SOUR GRAPES…Noynoy’s Victory

Surprise nga ang nangyari sa halalan, sa halip na magkaroon ng failure of election halos 90 percent or more ang rate of success. At inaasahan na babaha sa boto (hindi sa basura) ang boto ni Noynoy Aquino. Ngayon nasaan iyong banta niya ng people power? Halos umabot na sa kanyang panot na toktok ang kanyang ngito sa tuwa dahil hindi na mapigilan pa ang kanyang pagkapanalo sa posisyon ng pagka-presidente ng Pilipinas. Inaasahan na niya na siya nang papalit ngayon kay Gloria. Muling napasakamay ng isa pang Aquino ang Malacanang!

E, bakit nga hindi matutuwa ang LP niyan landslide victory nga ang kanilang pagkapanalo? Kaya naman itong mga ibang nangulelat (kahit gumastos pa ng bilyon-bilyong piso) ay nag-concede na kaagad di ba Mer? Very gentleman daw si Manny Villar na una nang nagpahayag ng pagtanggap sa kanyang pagkatalo. Si Gibo naman ay buong puso niyang tinanggap ang kabigoang mapaglingkuran ang sambayanan bilang Pangulo ng Pilipinas. Si Dick Gordon naman ay wala na siyang ibang option kundi tanggapin na hindi siya ang napipisil ng mga Pilipino na tawaging Mr. President of the Philippines kahit punong-puno pa siya ng karanasan. Anyway iyan ang like ninyo, e di magtiis kayo kundi makapag-deliver itong ibinoto ninyong Pangulo. After all sabi ni Gordon, Aquino’s win is a loss for the Filipinos. Naku po paano na iyan?

Kaya itong si Erap na idol ng mga mahihirap ay hindi pa rin nagko-concede alang-alang ala sa kapakanan ng mga taong umaasa sa kanyang pangako na mai-ahon sila sa hirap. Biro mo nga ba naman kapag nanalo siya, kay Erap ay may ginhawa? Paano na iyan Mer, mukhang matatalo yata itong si Mr. Asyong Bigotilyo?

Tanong ko lang po, walong milyong Pilipino lang ba ang mga mahihirap? Ano na ang nangyari sa iba, sino ang ibinoto nila, iyong tunay bang mahirap? Iyan kasi ang ating napapala, kinakapital nating itong mga mahihirap upang maluklok sa puwesto at pagkatapos basta-basta na lang silang kalilimutan.

Kaya masama ang loob nitong si Banong na isang taga-hanga ni Erap. Araw-araw siyang nangangampanya para sa kanyang idol only to find out pagkatapos ng halalan na ang laki pala ang kalamangan ng boto ni Nonoy doon sa boto ng kanyang idolo. Oo, mas malaki ang boto ni Noynoy kay sa boto ni Erap kaya expected nang ito si Noynoy ang ipoprokalama ng Kongreso na bagong halal na presidente. Pero trending lang daw iyan at baka sa bandang huli ay si Erap pa rin ang panalo. Nahihibang na yata itong si Banong, kasing hirap pasukin ng isang elepante ang butas ng karayom ang himalang kanyang hinihintay.

Pero totoo kaya na lalo lamang maghihirap ang Pilipinas pagka-upong pagka-upo ni Noynoy sa trono? Totoo kaya ang kanilang sinasabi na lalo pa siyang malalagasan ng buhok sa dami ng problemang hinaharap ngayon ng Pilipinas na haharapin ng kanyang administrasyon. Panalangin na lang ng mga fans ni Kris Aquino ay sana naman manahimik na itong si Gloria nang di namang lubusang makalbo ang kanyang kapatid pagkasumpa niyang pangulo ng bansa.

To Banong and Kapitan Kidlat, you have to endure for another six more years before your idol can run again for president, hehehe. Meanwhile, let us all unite to save the Republic of the Philippines alang-ala sa kinabukasan ng mga magiging anak at apo namin ni Mer sampo na ang milyong-milyong mga Pilipino na ngayon ay naghahangad ng pagbabago!

Tags: , , , , , , ,

3 Responses to “SOUR GRAPES…Noynoy’s Victory”

  1. KapitanKidlat Says:

    Kapag ang nanalo sa election ay iyong kandidato na ayaw mo o di mo sinuportahan, aba pasensiya na iha. Ngayon pa man ay sanayin mo ang iyong mga mata na makakita ka ng presidente na malapit nang makalbo, haha. Hari nawa ay bawat araw a haharap si presidente Noynoy sa salamin ay lagi niyang maisip na ipasara lahat ng mga logging concessions para wala na tayong kinakalbong kagubatan. Kahit dito man lang ay may maganda siyang magawa para sa bayan!

  2. tarugong kulotMPR Says:

    Tapos na ang eleksiyon. Tapos na rin ang bilangan. Tapos nang humusga ang taong bayan. Subalit hindi tapos ang TUNAY NA LABAN.

    Nariyan pa, hindi pa nawawala ang tinik sa ating lalamunan. Nagpalit lamang siya ng paghahasikan ng kawalanghiyaan kung saan hindi halos nabago ang hawak niyang kapangyarihan. Nandiyan pa rin ang mga ulol niyang kawan. Mga gabineteng hinalal ng mga tangang botante at gunggong na tagapagtaguyod na naniniwalang nabago sa maaayos ang kanilang pamumuhay kahit naghuhumiyaw ang katotohanang gapang sa dusa at hilahod sa gutom ang nakararaming mamamayan.

    Dahil sa ginawa ng mga taga ikalawang distrito ng Pampanga ng paghahalal bilang kinatawan nila si gloria, SILA ang mga walang damdaming nagtanim muli ng binhi ng katiwalian.

    Sa ginawa nilang ito, hindi n’yo siguro kami masisisi kung ipagdasal naming sa muling pagdanas nila ng katulad na kapinsalaan noong pumutok ang Bulkang Pinatubo ay tuluyan nang malibing sa lahar at mabura naturang lugar kasama na ang mga naninirahan.

    Pinatunayan lamang nila na sila, ang nagluklok kay gloria sa konggreso ay walang pasubaling mga dugong ASO!

  3. Colegialagirl Says:

    Segundina, nagkonsid na iyong kumare mo at yong bagets na crush mo pero binabawi nila dahil mayroon daw silang hawak na ebidensiya na may nangyaring dayaan daw sa automated election counting.
    Kailan bang nawalan ng dayaan tuwing may halalang nagaganap sa bansa natin.
    Humanda ka sa magaganap na drama na naman sa sendo at kongreso na siyang magbibilang ng mga certificates of canvass at magpoproklema kung sino ang susunod na presidente at bise-presidente.
    Ang lolo mo ay may mga pasabog ding ihinahanda kapag nagumpisa na ang bilangan sa Kongreso.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: