Bagong Taon, ano nga ba ang nagbago?

Petsa lang yata at oras ang nagbago. Parehong mukha at tao pa rin ang gumagalaw sa ating paligid malibang lang sa mga bagong silang. Nandiyan pa rin ang mga dati nang problema na ating kinakaharap sa bansang ito. Walang nagbago, mausok pa rin ang Metro-Manila sa dami ng mga sasakyan at matrapik pa. Nandiyan pa rin sa kalye ang mga naglipanang holdaper, isnatser, akyat bahay, mangagantso, mandurokot, adik, pokpok, at mga kapit-bahay na wala nang ginawa kundi magtsismis ng maghapon. Marumi pa rin ang paligid at naglipana ang mga iskwater, street children, pulubi, mga sidewalk vendors, etc. A, talagang wala na yatang katapusan ang mga problema ng bansang ito. Hanggang ngayon wala pa ring katahimikan ang Mindanao dahil sa mga rebelde at bandido. Nandiyan pa rin ang mga NPA na hanggang hindi nila nakakamit ang mga pagbabagong nais nilang makamtan ay hindi sila bababa sa mga kabundukan. Huwag din nating kalilimutan nandiyan din ang mga pulitiko at mga kurakot na opisyales ng gobierno na isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit lugmok na ang bansang ito sa kahirapan. At saka dumadami pa ang ating papolasyon. Resulta, poverty and economic crisis kung saan ay may kakulangan tayo sa lahat ng bagay at may kabagalan sa pag-unlad.

A, problema. Kaya hindi umuunlad ang ating bansa dahil sa mga sari-saring problemang nararanasan ng bawat mamamayang Pilipino. Pero sabi naman ni Mer, wala daw saysay ang buhay natin kung wala tayong mga problemang dinadala. Masarap daw ang buhay kung may mga problema kang nilulutas. Oo nga naman problem ko rin siya sa aking bulsa. Kasama ko siya sa Baguio kung saan namin sinalubong ang Bagong Taon. Panay ang kuha niya ng larawan sa Burnham Park at natutuwa pa sa dami ng mga tao na nakahiga lang sa damuhan, mga naglalakad at namamasyal, mga nagsasaya, mga nagkukuwentohan, mga turistang nagbo-boating, at mga naglalako ng kung ano-ano diyan.

Pero nandiyan na iyan pagtiyagahan na natin; bansa natin ito. Wala tayong magagawa sa mga sandamakmak na problema na minana pa natin sa ating mga Nino at mga magulang. Alangan namang basta na lang tayo’y susuko. Basta may pagkakaisa at damdaming sumunod sa mga patakaran ay pasasaan ba kundi unti-unti din nating malulutas ang problema ng bansang Pilipinas. Pasasaan ba at bawa Pilipino ngayon ay uunlad din sa hinaharap. Kailan kaya?

Huwag kang mawalan ng pag-asa maghintay ka lang ang sabi ni Mer. Pero hanggang kailan? A, basta maghintay ka. Iyan ang sabi niya. E, di maghintay.

Ang pagbabago ay hindi namang overnight at kuha mo kaagad ang resulta. Mahabang panahon ang gugugulin, mahaba pa ang iyong pasensiya? Dapat lang dahil sabi nila habang buhay ay may pag-asa. May nagbago nga ba sa taong ito? Oo, naman mayroon. Kung si Mer nga ay nagbago for a day, naging galante from being kuripot. Siguro naman marami din po diyan sa ating mga kababayan ang nagbago na sa paguugali. Nawa’y sila ay Maka-Diyos, Maka-Tao, at Maka-Kalikasan.

Ang maliit mang ipinagbago ng bawat isa sa atin (of course for the better) ay malaking hakbang sa pag-unlad ng ating mahal na Bansang Pilipinas. Sana sa darating na halalan ay wala nang dayaan pa at ang sinasabi nating presidente ay hindi na po Peke. Aasahan din natin ang pagka-halal kay pangulong Arroyo bilang kinatawan ng kanilang distrito sa Pampanga. For a change di ba mayroon na tayong presidente na magiging Kongresista? Aba, pagbabago rin ito.

Mabuhay po kayong lahat at Manigong Bagong Taon. Mabuhay ang Pilipinas!

Tags: , , , , , , , , , , , , , , , ,

15 Responses to “Bagong Taon, ano nga ba ang nagbago?”

  1. secondlady Says:

    Happy Birthday nga pala kahit belated na (Jan. 1) kay kuya Magno. Mabuhay po kayo at nawa ay nasa inyo ang pagpapala ng ating mahal na Diyos na makapangyarihan sa lahat.

    Sana po ay matupad ang lahat ng inyong mga wishes sa taong ito.

    Maraming salamat din po sa mga bloggers na bumibisita lagi dito kagaya ni ate Chi, at kuya Cocoy gayun din kay Dok , Kap, at kay Mang HaydeenKoi.

    Isang layunin ng pagbabago para sa bansang minamahal!

  2. Colegialagirl Says:

    Salamat best friend at nagustohan mo din ang mga ipinakain ko sa iyong chicken balls, balut, inihaw na pusit, inihaw na mais, piniritong sisiw, pinapaitan, binatog, nilagang saging at mane, and my favorite inihaw na kamote.

    What are friends for kung hindi mo kakainin ang mga paborito kung pagkain, hehehe.

  3. Colegialagirl Says:

    Tito Mags,
    Isang taon na naman ang naidagdag sa kasaysayan ng iyong buhay. Sabi nga nila habang lalong tumatamis daw ang isang mamahaling alak sa pagdaraan ng mga panahon.

    Sana po ay you will have more bithdays to come. Happy birthday po sa inyo. Araw-araw daw po tayong ipinapanganak at araw-araw din tayong lumalago in terms of experience.

    Isa pong karangalan ang laging nababahagian po ninyo kami ng inyong mga ideas at magagandang pananaw sa buhay.

    Ang humor din po ninyo ay hindi matatawaran sa talas at galing.

    God bless po tito.

  4. Politically Incorrect Says:

    Belated Happy New Year Seg.

    Ano nga ba ang nagbago sa taong ito? Iyung mga studyante masipag magsulat ng kanilang New Year’s Resolution. Pinagdaanan ko ang mental torture na iyan ng student pa ako.

    Ganun pa rin every bagong taon,the same pareho. Siguro magkaroon na ng pagbabago pagkatapos ng election sa Mayo.Sana we can have good health sa loob ng taong ito and more wealth tapos manghingi na naman tayo kay Bro pagdating ng 2011.

  5. Mrivera Says:

    Salamat sa inyong pagbati.

    Ngayong umaga ay merong isang medyo masama pero magandang nangyari sa aking buhay.

    Nakorner ko sa pagpasok sa trabaho ang isang taong malaon nang may atraso sa akin. Matagal ko na siyang kinakausap nang maayos upang maipabatid ang mga kamalian sa kanyang mga iniisip at sapantaha sa akin. Ayaw kong daanin sa pusok at init ng ulo ang bawat pakikipagharap sa ganitong uri ng tao subalit minsan ay dumarating ang pagkakataon na kailangan din ang konting pagpapakita ng pagpapahalaga sa dangal na iniingatan.

    Ilang araw bago ang pasko ay kinausap ko siya at pilit ipinaliliwanag na wala akong kinalaman at walang dahilan sa mga iniisip niyang hindi ako ang may kagagawan subalit dala marahil ng kakitiran ng pag-iisip at pang-unawa ay sinigawan pa ako sa harap ng aming mga kasamahan sa trabaho na isa daw magnanakaw. Mula noon ay hindi na ako mapagkatulog sa pag-iisip ng dahilan niya upang ipagsigawan niya ang ganu’n samantalang wala akong alam at sa tagal ko na sa kumpanyang aking pinaglilingkuran ay sari saring pagsubok na ang aking pinagdaanan na masasabi kong hindi nagpagupo sa akin kahit sa sandali ng kagipitan.

    Nakasakay ko ang taong ‘yun sa service coaster namin at mataman kong pinagplanuhan ang gagawing approach. Muntik pang hindi ko ituloy sa pagkakaalam sa kanyang ugali ng agad nagpi-flare up kahit mababa ang tono ng pagtatanong sa kanya. Subalit hindi mawala sa aking isip ang kagustuhang maliwanagan ang kanyang dahilan ng mga sama ng loob sa akin at kinorner ko nga’t tinanong. Pilit kong pinakalma ang aking sarili kahit hindi nagbabago ang taas ng tono sa kanyang pananalita at sa hindi ko mapigil na bugso ay isinalya sa dingding at marahil ay doon natauhan na hindi na biro ang kanyang ginagawi na kailangang patulan. Naghahanap pa ng damay sa aming mga kasamahang isa isang nagsidatingan at nagwika pang “witness kayo sa pananakit sa akin” kahit hindi naman tunay na nasaktan. Sa pagkatantong walang naniniwala sa kanya dahil na rin ugali niyang palasigaw at parang palaging naghahariharian ay unti unting bumaba ang kanyang tono at nag-offer pa mismo ng pagkakasundong hindi ko agad tinanggap bagkus ipinamukha sa kanya ang lahat niyang mali na dapat ituwid sa ngalan ng pakikipagkapwa.

    Bandang huli, sa awa ko na rin dahil maputla pa sa suka ay pinatawad ko na rin dahil ayokong lumikwad ang mga araw sa kasalukuyang bagong taon ay may gusot na hindi ko naaayos.

    Ako naman ay taong hindi gustong may kaaway subalit hindi ko kayang tanggapin na ang aking pagkatao ay tatapaktapakan. Madali akong magpatawad at madali ring humupa ang galit kaya matapos ang ilang minutong pagpapakipot matapos ang mahabang sermon sa kanya ay inabot ko ang kanyang kamay bilang pagtanggap sa pakikipagkasundo subalit ang hindi ko inaasahan ay bigla akong hinalikan at muntik nang hindi ko maiwasan ang puntirya niyang i-lip-to-lips ako.

    Inaaaanggg!

    Bading pa ‘ata ang damuho!

  6. Segundina Says:

    Naku ha, parang vacuum cleaner ho yatang makasipsip ang mga bading kapag nakipaglips-2-lips. Muntikmuntikan na pala kayo hehehe.

  7. Segundina Says:

    Noong 31 naman besperas ng Pasko ay muntik akong nakabangga ng lasing na Koreano.

    Iyon pala ay walang masakyan at gustong magpahatid sa amin.

    Mabuti kung guwapo ang mga gago, mukhang pang-araro ang mukha at amoy na amoy ang sari-saring alak at beer na nilaklak nila.

    Mabuti na lang may pulis na nakiusap sa kanila na maglakad na lang pauwi.

    Kaso pasuray-suray sa daan.

    Sabi nga ni Mer kung sa Tondo ito nangyari, yari ang mga gagong iyan.

  8. chi Says:

    May Koreano bang guapo? Hahaha!!!

    Mrivera, ako rin ay may gustong sapukin kapag hindi tumino ay papatulan ko talaga. Hinihintay ko na magkamali ng minsan pa, huh!

    Pagtapos ng ng eleksyon ako magbabagong taon kung maganda ang resulta. Basta sa loob ng anim na buwan ay target ko pang sapukin si Gloria!

  9. KapitanKidlat Says:

    Kumusta na po kayong lahat. Ang kahilingan ko po sa taong ito ay sana’y hindi magbago ang ating paniniwala sa kakayahan nating mga Pilipino na magbagong buhay at muling ibangon ang dangal ng bansang ito.

    Kumareng Chi, mabuti at nabanggit mo ang tungkol sa election, hanggang ngayon ay hindi pa nila sinasanay ang ating mga guro sa paggamit ng mga election machines na iyan. Hindi kaya nila ito sinasadya?

    Sarap sapukin iyong nanalo sa biding-biding at iyong mga taga COMELEC, hahaha.

  10. chi Says:

    Kap, nakakaimbierna talaga ang Comelec.

    May sapantaha ako na kaya hindi pa nila sinasanay ang mga titser ay para buntunan ng sisi sa kanilang planong ‘failure of elections’.

  11. JoeSeg Says:

    Happy New Year to every all!

    Gusto ko namang may mabago sa Bagong Taon, bukod sa petsa, makaharap ang mga friends natin dito sa loop na kahit matagal nating kilala sa names, magiging bago naman sa paningin.

    Kaya nga Kap, gusto kong mamasyal minsan sa iyong Barangay Hall para magkita naman tayo. Email mo’ko sa oras na mayroon kang oras upang may mahaba tayong oras na kwentutan at oras para sa kodak moments. Inggitin natin si MRivera na palaging vice sa KSA, si PareCoy who went to Las Vegas para bumili ng bigas at manood ng nuyer fireworks at si Manay Chi na parating nasa kanyang mountain hideaway. Gusto ko ring malaman kung saang loop-alup, kung nasa Pinas din ang nagagandahan nating tsikas in the loop tulad nina Mer Pints, Kim, Segundina. Second Lady at College girl. May nakaligtaan ba ako? I know Yhen is at Philrice @Munoz, NE. Si Doc Bobonyo nga pala!

  12. chi Says:

    Aba e talagang maiinggit kami sa balak mo, Joe. Sige, panahon na para simulan ang pagkikita ng eye to eye. Enjoy!

  13. Mrivera Says:

    Ako?

    Kapag nanakaranas ng failure of erection ang mga taga-Commolect, belat na lang nila. Bayad ‘yun sa kanilang mga kasalanan.

    He he he he.

  14. Doc.bobonyo Says:

    Una po sa lahat ay nais ko kayong batiin ng Happy New Year.

    May panalangin din ako para sa lahat. May the Lord make this year a prosperous one to all of us

  15. Doc.bobonyo Says:

    Ang panalangin ko naman kuya Magno ay sana hindi maaberya ang automated election ng 2010.

    Pangalawa, sana ang tunay na lingkud ng Diyos at tao ang siyang mananaig sa darating na halalan.

    and Pangatlo, sana ay maging tapat sa Diyos, bansa, at tao ang susunod na presidente ng Pilipinas.

    I am praying too for our president for good Health and Wisdom so she can decide and do the right thing only. Amen po ba?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: