The confession Booth (Lihim sa Loob ng Kumpisalan)

She confessed her sins to the priest. She said she had an affair with the Bishop. The priest only giggled. The confession lady asked him, “why?”

The priest brutally but truthfully answered her. “It could have been a poor taste.”

Lihim sa Loob ng Kumpisalan

Mabigat ang kanyang saloobin sa mga nagawang pagkakasala. Binabagabag na siya ng kanyang konsensiya. Pakiramdam niya ngayon pa lang ay sinusunog na sa Impierno ang kanyang kaluwa.

“Padre patawarin po ninyo ako at ako’y nagkasala.”

“Ipagpatuloy mo at nakikinig ako.” Ang sagot naman ng pari sa kanya.

“Binabagabag na po ako ng aking konsensiya sa mga nagawa kong pagkakasala at sa mga taong sinira ko ang kanilang buhay at kinabukasan. Ayaw ko pong mapunta sa Impierno ang aking kaluluwa sa dami at tindi ng aking mga kasalanan.”

“Lahat naman tayo ay makasalanan, ang mahalaga ay inaamin natin ang lahat ng mga ito at humihingi tayo ng tawad sa Diyos.”

Piiiiiiiiiiiiit! May kasunod pang bagay na ayaw langhapin.

“Ehm, o sige Marina sabihin mo na ang lahat ang mga pinagsisisihan mong kasalanang nagawa sa iyong buhay.”

Bahagyang nangiti si Marina ngunit hindi siya nagpapahata kay padre Juan.

“Nagawa ko pong ipalaglag recently ang batang dinadala ko sa aking sinapupunan. Pero bago nangyari iyan ay nagkahiwalay muna ang lalaking minahal ko at ang kanyang asawa nang malaman ng babae ang aming relasyon. Natuwa po ako sa pagaakalang ako na ang uuwian ng aking boyfriend ngunit hindi po nangyari iyon. Sa tindi ng sama ng loob sa paghihiwalay nilang mag-asawa ay naglasing po siya at nang malasing ay nanggulo po at nakipagsuntokan sa isa ring lasing. May pumalo po sa kanyang ulo ng bote ng beer kaya nawalang malay at na-ospital. Nang lumabas po siya sa hospital akala ko ay dito na matatapos ang kanyang problema pero hindi pala. Tumalon po siya sa bintana ng kanilang Condo unit nang muli silang nag-away na mag-asawa. Sa kasamaang palad ay nasawi po ang aking mahal. Kasalanan, kasalanan ko po ang lahat! Hu!hu!Hu! (sabay habol ng hininga).”

“Kaya mo iyan, sige lang magsalita ka Marina.” Ang sabi ng pari na sa kasamaang palad ay biglang sinundan ng isang napakalakas at napakahabang poo-ootttt!

Umiiyak man si Marina ngunit hindi na niya napigilan pa ang di matawa.

“Sorry iha, hindi ko na ma-control pa. May sasabihin ka pa?”

“Wa-wala na po father.”

“Mabuti kung ganon, kasi masyado nang polluted ng mga masasamang bagay ang Kumpisalan.”

HA!HA!HA!HA! Dito na natawa nang todo si Marina.

Palabas na siya ng simbahan nang patakbong sinundan siya ni padre Juan.

“B-bakit padre?”

“Wala naman Marina, gusto ko lang sabihin sa iyo na lihim Kumpisalan din iyong narinig at naamoy mo kanina habang nangungumpisal ka sa akin.”

“Si father naman, huwag na ho ninyong alalahanin pa iyon. Ang totoo niyan ay naunahan lang ninyo ako.”

“Hindi kita maunawaan Marina (pa-drama effect pa ‘ala Jericho Rosales habang kausap niya si Gabby Concepcion).

“Lihim din po akong umuutot kanina habang ako’y nangungumpisal sa iyo.”

Hahahaha! Biglang napatawa ang pari ng napakalakas.

“Makasalanan ka talaga Marina,” dagdag pa niya.

“Pareho lang tayo father.” ang sagot naman nito sabay talikod sa pari at mabilis na pinuntahan ang nakaparadang kalesa sa tabi ng simbahan upang sumakay.

“Magdasal ka ng limang “Lord’s Prayer” at sampong “Ave Maria.” Ang pahabol naman sa kanya ng pari.

“Kayo rin father, dapat doblehin pa ninyo.”

Napakamot na lang sa ulo ang (utotin?) pari sa kanyang narinig.

Tags: , , , , , , , , , , , , ,

8 Responses to “The confession Booth (Lihim sa Loob ng Kumpisalan)”

  1. Mrivera Says:

    Ano ba ‘yan, Seg?

    ‘Yung topic ni Mer ay tungkol sa kumare niyang nagkalat dahil sobrang kain ng kinilaw na talong, este talaba, ito naman sa iyo ay duet na ututan?

    Kaya pala ‘ansama ng amoy.

    Ano kaya naman ang kinain ng utugin, este ututing pari at ng makasalanang si Marina?

  2. Colegialagirl Says:

    Tito pinapasaya ka lang ni Seg. Kumosta na po ang pakiramdam ninyo. Magpagaling ho kayo ng husto tito.

  3. Colegialagirl Says:

    Seg ha, promise is a promise ba talaga? Akala ko nagbibiro ka lang nang sabihin mo kay tito na magkukuwento ka ng tungkol sa o-2tan. tinutuhanan mo na pala. O baka naman nainggit ka sa aking kuwento tungkol kay mareng Policarpia. Hehehe.

  4. Colegialagirl Says:

    Tito Mags sa palagay ko po ay tortang talong ang kinain ng makasalanang si Marina. Una’y may malaking talong at dalawang itlog iyong pari kaya nasarapan sa tortang talong si Marina. Bukod diyan malaki din ang bibingka ni Marina na hinaluan pa ng kamoteng hilaw na may dalawang itlog na maalat.

    Tama ba ang hula ko Seg? Hehehehe.

  5. Mrivera Says:

    Pulitika uli tayo:

    Kay hirap talagang mamili sa ngayon
    Sa pagdarahop ang sa ati’y mag-aahon
    Sa mga kandidatong pagbabago ang himatong
    Pangakong kaunlaran, magmula pa noon
    Hindi pa yata ipinanganak maging si Limahong.

    May nagsasabing kapag siya ay nahalal
    Sa pamumuno niya’y kikilalanin ang bayan
    Gradweyt sa Harvard sa bar ay namber wan
    Para bagang hindi natin noon ay napakinggan
    Katulad na hirit niyang siya’y pagkatiwalaan.

    Subalit paanong siya ay tatanggapin
    Kung ang anino niya’y kadikit ng salarin
    Buntot ng magnanakaw, timawang sinungaling
    Gahamang nagkanulong sa ati’y umalipin
    Manlilinlang na ganid at kampon ng dilim?

    Ang isa ay nagbanbando ng kanyang nagawa
    Mula pa noong meyor hanggang maging katiwala
    Sa sikat na Subic, sa kagalingan ng madla
    Sa misyon ng Red Cross na inaring kanya
    Maging sa senado’y parang sikat siya.

    Kung galing at nagawa ang pagbabatayan
    Maaaring siya na nga itong kasagutan
    Sa ating malaon ng mga katanungan
    Pag-asang darating nga ba ay kailan
    Sana ay siya na nga ang sasagip sa bayan.

    Ngunit may tanong pang kailangang masagot
    Hindi sa kakayahan niyang paglilingkod
    Bagkus ay ang gagawin sa mga gahama’t buktot
    Sa kaban ng baya’y walang sawang humuthot
    Ano’ng gagawin kapag siya ang naluklok?

    Eto naman ang idolo ng mga masisipag
    Dahil sa tiyaga kaya siya ay umunlad
    Aakayin ang madla na sa kanya ay tumulad
    Huwag daw ikahihiya kung ngayon ay salat
    Dahil darating din ang biyayang hangad.

    Sino nga ang hindi sa kanya ay hahanga
    Kung pag-uusapan ay gawang pagkalinga
    Lalo’t sa kapakanan ng mga manggagawa
    Mga OFW’ng nasa malalayong bansa
    Na kanyang binebentahan ng tirahang magara?

    Dumako naman tayo sa anak ng bayani
    Ng magiting na si Ninoy at nitong si Tita Cory
    Hindi pa man nag-uumpisa’y gisa na sa derby
    Sari saring pukol merong pang galaiti
    Utak daw ng masaker sa asyenda nangyari.

    Medyo personal na ang sa kanya ay banat
    Lahat ay kinalkal na, lahat ay binulatlat
    Pati ang pagiging autistic mga kritiko’y niladlad
    Buong pagkatao niya’y tuluyan ng winakwak
    Maging ang dangal niya’y walang awang winarak.

    Paano pa ang tanong kung siya ang mananalo
    Pakialamerang kapatid ba ang siyang magmamando
    Sa pagiging taklesa’y walang sinisino
    Hindi kaya mas lalong magiging magulo
    Kung silang muli ang uupo doon sa palasyo?

    Nakupo, ako ngayon ay hilong hilo na
    Hindi ko malaman pipiliin ay sino ba
    Nandiya’t nagbabalik ang idolo ng masa
    Nangangakong muli ng bagong pag-asa
    Paano tatanggapin kung sumablay noong una?

    Iboboto ba natin ang hawak ay bibliya
    Isang dating sa bundok ay matagal tumira
    Ano’ng pagbabago kaya itong hatid niya
    Kung dal’wang panginoon ang kinikilala
    Hindi kaya ikapu’t buwis ay biglang magsama?

    Environmentalist siyang nangakong magbibigay
    Ng mailap na pagbabago at buhay na matiwasay
    Pag-asensong aasahang walang pagkasablay
    Lahat daw ng ito ay nangakasalalay
    Sa kanyang masinop at mapagpalang mga kamay.

    Buhat siya sa angkan ng mga ‘merkano
    Mas piniling maging isang tunay na Pilipino
    Konsehal sa siyudad ng makasalanang ‘Gapo
    Umuumit ng tiwala upang siyang mamuno
    Puhunan niya’ kabataan at tunay na ideyalismo.

    Isang babaeng matapang, walang sinasanto
    Walang takot sa pagharap maging kahit sino
    Siya ba ang sagot na dapat na mangulo
    Upang matapos na ang lahat ng ito
    Kasagutan ninyo, ang sigaw ko’y saklolo!

  6. Colegialagirl Says:

    Seg, galti ka pa ba? Huwag mo nang patulan iyong bulate at iyon talaga ang style niya ang magpapapansin. Mabuti at inamin niyang isa pala siyang Tikyo, hahaha.

  7. Colegialagirl Says:

    Tito, ang kailangan po talaga ay dasal para hindi na tayo maloko pa ng mga nagpanpanggap ng pulitiko. Kapag nanalo na sila ay wala nang ginawa kundi bawiin ang mga ginasta ng nakaraang election sa pagnanakaw ng kaban ng bayan.

  8. Doc.bobonyo Says:

    Seg and Mer,

    Balita ko may nakasagutan daw kayong blogger sa PI? Kaunting mga pasensiya lang mga kapatid.

    Isipin na lang ninyo ang mga readers ninyong nagmamahal sa inyo. Huwag sana ninyo silang bibigoin sa kanilang paghanga.

    Pasensiya na nangaral na naman ito kapatid ninyo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: