may matatalo. Kung mali ako, ayus lang at least ang panalo sa labang ito ay si Manny. Kung halimbawa naman na matatalo siya, tatanggapin ko ng maluwag nagkamali ako sa aking palagay.

Tags: , , , , , , , ,

4 Responses to “Matatalo Daw si Manny Pacquiao kay Cotto Sabi ng Manghuhula”

  1. Colegialagirl Says:

    Wala, walang mangyayari sa hula hula ninyo.

    Ikaw Seg huwag ka namang nagpapaniwala diyan sa mga manghuhula gagaya ng mga iba diyang tumatandang dalaga. Hindi solusyon ang manghuhula nang magkaroon ka ng boyfriend.

    Hehehehe, matatalo si Pakyooo?

    Tignan lang nating friend.

  2. Colegialagirl Says:

    Piso mo mananalo ng sampo, kay Pakyooo ako. Kakasa ka?

  3. Colegialagirl Says:

    Seg wala sa mga bituin ang ating kapalaran. Gabay lamang ang panghuhula. Nasa ating mga kamay ang pag-asa lalo na kung tumatanda na tayong dalaga, hehehe.

    Ay, nasa kamay?

    Kinakamay na lang ba natin ang ating kinabukasan best prend?

  4. secondlady Says:

    Sige na panalo ka Mer, pero mas panalo ako sa iyo nakipagpustahan ako sa mga nagsasabi na hindi aabot sa six rounds si Cotto and they were all wrong. Nanalo ako. May pangkain na tayo sa labas hehehe. Kailan ka libre?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: