Gusto ko nang Magpakasal!!!!!

“Gusto ko nang magpakasal, kailangan sa pinakamadaling panahon na. Ngayyyown nahhh! Kasi lahat na lang ay tumataas, lahat ay na lang ay gustong kumita, lahat na ay gustong may patong na malaki para kumita. Wala nang bumababa kundi ang mga underwears na lang, buwiset!”

“Kaso sino ang magpapakasal sa akin. Sinong lalaking sirang ulo ang gustong magpakain sa isang taong hindi naman niya kamag-anak. Kasi, kasi, ang gusto ng ibang mga lalaki ay sa sarap ka lang makakasama. Kapag sa hirap na ay ikaw na lang mag-isa. Kawawa naman ang byuti ko, pagkatapos nilang laspagin ay gayon-gayon na lang nilang iiwanan?”

“Tamaan kayo sana ng magaling kayong mga papa na nang-iisnab sa akin! Bakit wala namang kaming ipinag-iba nina Bea Alonzo at saka Christine Reyes. Kapag naging sexy star ako tignan lang ninyo kung hindi kaya magkakandarapa sa akin. Manigas kayo diyan.”

“Akala ba ninyo wala kaming mga puso at damdamin na nasasaktan? Kayo nga ang magka-regla buwan buwan at laging gumagastos ng pantapal sa mga panty ninyo upang di mabahiran ng dugo itong mga mamahaling underwear na binili pa ninyo sa mga kaopisina ninyo ng pahulogan? Kayo nga ang laging nasa ibaba at kami naman ang kumaka-horse sa inyo? Anong mararamdaman ninyo? Di ba mahirap? Kaya huwag naman ninyo kaming pagsamantalahan na mga kababaihan. Igalang at mahalin ng tunay at tapat at higit pa doon ang sarap naman na igaganti namin sa inyo.”

“Pakasalan na ninyo ako. Please, pakasalan na ninyo ako. Mga manheeed, ang lulupeeet ninyo. Malapit na naman ang mga BIR months like Siptimbir, Octobir, Novimbir, at ano na ang sunod Santa Klos, Dicimbir. Lagi na lang akong nag-iisa huhuhu, lagi na lang giniginaw grrrrr, at laging walang yumayakap sa kanyang pagtulog,uhmmmmm. Magpapasko na naman at magbabagong taon, presidente na si Noynoy. At kagaya niya ay wala pa rin akong biyenan!

Hehehe, halos magiba ang ang hall nang tawanan at sigawan nang mag-drama at magbigay ng intermission number itong si Sister Diway sa seminar ng mga kababaihan na aking pinuntahan. Lecturer ako doon tungkol sa Family Health and Integration. Puro mga misis ang mga participants na nasa bahay lang at nag-aalaga ng kanilang mga anak. May mga mangilan-ngilan dalaga ding umattend at nagka-isip tuloy na huwag nang mag-asawa pa nang malaman nila kung gaano kasalimoot ang maging ina ng tahanan at maging ulirang mga magulang.

Wika ng isa, no marriage no responsibility. Pero kinontra din sila ng iba, no pain no glory.

Paano mo nga naman malalaman ang saya at ligaya ang maging isang ina at tanglaw ng tahanan kung hindi mo pa ito nasusubokan. Naisip tuloy ng mga ito ang mga hirap na pinagdaanan ng kanilang mga magulang sa pagaaruga sa kanila. Bukod pa doon silang mga anak ay naging mga pasaway at pasanin pa ng mga magulang.

Tanong ng isang participant, “ma’am Segundina siguro ang saya-saya ng pamilya mo, at suwerte si mister sa inyo. Ang husay-husay ninyong magpayo tungkol sa pagiging isang ulirang ina ng tahanan.”

“Maria, late ka na kasing dumating kaya nang ipakilala ako bago magsalita ay hindi mo nalaman ang aking marital status.”

“Bakit ho, byuda na kayo o single parent?”

“Hindi Maria, dalaga pa ako.”

“Sus marioseeep, ina ng awa… dalaga po pala kayo ma’am. Pasensiya na po at di ko alam.”

Well, marami din akong natutuhan sa kanila kung papaanong mag-survive sa ating sitwasyon ngayon na hirap sa buhay at wala pang makain ang mga iba.

At sana po naman sa pamamalakad ngayon ni presidente Benigno Simeon “Noynoy” Aquino lll ay may mga pagbabagong magaganap sa ating bansa at nang guminhawa po ang buhay.

Kay hirap po ang mag-asawa ngayo dahil sa economic crisis. Ngunit lalong mahirap naman ang tumanda kang dalaga na hindi man lang nayayakap ng isang macho at guwapitong katulad ni Bill Clinton.

May papa ka na may tabako ka pa, hehehehe.

Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,

18 Responses to “Gusto ko nang Magpakasal!!!!!”

  1. secondlady Says:

    Mer, anong masasabi mo sis?

  2. MPRivera Says:

    Salbahe ka, Seg!

    Muntik na akong maluha sa opening drama. Akala ko, ikaw na ‘yung naghihinagpis, iba pala.

    Kami naman, hindi komo nababanggit ang pag-aasawa ninyong dalawa ni Mer ay gustong isubo kayo sa magulong buhay. Tama ‘yan binanggit mong mahirap ang bumuo ng pamilya lalo’t economic crisis. ‘Daming problemang susulpot lalo’t hindi handa sa pag-aasawa.

    Pero ito ang tandaan ninyong dalawa, mas mahirap ang walang asawa sa panahon ng economic crisis dahil wala man lamang magbibigay ginhawa sa inyo pagkalipas ng maghapong pagharap sa krisis.

    Dapat kung may hirap, may sarap.

    Kung palagi ninyong iisipin ang hirap, hindi kayo makakatikim ng sarap.

    Sige, subukan ninyong isipin kung gaano ang hirap na dadanasin sa paghahanda ng nilupak, kung alam ninyo ito.

    Ito ‘yung nilagang hilaw na saging at kamoteng kahoy na binayo sa lusong, hinaluan kinudkod na murang niyog at at pinipig, asukal at mantekilya.

    Makakatikim ba kayo nito kung uunahin ninyong isipin ang hirap?

    He he he. ‘Dumi isip n’yo, ano?

  3. Colegialagirl Says:

    Hahahaha manay Gunding dumale ka na naman. Natuloy pala iyong workshop ninyo.
    Nakakainggit naman, ang saya sayang kausap iyang grupo ng kababaihan naiyan inorganize ninyo.
    Sis maganda ang feedback nila sa project ninyong iyan. Dati marami diyan ang mga Martyr pero ngayon lumalaban na sila at alam kung sino ang mga dapat nilang lapitan kapag pinagmamalupitan sila ng kanilang mga asawa o ibang tao.
    At least nagising na ang mga Ebang matagal nang ginawang mga alipn ng mga mister sa kanilang mga tahanan. Panahon na para may equal sharing naman sa mga gawaing bahay. Dapat at matuto ring magpadede ng bata ang mga mister at hindi nakikiagaw pa sa kanilang mga baby, hahaha.
    Mabuti na lang may mga babaeng nagising sa katotohanan at sila ang naging instrumento sa pagkabuklod-buklod ng mga kababaihan upang hindi sila basta-bastang inaapi sa lipunan.
    Dapat hind lang ang mga mister ang sumasakay sa kanilang mga misis, ang mga misis ang dapat sumasakay sa kanilang mister. Mahirap naman kung puro mga babae lang ang nasa ilalim, panahon na para maranasan naman nila ang nasa itaas.
    Linawin ko lang po, ng pamamahala at pagdidisesyon sa pamily kung wala si mister sa tahanan. Partnership pa rin ang dapat, equal rights ang responsibilities, walang lamangan di ba Kapteyn Kidlat?
    Ano po tapos na ba kayong naglaba at namalantsa ng mga pantalon ni ma’am tess? Ay, biro lang po nadulas lang… hahahah.

  4. Colegialagirl Says:

    By the way dumating na pala iyong Pinay na boksingera from the USA na kampeon.

    Siguro wala namang masama kung hilingin natin sa kanya na turuan naman niya ng boksing ang mga pinay dito sa ten upang may magamit naman sa pagtatanggol ng kanilang mga sarili kung sakaling bugbogin sila ng mga mister at boyfriends.

    Dapat laging may gunting ding dala ang mga kababaihan para putulin iyang maliit diyan na nakalawit na nagpapahirap sa mga kababaihan, hahaha kung mangangaliwa sila at mananakit pa ng mga asawa.

    Di po ba mga kabaro, lintek lang ang walang ganti?

  5. Segundina Says:

    Kuya kahit drama lang iyon nakakatama din hehehe.

  6. Segundina Says:

    Inggit ka ba Mer? Ikaw kasi noon ka pa invited you declined naman.

    Gratis amore kasi, walang bayad ang resource person kaya di mo trip ang mga ganitong klase ng activities.

    May raket ka ngayon ano? Kasali ka ba sa project ng NGO ninyo?

    Hehehe huwag na nating pagusapan pa bakla ma-nosebleed ka pa kung magpapablow-out ‘ko sayo now.

    Anyway malalaman ko rin, hehehe.

  7. Segundina Says:

    Boksingerang Pinay?

    Kahapon talo si Bernabe Concepcion. Wala sa porma puro tapang lang, tsk tsk tsk.

    Please don’t advocate violence here.

    Ang problema ng mag-asawa ay nakukuha sa magandang usapan hindi sa tagaan.

    Puwedi silang magsabong basta sa kama lang, hehehehe.

  8. Segundina Says:

    Sabi ni Kong. Manny Pacman, move your head daw kapag nakikipagsuntokan ka.
    I hope it is not the lower head he’s taking about, are you kidding?

    Hehehe

  9. MPRivera Says:

    Sabong?

    Aba, meron akong mabisang alam ipatuka sa manok para madaling dumami ang lahi ng sasabunging ‘yan.

    Alam ba din ninyong hindi lang inahin ang nangingitlog kundi pati na rin mga tandang?

    At, alam ba din ninyong pinakamabisa upang mangitlog ang tandang ay patukain ninyo ng mani?

    Dati kasi akong merong alagang tandang noong nasa probinsiya pa kami. Nagtataka ako noon sapagkat minsang papatukain ko ay bigla siyang nangitlog. ‘Yun pala ay nakita ng butil ng maning nahulog mula sa siwang ng sahig namin.

    Kaya naniniwala na ako ngayon na ang tandang kung gusto mong lumabas ang itlog ay hagisan mo ng mani. Makita lang ang mani, aprubado, labas ang itlog.

  10. KapitanKidlat Says:

    Head na naman ang puntirya mo Seg.

    Aba kahit head lang ang tatama, magsasanib na ang paraiso sa glorya, hahaha.

  11. KapitanKidlat Says:

    Pareng Mags itong si Seg kung baga sa manok ay long overdue nang isabong. Panalo iyan, makipagpustahan pa ako.

    Mapaitaas, mapaibaba panay ang sipa niyan.

    Llamadong llamado iyan kahit unang sabak pa lang, hahaha

  12. KapitanKidlat Says:

    Mer ang boxing ay isang bayolenteng klase ng sports.

    Kaya gusto na ng nanay Dionesia ni Pacquiao na magritero na itong kanyang kongres na anak baka madisgrasya pa ang kanyang kinabukasan. Who knows baka tamaan siya doon sa jingle balls baka maparalisa na ang biyaheng langit niya.

    Sabagay hindi lang si Jinky ang iiyak niyan sa sama ng loob hahaha.

  13. KapitanKidlat Says:

    Mer how about wrestling?

    Iyan ang dapat mong pagaralan. Iyong wrestling na kung saan ay hindi nagkaksakitan kundi dinadaan lang sa sarap ng yapusan ang lahat.

    Ay, maghanap ka na iha ng makakawrestling mo gabi, gabi at hindi ka magsisisi laging nakadapo sa iyo ang langit at paraiso.

    Hehe, makalayas na nga baka kung ano pa ang madinig ko sa dalawang ito.

  14. MPRivera Says:

    NgyeK!

    Ha ha ha hah!

    Kumbakit kasi naaaaaapaka-discreet ang prinsesa natin, eh.

    Dinadaan lang ‘ata tayo sa mga kuwentong ganyan para lang huwag mainip doon din sa kanyang kinaiinipan.

    Medyo bwasan kasi ang standard para sa magiging partner in life.

    Wala at hindi totoo ‘yang tinatawag ninyong ideal man. Sa panaginip lang ng lasing ‘yan.

    Compatibility does not mean magkasundo kayo sa lahat ng bagay that what you want from what you expect from both is what you’ll get. Hindi ganu’n. Walang harmony ang pagsasama kapag walang anghang at asim ang timplada.

  15. MPRivera Says:

    Mas maganda ngang mag-aral si Seg ng judo, aikido at wrestling. Hindi naman harmful ang mga nabanggit na laro dahil nasa harmony and blending of movements naman ‘yun, eh.

    Kapag nakuha na ang tamang rhythm, aba’y kasarap ng pakiramdam. Kumbaga’y huwag lalabanan ang puwersa ng kalaban. Kailangang kung ikaw ay itutulak ay magpatumba kang kusa upang hindi ka masaktan.

    Malisyoso na naman ang iniisip ng dalaga natin, sigurado ako habang binabasa ito.

    Ang mga nabanggit na sports ay kailangan ang bilis ng disposisyon, hindi lang counter sa atake kundi ang paggamit ng sariling puwersa at bilis ng kalaban upang siya ay mapipilan ng hindi din siya nasasaktan.

    That is called respect on your opponent.

  16. secondlady Says:

    Hehehe, judo po ka ninyo baka iba po ang aking masunggaban kuya at may sisigaw diyan ng yahhhhhhhhhhhh.

  17. secondlady Says:

    Nakakatakot naman iyong ganong klase ng wrestling baka iba ang bubukol, hehehehe.

    Ay ayaw ko na, basahin na lang ninyo itong counseling case na ginawa kong kuwento ngayon.

  18. MPRivera Says:

    Grappling naman ang sinasabi mo, eh. Buno ngang walang direksiyon ‘yun. Kahit ano mahawakan, puwede. Delikado nga. Lalo’t balot na balot kayo ng damit.

    Hay naku! Baka kung saan na naman mauwi ang usapan.

    Ano ba ‘yang bagong kuwento mo?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: