“Fart-ner in Life” (Ang babaeng utotin)

Dear friends, brothers and sisters all over the world. If you love your life, please avoid going around with a farting partner. Anywhere you go, coffee shops and restaurants, there goes your partner farting. If there’s somebody you need to part with, part with your farting partner. Fart be with you, hehehe.

Grabe, sa elevator pa lang ay nauutot na ang dalagang ito. Akala ko ay nakakain lang siya ng kamoteng hilaw noong una kaya utot siyang utot. Understanding naman tayo kaya tiniis ko na lang kahit palaging nakasimangot pa iyong mga taong pinupuntahan namin sa opisina upang interviewhin.

Team building namin, kasama uli si Miss U2tsky. During the lecture behave naman ang maganda, sexy, at maputing dalaga. Nakakainggit nga at crush ng bayan pa siya doon sa workshop. Merienda time, hindi nagpahuli sa pagkuha ng pagkain si miss Byutiful. Ang sarap niyang kumain kahit apat pang barako ang nakapaligid at kanya at nagpapa-cute. Di niya sila pansin, kain lang ng kain.

Workshop time, discussion dito discussion doon. Si Miss U2tsky ang pinakamasigasig na nag-prepare ng aming workshop output. in fairness naman matalino siya at marami siyang input sa workshop. Ayus na sana pero nang nagrereport siya, bigla siyang nautot. kahit pa-simple pa siya, naamoy din ng mga malapit sa kinaruruonan niya ang mabahong ihip ng hanging.

Napansin ko kung papaanong sumimangot ang mga nakaamoy ng kanyang “farting declaration”, hehehe. Pero sa halip na mahiya siya ay nagawa pa niyang nagbiro. “Sorry guys, I could not hold it anymore.” Tawanan ang lahat pati iyong mga kanina pang nakasimangot sa kanya. Cute naman ang dating niya kaya may “farting settlement” kaagad.

To cut the story short, pagkatapos ng workshop ay sabay kaming umakyat sa aming kuwarto. Napakasaklap kuya Eddie, room mate pala kami. What a catastrophe! Three days of being bombarded with her farts?

Anyway, during the closing ceremony ay tinawag niya akong a new found big sister. Big sister, ayos lang. Mas mabuti na ito kay sa sabihin niyang (fartner) partner, hehehe.

But as a sister, ipinagtapat niya naman sa akin (kasama na ang paumanhin) kung bakit siya ay naging utotin. Kung ano man iyon ay sikreto na lang namin. Nakadalawang boyfriends na pala siya ngunit kapuwa nangibang nobya nang sila’y mapahiya sa kanyang madalas na pagutot-utot.

Sa ngayon ay nawala na ang madalas niyang pagutot-utot. Bilang sexy, maganda, at mestisahing dalaga ay napapaligiran siya ngayon ng maraming manliligaw at offer for a date. Ngunit kalimutan muna daw niya ang “love life” at marami pa siyang gustong maabot na pangarap sa buhay.

Good luck na lang sa pag-abot mo ng iyong mga pangarap sa buhay my “farting sister.” Payo ko lang, be not a farting partner anymore.

Tags: , , , , , ,

4 Responses to ““Fart-ner in Life” (Ang babaeng utotin)”

  1. Doctor Jako Says:

    Parang di ako makapaniwa na may ganito pong dalaga. Puweding ma-tweet ito?

  2. haydeenkoi Says:

    Utoting babae marami iyan. Pero mas maraming utoting mga lalaki lalo na iyong mga nagkakaedad na.

  3. haydeenkoi Says:

    May karanasan ako sa pag-utot na iyan. Pabalik na ako ng Maynila from Laoag at sumakay ako ng aircon na bus. Hindi naman sinasadya at nautot ako. Kumalat ang amoy at naamoy ito ng mga ibang pasahero. Tamangtama may sumakay din na dalaga from San Fernando La Union. Maganda siya at sexy. Tumabi siya sa aking inuupoan. Pasimple ko siyang sinilip at nginitian niya ako. Friendly siya at nakipagkuwentohan kaagad. Enjoy sana ang matandang ito pero ayun may inipit pala siya sa kilikili.

  4. Segundina Says:

    Ito’y napulot ko lang sa PinoyJokes.net

    Ang Utot Bow

    May isang dalagang nautot na bigla,
    silyang inupo ay biglang nagiba,
    may kaharap siyang sampung binata,
    sa bagsik ng utot ay nagsitihaya.

    At dahil sa baho ng mala-engkantong utot,
    ang bawat tamaan ay namamaluktot,
    kaya kayong mga dalaga kung kayo’y uutot,
    pakilagay lang sa plastic na supot.

    Bow

    Maraming Salamat sa PinoyJokes.net

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: