Archive for March, 2012

NOYNOYING, what kind of animal is this?

March 20, 2012

It’s not a bird, its not an animal, it’s not a fish… Then what it is?
It’s Noynoying!
Then what is Noynoying? Well Noynoying is an act or actual expressions of one’s laziness. A kind of political protest used by students and activists in the Philippines to awaken the president to what is perceived as his lackiing in urgency to address issues such as poverty and ever increasing prices of gasoline and other energy products.
Now Noynoying becomes a household word denoting laziness, lacking in initiative, and simply ineptness.
Well, are you lacking some direction in life? Is your skin is so thick that you can no longer listen to the call of others for change and improvement in your life? Don’t get mad, just laugh it off and do the Noynoying.

Yehey Ga-graduate na si Lauro

After four long years of honest cheating (lol), and after four long years of doing nothing but noynoying in school, Lauro will finally join the class 2012.

Sabi nga ng tatay niya, “come and eat my house, I will kill my cows and carabaos to celebration the graduation of my son Lauro.”

Lumang linya na iyan pero kitang-kita ang kislap sa mga mata ni aling Puring nang malaman na kasali pala sa mga magtatapos sa taon na ito si Lauro, ang kanilang nagiisang anak na lalaki. Hindi pero ang mga luha na tumulo sa mga mata ni aling puring sa kahihingi ng tulong sa Ina ng Awa ng mahaba-haba na ring panahon. Hindi sila nawalan ng pag-asa ng kaniyang husbandry, este mister pala, na si kuya Penggoy na balang araw ay natutupad din ang kanilang mga pangarap na magkaroon ng isang anak na titulado.

“Anong plano mo ngayon Lauro at ga-gradweyt ka na,” ang tanong ko sa kanya.

Mabilis ang sagot niya, “Maghahanap po ng trabaho ma’am.”

Napangiti ako kahit papaano. At least may pag-asa din pala si Lauro sa buhay. Apat na sa kaniyang mga barkada ang nasa kulungan ngayo sa mga ibat-ibang krimen na ginawa. Mabuti na lang at hindi gaanong napasama si Lauro. Nakuha din siya sa aming mga pangaral, nagtiyaga at kahit pasang-awa laman ay nakapagtapos din ng kursong business administration.

At bago kami nagkahiwalay muli ko siyang tinanong. “Ano bang trabaho ang gusto mong aplayan Lauro?”

“Ayaw ko ho sa gobyerno baka matuto po ako ng graft and corruption, ayaw ko rin sa pribado baka maging instrumento lang ako sa pagsasamantala ng mga negosyanteng tuso sa mga mamayan. Magtatayo po ako ng negosyo, isang maliit na sari-sari store to start, at isang tricycle na ipapasada po para naman makatulong sa publiko. Okay lang po ba ang aking plano sa buhay.”

Napangiti lang ako sabay sabi, “Iginagalang ko ang pasya mo Lauro. Sana ay magtagumpay ka.”

With all sincerity that I could see from his eyes, sinabi niya ito. “Salamat po, at sana balang araw ay maipagmamalaki din ninyo ako bilang isa sa mga nagtagumpay sa buhay na estudyante ninyo.”

Ewan ko kung ano ang naghihintay na kapalaran para kay Lauro. Pero isa lang ang natitiyak ko, nasa kanyang mga sariling kamay ang kapalaran ni Lauro.”

Good luck Lauro, sana magtagumpay ka sa ano mang mga balakin mo sa buhay.