Ang Katas ni Pacman; Masarap ba Mer?

Gaya nang sinabi ko niyaya ko si Mer na kumain kami sa labas pagkakolekta ko ng pinanalunan ko sa pustahan namin ni Airman. Wala siyang kibo at tila hindi makapaniwala na umabot si Cotto hanggang 12th round. Excited naman si Mer, ngayon lang daw niya matitikman ang katas ni Pacquiao. Linawin natin iyong napanalunan ko sa pustahan nang laban niya ang sinasabi kong katas ni Pacquiao.

Aba kailangan linawin natin baka iba pa ang isipin ni Jinky kung mabasa niyo ito. Lalo pa siyang iiyak katabi ni Pacman gaya nang napanood natin sa news sa TV. Dahil sa panalo ni Pacman ay marami ding nabiyayaan ng Katas ng Boksingero. Tinatanong nga ng isang TV host kung magkaano ang napanalonan ni Chavit sa isang sports analyst pero tumawa lang ito. Bakit mo pa tatanongin e alam mo naman ang sagot niyan, hindi bababa sa isang milyon sa estimate ni aling Pacing na mahilig makinig sa mga tsismisan ng mga celebrities sa radyo. Kaso dehado si Cotto sa pustahan, lahat na kasi ay kay Pacman pumosta.

As usual napakain ng husto si Mer kanina. Sabi ko umorder pa siya hanggang gusto niya pero ang sagot naman niya ay pera na lang bilang balato ko sa kanya sa aking napanalonan. Well pinagbigyan ko siya, at least may pandagdag daw siyang pambayad sa price increase ng gasolina kapag nagtaas na ang Shell, Petron, at saka Caltex.

“Ano, nasarapan ka ba sa kinain natin,” ang tanong ko kay Butangera.

“What do you expect, e libre iyan. Lahat ng libre ay masarap di ba?” ang sagot naman niyang humahalakhak na parang kampon ng kadiliman.

“Sana makipagpustahan ka na naman kapag magharap naman sa ring sina Pacman at Mayweather. Gusto ko uli makatikim ng katas mula sa pagkapanalo ni Manny.”

“E kung kay Manny Pacquiao ka kayang personal na tumikim ng katas mula sa kanya…”

“Ay. Segundina foul na iyang sinasabi mo. Magagalit ako niyan.”

“E di magalit ka, hindi ko naman sinasabi na doon ka sa katas ng kanyang batuta tumikim, sa blowout niya ang ibig kong sabihin,” ang patawa kong sagot sa kanya.

Hindi na umimik, halatang galit. Hindi na mabiro. Akala ko maghihiwalay na naman kaming magkagalit ngunit biglang nagbago ang ihip ng hangin. Malambing siyang lumapit sa akin sabay bulong, “iyong balato ko na prinsesa at uuwi na ako.”

Naiisip ko lang habang sinusulat ko ito, ilang milyon o bilyon kaya in pesos o dollars ang involved sa mga pustahan ng mga nanood at sumubaybay sa boxing match nina Cotto at Pacquiao? Alam ko masaya ang mga nanalo, ngunit paano naman iyong mga natalo? Paano na kung sa halip na pambili nila ng pagkain ng pamilya ay ipinusta pa ng mga tatay ang kanilang pera sa labanan nina Cotto at Pacquiao?

A day before the fight nga ay nanawagan ang mga Obispo na sana ay tantanan na ng mga Pilipino ang makipagpustahan tuwing may laban si Pacquiao dahil kahit sabihin mong ito’y katuwaan lamang pero sugal pa rin di ba? At ang motibo naman ng tao para magsugal ay hindi lang maglibang, pangunahin iyong magkaroon siya ng maraming pera sa madaliang paraan. Kaya kahit sa Jueteng na lang ay inaasa pa ng mga tao ang kanilang ikabubuhay dito dahil kagaya ng prostitusyon ito’y madaling pagkakakitaan ng pera nang walang kapagod-pagod.

Ang sugal ay parang isang sakit, kapag lumalala na ay hindi na malulunasan. Marami sa ating mga Pilipino ang sumusugal sa buhay, kung minsan ang itinataya nila ay hindi lang ginto at salapi kundi pati na rin ang kanilang mga sarili.

Tags: , , , , , , , , , ,

20 Responses to “Ang Katas ni Pacman; Masarap ba Mer?”

  1. Segundina Says:

    Greetings to Professor Banong. Congrats sir back to school ka na pala. Hindi ba sa karnabal ka dati? Hehehehe

    Biro lang prof. Banong.

    Welcome back to Love Kita Segundina.

  2. Colegialagirl Says:

    Salamat sa katas ng pustahan. Sana manalo ka na naman kahit sino pa ang minanamok mo diyan sa boxing basta ba laging namamantikahan ang aking mga labi. Vegetable oil ha, hindi kung ano-ano na naman ang naiisip mo diyan.

    Tama ka, nagiyakan nga ang mag-asawa dahil sa intrigang lumulutang ngayon tungkol sa relasyon ni Pacman sa isang sexy star. Do you know her name? It is associated daw kay Matt Ranillo. Totoo ba?

    But naiyak daw sila pareho ni Jinky baby nang mag-homily ang pari na nagparinig tungkol sa pagmamahalan ng buong pamilya at pagiging matapat ang mag-asawa sa isat-isa.

    At ito naman si Fuckman, sorry mali ang spelling, Pacman pala ay nananawagan naman sa lahat na itigil na ang pagkakalat ng mga bagay-bagay tungkol sa kanilang personal na buhay. Dapat itigil na ang crab mentality nang sumaya daw ang lahat.

    Ala e Segundingding, we do not talking-talking daw already about his personal life so that he will be happy and we will be happy. Ewan ko kay Doc. Bobonyo kung okay lang na ipagkait ang liwanang upang di na masilayan ang mga nangyayaring milagro sa kadiliman, hehehe.

    Babo na at may working working pa ako, sa school na lang ko ipagpatuloy ang tsismisan natin at saka parang gusto kung pumunta sa CR nang maglabas ng sama ng loob.

  3. Colegialagirl Says:

    Ay before I forget prof na pala ang lover boy mo… Welcome back Prof. Banong. Marunong ka bang mag-magic? Kasi sabi nila sa Karnabal ka raw professor totoo ba?

    Hehehehe!

    I’m only kidding professor (ng magic?), ehem, ng Philippine History pala.

  4. Mer Pints Says:

    Pacquiao-Krista issue umiinit. Parang apoy nakakasunog. Iyan kasi naglalaro kayo ng apoy, hehehe.

  5. Mer Pints Says:

    Itago nga ninyo ang mga hawak ninyong posporo baka magkasunog ba sa inyong bahay. Hahaha.

  6. KapitanKidlat Says:

    Iba na talaga ang sikat, pinagkakagulohan ng mga bebots. Problema nga lang ay hindi pagaari ni Manny ang kanyang sarili. Huhusgahan at huhusgahan siya ng publiko sa ano mang kamaliang kanyang ginagawa.

    I hope walang katotohanan ang mga bintang sa kanyang pambababae.

    Pero masyadong glaring iyong nakita ko sa TV news na pag-iyak ni Jinky.

    Naisip ko tuloy, hindi kaya totoo ang tsismis?

  7. KapitanKidlat Says:

    Segundina nakatikim din pala si Mer sa iyong panalo. Kaso galit ang mga obispo sa pustahan. Kahit katuwaan iyan ay sugal pa rin gaya nang nasabi mo.

    Sa style ng pustahan ngayon hindi na kung sino ang mananalo kasi alam mo nang pinakyaw na lahat ni Manny iyan. Kagaya itong panalo ni Segundina, hanggang ilang rounds lang ba tatagal ang kalaban?

    Pero darating din kaya ang panahon na ang pustahan naman ay kung hanggang saang rounds tatagal si Manny dahil may mga boxers nang mas mabilis at mas malakas na sa kanya?

    Ganito ang buhay Mer at Seg. Hindi sa lahat ng panahon ay panalo ka. Tignan mo si Tyson, noong panahon niya wala ni sino mang nakakatayo ng matagal. First two rounds ay knock out na kaagad ng kalaban.

    Pero dumating din ang panahon na nanghina na siya kaya masakit mang sabihin ay pati tainga ng kalaban ay pinagiinitan niya.

  8. KapitanKidlat Says:

    Umasenso na pala si Banong magmula nang mag-resign siyang sikretaryo ng barangay. Professor na pala siya ngayon. Tamang-tama may gustong mag-enrol sa kanyang school of experience, si mang HaydeenKoi.

  9. cindyrella Says:

    nagkaroon din kami ng pustahan ni SM at ayun nanalo ako, ang pinagpustahan kasi namin ay kung makakailang rounds sila so ayun panalo nga ako. okay lang sumugal occasionally pero yung itataya mo na lahat ay di na ata maganda yun hehe!

  10. chi Says:

    Sino ba ang Krista na yan? At kung si Pakyo ay hindi bilyunaryo ni peso, papatulan kaya niya ito?

    At bakit ang tatay na Mat ay palaging kasama daw sa mga lakaran. Para pagtakpan ang kalandian ng anak? Ano ang tawag sa ama na ganyan? Kunsintidor, pimping his own daughter to make sabit sa pera ni Pakyo.

    Ano bang tsismis yan, meron truth dahil umiiyak na si jinkee? Ay…ang pera nga naman!

  11. KapitanKidlat Says:

    Mareng Chi sinabi mo. Interesado ako sa isyung ito dahil may anak din akong dalagita. Ma-late lang sa pag-uwi ay nagaalala na ako. Sabi ni Tisay huwag masyado akong nininerbiyos dahil kayang-kaya daw ng baby namin ang kanyang sarili at malaki na siya. Physically yes kasi 5’8 ang baby ko pero papaano na kung liligawan siya at gawan lang ng di mabuti ng kanyang magiging BF. Nang ipanganak si baby ang sabi nila ay may pambayad na raw ako, kaso mabait naman tayo noong araw, hehehe.

    Concerned lang siguro ako kasi tumatanda na tayo at laging nasa defensive kays suspetyoso, hehehe.

  12. chi Says:

    Kung ako kay Jinkee hahamunin ko ng divorce yan si Mani pero I’ll bring him to a cleaner, walang matitira kay Krista, hehehe.

    Nakita ko sa picture na halos nakahubad ang Krista, sa kabuuan ay magandang di hamak si jinkee kahit produkto sya ni Dr. Bello (?).

  13. HaydeenKoi Says:

    You call that ma’am chi clinical beauty. Because her beauty is made in the clinic.

  14. HaydeenKoi Says:

    Ang sugal Cindy kahit malaki ay sugal pa rin. Pero who can resist sugal if you are winning. Ako nga kapag nasa SM din ako ay naglalaro ng scratch and I can win 50, 100, 200. Sabi ko noong araw laro lang ito but now I am addict to it already.

  15. Doc.bobonyo Says:

    Seg, nakakalungkot lang si Manny ay iniidolo ng mga kabataan. Gusto nilang sundan ang mga apak niya. Kung may katotohanan ang tsismis tungkol sa ugnayang personal nila ni Krista, may masamang epekto ito sa mga kabataan.

    Kasi Seg hindi nga pagaari ni Manny ang kanyang saril which I think na totoo being our boxing champion an hero na nga rin ang tingin sa kanya ng mga iba. Ngayon bibigyan na naman siya ng parangal at gagawing isang datu?

    Sana naman ay huwag po siyang tawagin ng iba ng Datu Krista.

  16. Segundina Says:

    Dok kung magloko ang isang ama ng tahanan hindi lang ang kanyang pamilya ang apektado ganon din iyong babaeng nauugnay sa kanya. Galit ang mga kapamilya ni Jinky sa nakita nilang pag-iyak ni Jinky sa TV.

  17. Colegialagirl Says:

    Parang walang namagitang di pagkakaunawaan at tampuhan sina Jinky at Pacman. Pagkatapos ng maikling interview sa kanya pagbaba niya sa sinakyang eroplano na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ay hiningan sila ng “kiss” ng mga taong sumalubong. Hindi naman nabigo ang mga ito, kaya nagsigawan naman ang mga ito ng napakalakas nang bigyan ni Pacman ng isang matamis na halik sa labi ang kanyang asawang si Jinky.

    Sa eksenang ito na ipinakita sa TV mukhang ayos na ang dalawa. Ayos na nga ba? Hindi kaya pakitang tao lang dahil sa mga susunod na araw ay magpa-file na ng certificate of candidacy itong si Manny?

    Kung may tampohan man sina Manny at Jinky, o pagseselos na naramdaman ni Jinky kay Krista na ikinasama ng kanyang loob ay marahil napagpayuan silang dalawa na ayusin muna nila ito o kaya’y huwag ipakita sa publiko ang sama ng loob na nararamdaman sa isat-isa. Hindi lang iyon siguro naisip din nila ang kanilang mga anak na maaring maapektohan sa kanilang pagaaway o tampuhan.

    Pero hindi ganyang kadali ang lumimot at magpatawad kung ang isyu ay ang pangangaliwa sa iyo ng iyong asawa.

    Good luck na lang sa inyong dalawa Manny and Jinky; gumawa na nga lang naman kayo ng isang bata pa? Fight!

  18. Doc.bobonyo Says:

    Tatakbo si Pacman na lang daw bilang party-list candidate. Ang kanyang ipaglalaban ay mga marginalized daw na kabit hehehe.

  19. Doc.bobonyo Says:

    Kung totoo ito ay talagang marami siyang taong matutulungan niyan sa buong bansa.

  20. Doc.bobonyo Says:

    Para kay Mang HaydeenKoi:

    May bagong paraan na na pinagaaralan ng mga Urologists natin ngayon para maremedyohan ang panlalalmbot ni manoy.

    Totoong di nakakagamot ang viagra at cialis. Pero ang treatment na ito ay nagagawan niya ng paraan na buhayin ang mg ugat na daluyan ng dugo para magkaroon ng erection ang isang lalaki.

    Ang tawag nila sa medical remedy na ito ay shockwaves. Paggamit ng mumunting shockwaves para buhayin ang mga mumumunting ugat sa ari ng lalaki na marahil ay naapektohan ng cardio-vascular diseases.

    Sa ibang medical cases ay hindi pa malinaw kung may kakayahan din ang uri ng treatment na ito or not. Nasa experimental stage pa lang ito at tiyak na kapag na-perfect na ay maraming kalalakihan ang matutuwa nito. Repair, ito ang ultimate gain ng gamutang ito. Ibabalik sa normal iyong kakayahan mong titigasan para maisakatuparan mo ang hangarin at pangangailangan sa sex.

    Haban wala pa ito mag Haydeen at kain lang ng kain ng pakwan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: