Ganito Pala Magmahal si Madam President sa Kanyang mga Kabalen

Ewan ko kung saan hinakot ni Archbishop Oscar V. Cruz ang kanyang mga datus pero sa kanyang kompyutasion ay umaabot na ng P4 trillion (pesos) ang utang ng ating pamahalaan. Ibig sabihin kung umabot na ang populasyon natin ng 100 million, bawat mamayang Pilipino ngayon ay may utang nang P40,000. Ni hindi man lang niya nahawakan ang pera at ni kusing ay wala pa naman siyang ginagasta. Ipagpalagay na po nating may katotohanan ito, aba’y kay saklap naman na kapalaran. Sino naman kayang walang puso at kaluluwa ang nandiyan sa gobyerno na gumawa niyan. Ala e, di ako sang-ayon niyan na maging bahagi ng nakakalulang utang na iyan na alam naman nating lahat ang puno’t dulo nito; korapsiyon sa gobyerno. Kaninong gobierno Joy?

But anyway mayroon namang ibinalita itong si Akbayan Rep. Riza Hontiveros na gumastos daw si Presidente Arroyo ng “P459 million of government funds in 2009” para sa kanyang mga kabalen sa kanyang distrito sa Pampanga kung saan daw siya ay tatakbo bilang kinatawan. Hmmm, very interesting. Totoo kaya? Baka naman gumagawa lang ng alingasngas itong party list representative upang mapansin dahil tatakbo siya ngayong Senador under Liberal Party Drillon wing.

Sige na nga patulan na natin si Rizza. Ano nga ba itong P459 million na ginasta ni madam president sa kung ano-anong proyekto na magdadala ng kaginhawahan at pag-unland ng kanyang mga Kabalen, may illegal bang transaksiyon dito? Wala naman daw pero sabi ni Hontiveros, “The amount she spent for her district for last year alone is nine times more than the infrastructure allocation given per congressman annually.” Bawat taon ay P70 million lang ang ibinibigay na pork barrel sa isang Kongresman.

Ka pamu, kaya pala pinadidiskwalipay niya ang pagtakbo ni madam President sa second district ng Pampanga dahil sa dami ng perang kanyang ginasta para sa kanyang mga kabalen dito ay sira ulo na lang ang sino mang tatakbo para labanan siya sa pagka-kongresista. Hindi daw patas ang laban mga kabalen. E sino nga ba ang nagsabi na laging patas ang laban sa pulitika lalo na kung ang iyong katunggali ay ang pinakamamahal nating pangulo.

Hayaan na ninyo si madam, ganito lang siya magmahal sa kanyang mga kabalen lalo na kapag nanalo siya ay magiging daan muli nito sa pag-akyat sa pinakamataas ng puwesto bilang Prime Minister if ever na magkakaroon ng Charter Change.

Pero hindi ba kayo nababahala, more than 4 trillon pesos na raw ang utang ng pamahalaan natin. At sino ang magbabayad niyan di ba tayong lahat, kabilang na doon sina ate Chi, Mer, at KapitanKidlat? Hehehehe!

Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,

14 Responses to “Ganito Pala Magmahal si Madam President sa Kanyang mga Kabalen”

  1. Mrivera Says:

    Huwag silang magkamaling singilin ako sa utang na hindi ko nahawakan at aataduhin ko sila’t tatadtarin ng pinong pino.

    Wala silang ginawa kundi maglimayon, magpasarap tapos sa pagbabayad ng mga utangnang ‘yan ay tayo ang pagpapasanin ng hirap?

    Ay pisting yawang ukinnana!

  2. Politically Incorrect Says:

    Manila — Andal Ampatuan Jr, has entered the Witness Protection Program.The Butcher from Maguindanao, has been marked by controversy, was last seen climbing into a Black Ford Expidition into unknown location.

    Ampatuan will give his testimony before the Senate upon the request of Sen.Lapid the close confidant allies of Gloria Macapagal Arroyo and also his Cabalen has exposed Ampatuan jr to extreme danger from members of the Senate,especially the grilling technique’s of Sen. Lito Lapid like watching a silent movies of the three stooges, the press, the legal community, and anyone left in this country with a conscience or respect for the Constitution. Thus, we feel it is in his best interests, and the best interests of the nation, for Ampatuan jr. to hightail it the hell out of public view for a while.

    Reactions in the organized crime Chinese community were mixed. “This disturbs me, I must admit,” said one anonymous waste disposal consultant in Ongpin. “It kind of sullies the whole witness protection experience. I was looking forward to spending my retirement under an assumed name in one of uninhabitable island in Spratley. But this Butcher guy makes witness protection seem kind of sordid. I mean, even I have ethics. I did the crime, so I did the time. Ampatuan Jr. lies through his teeth, pretends to have severe memory loss, and does he end up washing prison laundry for the rest of his life like I did? Not a chance. So let me ask you – would I have gotten off for shipping those stolen dope in Police custody across the country lines by claiming that I have no recollection of doing it?”

    Porn shop owner and elementary school drug distributor from Pasay, disagrees. “I can see why the Crazy Ampatuan Jr. needs to take advantage of the Witness Protection Program. Isn’t that program set up to protect you from reprisals for your testimony? Ampatuan Jr. buried himself alive throughout those court hearings, so doesn’t he need protection from himself? God only knows what he might say next, or how much damage it could do to Amapatuan. Plus, if he can get into prison with especial protection and treatment, even I can get in. That makes me feel good. In my line of work, it’s best to keep all your options open.”

    The Prosecutor of Ampatuan’s was upbeat. “I think it’s heartening to see that someone like Fortun can get away with coaching a witness, feigning Alzheimer’s, and reinventing laws on the fly to benefit his political party and himself. Let’s face it, if the Attorney can safely pull that off, I see whole new vistas of opportunity opening up before me.”

    Gibo the presidential candidate, also put a positive spin on the situation. “I think of it as a well-deserved vacation for Andal Jr. The man has been working hard to help consolidate power by politicizing the Comelec and Justice Department in unique ways. Our ultimate goal, of course, is to fire anyone in Comelec who doesn’t spend one hundred percent of their time prosecuting bogus voter fraud cases. That’s in line with our general strategy of abusing power, politicizing every branch of government, and shamelessly manipulating public opinion right before elections. Anyway, I hope Ampatuan Jr. enjoys the prison experience. It’s got to be a step up from Senator if my beloved president GMA grilling him. Look at Trillanes ”

    Talk about torture! Concludes Lintang Bedol “As someone who has spent the last three years in the Witness Protection Program, I applaud the fact that Amapatuan Jr. will now be joining me. I must admit that it’s been a bit lonely hiding in all those undisclosed locations, especially on weekends and holidays. I look forward to Ampatuan’s companionship and wise counsel. Maybe we can even go hunting together.”

    FOR HUMOR ONLY

  3. KapitanKidlat Says:

    Seg wala akong kinalaman sa mga utang na iyan. Huwag ninyo akong idamay diyan dahil ni kusing gaya nang sinabi mo ay ni wala akong nahawakan.

    Maghahalo ang balat sa tinalupan kapag binawasan ninyo ang aking kinikita sa pagtitinda ng ice candy at saka papsikel, hehehey,

  4. chi Says:

    Nagastos ni Goyang ang aking pera, na naman…ng hindi ko alam! Hinayupak na luka-lukang unana!

    Buti sana kung tunay ang pagmamahal niya sa kanyang mga kabalen e lang sila dahil meron gusto sa kanila. After makuha ang kanilang boto, sigurado na iismiran na sila ng kanilang presidentang puta.

    P4 trillion pesos ang kinain ni Gloria na babayaran natin? Animal na schizo!

  5. chi Says:

    hala…galit ako!

    dapat ganito, ‘…mahal lang sila dahil meron gusto sa kanila’.

  6. Doc.bobonyo Says:

    Nanay, puso po ninyo, huwag po kayong masyadong magalit, hahaha. Baka ayaw po ninyo ang gamot ko sa alta presyon at sa puso, noni juice, malunggay, saluyot, green tea, pito-pito, tanglag, at saka bawang. Kung gusto po ng pasyente pinapayagan ko na silang gumamit ng alternative medicine dahil available ang mga halamang ito sa kanilang mga bakuran. Iyon nga lang ay magpapa-check up sila lagi nang makita po natin ang resulta.

    At Nanay Chi, lalo pang lolobo ang atin o kanilang mga inutang dahil kukurakutin na naman po ng mga ibang pulitiko ang pondo ng pamahalaan para sa kanilang pangangampanya.

    Sa akin po naman, instead of being born again, kailangan tuliin po sila ulit, I mean tuliin sa puso nang magbago ang direksiyon ng kanilang social ang spiritual life.

    Mabuti na lang hindi ako kasali diyan sa mga sinisingil mo Mer sa utang ng gobierno, hahaha.

  7. chi Says:

    docB, mahirap kumuha lahat ng iyong medisina dito pero ang aking daily dose ay green tea at bawang. Aprubado ko ang dalawang ito, pati ang aking waswit ay bawang ang gamot, fresh bawang na palaging kasama ng Italian balsamic vinegar walang sodium. Normal na normal ang aming blood pressure at puso…pareho kaming mabait, hehehehe!

    Dahil sa utang na yan ay wala na talagang magagamit na pera para sa gamot ang mga pinoy, ibabayad na lahat sa utang na ibinulsa ni Goyang. Buti pa na magtanim na lang sa paso ng bawang at iyon ang ngatain kung me sakit.

    Oo nga pala, nagkarun ako ng ear infection dahil sa kasi-swim sa beach, bawang din ang aking gamot as per instruction of my grandpa’s sister na natural healer. Ayun, gumaling na hindi pinakialaman ng doctor. Magagamot din kaya ng bawang ang pagkabingi? Alam ko ay gamot ito sa aswang pero sa demonyo gaya ni Goyang at Pidal ay hindi tatalab.

  8. Mrivera Says:

    Ayon sa balita, hindi lang kulang limandaang milyon ang halaga ng mga proyektong ibinuhos sa ikalawang distrito ng Pampanga kundi tumataginting na humigit kumulang 1 bilyon!

    Parang sariling pera ang ginastos, kung totoo nga, di ba? Ipinanggagalaiti pa ng panganay na kabayo. Anga naman ang masama, lugar naman nila?

    Eh, paano kami sa aming baranggay? Kapag tag-ulan ay lumalangoy sa putik at baha at kapag tag-araw ay parang mga zombieng namumuti sa alikabok ang mga mukha? Ang aming produkto bago makarating sa pamilihan ay lantutay na at ang isdang binili upang iulam ay para na lang sa aso at pusa dahil nabibilasa?

  9. Mrivera Says:

    Ano nga naman ang masama,…….

  10. Colegialagirl Says:

    Seg huling baraha na ito ni madam. An dami pa nilang palusot. Kesyo nagkataon lang daw na sa kanyang distrito ang dinadaanan ng marami kaya dito na rin inumpisahan ang mga proyektong impaestraktora kagaya ng pagpapaganda o paggawa ng kalsada.

    Tanong ko lang paano naman iyong mga taga-Mindanao na hanggang ngayon ay umaasa na lang sa habal-habal o motorsiklo para makarating sa mga liblib na pook kung saan ay marami ang naninirahan?

    Nasaksihan ko po ito nang nagpunta ako sa Mindanao. Kahit mga basic farm to market roads lang sana na yari sa graba ang kanilang pinaglaaanan ng bilyong pisong pondo na iyan.

    Nakakasama ng loob.

  11. Mrivera Says:

    Mer,

    Malaki naman ang iniunlad ng Mindanao. Sa katunayan ay maraming farm to market roads ang naipagawa doon. Kahit saan baranggay.

    Meron nga doon pagpasok mo sa boundary ng isang bayan ay sementado pa nga. ‘Yun nga lang mga dalawang dipa ang konkreto tapos mga tatlong kilometro ang graba. Matipid kasi ang mga gobernor, meyor at kotongremen doon eh. Sayang nga naman kung ilalahat ang pondo. Dapat meron ding matirang mas malaki sa para paghatihatian nila.

    Ano nga ngaman ang ginagawa ng mga baril kapag may magreklamo?

  12. Colegialagirl Says:

    Hehehe, ganun pala ang concept nila ng development. No wonder why very unpopular and administration na ito.

  13. chi Says:

    Ang kanyang distrito ang dinadaanan ng marami? Maraming ano, kapampangan?! Hindi lang naman kapampangan ang pinoy a! Palusot, bulok!

  14. Segundina Says:

    Pati katuwiran bukol din, hahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: