Pat Robertson: Divorce is Justifiable if Spouse has Alzhaimer’s Disease

This may sound shocking to Christians who are very much against divorce. But Pat Robertson said that divorcing a spouse is justifiable (morally?) on the ground your partner is afflicted with Alzaimer’s disease.

Before thousands of his “700 Club” viewers Pat Robertson said that the disease is “a kind of death.” But while this may sound cruel it will help the other party to start his life again. But be sure the spouse afflicted with Alzaimer’s disease must be provided with custodial care before proceeding with the divorce.

Wow, I expect some loud uproar from other religious quarters against the statement of this controversial and popular television evangelist and host of a religious program. It will be understandable if a pastor, priest, or a nun will suspect him of having the disease himself for coming up with such an unpopular statement. I am not sure if this is really his relgious conviction.

Para sa mga pabor sa divorce bill sa Plipinas ay may kakampi na kayo. Nasaan iyong sinasabi nila sa mga ikanakasal na for better or worse, in health and sickness, till death do us part? A, may bago na palang kahulogan ngayon ang salitang “death” o kamatayan.

Kung gayon ay idagdag na rin natin iyong phrase na… till alzaimer’s do us part.

Tingin ko bago mag-asawa ay pagusapan na rin ang tungkol sa mga pagkakasakit at kung hanggang saan ang pasensiya at pagpapakasakit ng isang asawa sa pag-aalaga ng kanyang kabiyak na may matinding karamdaman at wala nang pag-asa pang malunasan kagaya ng Alzaimer’s disease.

Well, para sa akin ang pag-aasawa ay hindi basta kanin na isusubo mo na lang at saka iluluwal kapag napaso ka. E, paano na iyan kung kailan ka pa tumanda saka mo pa lang maramdaman na napaso ka na pala?

Para sa akin ang pag=aasawa ay isang napakalaking responsibilidad habang nabubuhay ka. Dapat ang salitang sarap ay hindi lang sa romansa nararamdaman. Dapat maramdaman mo rin ang sarap habang nagaalaga ka ng may malubhang karamdamang kabiyak.

Sorry Pat Robertson, iginagalang ko ang iyong paniniwala, ngunit para sa aking there is no such thing as Alzaimer’s death.

Kaya siguro tumanda na tayong, d…dalag, ay dalaga pala. Ang dahilan, ang magasawa ay hindi biro!

Tags: , , , , , , , , , ,

16 Responses to “Pat Robertson: Divorce is Justifiable if Spouse has Alzhaimer’s Disease”

  1. secondlady Says:

    Ay mang Magno kung magagawi ka dito pasensiya na po kung ngayon lang tayo nakapag-post muli.

    Mahirap po daw ang tatandang dalaga, pero sa sinabi ni Pat Robertson ng 700 club ay mas mahirap pala ang may asawa, kasi kapag ulyanin ka na ay puwedi ka nang ideborsiyo ni mister, hehehe.

  2. secondlady Says:

    Mer, ang magasawa ay hindi biro. Dati ang pag-aasawa ay panghabang buhay, till death do us part. Ngayon till Alzaimer’s do us part na rin.

    Mabuti pa si Shalani at engage na sila ni Kong. Rumulo.

    Tayo, ay… ewan pa rin.

  3. secondlady Says:

    Kaya siguro tumanda na tayong, d…dalag, ay dalaga pala. Ang dahilan, ang paga-asawa ay hindi biro!

    Kung bakit pari pa ang aking minahal, lol.

  4. KapitanKidlat Says:

    Tama kayo, magaasawa ka e pakakainin mo pa. Di mo naman sila kaano-ano.

    Joke only, pero sa tutoo ay against ako sa divorce.

    This will cause more harm than good to the Philippine society.

    Imagine how many children will be emotionally affected because of broken homes.

    Right now we experience ang mga ganitong problema na sa ating lipunan, how much more kung may divorce na tayo sa Pilipinas.

    Sorry ladies, I am still for the protection of the moral fabric of our Filipino family.

  5. MPRivera Says:

    agree ako sa divorce kung merong mas katanggaptanggap na dahilan upang maghiwalay na nang tuluyan ang mag-asawa subalit kung ang isa ay maysakit ay hindi tama ‘yun upang iwan na lang at humanap ng iba kahit pa sabihing ibibigay lahat ang suporta hanggang sa huling hibla ng hininga.

    pero kung malakas nga pareho, malusog tapos katulong pa ang biyenan sa paggiyera sa akin ay mabuting mag-alsa balutan na la’ang.

    mahirap mag-alaga ng bukol at blak ay, aba! ‘yung kulili pa sa tenga ng boses ng biyenang kasintinis ng boses ni matutina, lalong ‘ansakit nu’n!

  6. Mer Pints Says:

    Ako rin gusto kung magkaroon tayo ng batas dibursiyo sa Pinas para kung napaso ka sa pagpapakasal ng isang di pala karapatdapat ay may paraan pa para magkaroon ka muli ng pag-asa sa buhay.

  7. Mer Pints Says:

    Miss Segundina may pag-asa ka pa kay Mr. Noy, pero matiis mo bang makalips to lips ang isang jowang amoy ash tray, hehehe.

  8. Mer Pints Says:

    Pero puwera biro Seg parang nakakaawa yatang iwanan mo ang iyong jowa sa ganitong kalagayan para lamang maging malaya ka at wala nang pananagutan pa.

    Ikaw kaya Kap kapag ulyanin ka na at iiwanan ka ni Kapitana anong masasabi mo?

  9. secondlady Says:

    Hi kuya Magno and Kapitan

    Nice to hear from you again. Busy kami ngayon ng aking mga amiga sa pagiimpake ng kaunting tulong na nakayanan namin para ibigay sa mga kababayan nating sinalanta ng nakaraang bagyo
    Tama si Mer sana huwag nang matuloy pa ang bagyong Quiel papasok sa ating bansa.
    Imagine the same provinces na nasalanta ang siya namang tatamaan na naman.
    Just pray na huwag na sanang matuloy pa. Nakakaawa itong mga kababayan nating na hanggang ngayon ay lubog pa sa tubig.

  10. MPRivera Says:

    ang nararanasan natin ay sumpa na nga ng kalikasang sinisira ng pagiging ganid ng ilan: walang habas na pamumutol ng kahoy sa gubat na ang bawat punong pinutol ay hindi pinapalitan ng binhi; walang pakundangang pagmiminang nagpapaguho ng lupa at pagkakalat ng nakakalalasong kemikal; walang pakundangang pagtatapon ng basura sa mga estero at kanal; pagtatambak sa mga daluyan ng tubig upang bigyang daan ang pagtatayo ng mga subdibisyon at higit sa lahat ay ang pagkabutas sa ozone layer bunga ng pagbubuga ng usok mula sa mga pabrika at mga sasakyan.

    ang ating mga lider ay walang tigil sa pananawagan upang tulong tulong daw na mapangalagaan ang paligid at pagsunod sa mga sinasabi nilang hakbang upang maiwasan ang mga sakunang dulot ng kalamidad. subalit haggang doon lamang ang kanilang ginagawa sapagkat kapag napasakamay na nila ang pondong laan para sa mga naturang hakbangin ay para na silang tuod na walang pakialam sa kalagayan ng mamamayan. kikilos lamang at maririnig muli ang kanilang boses kapag naririyan na naman ang mga kalunoslunos balitang naglalaman ng pagkasira ng mga ariarian, kabuhayan at ibinuwis na buhay.

    ingat kayo sa inyong pamudmod ng relief goods!

  11. Mer Pints Says:

    Segundina parang awa mo na, huwag kang lulusong sa tubig ha baka magkaliptopayrosis ka. Ang mekrobyo daw ay kumakapit sa mga sugat. At segurado ako na kapag lumusong ka kahit wala kang sugat baka iyong parteng iniingatan mo naman ang papasukin ng bakterya kahit tapalan mo pa, hehehehe.

  12. Mer Pints Says:

    Tito Magno delikado din pala ang mga ahas sa mga lugar na binabaha. May napabalita na pong namatay na biktima ng pagbaha na nakagat din ng ahas.

    Ay nagkukulang na raw ang relief goods Seg, may mga nakulekta pa kayo riyan na puweding ipamigay?

  13. Segundina Says:

    Bastos kang babae ka, ilulusong mo pa sa tubig ang aking sampaguita. Ikaw kaya? Tignan ko lang kung hindi magsilutang ang mga tilapiang madaraanan mo.

    He he he he!

  14. Segundina Says:

    Laking pasalamat na lang po tayo sa Poong Maykapal at medyo bumaba na ang tubig baha.

    Nawa’y hindi na po masundan pa ang dalawang magkasunod na bagyo na nanalanta sa atin.

  15. MPRivera Says:

    mer, seg, sa totoo lang ako’y nag-aalala sa pamilya ng aking kapatid sa bulacan. sila’y nakatira sa Cupang, Plaridel, Bulacan. hindi ba kasamang lumubog ang lugar na ‘yun?

  16. KapitanKidlat Says:

    segundina dear may mister na naligaw ang landas dahil sa pagkahumaling sa isang dancer ng club. nagawi sa isang lugar na nalubog sa baha. nang ang kanyang ispada ay umorong na dahil sa ginaw ay naisipan niyang bumalik sa kaniyang tunay.

    naisip ko lang kung may dibursiyo na tayo sa bansa ay tuwiran nang nagkahiwalay ng landas ang magasawa.

    rh bill at divorce law sa pinas, pending kaya muna.

    kasi marami pa tayong problema sa bansa na dapat lutasin.
    at huwag muna kayong magasawa mga ineng ha, mahirap na baka kayo pa ang maunang mag-lobby para ipasa sa kongreso ang divorce law.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: