Dinaya nga ba si Erap noong nakaraan election at nakaltasan pa ng 5 milyong boto?

Kinalampag kahapon ng partidong PMP ni dating pangulong Joseph Estrada ang Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) para magsagawa ng audit sa lahat ng 76,475 compact flash cards na ginamit para sa kauna-unahang automated poll isang linggo na ang nakakaraan. Ang dahilan, si Erap pala ay nakaltasan ng 5 milyong boto na kung saan ang nakinabang ng husto dito sa tinatawag nilang “electronic fraud (“electronic garci”) ay ang kanyang katunggaling si senador Benigno “Noynoy” Aquino Jr. na naghihintay nang maiproklama ng Kongreso bago manumpa at umupong presidente ng Pilipinas.

Ayun sa lumantad na maskaradong “whistleblower” nanganap daw ang electronic cheating na ito sa kanyang assigned areas: Laguna, Pangasinan, National Capital Region (NCR) at Region 1V. At ito naman ang ipinagtataka ng kampo ni pangulong Erap na kung bakit naman sa lahat ng mga lugar ay sa San Juan pa siya nag-number 3 sa bilangan? Hindi lang iyan bakit sa sarili pa niyang probinsiya ng Laguna kung saan ay malakas sana siya ay doon pa natalo itong dating pangulong Erap?

Hindi lang pala si Erap ang nakaltasan ng boto o biktima ng dagdag bawas, maging sina Gibo Teodoro at Bro. Eddie Villanueva na nakaltasan ng dalawang milyon na boto. Sa mga tumakbo naman daw ng pagka bise-presidente na sina Loren Legarda’s at Bayani Fernando’s ay nabawasan din ng 1.7 hanggang 1.8 million na boto.

At kanino naman napunta ang mga nanakaw na boto nila? Nakapagtataka at si Makati City Mayor Jejomar Binay ang nagbayad ng P1 billion para baguhin ang resulta ng bilangan. Ito ay pinabulaanan naman kaagad ni Mayor Binay na walang katotohanan at ang layunin lamang ay para siraan siya at upang hadlangan ang kanyang pagkapanalo. Pero si Binay lang ba ang bumayad ng katakot-takot na halaga para lamang manalo sa bilangan ng mga boto? Aba, kahit itong si Senador Mar Roxas din pala ay nagbayad din. Ngunit hindi kasing-laki ng ibinayad daw ni Mayor Binay kaya ito nanalo. Sa maniwala ka at hindi sa expose ng lumandtad na whistle blower na ito, saan naman kaya kumuha ng ganong kalaking halaga si Mayor Binay? Malabo din naman yata na galing iyan sa mga kamag-anak ni Senador Noynoy Aquino, pero hindi rin nating alam. Anong malay natin at may katotohanan naman sa sinabi ng whistle blower na ito?

Posible bang mangyari ang ganitong klase ng pandaraya kaya? Kung si House Speaker Prospero Nograles ang tatanungin ay posible daw ito ayun sa kanyang napanood na documentary film na may pamagat na “Hacking Democracy” kung saan ang resulta ng bilangan sa pamamagitan ng isang votes counting machine kagaya ng PCOS ay nababago sa pamamagitan ng pagmamanipula (as demonstrated by Harri Hursti). Matatandaan natin na ilang araw na lang bago ang halalan ay nire-format ang mga CF cards at iyong mga PCOS machines ay hindi na na-test pa kung accurate nga ang ipinapadala nilang bilang ng mga boto sa COMELEC. Iyan na lang ay nakapagdududa na. Kaya itong mga businessmen na nagsasabi na successful daw ang electronics counting na election na ito dahil sa Noynoy nga nananalo na manok nila ay huwag muna po kayong magsalita ng patapos. Pinaiimbestigahan na ni House Speaker Nograles sa pagbubukas ng Kongreso kung may katotohanan ng mga alingasngas na may dayaan ngang nangyari noong nakaraang halalan ng 2010.

Buong giting namang ipinagtatanggol ng SMARTMATIC at COMELEC na walang mga irregularities na nangyari noong halalan maliban lang sa nga defective machines nila na naayos naman at mga gulong nangyari sa ibat-ibang mga presinto. Iyong naman daw ay isolated case lang. Ngunit paano ka hindi magdududa niya da mga nakumpiska nilang mga elections pharaphernalia na natagpuan sa kamay ng iba lalo na sa isang Junk shop sa Cagayan de Oro. Kaya interesado sa isyung ito si Senador Aquilino “Nene” Pimentel dahil isa sa mga kandidatong para sa pagka-sendor ang kanyang anak na hindi namang pinalad na nagwagi. Bukod sa kanya ay nandiyan din sina Nicanor Perlas, Jamby Madrigal, and JC De Los Reyes na naghain pa ng TRO sa SC upang pigilin ang COMELEC sa pagsira sa mga defective na CF memory cards. Iba tuloy ang naiisip ng iba, bakit nga ba nagmamadali kung walang Hokus PCOS diyan na nangyari.

In fairness naman sa mga high ranking officials ng COMELEC wala naman daw silang kinalaman sa nangyaring dayaan sa pagbilang ng mga boto, tanging mga nasa low level daw na officials ng COMELEC and involved dito. At ang mga operators daw na ito ay nag-concentrate sa piling lugar lamang kagaya ng Laguna, Pangasinan, Cordillera Administrative Region, at Region 1V. Ayun sa expose nitong whistle blower ay mga 15 million daw na balota ang naipagbili para sa naturang pandaraya sa mga kandidatong gustong manalo. Kaya iyong di umano’y lamang ni Noynoy Aquino ngayon kay Erap ay predetermined, noon pa man ay alam na ang lamang.

Nagtataka lang ako kung bakit sa halip na magpalabas pa ng kung ano-anong ads diyan si Manny Villar ay di na lang siya namili ng balota? Hindi lang iisang bilyon ang kanyang pera, higit pa diyan.

How did they do it? Ang sabi ng maskaradong whistle blower iyong pandarayang isinagawa ay isang three-way operation: 1) ballot switching; 2) the flash card ready program; 3) the direct transmission of votes.

Sabi nga ng whistle blower ay lagi silang ahead of 3 minutes every transmission time. Ibig sabihin iyong pekeng resulta ang nauunang natatanggap ng COMELEC at iyong tunay na resulta ay maaring isinantabi na lang. Of course sa ganitong operasyon posibleng may mga taga SMARTMATIC at taga COMELEC na kakutsaba sila para maisagawa ang maitim nilang balak. As simple as that? Hello Garci?

Sa akin naman ito ay ayon doon sa expose ng whistle lamang, maaring totoo o maaring kathang isip lamang. Baka sa kalaonan ay babawiin lahat ang mga sinabi at may paiyak-iyak pang sasabihing siya’y tinakot lamang.

Pero hindi naman masama kung imbestigahan ito para malaman ang katotohanan bago pa mabayaran ng COMELEC ang SMARTMATIC ng 30% na kabuoan pa ng kanyang balanse.

Kaya bayan ko abangan na lang natin ang dramang magaganap sa Kongreso pagdating ng official canvass of votes ng mga presidential at vice-presidential candidates.

That’s why Erap is not yet conceeding. But it seems his chances of success is a remote possibility.

Tags: , , , , , , , , ,

8 Responses to “Dinaya nga ba si Erap noong nakaraan election at nakaltasan pa ng 5 milyong boto?”

  1. Segundina Says:

    Kahapon ay nagkaroon ng paguusap ang mga Congressmen, Comelec, at Smartmatic tungkol sa mga isyu ng dayaan at mga aberya na dulot ng mga faulty counting machines.
    Iyong date discrepancies ng ilan sa mga COCs ay hindi maipaliwanang ng husto ng mga taga Smartmatic, anyway ang sagot nila ay hindi raw mahalaga ang mga petsa dahil kung ano ang mga naipasok na diyang mga boto at balota ay siya ang magdidikta.
    Ganon ba, e di malamang na nadaya nga si Lito Atienza niyan dahil noon pa man ay may laman na iyang mga CFs na iyan.
    Iyong paliwanag tungkol sa mga PCOS na natagpuan sa bahay ng isang technician sa Antipolo City ay mababaw din ang paliwanag nila.
    Sana huwag silang tatantanan nina Jamby, Erap at mga iba pang nalamangan marahil dahil sa kagagawan ng mga dagdag-bawas operators.

  2. tarugong kulotMPR Says:

    Kanya kanyang padding ‘yan. Kung sino ang highest buyer, ‘yun ang mananalo.

    Kaya nga pre-programmed, eh.

  3. Segundina Says:

    Nagmamakaawa na ang mga taga Comelec na huwag na daw silang banatan pa at hiyang-hiya na sila sa kanilang mga sarili.
    Iyong Smart-ass-hole naman ay namura at nasigawan tuloy ni Teddy Boy Locsin dahil sa sobrang pagkadismaya nang sabihin ng una na hindi daw ma-trace kung may dayaang mangyayari. Basta ang alam nila ay fool proof daw ang kanilang makina.
    Nagpapalusot lang hindi pa maitama.

  4. Segundina Says:

    Nakapagtataka ang lahat na mga natalong kandidato ni Gloria ay iisa lang ang sinasabi, dinaya sila.
    Wala na bang ibang rason? Hindi ba nila naisip na makita lang ang mukha ng kanilang idol sa tabi nila ay sentinsiyado na kaagad sila kagaya ni Gibo?

  5. Segundina Says:

    Kaya galit na galit ang Comelec at Smart-ass-hole sa paglitaw nitong si KOALA MAN na nagsiwalat ng kawalang hiyaang ginawa nila.
    Pero teka kumareng Colasa, nakapagtataka panay naman ang pagtatanggol ng ABS-CBN na may mali daw sa mga figures na binanggiti nitong si Mr. whistle blower. Kasi ayun sa kanilang exit surveys ay tumatama lang daw ang resulta sa partial na bilangang ng Pisisi-rrr-aray-beeeelatmo kung saan ay milyones ang lamang ni Noy against mga kalabang Erapio, Giboloy, Villaroyo, at brother Eddie, etc.
    Pero wala daw namang failure of election na nakikita ang Malacanang. Kaya walang sibil-war-waray na mangyayari.
    Di ba madam Glo?

  6. KapitanKidlat Says:

    Marami nang lumalantad ngayon na talunan at lahat sila ay nagsasabi na dinaya. Mayroon talaga. Pero hindi naman nangangahulugan na may failure of eleksiyon niyan. Failure of erection, puwedi pa, ha?

  7. KapitanKidlat Says:

    Like what Bayani Fernando said, huwag maliitin itong mga nagsusulputang issue lalo na doon sa “koala whistle blower” at dapat nga’y imbestigahan.

    Maaga pa siguro para sabihing congratulations to the automated election counting. Not until na ma-resolve ang mga issue tungkol sa Hokos PCOS machines na iyan.

  8. KapitanKidlat Says:

    SANOBABITS daw ang dinig kung sinabi ni Teddy Locsin. Anong klaseng animal iyon? Ka Teddy ha, nagagaya ka na kay Mar Roxas na iyong inundorso.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: