Sabi Ni Manong Johnny Gusto Niya’y Maging Happy Tayo

Aba kakaiba itong si manong Johnny, Juan Ponce Enrile at gusto niyang maging happy ang lahat? Ito ang nilalaman ng kanyang bagon Info Ad ngayon na naisa-sahimpapawid sa mga networks. May mga dalagang sumasayaw pa sa background na tila nakangiti at dama sa kanila ang pagiging happy. Happy nga ba sila? At bakit may hawak-hawak pa silang mga cellphones? Ito nga ba ang kaligayahan ng mga tao ngayon? Magka-cellphone lang at maka-pag text ay masaya na sila?

Wow, ang babaw naman ng kaligayahan ng mga Pinoy. Inaamin ko simple lang daw ang taste ng karamihan sa mga Pinoy ngunit hindi naman ganon na lang kababa ang kanilang kaligayahan. Marahil ay may iba pang mensahe ang patalastas ni manong Juan. Gusto kong isipin na ang pinaka-pondasyon ng kaligayahan ng isang tao ay ang makamit niya ang kanyang basic needs araw-araw.

Alam ko familiar kayo sa Maslow hierarchy of needs–from survival to the highest form of need which is spiritual. Sabi nga sa theory as you move along and satisfy the different levels of needs, you’ll find fulfillment and need-satisfaction. As human needs are satisfied from simple to complex, there is happiness. (Si feliz, not syphilis).

Ito nga ba ang dahilan para maging happy na tayo? Kaya ba bumababa ang satisfaction rating ng mga Pilipino sa pamumuno ng bansa ni Ginang Arroyo ay hindi natutugonan ang mga pangangailangan ng mga tao?

At ano nga ba ang mga pangangailangan ng isang tao. Iyong bang nakikita ng mga ahensiya ng gobyerno na di umano’y pangangailang ng mga tao ay ang talagang pangangailangan nila? Has the social and economic development planning body of the government really identified and defined people’s needs so that these things shall be translated into specific programs and services to address hunger and poverty, unemployment, lawlessness, diseases and other health related problems and needs, livelihood programs, infra-structures such as farm to market roads, school buildings, hospitals, skills training and adult learning, protection of the environment, vice and drug control, prevention of prostitution and trafficking of children and women, arresting the influx of rural to urban migration, countryside development, etc.?

By the way in addressing these needs who did the planning and implementation. Have the people who are supposed to be the recipient of these services been involved in need identification, planning solution, and implementation of development plans? If ever, in what way and how much have they been allowed to participate? Baka “tayo-tayo” lang naman iyan ng mga pulitiko at opisyales ng gobierno. Kung totoo man iyan ay tama nga ang perception ng mga tao na kaya hindi epektibo at successful ang mga programang pangka-unlaran ng gobierno, e kinukurakot. Tama o mali?

Matagal ko nang tinatanong ito sa aking mga estudyante at ang sagot nila ay “NO.” Kaya pala in many instances ay hindi magkatugma ang pangangailangan (needs) ng mga tao sa mga serbisyo at programa na ipinatutupad ng gobyerno. On the other hand sabi naman ng gobyerno ay may attitude problems ang mga tao na dapat ay baguhin upang sila’y maging prodaktibo at makakapag-ambag sa pag-unlad ng bansa.

Masalimoot pag-usapan kung ano nga ba talaga ang mga pangangailangan ng mga tao. Ngunit sa toto lang iyong simpleng indicators na food, clothing, and shelter ay marami pa rin sa mga Pinoy ang wala niyan. Iyon pa kayang mas komplekadong pangangailangan?

Sabi ng gobyerno ay dapat ma-empower daw ang mga tao socially, economically and politically upang magkaroon ng tunay na pagbabago at paglago ang ating bansa. Tama iyan, E, paano naman kaya ang mga namumuno sa atin? May political will ba sila? May commitment to serve ba sila? Transparent ba sila?

Hanggang ang sagot ng lahat ng mga ito ay NO, hindi happy kundi api ang mga tao.

Tags: , , , , , , , ,

5 Responses to “Sabi Ni Manong Johnny Gusto Niya’y Maging Happy Tayo”

  1. chi Says:

    Paano ma-empower ang mga tao kung walang laman ang sikmura? Ni hindi nila maintindihan ang salitang empowerment dahil hilo sa gutom. The first aspect that should be empowered is the stomach, meaning jobs, jobs, jobs for the people so they can buy foods.

  2. Segundina Says:

    Tama po, next na problema na iyan ni Erap, este, Manny, este Noynoy… a bahala na kung sino ang mananalo diyan.

    Basta ang importante ay kumikita ang mga tao, may laman ang sikmura, at ang kinakain nila ay nanggagaling sa kanilang pawis.

  3. Mrivera Says:

    Matagal ng may power ang mga tao. Dahil sa gutom. Dahil sa kawalan ng malinis na tubig pampaligo at pantutbras, umaalingasaw na ang kilikili at bad breath powers.

  4. Politically Incorrect Says:

    iyan ang dapat gawin ng gobyerno,pagkain sa bawat tao.

  5. Mer Pints Says:

    Hahaha, kung hindi ka ba naman gugutomin niyan. Kaso kahit anong pag-uusap tungkol sa pagpapaunlad ng ating mga kanayonan ang gagawin, katakot-takot na research na gagawin, karamihan sa mga tao ay ayaw umintindi at makipagsapalaran dito dahil na rin sa pagdududa sa katapatan ng gobyerno.

    On the other hand epiktibo ang mga NGOs sa pakikipag-unayan sa mga tao dahil may nakikitang katapatan dito at may mga tulong na naibibigay pa. Hindi lang iyon sustained ang kanilang mga programa hanggang kaya nang mag-isa ang mga tao saka pa lang sila iiwanan. Hindi katulad sa gobyerno na kadalasan ay sa kodakan lang at pirmahan ng mga dokumento. Pagkatapos ay unti-unti nang maglaho ang programa. Ningas Cogon ang tawag dito. At ito ang perception ng karamihan sa mga mamayan tungkol sa serbisyo ng gobyerno. May mangilan-ngilan diyan naman na tapat ngunit nabibilang mo sila sa iyong mga dalire.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: