Mga Taong Dapat Magsaya Ngayong Pasko

Sino ang magaakalang limang araw bago magpasko ay makakalaya na pansamantala si Senator Antonio Trillanes? Hindi lang iyan pagkaraan ng bagong taon ay tuluyan na siyang malaya. Sa loob ng halos pitong taon na inilagi niya sa kulungan ngayong Pasko lang siya magsasaya kapiling ng kanyang mga kapamilya na hindi nakapiit. Isang aginaldo ito para sa isang Magdalo galing kay presidente Benigno Noynoy Aquino. So, ano pa ang rason na hindi maging masaya ang kanyang Pasko kasama ang kanyang mga mahal sa buhay?

Sa mga nakakakilala kay Hubert Webb at mga kasamahan nito na nakulong sa loob ng 15 taon sa salang pagpatay at panghahalay sa asawa at mga anak ni Mr. Lauro Visconde, sila ay napawalang sala na ng Korte Suprema pagkatapos pagdudahan ang testimonya ni Jessica Alfaro na siyang nagdiin sa kanila sa pagkakakulong. Lubos ang kasiyahan ng mga kamag-anak ng mga nakulong, lalong-lalo na sa pamilya Webb. Ngunit sa kabila naman nito ay may isang Lauro Visconde rin na nagdadalamhati at humihingi pa rin ng hustisya sa pagkakapaslang ng kayang mga mahal sa buhay. Marahil ay may rason na magsaya ngayong Pasko si Hubert at ang kang ama na si dating Senator Freddie Webb at ang kanyang inang si Elizabeth Webb sampu na ang mga kapatid nito. Ngayon pinagaaralan ng ng kampo ng mga nakulong ang pagsasampa ng kaso laban kay Jessica Alfaro. Ano man ang mangyari sa hinaharap, at least for the first time after 15 years na pagkakakulong ay magpapasko na rin si Hubert Webb, et. al na kasama ang kanilang mga mahal sa buhay na laya na at wala na sa loob ng madilim na kulungan.

Para naman kay madam Imelda Marcos, maituturing ding tagumpay sa hustisya ang muling pagbabalik ng korte sa kanyang mansiyon sa Leyte. Sumang-ayon ang pinakamataas na korte sa kanya na pag-aari niya ang tinaguriang Marcos mansion sa Leyte at hindi ito ill-gotten at pag-aari ng kanyang pamilya. Masaya si madam at muling napasakamay niya ang matagal nang napabayaang mansion. May mga plano na siya para muli itong ayusin para lalo pa nilang mapakinabangan. Gayon pa man ay marami din ang nagre-react at hindi makapaniwala na ito ay ill gotten wealth dahil mahirap lang naman daw ang mga magulang ni Madam Imelda. Well, ano man ang sabihin nila, para kay madam ay may rason siyang magsaya sa Paskong ito dahil sa tinamong tagumpay.

Tuloy naman ang ligaya para kay Haydeen Kho dahil pinawalang sala siya ng hukuman sa kasong isinampa sa kanya ni Katrina Halili dahil sa pagbibidyo nito ng kanilang pagtatalik na wala siya di umano’y kamalay-malay. Ayun sa korte ang ganitong aligasyon ay malabo dahil doon sa isinagawang occular inspection ay may indikasyon na maaring hindi lingid sa kaalaman at paningin ng aktres na may nakatutok na camera sa kanila habang sila ay nagtatalik ng doktor. Bagamat napawalang sala siya sa ginawang pagbibidyo ay hindi naman nangangahulugan na ang paglalathala ng mga ganitong bagay sa internet ay hindi illegal at walang kaukulang kaparusahan. Nagsampa din naman ng motion for reconsideration ang kampo ni Katrina ngunit hindi ito balakid para maging masaya ngayong kapaskohan si Haydeen. Marahil ay masaya din sa naging disesyon ng korte ang babaeng malapit sa puso ni Haydeen na si doktora Vicky. Gaya nga ng sabi nila, tuloy pa rin ang ligaya.

Pero kaming malalamig ang Pasko kagaya ni P-Noy, tuloy pa rin ang ligaya. After all there is no reason not to be happy during Christmas.

Merry Christmas and a Happy New Year to all!

Tags: , , , , , , ,

4 Responses to “Mga Taong Dapat Magsaya Ngayong Pasko”

  1. Colegialagirl Says:

    Ako gusto kong makita muli si Haydeen Kho na sumasayaw sa TV kasama naman si Dr. Calayan. Ay, baka magalit si doktora Belo. Hahaha.

  2. Colegialagirl Says:

    Para sa mga malamig ngayon ng Pasko kagaya ng ating kagalang-galang na pangulong Noynoy, humigop lang ng kape at kumain ng bibingkang malagkit. Kasi sabi nila kapag kumain ka ng mga kakanin gawa sa malagkit at susuwertihen ka raw sa pag-ibig. Kain na kayo Pang. Noynoy baka tubuan po kayo ng buhok at lalo pang mabighani sa inyo ang mga naggagandahang dalaga.

    PS sekreto lang natin ito at huwag ipagsasabi kay Kris, madaldal iyon baka maudlot na naman ang iyong suwerte. Hahahaha.

    Siya nga pala, marami pa ring nananalangin na sa bandang huli ay kayo pa rin ni Shalani. Ano kaya?

  3. Segundina Says:

    Merry Christmas and a Happy New Year to All.

    I wish na sana ay masaya ang inyong Pasko and looking ahead ay wish ko rin na sana ay very very prosperous ang darating na taon sa inyong lahat.

    Sana magkabalikan na sina Shalani at PNoy nang dina mahirapan pa ang ating pangulo na maghanap ng kanyang kapuso sa susunod na taon.

    At sana magkaroon na rin ng panibagong love life si Kris Aquino para matahimik na rin ang kanyang kuya.

    Mahirap yata manligaw, di ba? Hehehehe!

  4. Doc.bobonyo Says:

    Kaya tayo ay nagsasaya tuwing Pasko dahil sa ipinagdiriwang natin ang kapanganakan ng ating tagapaglitas na si Jesus. Kung may iba pang dahilan iyon ay secondary na lamang.

    May sinulat po ako tungkol sa Christmas Celebration bumisita lang sa http://bobonyo.wordpress.com

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: