Maybe, Maybe May BO

She’s pretty, sexy, and a very adorable young lady; the very reason why these three young suitors never gave up wooing for her love. But for as long as they never smell that good to Merlina they will never have any chance at all.

Jose, Wally, and Paulo tried everything they could to smell good but to no avail. They take a bath three times a day but that is not even sufficient to overcome their bad smell. Somebody adviced them to consult a dermatologist but they only see a doctor when they get sick or not feeling good at all.

Are you one of those like Jose, Wally, and Paulo that have an unforgivable body odor? That’s alright since nobody has been reported dying because of bad body odor.

Mga kapatid anong klaseng manliligaw sina Jose, Wally, at Paulo?

Si Jose ay isang sundalo na sumabak na sa maraming labanan kontra sa mga bandido at rebelde sa Mindanao lalo na sa probinsiya ng Lanao, Basilan, at Sulo. Kadalasan ay hindi siya naliligo para di maamoy ng mga kalaban. Kung tutoosin ay wala siyang ipinag-iba sa isang kalabaw na amoy putik at amoy araw. Hindi lang iyan huwag na huwag kang hihinga kung nakataas ang kanyang kamay at tiyak na mahihilo ka. Pero sa kabila ng lahat ay nasabitan na ng maraming medalya ito si Jose dahil sa ipinamalas na galing at tapang sa pakikipaglaban.

Ito naman si Wally ay guwapo, matangkad, at may lahing Kastila. Isa siyang pulis na madalasa na naglalakad sa kalye at nagmamasid sa mga masasamang loob na nagtatangkang gumawa ni krimen. Decorated policeman itong si Wally dahil sa kanyang angkin na tapang, talino, at dami ng mga kasong krimen na nalutas na. Sa parteng ito ay masasabi mong dapat ay pingkakagulohan na sana siya ng mga kababaihan ngunit hindi. Laging nati-turn off ang mga babaeng kanyang pinopormahan dahil sa taglay niyang BO at nakakahilong bad breath.

Kakaiba naman itong si Paulo na isang sikyu o security guard. Mukha siyang artista, talentado, maabilidad, magiliw sa mga nakakasalamuhang tao, at higit sa lahat ay super-bait. Ano pa ang hahanapin mo, nasa kanya na lahat ang mga katangiang ng isang maginoong lalaki na puwedi mong ipagmamalaki. Ngunit hindi dahil sa maituturing na pagpapatiwakal ang ikaw ay matabi man lang sa kanya. At kung ikaw ay kanyang yakapin at mahalikan ay tila bagang katapusan na ng daigdig dahil sa taglay niyang anghit at nakakamatay na bad breath.

Kaya sa mga katangiang ito na di kanais-nais na taglay ng ating mga magigiting na ginoo ay masasabi nating sarado na ang kurtina para makamtan ang pagmamahal ng isang magandang binibini katulad ni Merlina.

Ngunit teka, bakit hanggang ngayon ay di pa nakakahanap ng binatang katapat itong si Merlina? Sa unang katangiang nasabi na natin na kanyang taglay ay dapat sana’y pinipilahan na siya ng maraming manliligaw? Bakit sina Jose, Wally, at Paulo na lang ang natitirang masugid niyang manliligaw?

What’s wrong with Merlina? Siya ba ay sobrang pihikan lang? Marahil ay oo, ngunit hindi ring malayo na may iba pang dahilan.

Hindi kaya maybe, maybe may BO din siya?

Tatapatin ko na kayo, hindi mahilig maligo si Merlina at palaging pinagpapawisan pa siya. Huwag na kayong magtaka pa kung maybe, maybe, may BO siya.

Right hindi lang sa may BO at may bad breath itong si Merlina, ang mga paa ay amoy ding patay na daga.

Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,

11 Responses to “Maybe, Maybe May BO”

  1. Segundina Says:

    Girl,

    Hindi ikaw ang bida dito ha kaya huwag na huwag mo akong kukurotin, hehehe.

  2. Colegialagirl Says:

    Sis iyong babaeng nakasabay ko sa elevator paakyat ng 5th floor ng Mega Mall, grabe nakakahilo. Basang-basa iyong kilikili niya. Mukhang may appointment yata siya o may ka-date.

    Lahat kaming nakasabay ay nagtatakip sa ilong. I know alam niyang siya ang pinagbubulungan ng lahat ngunit wala siyang paki. Mabuti na lang sa 4th floor lang ako. Ay what a relief.

    Naku kong may putok po kayo, luya at kalamansi lang po ang katapat. Talupan ninyo iyong luya at sa iipitin lang sa inyong kili-kili. Iyong kalamansi naman ay hatiin ninyo sa dalawa. Iyong isa ay pigain sa left, at sa right naman iyong kalahating natitira pa.

    Do this everyday befor going to bed. After a week goodbye na po iyong putok ninyo. By the way mapapabililis ang pagtanggal ng inyong putok sa pamamagitan ng pagpahid din dito ng apple cider vinegar.

  3. Colegialagirl Says:

    Kap if you happen to read it may payo ako sa nangangamoy mong paa.
    Asin at mainit lang na tubig. Ibabad mo iyan ng isang maliit na palanggana,
    Do it before bed time at mawawala iyang fungal infection diyan sa paa mo, hehehe.

  4. MPRivera Says:

    aheheheheheheeeeeh!

    blag!

    toink! toink!

  5. KapitanKidlat Says:

    Girl at Seg nakikusap ako, pakitanggal lang iyo kng comment. At kahit pa nagbibiro lang kayo alam ninyo naman na masyadong over acting ang kumander ko kapag nags elos siya.

    Mga byutis mahina na ang tuhod ko, kapag napalo pa ito ng tungkod baka sa ortopedik na ako magpapasko.

    Mabuti kung maging praybet nars ko itong si Mer at libre bayad pa, hehe.
    Please serious ako, pakibura lang iyong comment mo Mer bago pa matimbrehan ni Banong si Tisay.

  6. MPRivera Says:

    mga girls, payag na.

    hindi na ‘yan tatanggi na maging ninong ninyo sa kasal. sasagutin na ni pareng kaps ang all expense paid na honeymoon sa Paris o kaya’y sa Maldives at reception sa the fort.

    tanong lang – kailan at kanino kayo pakakasal?

  7. misscolasa Says:

    Miss Segundina mukhang minamadali na kayo ni kuya na magsawa sa buhay. I mean to get married na tama ba iyon?
    Ako naman ay may sad experience diyan sa pagmamadaling magpakasal.
    I pressured my boyfriend to marry me bago siya nagpunta ng US. But his parents said huwag muna daw baka hindi siya magsucced doon at useless lang daw iyong ginastos nila para sa kanya.
    Selfish right? Yes iyong mga parents niya ay may nakausap na palang pinay na merican citizen na pakakasalan kunwari to get a green card. After that he will come back naman daw para magpakasal kami. Doubt na ako noon so I prepared myself na magkakahiwalay kami nito balang araw.
    In short naging green card holder siya at citizen pa. Ang malungkot iyong babeng pinakasalan niya kunwari para magka-greencard ay di rin niya hiniwalayan despite the fact na apat na ang anak nito from different guys.
    And come to think na 10 years older iyong babae sa kanya. Inaway ko nga siya at pinagmumura sa telepono. Nang tanongin ko nga ang bwiset why he could do such an insulting thing to me na ipinagpalit na lang ako basta basta sa isang gurang ito ba naman ang sinagot niya sa akin, kasi masyado daw masarap yun old woman na iyon para sa kanya kaya minahal na daw niya ito. Gago, sariwang damo ipinagpalit sa dayami. Ang dayadaya naman niya.
    AT ANG MASAKLAP NITO AY MAY BO PA IYONG BABAE AT DI NALILIGO.

  8. MPRivera Says:

    misscolasa,

    matagal nang sawa sa buhay ang dalawang ‘yan. kita mo kung ano ano na lang ang pinaggagagawa hindi na naaawa kahit alam na dila lamang ang walang bukol sa kanilang magiging ninong sa kasal na dati nilang propesor na alam nila ang mga sikreto sa buhay?

    inaaawat ko na nga la’ang kaysa masabihan akong nanggagatong.

    he he heeeh!

    pareng kaps, peace tayo, hane?

  9. KapitanKidlat Says:

    hi colasa thanks for being so nice to mature people. mabuhay kayo

  10. KapitanKidlat Says:

    Salamat pareng Mags sa mga payo mo, ang totoo niyan ay pinakikiramdaman ko ang aking kumander. Mabuti na lang at di pa nakakahalata.
    Kaya naman kahit nirarayuma ay nagkukusa na akong gumawa ng mga gawaing bahay. Multi tasking nga tayo ngayon cook, janitor, hardinero at saka labanders, Baka bukas naman ay plantsaders tayo hehe.

  11. secondlady Says:

    Colasa I like your love story. Tanong ni Tiyang Amy may something something na bang nangyari before your bf left you for the US? Hehehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: