Sangang Landas-kung saan ka man nanggaling ay doon ka rin babalik

Magkababata sila, magkalaro, and they shared almost everything. Hubad mang naliligo sa ilog ay wala silang malisya. Alam ng lalaki na may nunal sa ari magkabilang labi ng ari ang babae. Ang babae naman ay nabuo na sa kanyang isipan na ang ari pala ng lalaki ay parang ibong may talukbong at dalawang itlog na hindi pa napipisa. At huwag na huwag mong susundotin dahil itoy maninigas sa galit at parang kobrang tutuklawin ka.
Pero hindi tuklaw ng makamandag na kobra ang naranasan ni Belen nang minsan ay naglambitin siya dito habang silang dalawa ni Aquilino ay sumisisid sa ilog kundi magkapatid na sampal. Ikaw ba naman ay paglambitinan sa iyong ibon at itlog ano ang iyong mararamdaman?
Ito na ang huling pagkikita at paguusap nila. Sa matuwid na landas napadpad si Aquilino. Pinakiusapan ng kanyang tito Martin na sakristan ang kanyang bosing, si Father Damian Tomaneng na tulongan sana ng simbahan ang pag-aaral ni Aquilino para maging isang pari. Natuwa ang tomador, este si padre Tomaneng sa narinig. Kukunti na lang kasi ang gustong magpari. Kung mayroon man, ay hindi nagpapatuloy ang mga iba dahil nababaling ang kanilang atensiyon sa mga naggagandahang anak ni Eva.
Kaya ganon na lang kasusi ang pagtatanong sa kanya ni Father Tomaneng tungkol sa pagkatao ng pamangkin.
“Ala e, natitiyak ko sa iyo padre na mabuting bata itong aking pamangkin. Ulila nang lubos at ako na lang ang umaaruga sa kanya. Kaya bago po siya makitim ng sioktong ay ipadala na natin sa seminaryo para mapalapit po siya sa Diyos.”
“Alam ko Martin, pero pogi at mestisohin iyang pamangkin mo baka paglaki ay pagaagawan ng mga babae. Sa halip na maging pari ay maging padre de pamilya?”
Umiling ng 360 degrees si mang Martin.
“Hindi mangyayari iyong padre. Sanay na iyang makakita ng ari ng babae.”
Nagulat ang pari sa narinig.
“Pssst, huwag mong lakasan ang magsalita. Bakit sinabi mong siya’y sanay na makakita ng ari ng babae?,” bulong ng pari.
“Ay si padre naman kung ano-ano ang iniisip. Babae po ang kanyang kalaro araw-araw at madalas silang naliligo sa ilog na hubad. Kabisado na nila ang isat isa.”
Kabisado nga ba? Hindi na po.
Iyong inaakalang ibong nakatalukbong na may dalawang itlog na hindi pa napipisa ay hindi mo na makikilala ngayon. Tinigpas ng kultura at tradisyon ang kanyang kinamumuhiang talukbong. Ngayon ay wala na siyang ipinag-iba pa sa isang pingas na panabong. Kung noon ay isa siyang maliit lamang ng bulate, ngayon ay isa na siyang anaconda na nangangailangan ng makakapal na damo upang magtago. Nandoon pa rin ang dalawang itlog na naglalambitin, hindi pa napipisa at mabubugok na yata sa kanyang pagtira sa apat na sulok ng seminaryo.
Kung may nagbago man kay Aquilino ay gayun din kay Belen. Mas malalaki na ngayon ang kanyang mga dedeng na noon ay ga-nunal pa laman. Kinaiinggitan na ngayon ang kanilang mga laki at hubog. Hindi lang maganda sa tayo at pagkabilog, mapupula pa ang mga utong. Kung ang dating kepyas ay payat at panot, sa pagdaraan ng mga panahon ay tumambok na at napapalibutan pa ng nagkakapalang damo. Ngayon kung siya’y tawagin ay PP (paraisong panundotan).
Sa mga panalangin nagabayan si Aquilino kaya hindi niya binigo sina mang Martin at padre Tomaneng. Isa na siyang ordinadong pari ngayon at gusto nang magretiro ni father Tomaneng sa pagpapari dahil may edad na siya (“Edad, ipagtempla mo nga ako ng kape iha”) at wala na siyang gagawin pa kundi magrosaryo na lang tuwing rosary hour (“Rosario, halika pakimasahe mo nga ako sandali sa kuwarto iha”).
Mga tugtuging mahaharot naman ang siyang pumukaw sa tulog na kamalayan ni Belen sa kamundohan. Hindi na naalis pa sa kanyang isipan ang ibong pinakaiingatan ni Aquilino na kanyang pinaglambitinan noon. Ngayon hindi na siya naglalambitin pa, pagkatapos ng unang karanasan sa isang pilyong binatilyo ay pinakinabangan niya ng kanyang mga labi at dila sa pagpapaligaya ng kanyang mga kustomer na Hapon, Arabo, at mga Amerikano. Ilang siya sa mga Pilipino baka masampal pa siya uli kapag nanlambitin na naman. Una siyang naging dancer hanggang naging ganap na sex worker. Kahirapan ang sumira sa kanyang pagkatao, maging ang kanyang kalusogan.
Umuwi siya sa kanilang bayan upang doon na hintayin ang kanyang kamatayan. Ngunit bago mangyari pa ito ay kailangan niya muna ang maghugas ng kanyang mga kasalanan. Isa siyang Magdalena na naghahanap ng isang Kristo na magpapatawad sa kanyang mga pagkakasala. Kaso hindi na lang siya dumeretso kay Bro, naghanap pa ng pari.
Kay padre Aquilino siya nangumpisal, kay padre Aquilino niya ipinagtapat ang lahat ng kanyang mga saloobin. Ang kanyang lihim na pag-ibig sa dating kalaro na si Kelly. Kung hindi pa gago ito bakit siya iniwan ng dahilan lang sa kanyang paglalambitin sa ibon nito. Natatawa man sa narinig si padre Aquilino ay pinigilan ang sarili. Isang spiritual na bagay ang kanyang ginagawa kay manatili siyang tapat at seryoso sa pakikinig sa sino mang mangungumpisal.
Pagkatapos mangumpisal ni Belen ay kaagad naman niyang natamo ang kapatawaran sa pari. Iyong nga lamang ay magdasal siya ng sampong “Our Father” at sampong “Hail Mary.” Maliit lang ang task na pinagagawa sa kanya ng pari dahil kahit si padre kumpesor ay may kasalanan din sa kanya. Ngunit paano niya ito maihihingi ng tawad. Kailangan ba niyang lumuhod sa isang dating Pokpok upang humingi ng tawad sa kanyang pagkakasampal dito?
Mabuti na lang bago nalagutan ng hininga si Belen ay nakausap pa niya ito ng personal. Isinakay niya sa isang tricycle si Belen at dinala sa ilog na dati nilang pinupuntahan upang maligo at maglaro. Gustong sariwain ni Kelly kasama si Belen ang lumipas nilang kamusmosan sa Ilog Paraiso.
Pero pati ang hitsura ng ilog ngayon ay nagbago na rin. Wala nang linaw pa ang tubig nitong umaagos na gustong-gusto nilang pagbabarang maghapon noon. Ngayon ay tanging mga nagkakapalang bula ang siyang umaapaw at umaagos dito ngayon sanhi ng mga Chemical wastes na itinatapon ng isang malaking pabrika na pagaari ng mga dayuhang Intsik at Koreano.
Gayon pa man ay saglit nilang nakalimutan ang mga nakakarimarim na tanawin sa kapaligiran.
Ang tanging nakikita nila ngayon ay ang dalawang batang napakasaya at walang sawang naglalaro sa mala-paraisong ilog. Kaya nga tinawag siyang Ilog Paraiso dahil sa likas na yaman at ganda ng kapaligiran. Para sa kanila wala nang gaganda pa sa mga naririnig na awit ng mga ibon at haplos ng hangin sa mga naghahampasang sanga at dahon ng mga puno. Hindi na muling babalik pa ang kanilang paraiso ganon din ang kanilang kamusmosan.
Nakangiting iniwan ni Belen ang daigdig na ito para mauna na sa tunay na paraiso ng Diyos. Gaya ng kanyang kahilingan ay isinaboy ang mga abo ni Belen sa ilog kasama ang iba pang mga dumi.
At habang nandiyan ang mga isyu at dumi ng lipunan ay manatili sa kanyang tungkulin si Aquilino bilang isang pari upang gabayan ang mga tao nang di mawala sa tuwid na landas. Mahirap nang linisin pa ang pisikal na anyo ng daigdig, ngunit sa ispiritwal na buhay ng mga tao ay may pag-asa pa.
At bilang isang pari ay tatahakin niya ang landas na ito hanggang sa kahulihuliang hininga ng kanyang buhay. Nais niya na sa langit din sila magkikita ni Belen, at mabuhay ng walang hanggang sa glorya ng Diyos.

Tags: , , , , , , , , , , ,

9 Responses to “Sangang Landas-kung saan ka man nanggaling ay doon ka rin babalik”

  1. Mrivera Says:

    Ano ba namang istori ire at nandine na ‘ata ang ilan sa mababagsik na uri ng ahas.

    Subalit ito’y kapupulutan din ng aral. Aral na dapat ay magsikap upang hindi basta tangayin ng agos ng buhay. Pagpapahalaga na rin sa ating kapaligirang sinira ng modernisasyon ng kaunlarang bunga ng pagwawalangbahala at kawalang malasakit ng mga dayuhan kapitalista at ganid na pamunuang ipinagbibili ang kapakanan ng dukhang mamamayan.

    Gayundin, ang pagpapahalaga sa dangal bilang babaeng hindi dapat kalakalin ang katawan upang mabuhay lamang.

  2. Doc.bobonyo Says:

    Korek po kayo diyan kuya. Ang unang ginawa ng diablo para akitin ang tao sa kasalanan ay ang basic na pangangailangan. Food. Pagkain mula sa isang bunga ng kahoy na ipinagbabawal kainin ng Diyos. Natukso si Eva at gayun din kay Adan. As a consequence ay napatalsik sila sa Paraiso.

    Ang dahilan kung bakit marami sa ating mga kababihan ang kapit sa patalim ay kahirapan at pagkagutom. May balita pa nga ako kuya, ilang kilong isda kapalit ng paggamit sa katawan ng isang babae. Iyong isa pa nga na nailathala sa balita ay menor de edad pa lang. Ganito na po kadisperado ang karamihan sa ating mga kababayan ngayon. Ewan ko nga ba kung sa Gobyerno natin isisisi ito kung saan ang mga pulitiko ay nagpapabaya ng kanilang tungkulin sa bayan at kinukurakot pa ang pondo na para sana sa pagpapaunlad ng mga mahihirap.

    Sa akin lang kuya Magno, bawat babaeng nagpuputa sa lansangan ay may pananagutan din ang mga pulitiko at opisyal ng gobyerno. Isama na rin natin sa pananagutan na ito ang mga kalalakihang tumatangkilik ng ganitong uri ng pangangalakal ng katawan kutumbas ang panandaliang kaligayahan. Ito’y isang uri ng kanser na sumisira sa ating lipunan.

    Pero it’s the greed in man na bottom line lahat ng mga kaguluhan at paghihirap ng ating nararanasan ngayon. Sa pagsuyaw lang sa isang bagay na ipinagbabawal ng Diyos ang tao ay napatalsik sa Eden at nawalan pa ng karapatang mabuhay ng walang hanggang.

    Marami po ang mga nagkakasakit sa atin dahil lang sa pagkain ng mga bawal. Kung atin lang pong susundin ang bilin ng Diyos tungkol sa pagkain ay wala na sanang nagkakasakit pa ng ganito. Bakit po nasabi ko iyon, kasi kung ang ating panginoon lang ang masusunod ay puro prutas at gulay lang ang kinakain ng tao. Sa mga halaman lang dapat umasa ang tao. Kasi ho kuya Magno, bago pa iyong delubyo ang malaking pagbaha na pumatay ng maraming tao, hayop, at ano mang living things noong panahon ni Noah, ang mga tao noon ay nabubuhay sa kulang-kulang na isang libong taon in the average.

    Ngayon po kuya ay moderated na ang pagkain namin ng karne. Mas marami na sa isda at gulay. Noon araw kasi nang hindi pa nating nalaman ang katotohanan ay linggo-lingo may litsung baboy na kinakain. Hindi lang iyon kumakain pa ng alimango, hipon, at mga shell fish na siyang nagtataglay ng maraming toxic substances sa katawan ng tao.

    It’s on diet ang unang pagsubok sa tao, hindi siya pumasa. Kaya ngayon kapag may pasyenteng nagkakasakit unang sasabihin namin, huwag kang kakaain ng ganito, ng ganon. May kaugnayan po kasi ang ating mga kinakain sa ating kalusugan.

    Pero ngayon ay hindi na lang pagkain, may problema pa tayo sa pollution, sa pagkasira ng ating kalikasan. Pati na ring mga gulay at prutas na kainakain ay kontaminado na sa mga industrial wastes at mga kimikal na ginagamit ng tao ngayon. Pati iyong hangin na ating hinihinga araw-araw ay kuntaminado na rin. Hindi na nga ako puweding magbisikleta po ngayon na walang mask para kahit papaano ay mabawas-bawasan iyong nalalaghap kung pollution mula sa mga motorized vehicles na tumatakbo sa lansangan.

    And stress, ito po ang isa sa mga pinakamatindi na sanhi ng ating pagkakasakit. Conscious ka nga sa iyong diet, may exercise ka pa, pero sa dami po ng stressors araw-araw na ating nai-experience ay marami tuloy sa atin ang nagkakasakit.

    Tanging panalangin na lang po at pananampalataya sa ating mapagmahal na Diyos ang ating pananggalang sa mga araw-araw nalalasap nating stress, pollution, at nai-ingest na maga toxic substances. Kasi kuya pati iyong gamot na iniimun natin na bigay ng doktor ay may mga side-effects din ang lahat ng mga iyan. Kaya kung makukuha nga lang ng herbal medication ay iyon na ang aking inirerekomendang panggamot ng aking pasyente. Of course my kaunting medisina din pero kailangan mabalanse rin sa mga halamang nakakakagamot.

    Naparami na yata. Salamat Seg sa iyong kuwento. Sa una akala ko kung anong kaberdehan na naman iyon pala ay may tinutumbok ang iyong kuwento tungkol sa kasaysayan ng buhay ng tao, from paradise to sin, and from sin to the atonement of man. Godbless.

  3. Doc.bobonyo Says:

    Napasyal pala kayo sa Kilinika pero matagal po akong absent. Kaya dito ko na kayo kukumostahin sa inyong kalusogan. I believe na magaling na po kayo:

    Sorry kuya matagal akong hindi nakapaglog-in. Maraming ginagawa sa klinika at simbahan.

    Kung minsan po kasi hindi na nakakayanan pa ng ating katawan na dalhin ang napakaraming medisina nating iniinom kaya po na sa halip na gumagaling kaagad ang pasyente at tumatagal bago umepekto. Maraming paliwanang diyan ang ibang mga doktor pero tumbokin na natin, may certain amount lang ng medisina na kayang dalhin ng ating katawan. Kung baga ay one at a time sana. Pero sa dami ng mga ginagawang lab tests, ang daming sakit na nakikita at gustong gamutin kaagad. Sa aking experience lang po ay hindi sana ganon. Pero hati kaming mga manggamot dito. Ako po ay naniniwala sa alternative medication na ang iba naman ay hindi pinapansin at sinasabing untested daw. Pero sa dami naman ng napagaling ng mga alternatibong gamutan, anong tests pa ang kailangan.
    Hindi ko gaanong alam ang case ninyo pero ayon sa mga nababasa ko ay karamihan po yata sa inyong nararamdaman ay stress related. Sa trabaho po ay may mga araw-araw tayong nakakasamang tao na nakapagdudulot sa atin ng sama ng loob. Iwasan po kaya natin ang palaging nakakaengkuwentro ng mga ganitong bagay.
    Kuya subukan ninyo kaya ng uminon ng food supplements gaya ng Circulan (product po ito ni Dr. Gary), Beta Life, Apple Cider Vinegar na sawsawan, green tea one in the morning at bago matulog, bawang tatlong butil isang araw, at plenty of sleep. Bukod pa dyan ay ipagpatuloy din ninyo ang mga iniinom ninyong gamot na bigay ng inyong doktor.
    Kung magaling-galing na po kayo ay ituloy lang ninyon iyong mga unang nabanggit ko as part of your diet.
    God willing, pasasaan pa at pagagalingin din kayo ng Panginoon. Alam niyang marami pa kayong misyon sa buhay.

  4. Colegialagirl Says:

    Isa rin na sanhi ng pagkasira ng kalikasan at pagkapanot ng mga kagubatan maliban pa sa illegal logging ay ang pagtatayo ng mga resorts, housing projects, at subdivision kung saan ay nalalagay sa alanganin ang ecological balance.
    Isa na dito iyong mga naglalakihan na kagaya ng kompanya ni Villar at mga iba pang land developers kung saan ang dating kagubatan o taniman ng palay ay ngayon puro mga bahay na ang nakatanim. Dahil dumadami ang tao, nagkakaroon tuloy ng problema ng garbage disposal at sewerage system. Di ba may mga naland-slide pang mga kabahayan noong sumalanta si Ondoy?
    I may sound nonsense pero mas gugustohin ko pa iyong mga bahay kubo na nakatayo sa paligid kay sa mga batong bahay dahil ang mga ito ang sumisira sa daluyan ng tubig.
    Seg bilhin mo na iyong bahay ko, hindi ko na kayang hulog-hulogan pa. Bukod pa diyan ay wala akong pambili ng barko na sasagip sa amin kapag bumaha na naman uli dito sa Metro-Manila at karatig na mga lugar.
    Hindi bale sis, may pagkasirena ka at natutuwa ka pa kapag may baha. Hahaha.

  5. Doc.bobonyo Says:

    Pasyal lang po kayong lahat sa Klinika Bobonyo, may sinulat akong makakainspayr sa inyong lahat. Mer and Seg, ito ang ibig sabihin ng pagmamahal.

  6. Segundina Says:

    Doc.B.

    El amor verdadero está desprovisto del egoísmo. Si usted piensa adorar está seguro dar libertad para otros mover. Usted no puede atar el cariño de personas so pretexto de amor.

  7. Mer Pints Says:

    HAPI BALENTAYNS SA INYONG LAHAT.

  8. Mrivera Says:

    Hapi balentams tu ol.

    Ingat kayong nakatanggap ng libreng condom mula kay goyang. Gamit na ni Pig G ‘yung mga ‘yun. Delikado.

    Kaya nagagalit ang mga taga-simbahan. Hindi sila binigyan eh magsiselebreyt din daw sila ng Balentayms ng kani kanilang Rosario.

  9. secondlady Says:

    Hehe, kape at Rosaryo iyan. Wala na raw Rosaryo ang mga 50 and above na mga pari kasi may Edad na sila. Caridad, pakimasahe nga… hehehehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: