US Ambassador to the Philippines Forgiven

After receiving heavy criticisms for saying that 40 percent of male tourist coming to the Philippines are here only for sex, US ambassador to the Philippines Harry Thomas apologized formally to the justice secretary Leila De Lima which the latter commended.

Talaga nga naman oo, saan ba pinagpupulot nitong magaling na ambasador ang
kanyang inpormasyon sa kanyang ibinunyag na sex tourism in the Philippines? Humingi man siya ng tawad but the harm is done.

Kawawa naman tayong mga mamayang Filipino na sa maling paratang o haka-haka ng isang iginagalang na US ambasador ay lalong napasama na naman ang ating imahen bilang isang bansa sa paningin ng mundo. Kaya tuloy maraming binabastos na Pinay sa ibang bansa dahil lamang sa mga sabi-sabi na tayo ay isang nasyon ng mga pokpok.

Pero sa isang banda ay totoo ring marami sa ating mga kababayan ang naiinganyong magbenta ng kanilang laman dahil lamang sa kahirapan. Ngunit and kaunting perang natatanggap ng ilan nating mga kababaihan bilang kabayaran ng kanilang pagpapagamit ng sariling katawan sa mga dayuhan ay nangangahulugan naman ng pagyurak ng puri at dangal naming mga kababaihan. Nadadamay tuloy ang iba sa masamang impresyon ng mga dayuhan sa ating mga kababaihang Pilipino.

Ngunit masisisi mo ba ang ilang nating kababaihan na masadlak sa prostitusyon dahil lamang sa kagustohang magkapera at masuportahan ang nagdarahop nilang pamilya? Survival needs sees no moral boundaries ika nga, ngunit tama ba ang ganitong panuntonan?

Maraming ulit nang ginawan ng paraan ng ating pamahalaan na wakasan na ang paglaganap ng prostitusyon sa bansa, ngunit hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang paglipana sa mga kalye ng mga babaeng nagbebenta ng laman na kung minsan ay siya namang sinasadya dito ng ilang dayuhan.

Sabagay kahit naman sa mga mauunlad na bansa kagaya ng Amerika at Eyuropa ay may mga pokpok pa ring na handang magbenta ng panandaliang aliw sa mga may gustong tugonan ang pangangailagan ng laman. Sa mga mahihirap pa kayang mga bansa?

At habang may mga nananamantala sa ating mga kababaihan, at habang may mga naghahanap din diyan ng panandaliang kaligayahan, asahan mo tuloy-tuloy pa rin ang ating suliranin sa prostitusyon.

Sa parting ito ay marahil masasabi nating tila masakit mang pakinggang ay di yata’t may katotohanan ang pahayag ni ambassador Thomas tungkol sa alleged sex tourism in the Philippines.

Salamat na rin at binawi ni mang Tomas ang kanyang pahayag na {ayun sa kanya} ay wala naman talagang sapat na basehan. Pero isang malaking kasinungalingan kung ating sasabihin ding walang nagaganap na bentahan ng laman para sa mga dayuhang nagagawi sa ating bansa.

Sige nandiyan na iyan, pero kailangan nating ituwid ang maling pananaw ng mga dayuhan tungkol sa mga kababaihang na karamihan sa kanila ay madaling masilaw sa salapi at pumapayag magpagamit sa mga turistang ang hanap lamang ay sex o pakikipagtalik sa mga Pinay.

Ganda mo kasi Pinay kaya maraming dayuhan ang sa iyo’y tulo laway.

Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,

8 Responses to “US Ambassador to the Philippines Forgiven”

  1. Segundina Says:

    Forgiven na si Ka Tomas, absuwelto na siya. Pero kumambiyo man sa nabitiwang salita the damage is done.

    Next time huwag ka na lang basta nagdadadaldal diyan ha ambassador nang di ka makasuhan ng filling the blanks, hehehe.

  2. Mer Pints Says:

    Bakit ganon na lang kababa ang tingin ng mga dayuhan sa mga Pilipina, isang sex object?

    Matagal nang issue itong sex-exploitation ng mga Filipina bilang isang kasangkapan lamang para pagparausan ng mga malilibog na dayuhan.

  3. Mer Pints Says:

    Mga kanong ito kung makapanlait sa mga Pilipina. Akala yata nila lahat na lang ng mga Pilipina ay pokpokin kagaya ng mga natitisod nila sa Olongapo at Clark noong nandito pa lang sila sa base militar ng Amerika sa Pinas noong araw.

    Ay iyong rape pala sa isang pinay, tila naibaon na yata ito sa limot.

  4. MPRivera Says:

    kasalanan ng mga namumuno ‘yan.

    ano na nga ‘yung sinabi ni manglapus sa mga pinay na nagsabing hinahalay ng mga sundalong iraqi ang sinumang babaeng makita noong kasagsagan ng giyera sa kuwait?

    diyan sa ‘pinas di ba’t kailangan pa ng health certificate upang bigyan ng permit ang mga babaeng nagtatrabaho sa red light districts?

    huwag nang ungkatin ang kaso ni nicole dahil nandoon na siya sa tate at ini-enjoy ang pabuya sa pag-uurong niya ng sakdal kay smith.

  5. misscolasa Says:

    sa kin naman is walang masama kung mapagusapan din paminsanminsan yong nangyari kay nicole.kasi involved din dito iyong kapakanan ng mga kababaihang filipina and there is lesson naman na makukuha doon sa rape case.di ba miss ipinaglalaban ninyo ang karapatan nating mga kababaihan. bakit malaganap ang prostitution dito sa atin kasi may mga dayuhan at mismong kababayan natin na nagsasamantala sa mga kababaihan natin.
    again ang puno at dulo nito ay hindi lang sa kapabayaan ng government but iyong non-involvement ng mga mamayang pilipino mismo. ay naku kung hindi tayo kikilos who else will take care and stand on behalf of the exploited filipina women and children.am i right miss segundina? at isa pa iyang u.s. ambassador na iyan. mapanghusga at idinadown niya ang integrity ng mga kababaihan dito sa atin.
    down with the abuse, exploitation and commercialization of filipina women..

  6. Mer Pints Says:

    Colasa tama ka, kailangan tayo tayo mismo ang nagtutulungan para hindi tayo apihin ng mga kalalakihan. Filipino man o dayuhan diyan iisa lang ang gusto sa atin iyong maka-score sa ating mga flowers. Ay hindi ashtray ang ating mga flowers na kung sino-sino lang diyan ang nagtatapon ng upos ng sigarilyo. Ay, guntingin mo kaya, hehe.

  7. uripon Says:

    Kahirapan ang nagtulak ng ilan sa mga kababihan natin upang magbenta ng laman. Kahirapan na sanhi na rin ng pagsasamantala ng mga dayuhan sa ating ekonomya. Kahirapan na rin na sanhi ng mapang-aping sistema ng ating pamahalaan at pulitika. Kahirapn na sanhi ng pagpapabaya ng ating mga pinuno para lutasin at ugatin ang sanhi ng kahirapan na ito. Kahirapan na tayo ding mga mahihirap ang pinagmulan nito.

    Kung hindi sana tayo nagpapalinlang sa mga mayayaman na pulitiko at nagkakaisa upang ipaglaban ang ating mga interest at karapatan.

  8. KapitanKidlat Says:

    Patawarin na ninyo si ambassador, maiinit lang ang ulo niyan dahil hindi siya pinapansin ng kanyang crush na matrona. Mayroon ba? Hahahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: