Pakialamerang Biyenan

Hindi pa man ikinakasal sina Edwin at Lanie ay pinakikialaman na sila ni aling Cita, tiyahin ni Edwin na siyang nagpalaki sa kanya pagkatapos siyang maulila sa kanyang ina. Nagasawa ng iba ang ama ni Edwin na si Marcelo at basta na lang siya iniwan sa kapatid nitong tumanda nang dalaga. Dahil wala ngang asawa si aling Cita na noon ay nagmamay-ari ng isang sari-sari store sa kanilang Barangay ay kaagad niyang kinupkop ng pitong taon pa lamang na si Edwin at pinagaral hanggang makatapos ng kolehiyo.

Naging mabuting anak si Edwin sa kanyang tita Cita na kung saan siya ay itinuring na parang tunay na anak. Sa loob na mahabang panahon ay minahal naman ni Edwin si aling Cita na parang tunay niyang ina. Hindi na nga nagasawa si aling Cita at ibinuhos na lang ang kanyang panahon sa inampon niyang pamangkin.

Ngunit dumating din sa punto na gusto na rin ni Edwin na lumagay sa tahimik. Sa edad niyang 27 anyos ay kaya na niyang magpasya para sa kanyang sarili upang pakasalan ang kanyang kasintahan ni si Lanie na nasa hustong edad na rin na 25 anyos upang magpasya rin para sa kanyang sarili kung nananaisin niyang magpakasal dito. Problema ayaw pa ni aling Cita na makasal ang dalawa kahit nagsasama na sila bilang mag-asawa. Ang rason ng ina-inahan ay hindi pa niya ganap na kilala si Lanie at gayon din kina Lanie at Edwin hindi pa raw nila ganap na kilala ang bawat isa.

Ngunit sa totoo lang ay apat na taon na silang magkasintahan. Saleslady si Lanie sa isang malaking department store at supervisor naman itong si Edwin. Dito sila nagkakilala at dito na rin nagkalapit ang kanilang mga puso. Ang problema ay buntis na ngayon si Lanie at gusto ng mga magulang nito na magpakasal na silang dalawa kahit sa isang Huwes lamang. Nahihiya na ang mga magulang nito sa kanyang pagbubuntis na walang maituturing man lang na asawa.

Mahal ni Edwin si Lanie at gusto na nitong pakasalan kaagad ang kasintahan kung maari lamang. Pero sagabal si aling Cita sa kanilang pagmamahalan. Hindi rin makapalag si Edwin sa kanyang nanay Cita dahil malaki ang utang na loob nito sa kanya. Si Lanie naman ay lahat na lang na pakikisama sa ina-inahan ni Edwin, na kung saka-sakali mang magpakasal sila ay matatawag na rin niyang biyenan, ay ginawa na niya. Ngunit lubos yatang makasarili itong si aling Cita at hindi siya ganon katanggap-tanggap sa kanya kahit pinayagan pa niyang mag-live in ang dalawa sa kanyang pamamahay.

Lahat na lang ay pinakikialaman ni aling Cita, magmula sa pagluluto hanggang sa pamamalantsa ng mga damit ni Edwin ay kanyang pinakikialaman. Laging may complain siya kay Edwin laban sa kanyang kasintahan. Ngunit dala ng pagmamahal ni Lanie sa kasintahan ay tiniis niya lahat hanggang sa siya’y napuno na at kusang iniwan ang kasintahan. “Kayo na ang magsama sa tita mo, siya na ang gawin mong asawa kung gusto mo.” Iyan ang kanyang sinabi na ikinagalit naman ni Edwin at nasabi tuloy na kung gusto niyang umalis ay malaya siyang makakaalis.

Bumalik sa mga magulang si Lanie na sising-sisi sa kanyang pagkakamali. Tinanggap siya muli ng kanyang mga magulang at inalagaan siya sa kanyang pagbubuntis hanggang isilang ang kanyang anak. Gayon pa man ay hindi isinasara ni Lanie ang kanyang puso kay Edwin. Ano mang oras na siya’y babalikan ay tatanggapin pa rin siya. Ang kanyang mga magulang naman ay sunud-sunoran lang sa kagustohan ng anak. Kung sakaling babalik pa si Edwin at pakakasalan si Lanie ay payag rin sila. Para sa mga magulang ni Lanie kailangan pa ring pakasalan siya ni Edwin para ituwid ang kanilang pagkakamali at nang di naman matawag na bastardo ang ipinanganak niyang si Isaac.

Pero hindi lahat ng panahon ay makulimlim sa buhay ni Lanie. Nagbalik siya sa trabaho upang buhayin ang anak at bigyan ng magandang kinabukasan. Marami ding nanligaw sa kanya kahit alam nilang may anak na siya ngunit hindi sila pinansin ni Lanie. Iisa lang ang lalaki sa kanyang puso, siya ay si Edwin.

Sa loob ng ilang taong paghihiwalay nila ni Lanie ay lagi namang binabagabag ng kanyang sariling konsensiya itong si Edwin dahil sa nagawa niyang pagkakasala sa kanyang mag-ina. Napagisip-isip niya ay kailangan siya ng kanyang anak at kasintahan sa pagpapalaki kay Isaac. Minsan na siyang tinalikuran ng kanyang sariling ama, tatalikuran pa din ba niya ang kanyang sariling anak?

Nagpasya siya, ang kanyang mag-ina ang kanyang pinili. Masakit man sa kanyang kalooban ay iniwan niya si aling Cita upang pakasalan si Lanie at makapiling ang kanyang anak. Halos isumpa naman siya ni aling Cita sa sama ng loob. Tinanggap naman siya ni Lanie at ang mga magulang nito sa kanyang pagbabalik at sila’y nagpakasal sa isang Huwes.

Sa araw ng kanilang kasal ay hindi rin nakatiis si aling Cita, siya din ay dumalo at sagot pa niya ang mga ginastos ng mag-asawa sa kanilang reception.

Pero hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik sina Edwin at Lanie kay aling Cita. Hindi rin sila pumisan sa mga magulang ni Lanie para wala itong masabi. Umuupa sila ngayon ng isang maliit na kuwarto. Pinagkakasya na lang nila ang kinikita ni Edwin dahil tumigil na sa pagtatrabaho si Lanie upang alagaan ang kanilang anak.

Panay ligaw naman sa kanila ni aling Cita para bumalik lang si Edwin at ang kanyang pamilya sa kanyang pamamahay. Panay ang regalo ni aling Cita sa apo ng mga mamahaling gamit at para sa kanyang mga gatas.

Malaki na ang ipinagbago ni aling Cita at pinagaaralan naman ng magasawa kung babalik pa sila sa kanyang pamamahay. Ngunit ngayon na may mga dinaramdam na rin si aling Cita ay mas mapapadali pa yata ang pagpapasya ng magasawa na pumisan na sa pamamahay nito.

Babalitaan na raw ako ni Cita kung kailan sila babalik sa bahay ni aling Cita at kung talaga nang nagbago ng lubosan ang kanyang biyenan.
(Paunawa: Lahat po ng mga pangalang nabanggit dito ay alyases po lamang para ikubli ang tunay na pagkatao ng mga characters na nasasangkot sa kuwentong ito. May mga binago na rin na mga pangyayari sa kuwento para pangalagaan ang kapakanan ng bawat isa. Salamat po.)

9 Responses to “Pakialamerang Biyenan”

  1. secondlady Says:

    Wala na yatang mimimithi pa ang isang manugang kundi ang makasundo niya ang kayang biyenan.

    Puweding puwedi naman di po ba? Kailangan lang maging pasensiyoso ka at maunawain. Ngunit kung talagang nakakasira sa halip na nakakabuti ang pakikialam at paguugali ng biyenan sa relasyon ng mag-asawa, buti pa ay bumukod na kaagad kung kaya nila.

    Kaya payo ko lang sa lahat, huwag munang magpakasal o magsama bilang mag-asawa kung hindi pa kayo handa emotionally at financially.

    Classic example itong si Kris at James, sana ay maayos nila ang kanilang marital problem alang-ala kay baby James.

  2. MPRivera Says:

    Kris and James ba ‘kamo?

    Paanong maaayos ‘yun, eh si Boy Abunda ang dahilan kaya nagkahiwalay ang mag-asawa.

    Nahuli daw kasi ni Kris na naglalambingan sina James at Boy sa dressing room ng huli.

    Kaya daw nagalit si Kris ay bakit of all bakla ay si Boy pa ang tumalo sa kanyang asawa. Hindi daw bale sana kung sino man kina Chokoleit o Allan K, okey lang sa kanya.

  3. MPRivera Says:

    Alam ko na kung bakit hindi pa nag-aasawa itong dalawang dalaga. Hindi ‘yung mapapangasawa ang pinipili kundi ‘yung bibiyenaning makakasama.

    Kunsabagay, tama ‘yan. Masarap ‘yung masarap nang magmahal ang asawa, kasundo pa ang mga biyenan para walang problema. Tuloy lang ang ligaya.

    Pero, alam n’yo ba mga iha? Ang pag-aasawa ay parang pagpipinta din ng larawan at panonood ng TV. Hindi lahat ay clear picture ang kailangan o color harmony.

    Kailangan din at importante ang contrast.

  4. HaydeenKoi Says:

    Maganda itong topic is because my personal experence kasi this one. Kasi ma’am Segundina may minahal ako noon which is not my wife now. She is the daughter of the owner of the lands my father is to farming before when I am study in the high school. Minahal ako ni E.M. kahit mahirap lang kami. But the parents ay apo very matapobre. Kaya po ako umalis sa amin kasi they tell to my father na babawiin iyong sinasaka niya kapag hindi ko pupotolin my relationship with E.M. Kaya sir Magno nagpunta ako ng Manila para maiwas ako to there daughter para hindi nila bawiin iyong sinasaka ng tatang ko. Because if my father can not farm the land anymore ay magugutom my family and my father can support his family only for farming. Sigurado akong nasaktan ko si EM kagaya ko for example my heart is also hurting with this situation. Until now hindi ko kayang makipagtinginan kay E.M. because I am very very shameful of what is happened to our relationship. But my reason is very high degree more than anything elsewhere kasi the survival of my pamily na ang nakataya. Sabi ko na noon love can wait. Mabuti na lang nakatapos siya ng pagaaral at naging nurse and lucky for her she courted by himself a doctor and become his wife. I am lucky also kahit ganon ang naging until of our love story. Because I marry my wife now who is very pretty at hindi niya ako ikinahiya kahit janitor lang ako. Minsan naisip ko rin duwag lang siguro ako o wala akong kuwentang tao na minahal niya. I am very sorry for that at siempre nakokonsensia rin ako for making one person affected to be broken heart. Hindi ko siya ipinaglaban kasi takot akong magutom my pamily.
    Ma’am Segundina siguro naranasan mo na rin ang umibig even for one time in your life situation siguro and you understand what I mean. Kasi if I remember kung paano ako nilait at pinagsalitaan ng masasakit in the past hiyang hiya ako sa sarili ko.

  5. HaydeenKoi Says:

    Sory po to all who can read this baka sabihin nilang masama akong tao. Hindi po ko masama nagkataon lang siguro na wala ako magawa noon. Iyong helples ba just like anyone of you when you have a problem at di mo kayang lutasin. That is me noon panahon niyon.

    Gusto ko lang sabihin na hindi mo puweding ipagpalit ang iyong mga magulang at pamily dahil lang sa tibok ng iyong puso. Mali na kung mali na pero iyan ang buhay. Wala kang pagpipilian no matter how much you do it yourself.

  6. MPRivera Says:

    I admiration you Mr. Hayden Khoi.

    You are very sacrificial lamb for the love of your parents. Although you are painful in heart for not having E.M. as your wife, you are very hero of your father and mother.

    I like your kindfulness.

  7. Segundina Says:

    Mang Haydeen kasihan, better love and lost than never love at all.

  8. Segundina Says:

    Sabi ni Mer masarap daw magmahal ang mga GI, genuine ilokano. Kaya tinanong ko ang nanay ko kung bakit hindi siya nagpakasal sa isang ilokanong naging boyfriend niya noon sa Baguio. Ang sagot niya, hindi raw naisip ng boyfriend niya na banggitin ang tungkol sa kasal noong araw kasi tumutulong daw ito sa pagpapaaral ng apat pa niyang kapatid.
    Mabuti na lang may naligaw na intsik, kung hindi baka pa siyang tumandang dalaga sa Mountain Province, hehehe.

  9. Segundina Says:

    Sorry sasabihin ko sana… may kasabihan hindi kasihan. TY

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: