Honor thy Father and thy Mother (Exodus 20:12) (“Ang hirap magpalaki ng magulang”)

As said in the Bible children should honor their parents that they may live long. Of course honoring parents is not as simple as being courteous to them. It entails discipline, complying with their commands, and listening to their admonitions. Disciplined and respectful children to their parents are children who most likely succeed in life. Undisciplined and unrespectful children are most likely the one who met a tragic end.

Marami na tayong nabalitaang mga kabataan na napahamak dahil lang sa hindi nila pagsunod sa payo ng kanilang mga magulang. Sa totoo lang walang mga magulang ang nagnanais na mapahamak ang> kanilang mga anak. Kaya lahat na lang na mga pangaral at pagdidisiplina ay kanilang ginagawa upang hindi mapariwara ang buhay ng kanilang mga mahal sa buhay. Ngunit sa kabila ng lahat na pag-aaruga at pangaral ng mga magulang sa kanilang mga anak ay binabale wala lang ito ng ibang anak. Akala nila kaya na nilang mabuhay na hindi ginagabayan ng mga magulang. Lumaki silang walang disiplina, mga pasaway at kung minsan ay gumon sa mga masasamang bisyo.

Ilang mga kabataang babae na rin na ayaw makinig sa pangaral ng mga magulang ang napahamak; may mga pinaslang, iyong mga iba ay pinagsamantalaan, may nanganak na dalaga, at nakakapanghinayang naging kalapating mababa ang lipad magkapera lang para matustosan ang mga bisyo lalo na sa droga. Anong mararamdaman ko kung ikaw ang isa sa mga magulang ng mga kabataang ito? Di ba halos na madurog ang iyong puso?

Sa isang banda may mga magulang din na nagkukulang sa pangaral sa mga anak. Pinababayaan lang ang mga ito dahil sa paghahanap-buhay, o sila man din ay mga dilingkuwenteng magulang. Gumon din sila sa bisyo, sugal, alak, droga, sex, at kung ano-ano pang bagay na makapagbibigay sa kanila ng panandaliang kaligayahan. At ano ang iyong aasahan sa kanilang mga anak? Di ba mga isinusuka din ng lipunan dahil sa mga masasamang gawain?

May mga anak pulitiko at opisyal nga diyan ng gobiyerno na ipinapangahas nila ang kapangyarihang taglay ng mga magulang kaya sila’y naghahari-hairan diyan at siga sa lansangan. Matitigan mo lang ay gulpe sarado na ang iyong aabutin. Pero kapag nakaharap din nila ang kanilang katapat, ayon sa kulungan o kung hindi man ay sa sementeryo ang bagsak. Nakakalungkot, pasama nang pasama na ngayon ang ibang mga kabataan. Nagnanakaw, pumapatay, naninira na ari-arian ng iba, at nanakit pa sa iba. Kapag kinanti mo naman ang mga iyan ay katakot-takot na reklamo ang kakaharapin mo sa mga kunsintidor na magulang.

Hindi lang sa mga mayayaman nagmumula ang mga pasaway at tila asal hayop na mga kabataan. Sa mga mahihirap din. Ipinapangahas ng mga ito ang pagiging mamatay tao, siga, at koneksiyon ng mga magulang sa mga masasamang pulitiko, opisyal ng gobiyerno, pulis at saka militar. Mga magulang kasi ang ginagamit ng mga ito sa mga illegal nilang gawain. Pero may mga kabataan din diyan na sa sobrang kahirapan ay hindi nakapag-aral at hindi natuto ng good manners and right conduct. Kulang sila sa values education, hindi nila alam kun ano ang masama at kung ano ang mabuti para maging karapat-dapat silang bahagi ng lipunan.

Sa ngayon ay maraming lumalabag sa kagandahang asal, marami diyan ang mga kabataan na walang respeto sa iba. Maraming tao ang naging masama dahil isinantabi nila ang ika-limang bilin ng Diyos: “Honor thy Father and thy Mother.”

Sa kabila ng lahat, mga magulang pa rin ang siyang sisisihin at mananagot (morally) kung bilang naging salot man sa lipunan ang kanilang mga anak. Kahit saan mang antas ng lipunan sila nabibilang, ang tanong, ginampanan ba nila ng mahusay ang kanilang mga responsibilidad bilang mga mabubuting magulang?

Tags: , , , , , , , , ,

13 Responses to “Honor thy Father and thy Mother (Exodus 20:12) (“Ang hirap magpalaki ng magulang”)”

  1. KapitanKidlat Says:

    Tama ka Seg.

    Mahirap magpalaki ng anak, mahirap din magpalaki ng magulang. Bawat isa ay may katuwiran. Mahirap ang magulang na naghihigpit sa anak, mahirap din naman ang laging maluwag sa pagdidisiplina ng mga anak.

    In a way ginagawa mo na ang tama ay ikaw pa rin ang masama sa pananaw ng iyong pamilya.

    Sa totoo lang laging may isyu ang mga kabataan laban sa kanilang mga magulang, may isyu din ang mga magulang laban sa kanilang mga anak.

  2. KapitanKidlat Says:

    Pero bilang magulang, sa mata ng Diyos at tao ikaw pa rin ang mananagot sa ano mang kabalbalang ginagawa o nagawa ng iyong anak.

    Your accountability to your children does not end. Kahit may asawa at apo na sila, para sa akin lang, accountable ka pa rin sa actions ng iyong mga anak. Kung gumagawa ng tama ay kapuri-puri ka. Kung naging corrupt siya na presidente, ikaw pa rin ang sisisihin ng mga tao. Bakit, naturuan mo ba siya ng tama?

    Sana ang mga counselor na kagaya ninyo ay mag-asawa na nang malaman ninyo kung papaano magpalaki ng magulang, este ng anak pala. Hindi lang theory, kailangan hands on na.

  3. Mrivera Says:

    Ang hirap magpalaki ng magulang?

    Ay, talaga naman!

    Lalo’t PANDAK ang iyong nanay.

  4. Mrivera Says:

    Kaps,

    Bow ako sa mga sinabi mo. Ganyan din ang katwiran ko. Hindi natatapos sa pagpapatapos ng anak ang responsibilidad ng magulang. Kahit may sarili na silang pamilya, kailangan pa rin ang patnubay natin upang hindi sila malihis sa tama.

    Subalit, hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay kapabayaan din ng magulang kaya marong napapariwarang anak kundi ‘yun ay sa kanila na ring bulag na pagsunod sa lihis na katwiran. Kahit ano’ng pagbabantay, pangaral at pag-akay ang gawin ng magulang, gagawa at gagawa ng dahilan at paraan ang anak upang sumuway.

    May mga anak kasing ang pagkakamali ng sino man sa kanyang magulang ay ginagawang batayan, katwiran at panlaban, hindi sa pagtugpa sa tamang daan kundi sa anyong pagrerebeldeng nagbubunga ng kanyang kapariwaraan.

    Kasabihan nga, kung ano ka ngayon ay ‘yun ang binalak, ginusto at hinangad kahapon.

    Destiny is not by chance but by choice.

  5. KapitanKidlat Says:

    Tama ka diyan pareng Mags.

    Ano mang bagay ang nangyari at mangyayari pa sa atin ay ating ginusto at ginawa. Sabihin man nilang napilitan lang, choice mo pa rin iyon.

    Kagaya ng pagaasawa, kung tumanda mang dalaga itong si Seg at Mer huwag nilang isisisi sa iba, mapili lang. Kaya choice nila ang walang mapili. At choice din nila kung bakit walang lumalampit ngayon sa kanila. Haha.

  6. KapitanKidlat Says:

    Pero sa totoo lang napakakomplikado talaga ang buhay. Marami kang dapat pakisamahan. Kung minsan sa kagustohan mong mapasaya ang lahat ay ikaw tuloy ang naghirap.

    May dalawa akong kumpare na tumakbong konsehal ng bayan. Magkaiba sila ng partido. Bawat isa sa kanila ay kinukuha ang aking suporta. Okay lang sana dahil puwedi ka namang sumuporta ng dalawang konsehal. Pero iba ang suporta na hinihingi sa akin. Pera. Wala naman akong maibibigay dahil sapat lang naman ang akin kinikita para sa pagaaral ng aking mga anak at gastosin sa bahay. At saka kapag pinagbigyan ko sila, misis ko naman ang magagalit. So misis ko na lang ang aking sinunod, wala silang nakuhang tulong ni kusing sa akin.

    Kapwa mga natalo din. Ang sinisisi nila ako. Paano ako e hindi naman ako mayaman. As if na kapag binigyan ko sila ng financial support ay mananalo na. Hanggang ngayon hindi pa nila ako kinakausap.

    Mabuti na lang iba ang ugali ng mga anak. Mas nakakaintindi pa ang mga bata sa mga magulang. Tanggap na nila na hindi ganon kapopular at mapera ang mga magulang nila kaya expected na ang pagkatalo.

    Mabuti na lang natoto sila ng leksiyon at hindi na nagbalak pang kumandidato sa pagka-konsehal.

  7. Colegialagirl Says:

    Kap mahirap din pala ang magpalaki ng kumpare. Baka naman kumpareng putik lang iyan. Sino ba sila, sina Nardo at Pepeng?

    Payo ko lang sa mga kaibigan, huwag naman ninyong sagarin ang kabaitan ng inyong mga kaibigan. Huwag abusado lalo na pagdating sa pera.

    Bottom line turuan natin ang mga bata na huwag maging gahaman sa pera.

    Magsilbing modelo din tayong mga nakakatanda sa mga bata upang mag-behave. Kung ano ang nakikita sa matatanda ay gagayahin ng mga bata.

    Naiintindihan mo ba iyan Kap bilang lolo?

  8. Mrivera Says:

    Hehehehehehhhh!

    Nasabon pa ng dalagang hindi makakaranas maging lola.

    Ayaw o takot mag-asawa.

  9. Colegialagirl Says:

    Hehe, mag-aasawa ba ka ninyo? Excuse me muna po,aalis lang ako sandali at makakain muna ng pananghalian.

    Speaking of pagaasawa, paunahin muna natin iyong babaeng singkitin ang mga mata na ipinaglihi sa kesong puti. Yehey!

    Eto, higop po muna tayo ng mainit na sabaw ng bulalo. Gusto po ninyo? Ayan may sukang sawsawan na na may sili. Sarap kumain kung may longganiza at inihaw na manok na ulam at may sawsawang soy with kalamansi. Tito Mags may lechong kawali pang pork, sarap umaagos ang mantika.

    Kain po muna tayo, hehehehe.

  10. HaydeenKoi Says:

    Sa akin naman po kahit sardinas lang ang aking ulam basta hindi ko inutang ay masarap.

    Noong araw bagoong at talbos ng kamote lang ang ulam namin sa probinsia but we are happy because we are all eating together from mother to father and to lolo and children. Very happy kami kahit kamatis at patis lang with little meat to eat.

  11. KapitanKidlat Says:

    There are mothers that need not be respected, iyong korap at magnanakaw sa gobiyerno.

  12. Mrivera Says:

    Kaps,

    But these mothers are feeding and providing their young what they know and believe are best for them.

    Teka. What did I say?

    Yeeoooowww!!!

  13. Segundina Says:

    Kap, ibig mong sabihin ay huwag irespeto ng mga children si mama Nuna dahil korap siya?
    On going na yata iyan a, hehehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: