Ang Ating mga Awiting Kundiman at si Rizal

Ating gugunitain na naman ang kamatayan ng ating dakilang bayani ni si Dr. Jose Rizal. Kung may panahon nga lang ako ay pupuntahan ko ang kanyang monumento para mag-alay ng bulaklak gaya ng aming ginagawa noong nasa College pa lang kami. Una bilang pagpupugay sa kanyang pagaalay ng sariling buhay maimulat lang ang mga Pilipino sa kasakiman at kasamaan ng mga Kastilang sumakop sa atin, at upang humanap ng rason nang makapasyal naman kami ng aking mga kaibigan sa Luneta. Noon iyon nang wala pa ang Mall of Asia na paborito na ngayong pasyalan ng mga estudyante.

Ang Kundiman ay isang awitin ng pag-ibig na nakasulat na nakatitik sa salitang Tagalog (Filipino?). Ito’y nagpapahayag ng damdamin ng isang mangingibig sa kanyang sinisinta. Ang himig nito ay tila bagang naglalambing at mahinahong dumadaloy sa haplos ng mabining indayog o ritmo na may madulaing patlang. Noong araw pa, maging sa kapanahonan ng mga Kastila, ang kundiman ay gamit nang awiting pangharana. Ang malungkot niyan himig ay siya namang pumumukaw sa natutulog na damdamin ng isang dilag na gustong angkinin ang kanyang walang kamatayang pag-ibig.

Unang ipinakilala na at dinakila ni Dr. Jose Rizal ang Kundiman sa kanyang nobelang Noli Me Tangere. Sa kanyang sinulat na awiting Kundiman ay kanyang inalay niya ang katapatan, katatagan, at kadakilaan ng rasang Pilipino sa paghahangad ng kalayaan, kapayapaan at karangyaan. Ginamit din ni Rizal ang kundiman bilang sagisag ng pagmamahal at katapatan sa inang bayan.

Narito ang dalawang awiting kundiman na sinulat ni Dr. Jose Rizal ang ating pambansang bayani.

KUNDIMAN NI RIZAL

Tunay ngayong umid yaring diwa at puso
Ang bayan palibhasa’y api, lupig at sumuko.
Sa kapabayaan ng nagturong puno
Paglaya’y nawala, ligaya’y naglaho!

Datapuwa’t muling sisikat ang maligayang araw
Pilit na maliligtas ang inaping bayan
Magbabalik man din at laging sisikat
Ang ngalang Tagalog sa sandaigdigan!

Ibubuhos namin ang dugo’y ibabaha
Ng matubos lamang ang sa Amang Lupa!
Hanggang ‘di sumapit ang panahong tadhana
Sinta ay tatahimik, tutuloy ang nasa!
Sinta ay tatahimik at tutuloy ang nasa!
O Bayan kong mahal
Sintang Filipinas!

Para sa babaing sinisinta at minamahal.

JOCELYNANG BALIWAG

P- Pinopoong sinta, niring calolowa
Nacacawangis mo’y mabangong sampaga
Dalisay sa linis, dakila sa ganda
Matimyas na bucal ng madlang ligaya.

E- Edeng maligayang kinaloclocan
Ng galak at tuwang catamis-tamisan
Hada cang maningning na ang matunghaya’y
Masamyong bulaclac agad sumisical.

P- Pinananaligan niring aking dibdib
Na sa paglalayag sa dagat ng sakit
‘Di mo babayaang malunod sa hapis
Sa pagcabagabag co’y icaw ang sasagip.

I- Icaw na nga ang lunas sa aking dalita
Tanging magliligtas sa niluha-luha
Bunying binibining sinucuang cusa
Niring catawohang nangayupapa.

T- Tanggapin ang aking wagas na pag-ibig
Marubdob na ningas na taglay sa dibdib
Sa buhay na ito’y walang nilalangit
Cung hindi ikaw lamang, ilaw niring isip.

A- At sa cawacasa’y ang kapamanhikan
Tumbasan mo yaring pagsintang dalisay
Alalahanin mong cung ‘di cahabagan
Iyong lalasunin ang aba cong buhay.

Sino po ba sa inyo ang marunong umawit ng kundiman? Pakiharana naman o.

Tags: , , , , , , , , , , , , ,

14 Responses to “Ang Ating mga Awiting Kundiman at si Rizal”

  1. Politically Incorrect Says:

    Sorry Po Ma’m Seg, hindi ako marunong magbalagtasan. Nag-enjoy akong magbasa at ng mga sinaunang kaugalian tulad ng balagtasan sa nililiyag.

  2. chi Says:

    Ahhh, yan ang mga tunay na kundiman, nanunuot sa kaibuturan ng puso.

  3. HaydeenKoi Says:

    Ang alam ko ay Ilokano love song lang gaya ng Pamulinawen at Manang Biday. Karawake na ang uso ngayon ma’am Seg.

    Sa amin sa Ilocos Norte ay hindi na rin uso ang harana. Sa mga piesta na lang if der is korronation of byuti queen. The mannaniw o makata will recite a poem and then a singer will serenade. But this one is long time ago when I was still wearing shorpant.

    Last year somebody from Hawaii serenaded a beauty queen during coronation in our town fiesta. But the man is already old like me. The young people pa ay nagtatawanan.

    I missing those days. Hayaan mo ma’am Segundina paharana kita kay mang Kadyo, the number one trobador in our barrio.

    Be careful lang because his postiso will always fly everytime he singing.

  4. Mrivera Says:

    Awit ko’y dinggin
    Bintana ay buksan
    Pati mga bituin
    Wari’y nagdarasal
    Kaylan ba mutya
    Aking matatanaw
    Ang ligaya na dulot ng ‘yong kagandahan.

    Paalaala lang. Kapag matutulog ay huwag sundin ang haranang ‘yan dahil uso ang mga asuwang at akyat bahay.

  5. Mrivera Says:

    Para kay Cristinang Kutserong mahilig mag-alaga ng kabayo kaya binansagan siyang Tinang Kabayo:

    O, Tinang (O, Tinang)
    O, Tinang kabay….

    Huwag na lang ituloy, ‘ambastos pakinggan.

  6. Segundina Says:

    Hehehehe, galing ho ninyo!!!

    Ano po ito harana sa kabilogan ng buwan.

    Wow, very romantic.

  7. Mrivera Says:

    Segunding,

    Harana ‘yan sa buong taon, mula Enero hanggang Disyembre. Mas maganda para sa mga salbaheng haranista kung walang buwan dahil nakakakupit sila ng masarap na pangtinolang manok sa silong ng bahay ng kanillang pianghaharanahan. Lalo’t masungit ang tatay.

    Gagawin nila pagbaba ng bahay ay tatanggalin ang pisik na hagdan (kawayan) saka merong babato sa bubungan. Paglabas ng tatay na galit na galit, sa lupa pupulutin. Subsob sa pagkahulog, una nguso!

    Salbaheng mga kabataan noon. Minsan nakakasama din ako.

    He he he heeeh.

    Kaya sa mga dilag dito, pagpayuhan ninyo ang inyong mga tatay na huwag masungit sa nanghaharana, kung meron man, dahil doble perwisyo ang gagawin kapag nakita nilang nagdadabog at sambakol ang mukha habang nananapatan ang mga saragateng binata.

  8. Mrivera Says:

    Dungawin mo hirang
    Ang nananambitan
    Kahit sulyao mo man lamang
    Iyong idampulay.

    Sapagkat ikaw lamang
    Ang birheng dalanginan
    Ng pusong dahil sa ‘yo’y
    Nabubuhay.

    ‘Yan ang isa pang pamatay noon sa nililigawan. Problema lang kahit dulo ng daliri ay bawal hawakan kahit nasungkit ang ang mala-arnibal sa tamis na “oo”. Kapag nahuli ng tatay, tapos kapalaran. Sakalan na kaagad.

  9. Mrivera Says:

    Kahit SULYAP mo man lamang.

    Madilim kasi.

    Pusikit mang karimlan ang bumabalot sa paligid
    Wala man halos mabanaag mga huni lang ang naririnig
    Ang mga yao’y di hadlang upang matupad itong nais
    Makita ang nililiyag, sinasamba’t iniibig.

    Harangan man nitong sibat, kampilan at mga punyal
    Buong tapang kong haharapin ng walang agam agam
    Sa ganito maihahayag ang dalisay na pagmamahal
    Tataglayin at idadambana maging hanggang kamatayan.

  10. Mrivera Says:

    Palakpakan naman!

  11. Mrivera Says:

    Hapi Nyu Yir, byutipul pipol!

  12. Mrivera Says:

    Mabuhay ka, gloria

    Mabuhay ka! Ikaw na pangulong nakaupo sa palasyo
    Ikaw na nagpumilit nang-agaw ng boto
    Huwag lang mapaalis sa ninakaw na trono
    Ginawa ang mo lahat kinutsaba si Garcillano.

    Mabuhay ka, babaeng pinagpala
    Tulad nang sinasabi mong sugo ka ni Bathala
    Tila baga’y anghel kang ipinadala sa lupa
    Naghasik ng lagim sa halip na pagpapala!

    Mabuhay tayong lahat, lagi mong sinasabi
    Dahil sa patnubay mo, gumanda ang economy
    Subalit bakit hanggang ngayon ay pobre pa kami
    Samantalang ikaw ay laging ’round the world ang biyahe?

    Mabuhay ka pangulo naming walang makakapantay
    Sa pagiging masipag at walang bahid na dangal
    Dahil sa walang sawa mong patnubay at paggabay
    Inaani namin ngayo’y pawang kahirapan.

    Matatapos na itong taon, araw mo rin ay bilang na
    Sa inagaw mong poder na tila ayaw mong mapasaiba
    Wala ka nang pagkasawang sa pagkalasing ay magbawa
    Kapangyarihan at salaping lumasing sa iyong walang duda.

    Isa lamang ang panalangin naming sa iyo ay nagpupuri
    Sana naman ang yaman mo kahit konti ay ibahagi
    Latak man ang ilimos mo’y sobrang kuntento na kami
    Matitikman din sa wakas ang pinawis ng dugo ng marami.

    Sana sa pagyukod nitong 2009 sa 2010
    Kasabay nito’y matanto mong gobyerno mo’y tapos na rin
    Maisip mong may hangganang bawat simula’y nararating
    At hindi mangyayaring maging presidente ka namin forever.

    Baka ako’y mapahaba na’t mga bumabasa ay magsawa
    Tagubilin ko, Aling Gloria ay sundin mong may pang-unawa
    Tanggapin mo ang katotohanang sukdulan ay nagbabadya
    Katapusan ay dumarating kaya sumuko kang buong kusa.

    Upang kami ay makatiyak sana’y dingging nitong langit
    Matagal na naming hinihingi, noon pa’y aming ‘hinihibik
    Magtika ka sa mga salang buong palalo mong inihasik
    Mabuksan ang iyong puso at luminaw ang iyong isip.

    Tatapusin ko na ito ng may pagsamo’t panalangin
    Sana ngayong Bagong Taon sa dusa kami ay palayain
    Kasabay ng salimbayan ng mga paputok sa papawirin
    Pagsambulat mo’t paglalaho’y buong saya naming sasalubungin!

  13. secondlady Says:

    Wonderful…

    Maraming, maraming salamat po kuya sa mga comments at tula ninyo.

    Happy New Year din Po.

    Sa Mountain Province po kami nagbagong taon ni Mer. Malamig ang gabi namin kahit panay ang putokan sa labas. Hehehe

    Panay ang kain namin ng salad at mga native na manok. January 2 sa Baguio naman kami ni Mer at nakipagsiksikan sa dami ng taong namamasyal sa Burnham Park.

  14. Mrivera Says:

    Paano naman kase, pag ganitong makaluma ang tema,, kayong mga kabataan ay parang kinakati palagi sa pag-iwas at kaming mga once upon a time ay iniiwan ninyong nakabitin sa balag ng alanganin. Pero napuna ko, parang ako lang ‘ata sa mga pinaglumaan ng panahon ang naging medyo interesado, ah?

    Nasaan na ‘yung mga golden boys dito?

    Magsilabas kayo. Huwag kayong mahiya.

    He he he heeh!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: